KABANATA 44: Thanksgiving Holiday Pagkatapos ng trabaho ko sa kumpanya ay nagpasama ako sa sekretarya ko papuntang mall. Holiday na rin kasi ngayong araw, tradisyon na namin sa kumpanya na gawing walang pasok kapag natataon na Thanksgiving Holiday sa ibang bansa bilang maliit na pahinga lang para sa mga hardworking employees. At hindi ako mapakali hanggat hindi ako nakakabigay ng kahit anong espesyal kay Lawrence ngayon, kahit holiday lang naman at wala pa ang anniversary namin. Wala lang, feeling ko deserve niya lang ang mga ganitong bagay at ganap. Gusto kong iparamdam sa kaniya na mahalaga siya sa ‘kin kahit na sinasabi ko na rin naman iyon sa kaniya araw-araw. Mayroon din kaming kaunting salu-salo mamaya sa bahay kasama ang iilan sa mga empleyado namin na head at managers, nasa bah

