Chapter 1

1834 Words
Maaga akong na gising ngayong araw. Nakangiting niligpit ko ang mga ginamit na higaan. Hinalikan ang litratong nakapatong sa maliit na desk na nasa tabi ng higaan ko. "Good morning, nanay at tatay!" Tatlo kami sa larawan, kuha ito noong gumaduate ako ng kolehiyo sa aming bayan sa Pangasinan. Computer Science lang ang kinuha ko. Isang vocational course. Balak ko mag-aral na lang muli kapag naka- ipon na nang sapat na pera. Kailangan ko munang kumita para sa pampagamot at iba pang gastusin sa bahay. Mga may altrapisyon na sila nanay at tatay. Hindi na kakayanin pa ni nanay na maglako ng kakanin sa bayan. Parehas na silang mga senior at may mga iniinda pang mga sakit. Mahirap na din baka ma-aksidente pa si tatay habang nagtatrabaho bilang isang construction worker. Mainit pa naman ang panahon ngayon! Delikado sa mga matataas ang BP. Ayaw ko man mapalayo sa kanilang dalawa, ngunit kailangan. Tumatanda na rin sila, gusto ko naman mapahinga sila kahit man lang sa konting tulong ko. Kaya nga magbabaka-sakaling dito sa Maynila ay mababago ang aming buhay. Kung sususwertihin makaipon agad, makakabalik eskwela pa ako. Kinuha ko ang tuwalyang gagamitin, isinabit ko ito sa aking balikat. Nilabas ang plinant'yang su-suotin para sa pupuntahan kong interview ngayong araw. Lumabas na ako ng silid at agad nag-tungo sa kusina para magsaing sa maliit na rice cooker. Magbabaon na lang ako ng kanin para maka-tipid. "Ulam na lang!" sambit ko with sabay palakpak pa. Nagpainit ako ng tubig para sa kape, may tinapay pa naman akong tira kahapon. Pwede na ito para sa almusal ko. Nilagyan ko iyon ng paborito kong peanut butter. Masaya ang araw ko ngayon. Happy lang para walang bad vibes na lumapit. Positibo ako na makakahanap ngayon nang trabaho. Kaya bad luck go away! Hindi kita kailangan. Apat ang pupuntahan kong interview ngayong araw. Isang sa furniture shop as a sales lady. Sa fast food chain as service crew naman. Isang attendant sa isang shop ng mga damit at cashier sa isang convenience store. Tirik na tirik ang araw na tiningala ko ang mataas na building. Isa itong agency. Maraming mga naka-pila. Mga kapwa ko aplikante. Ini-ayos ko ang damit bago nagtungo sa sinabi nang babaeng na pagtanungan ko. Pang huli na 'to ngayong araw. Sana swertihin na! Kagaya ng mga na unang tanong sa ibang trabahong inaapliyan ko. Confident kong sinagot lahat. May konting tonong ilokano man ako magsalita . . .ayos lang 'yon! And I'am proud to be. Ngumiti lang ako buong duration ng interview. Nangakong pagbubutihan ko ang inatas sa aking trabaho at siyempre hindi laging liliban kung hindi kailangan na kailangan. Nag-inat ako ng katawan paglabas ng ahensiyang iyon. Grabe, sakit sa katawan! Naninigas na ang mga binti ko. Ikaw ba naman maglakad at tumayo buong maghapon, eh!? Suot ko pa itong minana ko sa aking mga ninunong two inches na sapatos. "Hmmmm," na pa-hum ako sa na amoy. Biglang kumalam ang tiyan ko sa gutom. Ang bango ng mga niluluto nilang pagkain sa mga bawat kanto. Nakakagutom! Hindi ko malaman ang gagawin sa mga sasakyan. Para akong nakikipagpatintero sa kanila. Wala man lang gustong magpadaan. Bubusinahan ka pa agad na halos ikatalon mo na sa kaba. Naghintay pa ako ng mga makakasamang-tatawid. Hindi ako sanay sa ganito, kaya takot na takot ako tumawid. Wala kasi ganitong traffic sa probinsiya namin. "Good morning! Is this Miss Aaliyah Carpio?" magiliw na sabi ng babae sa kabilang linya. Kinakabahan man, sinagot ko ito nang may paggalang. Nang matapos ang tawag, na pa-tili ako nang malamang pumasa ako sa trabahong inaplayan ko kahapon. Tumayo ako sa kamang maliit at tumalon-talon. Kinuha ang litrato naming pamilya at madiin ko itong hinalikan. Natatawa ako sa sariling nagpasalamat sa Diyos. Naka-tingalang pinagsalikop ko ang mga kamay sa ilalim ng baba ko. "Thank you Lord," masiglang pagpapasalamat ko sa kanya. "So, Miss Carpio, pang gabi ang trabaho mo. May incentives ka at bonus kapag maayos mong na gawa ang trabaho mo. Ayaw ko nang tamad at late kung pumasok, ha?" sabi nang kausap kong intsik na lalaki. Manager ito ng convenience store na papasukan ko. "Kung 'di ka agad makaka-pasok o may emergency, agad mo 'ko i-text. Ayaw ko nang biglaan, ah? At least three hours prior or a day mo sabihin." Tumango-tango naman ako, na ka-upo kami sa loob ng maliit na office ng store. O, mas tamang sabihin na storage room. Dito sa akin pina-pirmahan ang contrata ko at discussing na rin about sa mga rules and regulations ng store. "Sa mga benefits naman. . . After six months pa y'un. Kasi ngayon, contractual ka lang muna. Tataas din sahod mo in the next seventh month." pagpapatuloy ng kausap ko. Ang cute ng accent niya. Tsekwa kasi! "Congratulations, anak. Pagbutihan mo ang trabaho mo, ha? Kahit maliit lang ang sahod o mahirap ang trabaho, gawin mo pa rin ang best mo," sabi ni tatay. Nakaupo sila sa silyang kawayan namin sa bahay sa probinsya. Missed na missed ko na sila. Agad kong ibinalita sa kanila ang good news. Naiyak pa nga ako ng maka-video chat sila. Ngayon lang kasi ako na walay ng ganito katagal. Thanks to my cousin Sabel. Naka-video call ko sila nanay, wala kasi cellphone pang messenger ang nanay at tatay. De' pindot pa. "Yes po, 'tay! Ako pa ba!? Simple lang naman po 'yong trabaho sa 7/11. Alam mo 'yun 'tay sa bayan . . . kung saan tayo bumili ng Siopao ni nanay." pagpapaalala ko sa kanya. "Kaso pang gabi ako pero keri na 'yun, 'nay, 'tay. Mas malaki kikitain ko. Huwag lang sanang may lokong-- lolokohin ako. . . Nakuuu . . ." hindi ko na natapos ang sasabihin nang magsalita ang nanay. "Anak, mag-iingat ka, ha? Alam mo namang iba ang Maynila." nag-aalalang wika niya. Ngumiti lang ako sa kanila. Pini-pigilan kong maiyak. Hindi rin nag-tagal tinapos ko na ang tawag para makapag-pahinga na sila. "Here's your change, ma'am!" naka-ngiting sabi ko sa babaeng maganda na bumili ng meryenda niyo. "Aaliyaaaaaah . ." tawag ng intsik kong amo. Hays! Nakaka-ilang tawag na ba 'to? Masyadong demanding! Grabe lang, dami kaya costumers! Tsss! "Bakit ganito ayos ng mga frozen coke's na 'tin? Sa- a- abi ko sa 'yo lagay doon sa likod. Ikaw, ha? Kulit ka." tinuturo nito ang malaking salamin na refrigerator sa likod ng mga estante. Napakamot na lang ako nang batok ko. Kanina inayos ko na 'yun. May mga binatilyong salbahe lang talaga. Ginu-gulo nila ang mga naka-display sa estante. Kukuha na nga lang d'un pa sa pinakalikod ng fridge! "Hay! Buhay, ohhhh, nakaka-pagod!" bulalas ko sa sarili. Mag-isa lamang ako dito. Lahat nang trabaho from mag-mop sa sahig, tumao sa cashier, mag-ayos ng mga paninda, mag-lagay ng mga bagong stocks, mag-inventory hanggang sa pagiging ka-tsikahan ng amo kong intsik. Natatawa ako sa pakikinig ng mga rants nito sa ibang costumer's. Pabulong 'tong mag-salita at kapag nand'yan na sa harapan nito, sabay ngiti ng matamis. Nawawala ang mga singkit niyang mga mata. So cute. Natatawa akong napapa-iling. Mabilis lumipas ang mga araw. Ilang buwan na rin ako na pang-gabi sa trabaho. Mangilan-ngilan na lang ang pumapasok na costumer's sa madaling araw. Kaya nakaka-pagpahinga pa ako. Sinabayan ko ang kanta sa speaker. Ginawa ko pang micropono ang dulo nang handle ng mop. Nag-inarteng nasa stage ako at buong tapang na kumakanta. "Hindi ko kayang tanggapin na mawawala ka na sa akiiiiinnn. Naaaapaka saakit naaa marinig, na ayaw mo sa aaaaakinnn." Kinumpas ko ang mga kamay, iniling-iling ang ulo ko. "Kirooot ang dulot sa king damdaminnnnn, di-----. " Hindi ko na natapos ang kinakanta ko nang tumunog ang chime. Hudyat na may costumer na pumasok. Tumikhim akong iginilid ang mop. Nagtungo sa cashier desk para kunwari abala, daw. "Good morning po, sir!?" Masayang bati ko, tinignan ang pumasok. Isang lalaking mukhang lasing. Hindi nito mai-deretso nang mabuti ang lakad niya. Naka-suot ito ng puting kupas na t-shirt na may mga mantsa pa sa gilid at sa kanyang manggas. Naka -suot din ito nang maong na pantalon. Naka -tsinelas at may hawak na sumbrero sa isa nitong kamay. Naglakad ito sa loob. Medyo sumu-suray-suray. Hirap siyang tumayo nang tuwid. Muntikan pang mabungo sa lamesang nasa gilid. Sus me! Napatampal ako sa aking noo. May hinahanap siya sa estante. Umikot-ikot siya doon. Hindi ako umimik at tahimik na pinagmamasdan ang lalaki. Kina-kabahan man, sinikap kong ngumiti sa kanya na patuloy sa paghahanap nang kung ano ang lalaki. Naka-kunot ang noo nito habang tumitingin-tingin. Nilapitan ko siya sa kabilang lane ng store. I cringed my nose. Ano ba 'yan?Ang baho naman nito. Pinag-halong alak at sigarilyo in-one. Sabay pa-simpleng kamot sa ilamin ng ilong ko. "Sir, ano po hina-hanap niyo?" wika ko sa lalaki. Umusog namg kaunti sa likuran ko. "Walaa ba kayong ano--ahh, 'yun- 'yun!" nagpatuloy ang lalaki sa paghahanap. Sinu-sundan ko lamang siya. Nagkukunwaring nag-aayos ng ibang paninda. "Ano po 'yun, sir? Hahanapin ko po para sa inyo." "May redhorse ba kayo? 'yung malamig." "Sorry, wala po. Meron lang mga beer-in-caned lang po." naglakad s'ya sa malaking ref, tinuro ang mga brands ng beer. "Ito-----." Kukuha na sana ako ng canned beer para ipakita sa lalaki, nang biglang malakas na mag-salita ito. "Tang-na naman, oh! Anuuu klasinnng tindaaaaan tooo?" iritadong kumamot ito sa ulo at nilibot ang buong store na pa-suray-suray. "Kuha mo kooo . . . kung hindi tatamaan kaaaa!" Dinuro-duro pa niya ako. Sa sobrang takot, sinabihan ko na lang siya na umalis na lang. Kung hindi tatawag ako ng pulis. Akmang lalakad na ako papunta sa counter. Nang itapon nito ang mga naka-hilerang biscuit at tinapay. Kumuha pa ito ng mga bottled coke na nakalagay sa gilid para ibato sa kung saan dahilan para sumabog at mabasa ang nilampaso kong sahig kanina. I can't move, patuloy pa rin ang lalaki sa pag-wawala. Madami nang nagkalat. Pinapakalma ko ang lalaki, para tumigil na siya. Lumapit siya sa puwesto ko, humakbang naman ako patalikod. Yumakap ako sa lamesang malapit sa akin. Itinaas niya ang kanang kamay akmang sa-sampalin niya ako. Itina-gilid ko ang ulo ko, hini-hintay ang palad na da-dapo sa aking pisngi. Ngunit segundo ang lumipas ay wala akong naramdaman. Nang tingalain ko ito, isang matangkad na lalaki ang bumungad sa harapan ko. Hawak nito ang kamao ng lalaking lasing na nabitin sa ere. Masama niya itong tinitigan. Parang tumigil ang oras sa mga pangyayari. Parang nag-slow-mo ang lahat. Kung hindi dumating ang gwapong matangkad na ito. Baka tabingi na ang pisngi ko ngayon. Tinitigan ko siya. Nagpasalamat nang tahimik sa kanyang pagdating. Parang ganito ang mga nangyayari sa w*****d. Siya ba ang knights in black pants kong taga-pagligtas? Lumingon siya sa akin, dahan-dahan. Ang mga matang 'yon. Parang wala nang iba sa paningin ko. Tanging nasa kanya lang. Umawang ang kanyang bibig, may sinabi siya ngunit hindi ko na narinig. Nabibinge na ba ako? Itinagilid niya ang ulo niya, ngumiti. Oh, me Lord! "Ehem!?" nagulat ako sa malakas na tikhim. May humawak sa aking balikat mula sa likuran ko. Nanginig ako sa takot. Nanigas. "Ahhh!!!!!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD