"Anak, ang dami nito!? Baka wala ka nang pera niyan," Sabi ni nanay habang tinitignan ang mga biniling pasalubong ko. Pakiramdam ko tuloy parang galing akong ibang bansa. May balikbayan box na dala. "Tama na anak ang mga binibigay mo buwan-buwan sa amin na sahod mo," kalahati nang sahod ko pinapadala ko sa kanila. Ang iba ay pang-upa ko sa bahay, pangkain at ipon. Malaki ang nabago sa bahay namin, may palitada na ang buong bahay, may mga kisame na ang mga kwarto. Iba na rin ang bintana. Kung dati'y tinatakpan lang namin ito ng mga sako, ngayon ay sliding window na. Ang banyo naka-tiles na din. Susunod naman ang mga gamit sa bahay. Pintura at kisame ng sala at kusina. Soon, very soon. Hindi ko akalain na magagawa nila nanay at tatay ito. Ang sarap sa pakiramdam. Nakaka-ipon na a

