KINAGABIHAN, dumating si Lawrence at halos mahirapan maglakad sa mga bitbit na bulaklak, mga pagkaing paborito ni Ariani at mga healthy snacks. “Ano ‘yan?” Kunwa’y nagtatakang salubong ni Ariani sa asawa saka nagdire-diretso ng upo sa couch, bitbit ang bowl ng sliced fruits, nanonood ito ng news sa tv pero sa loob-loob niya ay wala naman siyang maintindihan doon. Kinakabahan siya nang husto. She’s silently praying and she’s hoping, cross-fingered, that Helga’s assumptions are right. Na sana tinatakot lang talaga ni Tanya ang asawa niya or anything basta walang kinalaman ang asawa niya... huwag sana nitong basagin ang kaniyang puso at ang puso ng magiging anak nila na isisilang pa lang sa mundo. “Your favorites...” Nag-iwas ng tingin si Ariani at kunwa’y walang pakialam na nanood muli

