KABANATA 9: Professor “Salamat dito. Hinugasan ko na rin para wala ka nang aalalahanin, ‘wag kang magpapa-late bukas I’ll be your first subject professor for tomorrow.” Ani Lawrence habang inaabot sa ‘kin ang plate na pinaglagyan ko ng Pesto Pasta kanina para sa kaniya. Nag-aalangan pa akong tumayo mula sa kinauupuan ko, talaga bang uuwi na ako nang walang napapala? Ang goal ko kasi sa pagpunta rito ay i-seduce si Lawrence dela Merced pero nagkuwentuhan lang naman kami buong oras na nandito ako sa loob ng bahay niya. Ang dami kong nalaman tuloy na patungkol sa kaniya. Hindi naman siya madaldal pero ako ‘yung nangulit sa usapan, of course gusto kong makilala ang ipapagyabang ko kila Sierra na ka-something ko. Kaso lang sobrang matured niya, as in. Hindi siya kagaya ng

