Chapter 8

2329 Words
"Pwede na kayo magtayo ng restaurant, this is good." Komento niya pagkasubo ng shanghai. Punong puno ang bibig nito. Halatang sarap na sarap sa mga nakahain. Lahat ng mga pagkain sa lamesa nilantakan niya. Hindi sa nanghuhusga, ha. Parang patay gutom siya!? Mayaman ba talaga, 'to? Bakit parang ngayon lang nakakain? Ginugutom kaya siya ng mga magulang niya? "Hmm, suggestions ko din sa kanya na magtayo ng restaurant. But she's planning to go abroad." Sabay kami kumain dito sa loob ng apartment ko. Ang dinner na usapan, naging late lunch. As I promised, lahat ng lulutuin namin ni Mira matitikman niya. Especially my Leche flan ala Aaliyah. Nauna pa nga n'yang nilantakan 'yon. Naka-dalawang llanera kami agad. No, hindi pala! Half lang sa akin. Sa kanya na lahat. Nagrequest pa magpaluto ulit. He wants to learn how to make it. Okay lang naman, basta sagot niya lahat ng gastos. Or maybe, ibe-benta ko na lang sa kanya? Tama, kikita pa ako! "My lola used to cooked this for me way back then. I remembered, dinuguyan? The black blood with siling green." "Dinuguyan? Dinugong-duyan?" Nang mapagtanto ang ibig n'yang sabihin. Tumawa ako nang tumawa. So cute, slang ang dinuguan niya. Tunog mayaman na tuloy. "Ummm, sarap n'un. Every time she was cooking, hindi na ako kakain the day before para lang madaming makain." Kwento niya habang patuloy sa pagkain. Inabot ko ang bote ng softdrinks. Nilagyan ang mga baso. Busog na ako. Hindi na rin makakain. Siguro dahil kami ni Mira ang nagluto. Umay na sa amoy at lasa. "Nas'an na siya ngayon?" Napahinto ito sa pagsubo. Nabitin sa ere ang kutsara. Napanguso ito bago umiling. "Wala na siya. Matagal na. High school pa lang ako namatay na siya dahil sa lung cancer." "S-soorry," nag-sisi ako na tinanong ko pa. Nagbago tuloy ang reaksiyon niya. Iniabot ang baso. Uminom. Yumuko siya sandali, bago ipinagpatuloy ang pagkain. "Ano pa mga niluluto niya or mga favorite's mo?" Masayang tanong ko, sana kahit papaano hindi na siya ma-sad. Halatang love niya ang lola niya. Kahit matagal nang panahon na wala ito, nalulungkot pa rin siya. Nangungulila. "Kare-kare, Sinigang na hipon, and the best kanyang Dinuguyan." "Dinugu-an," may diin sa huling kataga. Para matandaan niya. Na i-kwento niya na Kapampangan pala ang kanyang lola. Ito ang nagpalaki sa kanya. Habang ang mga magulang ay busy sa mga negosyo sa ibang bansa. Half-Italian ang ina niya. Kaya pala may lahi. Sabi niya, ang lola na nito ang tumayong magulang niya. Holidays lang niya nakakasama ang mga magulang or kapag siya ang bibisita sa kanila abroad. Ang ina niya ang nagpapatakbo sa ilang mga restaurant ng kanilang pamilya. Nagkasakit ang tiyahin niya kaya ang ina nito ang pumalit. Sinuportahan naman ng kanyang ama ang ina niya habang nagtatayo ng sariling rental cars ang ama doon. Na kalauna'y naging matagumpay hanggang sa nagkaroon na sila ng sariling dealership dito at sa iba pang mga bansa. Kaya pala may lungkot pa sa mga mata niya ng mabanggit ang lola niya. Kulang siya sa aruga ng mga magulang. Nangungulila siya sa pagmamahal ng lola. "Para sa 'yo din naman lahat nang ginagawa nila kaya nagtatrabaho sila ng mabuti." Paliwanag ko sa kanya. Para mabawasan ang kanyang lungkot. Na-iinis siya sa mga magulang dahil gusto nila siyang kontrolin. Lalo na sa business na ayaw niya. Humm, kasi happy go lucky pa lang siya. Kumbaga nasa kanya na lahat kaya siguro ayaw niya pang magseryoso sa trabahong ipapamana sa kanya. Sabagay, madami naman na siyang business. Kumikita na kahit walang ginagawa. Sana all. But I admire him sa pagmamahal nito sa kanyang lola. Hindi lang siguro ngayon . . . but soon, tatanggapin na rin niya ang mga inaatas nilang trabaho. *** Mag-ga-gabi na nang umalis siya. Pupunta pa raw ito sa kanilang bar, siya ang magmamanage doon dahil wala ang kaibigan niyang si Larry na siyang tumatayong manager ng bar. Ginugol ko ang natirang oras para maglinis ng bahay. Tumawag si Mira na gagabihin daw o bukas na makakapunta dito. Baka nga hindi na kasi may trabaho na iyon sa umaga. Ako naman sa gabi. Hinugasan ko lahat ng mga pinaglutuan sa banyo. Tinapon ang mga basura. May natira pang mga ulam. Ito na lang hapunan ko. Habang kumakain tinawagan ko sila nanay, sa una hindi sila agad nakasagot. Sinabihan ko si Sabel na tatawag ako ngayon. Hindi pa siya online, siguro wala pa sa bahay. Ipinagpatuloy ko na lang ang pagkain. Patapos na ako nang makatanggap ng tawag. "Hello, my beautiful cousin next to me," Bungad niya. Tutok na tutok sa kamera ang mukha nito. Ginagawang salamin. Pinatunog pa niya ang mga labi. Bago nag-pout. "Masira ang kamera, Shabilita!" Uminom ako ng tubig. Saka sumubo sa natirang panghimagas. Hindi naman siguro ako magkakasakit ng diabetes nito, no? "Asa ka, ate. Uwi kana pala, birthday ko na sa susunod na buwan." Biglang umamo ang tinig nito. Sus, naglalambing para sa regalo. "Happy birthday na lang," walang gana kong saad. Napa-ugol ito sa inis. Napasandal sa kawayang upuan namin sa bahay. Narinig ko sa background ang tawa ni nanay. Parang kapatid ko na ang babaeng 'to, parehas kami na nag-iisang anak. Kaming dalawa lang ang laging magkasama. Siya nga ang baby ko noong maliit pa siya. Ako ang nag-alaga dito. Siya ang paborito kong laruan. Manikang . . . hindi naman maganda, bungal, ma-itim at mataba. Napangiti ako ng ma-alala ang mga kakulitan ko noon. Kung paano ko siya paiyakin. Dinadala ko siya sa gitna ng bukid saka tatakbuhan. Iyak siya ng iyak kakahabol sa akin. Tawa naman ako nang tawa nang madapa ito sa putikan. Umuwi ako na may kasamang batang putik. Lahat nang makakakita sa amin ay tumatawa sa itsura ng kasama ko. "Ang bait mo talagang ate. Fifteen na 'ko. Wala ka bang gift sa akin? Pero kung bibilan mo ulit ako ng dress, ako na lang pipili. Makamanang ka, eh" Wow, ha? Nanglait pa! "Bakit naman kita bibilan? Wala akong pera. " Ipinaba ko sa lamesa ang cellphone, inayos ito na nakaharap pa rin sa akin. Kinuha ko ang llanera. Tinatakam siya sa bawat subo, pumipikit ako habang ninanamnan. Tumitig siya sa kamera inilapit pa ito. Saka na pa-wow. "Sarap naman, ate!? Luto mo?" "Oo, nagpatulong ang kaibigan ko dito. May nagpaluto kasi sa kanya." Ang sarap talaga! Sinimot ko ang syrup nito. Last na ito. Ubos na. Matagal na naman ako hindi makakakain nang ganito. "Pag-uwi mo ate, magluto ka dito, ha?" Paki-usap niya. Nagpa-cute pa ito. "Oo na po! nas'an sila nanay?" Gumulo ang kamera, iniabot nito kay nanay. Na nasa kabilang upuan. Nagtutupi ito ng mga nilabhang damit. "Anak, kamusta?" "Okay naman 'nay, ito katatapos lang po kumain. Kumain na po kayo?" Nilambingan ko ang boses, ilang buwan na ba nang huling uwi ko? May tatlong buwan na yata. Sa fiesta uuwi ako kahit dalawang araw lang. Miss na miss 'ko na sila. Sumilip si tatay sa kamera, ngumiti ito sa akin. Inakbayan ang nanay. Kahit kelan talaga PDA si tatay. Nagkwento sila sa akin ng mga kung ano-ano. Nakipagkulitan ako kay Sabel. Uuwi talaga ako! Makakatikim siya sa akin. *** "Good morning, maganda kong kaibigan na pinya!!" Argh!! Ina-antok pa ako. Napa-ungol ako. Inilubog ko ang sariling ulo sa unan habang nakapatong sa tenga ang cellphone. Ayaw ko sanang sagutin. Makulit lang kung sino ang tumatawag. Kanina pa ito ring nang ring. Hindi ko na natiis pa at sinagot. "Hmmmmmmmm, hugis mangga ang mukha?" Hindi ko tinignan kung sino ang tumawag. Nalaman ko na lang nang magsalita ito. "Ala s'ya! Gising na! Past ten na, may good news ako sezz!" "Mamaya na 'yan pagod na pagod pa ako." "Hindi, may mga gusto ulit magpaluto sa atin. Laki ng binayad ni Chico!. Go ako d'yan after ng shift ko. . . . . . . . ." " . . . . ," Rinig kong sabi niya, nilalabanan ko naman talaga. Kaso hindi na kaya ng mga mata ko. Hindi ko na narinig ang iba pa nitong sinabi dahil sa hinigop na ako nang liwanag ng dilim. "Ahmmmm, ahh," Napabangon ako. Ang sakit. Parang may mga kulog sa loob ng tiyan ko. Nag-vi-vibrate ito. Napahawak ako dito at mabilis na tumakbo palabas ng kwarto patungong banyo. Mabilis. Nagmamadaling nilabas ko lahat ng sakit na halos ika-nginig na ng katawan ko. Ang sakit, ano bang nakain ko? Siguro dahil sa nasobrahan ko ng kain. O, baka sira na kagabi!? Umupo ako sa sofa, tinignan ang buong bahay. Wala nang mga kalat, mamaya papasok na ako. Mabibigat pa rin ang mga mata ko. Parang gusto pang pumikit ulit. Ang katawan kong magaan. Para akong lumulutang. Parang gusto ko nang lumipad papunta sa higaan. Hindi ko na napigil humiga muli sa sofa. Itinakip sa noo ang isang kamay. Siguro talagang na sagad ang tawanan ko sa dalawang araw na sobrang busy. Sana okay lang si Mira, may trabaho ngayon 'yon. Teka? Parang narinig ko siyang nandito, kanina? kagabi? Kagabi nga ba? Nanahinip lang siguro ako! Hindi ko na rin matandaan mga sinasabi niya. Hmp, baka tumatakbo na naman ang imahinasyon ko. Gumagawa na naman ng sariling storya. Matutupad ko kaya ang pangarap kong 'yon? O, hanggang pangarap na lang din? Knock! Knock! Knock! Napadilat ako ng may kumatok. Nangunot ang noo ko sa pagtataka. Sino ang bibisita sa akin? Siya ba? Wala naman kami usapan. Tumayo ako, kuryosong makita kung sino iyon. "Beshie, how are you feeling?" Tuloy-tuloy itong pumasok pagkabukas ko ng pinto. Lumapit sa lamesa. Inilagay ang dalang supot at bag. Lumapit ako sa kanyang nakanguso. "Oh, bakit ganyan ang itsura na 'tin? Kagigising mo lang?" Inilabas niya ang laman ng supot, banana que at dalawang malamig na sakto. Tumango-tango na lang ako. Padabog na umupo sa plastic na upuan. Pumangalumbaba. "Ikain mo na muna 'yan. May dala akong ulam na 'tin. May kanin ka na ba?" Umiling akong nakapangalumbaba pa rin. Masarap ang amoy nang dala niya. Kaso, wala ako sa mood kumain. Hinahatak pa rin ako ng higaan. Oras na nang tanghalian, katatapos lang ng shift nito. Pumalit naman si Kiko, mamayang seven ako naman ang may pasok. Hay, sana bumagal ang oras! "Kain na tayo sis, mamaya mo na 'yang saging meryenda mo. Gutom na akesh, daming tao sa store. Karamihan mga studyante. Holiday pala ngayon!? Hindi ko alam," Kumuha na siya ng mga plato, hinahayaan ko na lang siya. Kinuha ko ang coke, tinunga iyon. Agad na humagod sa lalamunan ko ang lamig. Naramdaman kong nagprotesta ang t'yan ko. Napahawak ako dito at namilipit. "Anyare sa 'yo. Meron ka?" "Wala, paggising ko masakit na t'yan ko. Baka panis na 'yong menudo kagabi. Hindi ko na kasi ininit pa." Tumango ito, sinabihan na akong kumain. Naglapag siya ng Loperamid sa tabi ng plato ko. Nagpasalamat ako. Nagsandok ng sariling ulam. Hay, buti na lang may dala siyang tatlong supot na kanin. At dalawang klaseng ulam. Monggo at dalawang piniritong galunggong. Tamad at walang gana man, kumain pa rin ako. Kailangan ko ito mamaya, ilang oras na lang shift ko na. Mahirap na baka doon pa ako magkalat. "Thank you talaga, sis. Hindi ko magagawa lahat ng pagkain na 'yon kung hindi dahil sa 'yo." Hinawakan niya ang braso ko. "Kagaya nang na pag-usapan na 'tin. Magbabayad ako ng gas at tubig mo." Tumango naman ako, any day mauubos na rin ang tanke ko, sa tubig naman konti lang siguro ang nadagdag. "Malaki kasi binayad ni Chico. Hati tayo sa matitira." Inilabas niya ang pera. Tinignan ko 'yon. Inabutan niya ako ng apat na libo. "Ito ang bayad sa gas, sis." Nag-abot ulit siya ng limang daan. Ang dami naman? Hindi naman ako nag-e-expect na babayaran niya talaga ako. Gas at tubig lang, okay na. Ibinalik ko sa kanya ang three-five. Isang libo lang ang kinuha ko. Tama na 'to, sobra pa nga. "Hindi sis, sobrang pagod mo din. Tapos, ayan hinugasan mo pa lahat na dapat ako ang gagawa. Sige na may apat na libo naman ako." Binalik niya sa akin, ayaw kong tanggapin. Hindi dahil hindi ko deserve. Tama siya, sobrang pagod 'ko. Pero mas kailangan niya. "Sa 'yo na sapat na ito sa akin. Kakailanganin mo 'yan." Ngumiti siya, nagpasalamat. Ngunit hindi pumayag na one-K lang ang sa akin. Ginawa n'yang dalawa. Nanlaki ang mga mata ko sa sunod niyang sinabi. May next costumers daw kami. At malaki ito, mas madami sa inorder ni Chico. Nadagdagan pa ng mga ibang putahe. Masaya ako para sa kanya. Hindi na niya titipirin ang sarili. May maibigay lang sa kanyang pamilya. Kakayanin naman siguro namin. Kaya 'yan, para sa kanya. Isa pa, Kahit madaming klase tag- dalawang kilo lamang iyon. Kaya na rin, hindi na masama. *** "Hello, kiks!" Kinawayan ko siya pagkapasok sa loob ng store. Nasa counter ito, nagbibilang ng sukli ng isang costumer. May ilan pang nakapila doon. Pumunta muna ako sa storage room para ilagay ang gamit. Nag-log-in saka siya sinamahan sa counter. Binilin niya lahat ng bills, inventory at mga resibo for filling. Kailangan 'yon. Para kung may mawawala agad ma-de-detect kung sino ang taong naka-asign ng mga oras na 'yon. Madaming tao ngayon dahil maaga pa. Mamayang hating gabi isa- isa na silang aalis. Busy ang store, tama nga si Mira karamihan ng tao dito ay mga studyante. "Good evening, si---" masayang bati ko sa costumer. Hinihanda ang matamis na ngiti sa bagong pasok. Itinaas niya ang supot na dala. Mga meryenda. Natakam ako sa mga nakitang pagkain sa loob ng supot na transparent ang kulay. "Good timing pala ako, Walang tao dito." "Ako hindi tao?" He scoffed. "I mean, costumers," natatawang sabi niya. Umupo sa upuan. Ti-nap ang upuan sa tabi. Gusto niyang tumabi ako doon. "Bakit ka nandito? Gabi na, hindi ka ta-tao sa bar niyo?" Umiling siya. Ibinaba ang itim na sumbrero sa lamesa. "Dumating na si Larry, kamusta dito? wala bang nang gulo sa 'yo?" Iniikot niya ang buong store. Umiling ako. Tini-tigan niya ang mukha ko. Napa-iwas ako nang tingin. Nakaka-lusaw. Nakaka-panghina.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD