KABANATA 45: Part Ways Natulala na lang ako nang makitang mula sa salas ay basag-basag na ang mga flower vase at salamin sa paligid, ang couch at ang coffee tables ay nakatabingi sa pwesto habang inaawat ang galit na galit ngayon na si Lawrence. Si Conrad naman ay nasa kabilang banda at nakaupo sa sahig habang hawak-hawak ang nagdudugo nitong labi at ilong ngayon. “Umalis ka dito bago ko suntukin ulit ‘yang mukha mo...” mapanganib na dinuro ni Lawrence si Conrad saka galit na kumalas mula sa mga taong hawak-hawak ang mga braso niya bilang pag-awat. Dahan-dahang tumayo si Conrad at lumayo sa kanila pero bago ito tuluyang lumabas ay may hinila siyang babae... hindi ko kilala ang babaeng iyon at wala naman siya rito kanina, kadarating niya lang ba habang nasa kwarto ako kanina? “Tara na

