"Miss, okay ka lang?" tanong nang isa pang-lalaki na nakatayo sa gilid ko. Wala sa sariling tumango-tanggo ako, nilingon ang lasing na noon ay na kahiga na pala sa sahig. sinipa-sipa pa nito nang mahina ang lalaking lasing na naka handusay sa sahig.
"Saa-salamat!" Iyon lamang ang na sabi ko dahil nanginginig ako sa takot.
Umalis ang lalaking naka-itim na pantalon. Umiiling niyang inikot ang buong store. Pinulot ang isang boteng coke na sumabog sa sahig. Nakalahati na ang laman n'un. Ibinuhos niya ang natitira sa mukha ng lalaking lasing. Napasinghap ako sa ginawa niya. Parang wala naman sa lalaking nakahiga ang ginawa nito! He just murmured something.
Napabalik lingon ako sa lalaking kaharap nang magsalita ito.
"Tsk! Dapat 'di ka nag-iisa, Miss. Ako nga pala si Gio." Inabot niya kamay sa akin.
Kinuha ko iyon nang may panginginig.
"Mga kaibigan ko nga pala, si Larry and-----Harold."
Hina-hanap nitong turo sa huling lalaki. Y'ung Larry naman ay may kausap na sa kanyang telepono.
"Tsk! Tsk! Call mo na si intsik," utos nang Harold sa kasama nila kay si Gio.
"Kawawa naman si, Miss?" tumingin ito sa akin at ngumiti.
"Aahh, Aaaliyah," nanginginig na in-abot ko ang aking kamay sa naghihintay niyang kamay.
"Salamat pala sa inyo, na abala pa kayo. 'tong ungas na 'to. . . Lalasing-lasing 'di naman pala kaya." Nagngingitngit sa galit na dagdag ko. Dahilan para ikatawa nilang tatlo.
"Hayaan mo na, tumawag na si Larry ng pulis. Na sabihan na rin si intsik."
Tinapik pa nito ang balikat ko, sinipat ang buo kong katawan kung may sugat. Agad nag-init ang mga pisngi ko sa ginawa nitong pagsusuri sa kabuuan ko.
Naglakad sila patungo sa salaming pader ng store.
"Oo nga pala, bago ka dito? Ngayon ka lang kasi namin na kita." dagdag nito habang naka-titig sa akin.
Bakit parang na-concious ako bigla sa aking itsura. Pinamulahanan ako nang mga pisngi ko, nakakahiya!
Tumango lang ako bilang sagot sa kanila.
Tumalikod na ako sa mga lalaki. Nagtungo sa storage room para-- makahinga? Hindi ko na mamalayang pini-pigilan ko na palang huminga. Dahil ba sa nangyari? Sa takot?
O sa mga titig niya?
"Aaliyah."
Mahinang tawag nito sa akin. Pero narinig ko iyon. Malinaw. Bago ako maka-pasok sa loob ng storage room. Nagkunwari lang na hindi ko narinig, pero sana lumingon ako, 'di ba?
Hindi umalis ang tatlo sa convenience store. Sinamahan nila ako hanggang sa dumating ang mga kapulisan. Dumating din si intsik na naka-pantulog pa.
Hindi nila malaman kung paano pipigilan ang tawa nila sa nakikitang itsura ni Chico.
Naka-terno panjama ito na polka-dots with matching fur slippers, may hat din ito na bala-hibohin sa harap.
Nawala ang kaba at takot ko panandalian dahil kay intsik. Haha! Para siyang isa sa mga alalay ni Santa Claus. Polka-dots nga lang ang uniform nito.
Nilingon niya ang tatlo na busy sa pagbubulungan, may palingon-lingon pa sila sa akin.
Anong problema ng mga 'to? Nakaka-ilang, ah? Lalo na sa mga tingin ng Harold na y'un.
"Ano nangyari? Hindi ka ba sinaktan ng lalakin 'yun?" nag-aalalang tanong ni Chico sa akin. Napakagat ako sa ibabang labi ko upang mapigilang mapangiti. Hindi ko agad na sagot mga tanong niya. Nangunot naman ang noo ni Chico, sinulyapan ang tatlo na naka-ngisi pa rin. Nakatingin sa aming dalawa. Sa akin. Nagtataka man, hindi ko na lang pinansin iyon.
Nag-uusap ang mga pulis, ikinuwento nila Harold ang buong pangyayari. Nangako naman ang mga pulis na pagbabayaran ng lalaki lahat ng mga nasira niyang mga paninda.
Galit na galit na dinuro-duro ni intsik ang lasing na ngayon ay nakaupo sa Police car. Naka-posas ang mga kamay nito, at naka-yuko. Halatang inaantok pa.
Ngayon ko lang na pansin na may pasa pala ito sa kanang pisngi. Narinig kong sinabi ni Larry na si Harold ang may gawa nu'n, hindi ko na na pansin kanina kung paano at kelan nangyari dahil sa pagkabigla at bilis ng mga pangyayari.
Ilang oras pa ang nagdaan nandito pa rin sila. Takaw attention na rin ang Police car na nakaparada sa harap ng convenience store.
Maliwanag na ang paligid, dumating na ang ka-arelyebo kong si Mira. Na busy ngayon sa pag-aayos ng mga display na pwede pang ibenta.
Ngunit sabi ni 'Chico the intsik' iuwi ko na lang 'yon tutal naman ay babayaran naman lahat ng pamilya ng lalaking lasing.
Gaya nang sabi ni Chico, sinupot lahat to ni Mira bago ibinigay sa akin. Sayang din pandagdag sa mga stock ko sa bahay.
Wow, 'di ba? Sana pala dinagdagan pa ni manong lasing ang mga sinira niya. Sana sinamahan niya ng mga canned goods and chocolate. Lahat sana! Kung alam ko lang sinabi ko na sa kanya lahat!
Napa-bungisngis ako sa na isip.
Pagkadating ng pamilya ng lalaki, dinala na ito sa Police station para bigyan nang kaukulang parusa. Naareglo naman kaya lang kailangan pa rin nila ito i-report sa head office nila.
Nagbayad ang pamilya at humingi nang tawad. Gigil na gigil ang asawa niyang babae dito. Medyo mataba at halatang na gising mula sa pagkaka-tulog. Wala pa nga yata itong suot na bra sa sobrang pagmamadali niya.
Pagod akong humiga sa kama pagka-uwi. Tumitig sa kisameng mangitim-ngitim, hindi ko akalaing may mangyayaring gano'ng eksena. Sa ilang buwan ko sa pagtatrabaho ngayon ko lamang naranasan ang gan'on.
Sana 'di na maulit pa, nakaka-takot! Buti na lang dumating sila Harold.
Ilang sandali pa ako sa gan'ong pwesto ng magpasyang maligo. Gutom na rin ako, wala pa akong kain. Kagabi pa ng alas-diyes ang huling kain ko. Oras 'yon ng meryenda sa trabaho, 'di na na sundan pa ulit dahil sa mga nangyari.
Humugot ako nang malalim na hangin bago tumayo. Niluto ko ang isang pack ng Payless, kinuha ang tinapay na galing sa convenience store at kinain 'yon.
Maggagabi na nang magising ako, binigyan ako ng day-off ngayon araw ngunit mas gusto ko pa rin ang pumasok. Sayang din ito, pandagdag ipon ko.
"Kamusta ka, Aaliyah? Ikaw uwi na, ako na ta-tao dito sa store. Magpahinga ka na lang." sa lubong sa akin ni Chico, habang-inayos ang mga donuts sa estante.
Alas-siyete na nang gabi. May mga costumer's sa labas na kaupo at kuma-kain ng mga binili nila. May mga mangilan-ngilan din namimili dito sa loob.
"Kaya ko na, sayang ang kita. Pang-milktea din 'yun." natatawang biro ko kay Chico. Baka sakali lang naman . . .
"Two hundred eighty pesos, Sir." saad ko sa costumer na bumili. Agad ko iyon pi-nunch sa counter. "Here's your changed. Thank you!" iniabot ko ang sa kanya ang sukli, agad naman niya itong kinuha ng lalaki at umalis na.
"Siya! Siya! Siya!."
winagwag ni Chico ang mga kamay at lumapit sa counter.
"Magpapa-deliver na ako ng dinner na 'tin." kinuha niya ang cellphone sa ilalim ng table ng counter
"Sasamahan muna kita dito. Pero hanggang twelve lang, ha? Manunuod pa kasi ako ng mmmaruto," dagdag hirit pa niya.
Natatawa talaga ako sa amo kong ito. Kahit papaano naging kaibigan ko na silang dalawa ni Mira. Pero parang may something sa kanilang dalawa, eh.
Hmmm? Maybe-- ayan! Umiiral na naman ang pagka-tsismosa ko.
Tinuon ko na lang sa trabaho ang atensiyon. Nagbabaka sakaling---may pa snack pa si 'Chico the Intsik'. Milktea with Takkoyaki sana. Malay mo naman, 'di ba? Hindi masamang mangarap.
Masarap ang libre, eh.