Kabanata 4 - Gobernador

1829 Words

"Narinig mo ba ang iniutos ko?" tanong nito na lumabas sa magkabilang tainga ko. Naiwan kasi ang tingin ko sa itsura niya habang malalim ang iniisip. Iniisip ko na sayang talaga siya kasi kung may ugali lang siya ay baka ako pa ang manligaw sa kaniya. Pero hindi. Hindi ako nandito sa isla para manligaw. Wala akong panahon para sa kalokohan. "Tanya..." Kahit siya pa ang pinakamabiyayang nilalang na nilikha ng Diyos ay hindi magbabago ang impresyon ko na isa pa rin siya sa mayayabang na taong nakilala ko. "Maria Tanya..." Ayoko sa taong mayabang. At higit sa lahat ay aoko sa lalaking nandidikta ng babae. Sa madaling salita, ayoko sa kaniya. "Maria Tanya Aceveda!" malakas na tawag niya na ikinabalik ko sa ulirat. "A-Ano?! Ano na naman bang problema mo?!" malakas na reklamo ko nang ma

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD