KABANATA 8: Entice the Bachelor Next Door NANG MAGPAALAM ang araw sa kalangitan ay excited na pinaalis ko na rin ang mga bestfriend ko para magplano. Naghinala nga sila kung bakit parang may excited akong gawin na kalokohan kaya nagdahilan na lang ako na gusto kong mag-relax sa bath tub for hours kahit hindi naman. Kilala talaga ako masyado ng dalawang ‘yon. Kinuha ko ang laptop ko at masayang pumwesto sa veranda ng kwarto kung saan may table and chair at tanaw ang labas ng bahay maging ang kalangitan na madilim na ngayon. Pati nga ang bintana at veranda ni dela Merced ay tanaw! “Hmm, what should I search on this website kaya?” Bulong ko sa sarili saka nagtipa ng isisearch. How to seduce a guy Ways to seduce a guy Tips on seducing my neighbor Halos batukan ko ang sarili ko sa kalok

