Chapter 9

1772 Words
Hindi ako makalingon sa gawi niya. Nahihiya ako. Alam kong pulang pula na ang mga pisnge ko. Wala siyang kibo. Walang habas na naka-tingin lang sa akin. Walang hiya-hiya ko nang binuksan ang mga binili niya. Wala din naman siyang hiyang tumitig sa akin!!! Malapit ko nang sundutin ang ilong ko, baka may agiw O ang mga mata kong may bato. Nakakahiya naman, baka 'yon ang tinititigan n'ya. Parang kinakapos ako nang hininga sa mga titig niyang iyon. "Da-dami nito?" Wala eh, na-utal na. Saglit ko siyang sinulyapan. Nagsisi ako nang makasalubong ang mga titig niya. Ako na ang unang umiwas. Hindi ko alam bakit ako ganito sa kanya. Naiilang. Nahihiya. Kinakabahan, na-wet . . . werduhan. Oo! 'yun lang 'yon. H'wag kang ano d'yan? "Para naman mabusog ka. Baka maubos ko na lahat ng tinda niyo dito sa store," natatawang saad niya. "Baka magka-hepa at sakit na tayo niyan sa kidney." Dinugtungan ko ang biro niya. Sa ilang beses niya nang pumupunta dito laging siya bumibili ng kung ano-ano. Buong gabi din kaming kumakain. Tataba ako n'yan. Hindi lang ang puso ko. Luh? Ini-labas ko lahat ng binili niya. Nilagyan niya ng straw ang biniling milktea. Flavored choco ice cream with whipped cream ang sa akin. While his, dark coffee ice tea. Parehas na may boba, pero mas gusto ko ang nata. Hirap kasi sipsipin ng s**o pearl. May binili din siyang pizza. Pepperoni with four seasons cheese. Nag-uumapaw sa cheese. Nagningning ang mga mata ko. Pinalangin na wala sana munang costumers na papasok. I want to enjoy these foods. Ngayon ko lang matitikman ito. Ma-si-si-sante ako nito pagnalaman ni Chico na pinalangin kong wala sanang papasok muna. "Thanks dito," Itinaas ko nang bahagya ang inumin. Sumipsip ako doon, sarap na sarap. Sandaling huminto ang mundo ko. Natuon lang sa iniinom at sa kaharap na pizza. Masaya akong kumain. Tahimik lang naman siya. Walang imik. Hawak ang cellphone nito. Pa-harap sa akin. Hinayaan ko na. Busy din naman ako. "Grabe, no? Akalain mo 'yon. True love can conquer all." Ikinuwento niya sa akin ang mga naranasan niya. Mula sa college. Sa mga gulong muntikan nilang ikakulong na tatlo. Mga wild talaga, tsk! Sana hindi na sila ganoon ngayon. Mukha naman nag-matured na sila. Pero iba ang storya ni Gio at nang girlfriend nitong si Selene daw. Napukaw ang buong attention ko nang ikwento niya. Magkaharap na kami ngayon, konting pagitan na lamang. At wala na ako pakialam. Sa maganda ang kwentong naririnig ko, eh. "Yeah, kahit na duguan na siya at malala ang lagay. Nagawa pa niyang itakbo si Selene hanggang sa Hospital. He refused to treat him. Wala siyang paki-alam, para ngang hindi nakakaramdam ng sakit." Naiimagine ko ang eksenang iyon. Parang sa pelikula. "Sobrang mahal niya si Selene, no? Lahat gagawin niya. Me and you against the world ang love story nila." Akalain mo 'yon? Ang Gio na parang babaero na walang pakialam sa buhay basta may alak at babae. Ay, matino pala!! Hahamakin ang lahat maging akin ka lamang. Taray, sisikat 'to pag na isa pelikula. "Proud ako sa kaibigan kong 'yon. He's truly a man. Lumuhod na sa harap nang madaming tao 'yon! Ang isang Gio! Umiyak at nagmakaawa. Wag lang nilang ilayo si Selene." Kitang kita ko sa mga mata niya ang paghanga sa kaibigan. Nandoon siya. Nasaksihan niya lahat. Nakita niya at isa siya sa mga naging dahilan kung bakit masaya na ngayon ang kaibigan. Hindi ba iyon naman ang gusto na 'tin sa mga taong mahalaga sa atin? Ang maging masaya sila. "Swerte din naman si Selene sa kanya. Kahit na saktan siya, bugbugin. Hindi siya bumitiw." Wala sa sariling saad ko, tumigin sa salaming bintana. Inabot ang inumin. Tumunog iyon nang sipsipin ko. Wala na pa lang laman. Wala talagang forever sa pagkain! "Hmmm, ganoon siguro kung nakita mo na si 'the one'. Before, I never believed in love. Pinagtatawanan ko lang siya noon. I found it crazy. That he only feels lust and challenging. He never treated any women like how he treasured Selene." Nilingon ko siya. Gaya ko, nakatingin ito sa salamin na pader. Malayo ang tingin. Parang may nakikita siyang eksena na hindi niya akalaing mangyayari. Pero natigilan ako nang sabihin niyang hindi siya naniniwala sa love. May kirot at lungkot akong naramdaman. Tumigin ako sa kanya. From here, mas masasabi kong gwapo siya. Sa mga labing may pagka-pouty, sa kilay na tamang tama lang sa kapal. Ang ilong na sobrang tangos. Ang buhok niya na mahaba na may pagkakulot. He look sexy sa style niyang ito. Parang bagong gising. Messy hair and curly. Mala Noah Schnacky ng Philippines. No, wonder lahat ng babae napapalingon sa kanya. Baka nga hindi lang lingon. Baka pinapangarap na siya. Sino ba naman ang hindi, 'di ba? Mayaman, gwapo, may pinag-aralan, at . . . Sexy. Manly sexy. But he never knew what's the powerful word called 'love'. Hindi pa niya na-e-experience. Hindi niya pa nakikita ang 'the one'. Tanong ko rin sa sarili ko 'yon, eh! Paano mo nga ba malalaman na siya si 'the one'? May kurso o may naisulat na ba tungkol d'yan? Bumagsak ang balikat ko. Ito siguro sinasabi ni Chico sa akin. Ngayon alam ko na. Friendships!!!! Just Friends. Pure friendship nothing more. Wala lang siyang magawa. Kaya nagpupunta dito. Excuses lang n'yang sasamahan ako. Bored na siguro siya sa bar nila. Mas gusto niya ang ganito. Hindi maingay, kalmado lang. Hindi gaya sa bar, maingay, inuman at sigarilyo ang makikita. "So, paano kayo nagkakilala ni Gio at Larry?" Sinikap kong pasayahin ang boses. Cheering up my inner sadness. "Si Larry, kilala ko na 'yan mula High School. Same College school pa kami." Kumagat siya sa pizza, ilang piraso na lang ito. Inabutan niya ako ng isang slice. Kinuha ko naman agad. Kumagat. Habang naghihintay sa pagpapatuloy ng kwento niya. Sa kanilang tatlo si Larry talaga ang maloko. Madami daw itong nasangkutang gulo. Hindi naman sa droga, ha! Hindi naman illegal, pero naughty experiences. Something nakakahulog panga. Kung hindi lang daw abogado ang ina, baka nasa kulungan ito ngayon. Naikwento niya pa nga na si Larry daw talaga may ari ng clothing line bussines nila. Co-partners lang sila. Negosyo na niya daw ito mula High school. Siya kasi ang modelo noon, hanggang sa nagtayo na siya ng sariling brands. Ang gyms ang bar nila ay silang tatlo ang may ari. May mga shares sila dito. Nabigla pa ako nang ganoon na pala karami ang branches ng mga gyms nila. Ang bar naman mag-iisang taon pa lang. And pina-plano na nilang magre-branch sa isang lugar dito sa manila din. Maraming pa raw farms sila Larry sa Nueva Ecija dahil taga doon ang ama. Ang ina naman nito ay isang sikat na abogada. Isa siyang public attorney, madami na siyang natulungang mahihirap na walang kakayahang makapagbayad ng abogado. And lahat nang mga iyon nanalo. Nakikita ko siya sa Tv. Naririnig. Dahil mahilig si tatay sa balita. Hindi ko alam na siya pala ang ina ni Larry. Hindi halata sa kanya. Hindi naman talaga malalaman kasi hindi sila magka-apilyedo. Su-swerteng mga tao. Pinanganak na mayaman. Si Gio naman College na nang makilala nila. Until then, silang tatlo na ang magkakasama sa lahat ng gulo. Damayan sa kalokohan at pinagdadaanan. Kung maisusulat nga ang kwento nila sa w*****d. Siguradong kikita. Papatok ito sa mga readers. Mga mala-adonis ba naman ang katawan. Pang sugar daddy ang yaman. At ang magiging title ay . . . The successful bachelor's. Eh, kung ako na lang kaya ang magsulat? Yeah, tama!? Baka ito na ang pagkakataon kong yumaman. Masaya ako na nagku-kwento siya nang mga ganitong inpormasyon. Hindi siya nag-alangan. Lahat nang tanong ko sinasagot niya. Walang keme niya itong sini-share. Kasi nga friends na kami!? Friends do shared their experiences, right? "Ikaw? Anong love story na ma-ishare mo d'yan?" Biglang kabig niyang tanong. Pi-nunch ko ang binili niyang snacks. Binilang ang sukli bago binigay sa kanya. "Hmmm, sa mga magulang ko. For me? 'yon kasi ang the best and lasting love." Tinabingi niya ang ulo. Nagtatanong. Naghihintay sa susunod kong sasabihin. Umupo ako sa silyang inupuan kanina. Wala na kaming ginawa kundi kumain. Hindi naman siguro magagalit si Chico, bumibili naman kami ng mga paninda niya. Sumunod siya sa akin, tumabi din. Tinunga ang biniling bottled water. "Okay, but I wanna know your experiences ni relationship. I mean, past boyfriends?" May pag-iingat niyang tanong, dahan-dahan. Sinulyapan ko siya. I scoffed, sumubo na lang ng mga chips na binili. "Wala pa, wala pa ako naging boyfriend." Sabi nga ng mga kaibigan ko noong high school, baka daw tomboy ako. Never ko pa kasing na-e-experience. Hindi pa ako nagkakaroon kahit crushes lang. Ewan ko ba, maybe, natipuhan dahil sa ugali or talent but never in a way na kinikilig ako. Baka pusong bato ako? "Why? I mean, you're pretty. You're fun to be with. I doubted what you said." Napa-lingon ako sa kanya. Sa tono nang salita nito, may gulat. Hindi makapaniwala. Tumawa ako nang mahina. "Wala pa nga," sinabi ko nang malakas. Pilit nilabanan ang nararamdaman. He found me pretty? "May mga nanligaw naman sa 'yo?" Lumapit niya ang mukha sa akin. Itinukod ang braso sa lamesa. "Hindi ako naniniwalang wala pa rin ang sagot mo. Anong klaseng mga lalaki nand'yan sa school niyo? Are they real men?" "Hoy, meron naman! Hindi ko lang talaga feel. Isa pa, hindi ko kasi priority mga ganoong bagay." Totoo naman, bukod sa ayaw ko pa. Wala ako maramdaman kahit konting affection sa mga lalaking sumubok ligawan ako. Pinapaliwanag ko agad na ayaw ko pa. Hindi na rin sila umulit pa, doon ko na pagtantong hindi pagmamahal o totoo ang nararamdaman nila. Kasi walang ipaglaban portion o suyuang na ganap. Agad silang sumuko. "Ikaw? Hindi ko na tatanungin kung ilan. Alam ko naman hundreds na." Siya pa ba? Hindi siya agad nakasagot. Ito na naman siya tumititig na parang may tatlo akong ulo. Unbelievable. Amazed. Stunned. Ang nakikita kong reaction niya. "Really?" Hindi ko alam kung saang 'really' iyon. Siguro sa hundreds na mga babae niya. "Hindi mo na mabilang, no?" Dinuro ko ang ilong niya. Napa-kurap-kurap siya. Alam kong may smudges pa nang chips ang daliri ko. Sinadya ko iyon. Isinubo ang hintuturo at sinipsip. Hindi mo kaya ma-e-enjoy ang pagkain ng chit-chirya kung hindi mo gagawin ito. He groaned. Nilingon ko siya habang subo pa rin ang daliri. Nanlalaki ang mata niya. Naka-tingin sa bibig ko. Sa daliri ko. Para siyang nabulunan. Nahihirapan. Umubo-ubo siya. Napa-inom sa kanyang tubig. Kulang pa yata!! Lumingon siya sa kanan. Tinago ang mukha. "Shiiiit," Rinig kong bulong niya may papilitik pa. Problema nito? 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD