Vanilla- checked Chocolate- checked Strawberry- checked Lahat ng stock full loaded. Mga coke, donuts, breads and sausages. Busy ako sa buong gabi. Kasama ko ngayon si Chico na tumanggap sa mga deliveries. Dapat si Kiko ang gagawa nito, nahuli lang ang delivery dahil sa lakas ng ulan kanina kaya ginabi na sila. Sumabay pa ang matinding traffic Maynila, kaya ganoon. Hinanda ko lahat ng mga resibo at ilang reports nang mga goods. I-encode ko lahat ng mga bago. Tinulungan ako ni Chico mag-bilang. Tinitignan isa-isa ang mga expiration dates. Mahirap nang may makalusot na isa. Grabe, nakakalito, pero nag-e-enjoy ako. Kumain muna kami nang dala ni Chico. Sarap na sarap ako sa pancit na maraming hipon at gulay. Luto daw ito ni China, aalis na siya bukas kaya nagkaroon nang konting salo-s

