5 NANG marating namin ang lugar kung saan susunduin si Tanya ay agad na tinawagan ko siya gamit ang phone ni Lawrence. Nagulat pa nga siya nang makitang kami ang sumusundo sa kaniya at hindi sila Frida. Nakakaawa rin dahil may mga dala nga siyang bagahe at mukhang kaawa-awang naghihintay roon sa lugar, simple lang ang suot na pambahay at parang hindi handang naglayas sa kanila. “Maraming salamat po talaga, Miss Ariani at Sir Lawrence. Utang na loob ko po talaga sa inyo ‘to na tatanawin ko palagi!” Nahihiya niyang paulit-ulit na sinasabi magmula yata noong nakasakay siya sa loob ng sasakyan hanggang sa makarating kami rito ngayon sa loob ng bahay. “Walang problema, Tanya. Hindi ka na rin naman ibang tao dahil loyal employee at sekretarya pa ng asawa ko. Tutulungan ka namin dahil kaya na

