RACHEL A life without Mika sure is lonely. Gabi gabi kong tinitignan ang picture niya, hindi pa din ako masanay sanay na wala siya sa tabi ko. Wala na yung taong sobrang nagpapasaya sa akin, at yung taong mahal na mahal ko. Nakahiga ako sa kama namin ngayon, wala na siya at tanging unan na lang ang kayakap ko sa pagtulog. Wala ng dumadagan sa akin pag napagtripan, lalong wala ng naglalambing bago ako matulog. Gaano nga ba kasakit mawalan ng kapartner sa buhay? Yung taong kasa-kasama mo bumuo ng pamilya ay lilisan ng maaga? Mawawala na lang sayo sa isang iglap. Hindi ko na minsan alam pano ko pa nakukuhang bumangon, gayong hindi ko naman ikaw makikita na. Napapikit na lang ako at hinayaang dapuan ng antok ang sistema ko. "Rachel! Bilisan mo naman." sigaw ng kaklase ko. "Teka naman kas

