CHAPTER 06 LUMIPAS nang lumipas ang mga buwan at lalo akong naging abala sa pagtatrabaho sa kumpanya dahil ang planong projects lang namin ni Mr. Alvin noong mga nakaraang buwan ay nai-launch na ngayon at ang good news pa roon ay lumago nang lumago ang growth at success rate ng kumpanya dahil sa mga iyon. Hindi ako makapaniwala! This is a restaurant and resorts group of company at lumago nang lumago ang mga investor at korporasyon, maging sa international ay magkakaroon na rin kami ng branches. Pinaka-excited lang ako na magkaroon sa Europe at ako mismo ang magtatravel patungo roon para personal na pagmasdan kung gaano na kalayo ang narating ng kumpanyang ‘to. “Thank you so much for your hardwork, Mr. Alvin. You are one of this company’s secret recipe, bala ka ng tagumpay na nararanasa

