CHAPTER 23 SUMAMA pabalik ng bahay nilang mag-asawa si Ariani Mariette nang sunduin siya ni Lawrence. Buong byahe ay panay lang ang pag-reply niya sa group chat nila magkakaibigan at hindi iniimik si Lawrence o kahit isang sulyap man lang. Sinusubukan siyang kausapin ng asawa pero hindi lang talaga niya ito pinapansin, isang tanong at isang sagot lamang at saka magkakaroon na ulit ng mahabang katahimikan. “We’re here.” Doon lang napansin ni Ariani na huminto na pala ang sasakyan ni Lawrence sa mismong harap ng bahay nilang dalawa. Patay-malisyang inayos ni Ariani ang mga gamit saka inilagay sa loob ng kaniyang bag at dire-diretsong tinanggal ang seatbelt para sana buksan na rin ang pinto ng sasakyan at lumabas doon. Kung hindi lang siya hinawakan ni Lawrence sa kaniyang braso para pig

