bc

Beauty and the Knight

book_age16+
348
FOLLOW
1.2K
READ
love-triangle
friends to lovers
drama
tragedy
comedy
sweet
gxg
campus
basketball
friendship
like
intro-logo
Blurb

Mika, on her third year in college, clashed with the school's so-called queen because of her pretty face, Rachel. In a turn of event, Rachel moved in Mika's dorm. Would this endless bickering turn into something fruitful?

chap-preview
Free preview
Chapter 1: The Women's Basketball Team
MIKA I was walking towards the gym ng FEU, third year college na ako pero ngayon ko lang naisipan sumali sa Women's Basketball Team. I stopped playing dahil na din sa hindi magandang karanasan ko nung highschool, pero namimiss ko na, kaya kahit feeling ko kinakalawang na ako ay mag tatryout ako. Pagkapasok ko pa lang ng gym ay natigil halos ang lahat, maliban na lang sa isang tao na kilalang kilala ako. "Mikaaaa!" sigaw ni Jovelyn Gonzaga, ang team captain ng FEU-WBT. "Jovs." sabay akap ko sa kanya. 2 taon niya na akong pinipilit na sumali sa team nila dahil na din sa skills ko. "Tara ipapakilala kita kay coach." Hinatak naman niya ako papunta sa coach nila, medyo kinabahan naman din ako. Halos 3 taon na ako hindi nakakapaglaro ng basketball kaya baka hindi maimpress sa akin si coach at hindi ako kunin. Nang maipakilala ako ni Jovs ay may dumating pang isang mag tatryout. Pagkakita ko pa lang sa kanya ay kinabahan na ako, don't tell me hanggang dito kailangan ko siyang pakisamahan. "Hi coach. Ara Galang po." sabay nakipagshake hands siya kay coach. Napatingin naman siya sa akin kaya napangiti siya at niyakap ako. "Ye." sabi niya. "Mag tatryout ka din pala." "Oo, pinilit ako ni Den sumali. Gusto niya daw ako makitang maglaro." all smiles pa siya nung sinabi yun. May kirot akong naramdaman nang bigkasin niya ang pangalan ni Den. Si Dennise, ex-girlfriend ko. Naging kami nung 3rd year highschool ako. Ayaw niyang tinitilian ako ng iba, dahil ako ang star player noon sa school namin ay hindi naman maiiwasan yun, kaya halos every game nag-aaway kami. Just to keep her, nag quit ako sa team kahit sobrang nanghinayang ang coach ko nun. Ako pa man din ang team captain, kaya pati mga teammates ko nalungkot pero wala eh, mahal ko si Den. Kami ni Den pero kakaunti lang ang may alam, dahil na din strict ang parents niya. Sa school namin ginanap yung provincial meet, sobrang lungkot ko nun, namimiss ko na maglaro. Championship match ng school ko vs school ni Ara. Siya ang star player nila, sa 3 taon ko naglaro, 1 beses lang kami nanalo sa kanila. Nagpromise ako sa sarili ko na babawi ako ngayon, kaso wala eh, dumating si Den sa buhay ko. Nasa may hallway ako sa tapat ng room namin, nanonood lang paano durugin ni Ara at ng team niya ang team ko. Nakita ko din na chinicheer ni Den si Ara, may tarpaulin pa itong hawak, durog na nga team ko, durog pa puso ko dahil sa selos. Nagbago ang pakikitungo sakin ni Den after nun, anniversary namin pero hindi man lang niya naalala. Lagi niyang hawak ang phone niya at para bang laging may kausap. Kahit magkasama kami ay hindi niya mabitawan ang phone niya. Natakot ako malaman ang totoo kaya hindi ko na tinanong kahit nasasaktan ako. Then bigla na lang nakipag break na siya. That day nakita kong sinundo siya ni Ara sa school namin, ang effort lang dahil ang layo ni Ara. Tinanggap ko na din agad na talo ako.  "Bakit hindi ka na naglaro nung last year natin?" tanong ni Ara. "Priorities." yun lang ang sagot ko dahil si Den naman talaga ang priority ko. "Bakit ngayon ka lang sumali?" tanong ko. "Ah, sabi ni Den magfocus daw ako sa studies ko, pero ngayon gusto niya daw akong mapanood." nakangiti niyang kwento. "Tayo na kayong dalawa jan umpisa na." sabi ni Jovs kaya tumayo na din kami. Nagstretching muna kami then konting drills. 10 kaming nagtryout, pero 3 lang ang slot sa team. Nag 5 v 5 muna kami ng mga co-tryout ko. Kalaban ko si Ara at dikit lang halos ang score. Pinatigil kami ni coach at kumuha siya ng lima sa amin. "Pasok na kayong 5 sa team B." saad ni coach. "Coach, 5v5 Team A vs Team B." nakakalokong sabi ni Jovs, alam kong may pinaplano na ito. "Sige Jovelyn, ayusin mo na ang team mo." sabi ni coach at siya naman ang kumuha ng players sa team B. Hindi na ako umaasa dahil sobrang nanibago ako, halos 3 taon din ako hindi humawak ng bola ng basketball, yung PE namin volleyball kaya feeling ko napaglipasan na ako ng panahon. "Team A, Jovelyn, Bea, Ria, Marian at Tots." pagpapakilala ni Coach sa mga players na makakalaban namin. Nanood lang ako halos buong 1st half, tambak ang team namin ng 12 points dahil si Ara lang halos ang gumagawa. "Guys, rebound naman tayo. Kahit starters ng Team A yan, bilog ang bola. Kayang kaya natin yan." sabi ni Ara, natural leader talaga. "Reyes pumasok ka." saad ni Jovs kaya tumayo na ako at nagstretch muli ng kaunti. Nagsimula ang 2nd half, ni hindi man lang ako pinapasahan ng mga kakampi ko, anong kalokohan to. Nag shoot si Ara at sumablay ito, kinuha ko ang rebound saka pinostehan yung Ria ba yun, umikot ako at nag fade away. Pasok! I still got the hang of it. "Nice." sabi ni Ara at nakipagtapik sa akin. "Psh. Tsamba." nakangiting sabi ni Jovs. "Alam mong hindi." at inismiran ko siya. Madalas kong makalaban si Jovs noon kaya alam niya ang kaya ko. Kateam ko rin naman siya noong elementary kami. Lumipat lang siya nung high school kaya ayun. Nakabawi kami ngunit pumasok yung huling tira ni Jovs kaya panalo pa sila, pero 2 points lang. "Iba ka pa din. Yan ba yung 3 taon hindi naglaro?" pang aalaska ni Jovs. "Reyes, Galang pasok na kayo sa team A. May isa pang slot at pag uusapan pa muna namin. Yun lang." sabi ni coach at umalis na. "Iba ka! Bea nga pala." "Ria nga pala, Riri na lang. Lakas mo." "Lunch tayo bukas ha. Cafeteria. See you!" sabi ni Jovs.  Napatingin ako sa relo ko at late na pala. May pinapabili pa nga pala si mommy kaya nagpaalam na din ako agad sa kanila. ***** RACHEL As I walk past the hallway, wala ni isa man ang gustong humarang sa daraanan ko, malayo pa lang ay tumatabi na ang ibang mga estudyante. No one would ever dare to fight the queen. "Alis jan, pwesto ko yan." saad ko sa babaeng maiksi ang buhok at may suot na salamin na nakaupo sa upuan ko. Ngunit sa halip na umalis ay tumingin lang siya sa akin at para bang walang narinig.  "Hindi mo ba ako kilala ha?" tanong ko dito, naiinis na ako. "Kilala." yun ang sagot niya. "Ako jan." mataray kong sabi. "Your name is not written in here." sagot ng babae na ikinainit ng tenga ko. Aba't ang lakas naman talaga ng loob ng taong to sagutin ako.  "Aalis ka ba o hindi?" taas kilay na tanong ko. Hindi na siya sumagot at nagulat naman ako nang tumayo siya dahil mas matangkad siya sa akin. 5'10 ako at mukhang nasa 6 feet siya. Tss. Aalis din naman pala ang dami pang daldal. Alam naman halos lahat ng estudyante na pag pumasok ako sa classroom, akin ang pwestong iyon. Dumating ang propesor at isa isa ng tinawag ang mga pangalan namin.  "Rachel Anne Daquis." "Present" sagot ko. "Mika Reyes" Hindi sumagot ang pangalang tinawag ngunit tinaas lang ng babaeng nasa unahan ko ang kamay nito. Mika Reyes.  Narinig ko na ang pangalang iyon ngunit hindi ko maalala kung saan. Nagsimula ng magturo ang propesor namin at ang active ni Mika sumagot sa mga tanong nito. She's good. Nang matapos ang klase ko ay agad ko na ding kinita ang kaibigan kong si Aby at Dennise. Solid friendships ko sila. Nakilala ko lang sila sa isang org at nagclick naman ang mga ugali namin. Pare parehas kaming nasa ika 3 taon na sa kolehiyo. "Kamusta first day Chel?" tanong ni Aby. "May umagaw lang naman sa upuan ko." inis na sagot ko. "Wow. That's new. Pumasok ka pa lang sa room alam na ng lahat kung saan mo gustong umupo, 2nd row, window side." sabi ni Den. "Nakakainis nga, sinagot sagot pa ako." nakakunot noong kong sagot.  Nagkaroon na naman ng komosyon sa cafeteria nang pumasok ang 3 miyembro ng womens basketball team dahil bibihira silang magstay dito. Napairap na lang ako dahil napakahangin ng team captain nila.  "Andyan na pala ang grupo ni Gonzaga eh." i-iling iling na sabi ni Aby. "Buti di kayo nagkakabangga Chel." dagdag ni Den. "Di naman ako papatalo sa kanila." sagot ni Rachel. May dalawa pang dumating na sanhi nang pagtili ng mangilan ngilan. Agad naman napangiti ang grupo ni Jovs nang makita ang mga taong ito. "Mika! Ara!" salubong ni Jovs sa mga taong kakarating lang. "Oh? Bago nilang recruit ang cute ha?" saad ni Aby. "Cute ba yan? Yan yung umagaw ng pwesto ko kanina." masungit kong sagot. "Oh Den, para kang nakakita ng multo jan." sabi ni Aby dahil medyo namutla si Den. "Ah wala." "Uyy diba yan yung girlfriend mo Den?" tanong ko. "Oo, sabi ko kasi gusto ko siyang mapanood ulit." ngiting ngiti na sinabi ni Den. Nakatingin lang ako sa taong kulay labanos. Parang ang lamya lamya niya para sa basketball team. Tumayo naman siya at naglakad para umorder. Nang pabalik na siya sa pwesto niya ay ihinarang ko ang paa ko sa daraanan niya kaya naman natalisod siya at natapon ang pagkain niya. "Salamat." nginitian niya pa ako pero inismiran ko lang siya. "You shouldn't have mess with the queen." bulong ko sa kanya.  Nagpagpag na lang siya ng damit niya at bumalik na sa table nila. Hindi na siya bumili ulit ng pagkain, marahil ay nawalan na ng gana. I smiled, I guess may panibago na akong aasarin.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Last Battle

read
4.0K
bc

Rebellious Love (Tagalog/Filipino)

read
163.2K
bc

Guillier Academy ( Tagalog )

read
195.5K
bc

The Jerk and The Transgender (Hot Trans Series #1)

read
58.8K
bc

The Empire Series: Von Liam

read
597.6K
bc

The Empire Series: Vance Luanne

read
566.8K
bc

Seducing My Wife (R-18)

read
347.9K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook