DEN
Nang makita ko naman si Mika na tinalisod ni Rachel ay hindi ko nakuhang matawa. Mika is a really nice person.
"Chel, hindi mo naman dapat ginawa yun." pagsita ko sa kanya.
"She deserves that, napahiya ako ng konti kanina sa room dahil sa pakikipagsagutan niya." sagot naman nito.
"Kahit pa, sayang yung pagkain." nakakunot noo kong sabi.
"Do you know her? Sa lahat nang napagtripan ko, sa kanya ka lang nagreact ng ganyan." sagot niya.
It's true, wala akong pakialam sa ginagawa niya but Mika's different. She deserves all the respect dahil napakabuti niyang tao and I wasn't able to give that nung kami pa.
"Hi ladies." rinig kong sabi ng tao mula sa likod ko kaya napalingon naman ako.
"Love." sabi ko at nginitian si Ara.
"Pwedeng makitabi?" cute na cute niyang sabi.
"Bawal. Dun ka sa tropa mo." masungit na sabi ni Rachel kaya binatukan ko siya.
"Siraulo ka talaga." sabi ko sa kanya.
"Para namang hindi tayo friends niyan Chel eh." sabi ni Ara.
"Joke lang naman kasi. Pero bakit hindi ka dun sumama sa friends mo?"
"Eh nandito kayo, syempre Den over friends." nakangiti niyang sagot na nagpangiti sa akin.
"Marunong ba talaga mag basketball si Labanos?" tanong ni Rachel na ikinatawa namin, bakit labanos?
"Sinong labanos?" tanong ni Ara.
"Yung matangkad niyo na bago, ang puti kasi. Ano pala name niya?" tanong ni Aby.
"Ah si Mika. Oo, schoolmate mo yun dati love diba. Malakas yun wala lang sa itsura." sagot ni Ara habang tumatawa.
Schoolmate... Yun lang ang alam ni Ara, medyo naglumandi kasi ako nun. Nung kinuha niya number ko at nakipagtext siya sa akin ay sinabi kong single ako. Alam ko mali pero bata pa ako nun, natukso lang. Nadaan ako sa charms eh pero joke... Hindi ko na din alam paano sasabihin kay Ara na ex ko si Mika.
"Mukha namang lampa, parang anytime madadapa eh." saad ni Rachel habang nakatingin kay Mika.
"Ang bully mo." kumento ko bago tumingin kay Mika at nakita kong nakatingin din siya sa akin.
Haaay. Don't get me wrong, mahal ko si Ara but there's something in me na hindi ko maipaliwanag pag nakikita ko si Mika. Hindi ko alam kung guilt lang ba to o ano kaya nga as much as possible iniiwasan ko ang building nila, hindi ko naman alam na sasali pala siya sa team. Hindi ko naman pwedeng bawiin kay Ara yung sinabi ko lalo't pasok na siya sa team.
*****
MIKA
You shouldn't have mess with the queen.
Queen? A badass queen. Napailing na lang ako habang pabalik sa table nila Jovs. Hindi na ako makakabili pa ng pagkain dahil hindi naman malaki ang baon ko, at nagtitipid din ako.
"Oh? Asan na yung pagkain mo?" tanong ni Jovs, marahil ay hindi niya nakita ang nangyari.
"Ah wala akong nagustuhang pagkain, sige kain lang kayo." sagot ko at nginitian sila.
"Mika tigilan mo ako, ikaw aayaw sa pagkain? May sakit ka ba?" at chineck pa talaga niya ang temperature ko.
"Baliw ka. Totoo, kumain na lang kayo jan."
"Ate Mika, sino yung tinabihan ni ate Ara dun?" sabay nguso ni Bea.
Pagkatingin ko naman sa tinuro niya ay nakita ko naman agad si Den na nakangiti, magtatatlong taon na pero hindi pa din ako totally nakakamove on.
"Ah ayun ba? Si Dennise, schoolmate ko dati. Girlfriend ni Ara." sagot ko habang nakatingin pa din sa kanya.
"Wow, ang ganda ng girlfriend ni ate A." ani ni Bea.
"Ikaw ate Mika? Wala ka pang girlfriend?" tanong ni Riri.
"Oo nga Ye, parang wala akong nabalitaang nagkagirlfriend ka" dagdag ni Jovs.
I smiled still looking at Den, bigla naman siyang tumingin sa gawi namin kaya nagkatitigan pa kami.
"Matunaw naman!" saad ni Bea kaya umiwas na ako ng tingin.
"Wala akong girlfriend." sagot ko.
"Ah, eh sino tinititigan mo dun? si Rachel?" napakunot naman ang noo ko.
"Kay Ara ako nakatingin, mukhang masaya magkaroon ng girlfriend eh." pagpapalusot ko, alangan naman sabihin kong kay Den ako nakatingin diba.
"Hoy ikaw." sabi ni Jovs at tinuro yung lalaking may dalang lunch.
"Akin na yang inumin mo." nanlaki naman ang mata ko, hinihingi niya yung pineapple in can nung dumaan.
Bakas sa mukha nung lalaki yung panghihinayang ngunit binigay niya ito kay Jovs at umalis na.
I feel you buddy, let me hug you charot.
"Siga mo capt." natatawang sabi ni Bea.
"Batas eh." at nag shrug pa siya.
"May isa pang batas dito diba." binigyan naman siya ni Riri ng nakakalokong tingin at ngiti.
"As if naman uubra sakin yan si Rachel." sagot ni Jovs habang nakatingin kay Rachel.
Napailing na lang ako. Medyo ramdam ko yung gutom, maigi na lang hanggang 3 pm lang ako today at 5 pm pa ang training. Baka magulat sila kung bumulagta ako bigla dahil sa gutom diba.
Before mag ala una ay umalis na din ako dahil may klase pa ako, sa kasamaang palad kaklase ko nanaman ang maldita. Umupo na ako sa harap niya dahil yun na lang ang bakanteng upuan.
"Well hello there labanos." bulong niya malapit sa tenga ko kaya kinilabutan ako.
Hindi ako sumagot bagkus ay nagpatay malisya na lang ako.
Nang matapos na ang klase, patayo na sana ako nang may naramdaman akong kung ano sa may likuran ko, nagtawanan naman ang iba kong kaklase. Naupuan ko kasi yung bubble gum. Nak ng tipaklong, ang lakas talaga ng topak ni Rachel, ang baboy eh. Tinanggal ko na iyon at bahala na kung may matira sa pants, tanggalin ko na lang pag uwi ko. Nakangiti lang sa akin si Rachel, yung ngiting maiinis ka talaga.
Pumasok naman si Jovs sa room namin at agad naman nag iba ang aura ni Rachel.
"Anong ginagawa mo dito?" tanong ni Rachel.
"Bakit? Iyo to?" sagot ni Jovs.
"May sinabi ako? Nagtanong lang diba? OA mo."
"Ye, tara."
Kinuha ko na ang gamit ko at nang makalagpas ako kay Rachel ay nakaramdam ako ng paa sa likuran ko. Sinipa niya ako!
"Ano bang problema mo?" tanong ni Jovs.
"Inano ka ba?" inismiran lang siya ni Rachel.
"Tara na. Wag mo na pansinin yang hilaw na german sheperd na yan." sabi ko at tinulak tulak na si Jovs palabas.
Bago pa ako tuluyang makalabas ay may bumato sa akin ng notebook. Hindi ko na lang siya nilingon. Di ko alam kung may saltik eh.
"Magccr muna ako Jovs. San ba kayo pupunta?" tanong ko, balak ko kasi bumili ng tinapay pang lamang tiyan at uuwi pa ako sa dorm para kunin ang pang training ko.
"Sa gym na siguro, magshooting." sagot niya, sipag talaga.
"Sunod ako, magmemeryenda din muna ako."
Nauna naman na si Jovs kaya nagcr na din ako. Pagkatapos ko naman magcr, palabas na sana ako ng cubicle nang bigla na lang may tubig na binuhos sa akin.
Wow just wow.
Agad akong lumabas at nakita ang dalawang babae na hindi ko naman kilala na may hawak na timba. Napabuntong hininga na lang ako, uuwi akong basang sisiw.
Paglabas ko naman ng cr ay nakita ko ang german sheperd na nakangiti nanaman. Napakamasayahin naman ng taong to. Nginitian ko na lang siya ng sarkastiko.
Malakas ata ang saltik ng hilaw na german sheperd. Haaay.