Chapter 3: Watch Me

1703 Words
RACHEL Dalawang linggo ko na din halos inaasar yung taong labanos pero hindi man lang nagpapatinag, hindi man lang gumaganti or nagagalit sa akin. "Ano nanaman yang balak mo ha?" pagsita sa akin ni Den. "Wala ka na dun." sagot ko dahil alam kong pipigilan niya lang ako dahil nga kaibigan niya si labanos. "Itigil mo na yan Chel sinasabi ko sayo." dagdag niya at ibinalik ang atensyon sa librong binabasa niya.  Lumabas saglit si Labanos kaya naman nilagay ko na yung hinuli kong palaka sa bag niya. Hindi ko alam kung takot siya dito, pero malay niyo naman diba. Nakatambay si Den dito dahil may 15 mins pa bago ang klase niya. Dumating naman na si Labanos at umupo na sa upuan niya. Malas niya dahil sa lahat ng subject niya na magkaklase kami nasa harap ko siya palagi. "Labanos." sabi ko at binato siya ng papel. Sinamaan naman ako ni Den ng tingin. "Tigilan mo ko hilaw na german sheperd." sagot niya, feeling ko onting onti na lang magagalit na to eh. I can't wait for that moment na. "Kapreng lampa na kulay labanos" pang aasar ko pero hindi niya pinansin. "Pahinging papel." saad ko para naman makuha niya na yung regalo ko sa kanya. Hindi naman siya nag atubuling bigyan ako ng papel pero nakita ko kung paano siya namutla at halos maitapon yung bag niya. Natawa na lang din ako dahil sa sobrang taranta niya ay nahulog din siya sa upuan niya. "Mika ayos ka lang ba?" tanong ni Den at saka ako sinamaan ng tingin ngunit nginitian ko lang sila. Hindi sumagot si Labanos dahil namumutla pa din siya. Jusko, ang laki laking tao takot sa palaka? "Lakas talaga ng sapak mo Chel. " binato naman ako ni Den ng sapatos niya buti na lang at nakaiwas ako. "Ang laki laki mong tao takot ka sa palaka." saad ko kay Labanos saka lumabas ng room para magcr. Paglabas ko naman ay nakita ko si Jovelyn na paparating, napairap na lang ako. Nang malapit na siya sa akin ay itinapon ba naman ang juice na iniinom niya sa akin. Ang lagkit! "Bwisit!" sabi ko at sinipa siya na agad naman niyang naiwasan. "Jovs 1 point, Rachel 0." saad nito nang nakangiti pa. "Negra!" sigaw ko kaya napalingon siya. "Crush mo naman." at kinindatan niya pa ako. "Asa ka!" Nagtungo na muna ako sa locker ko, maigi na lang at may damit akong itinabi dito. Nag cr na nga ako at pagbalik ko sa klase ay wala pa ang prof namin. Si Den naman ay pinapaypayan si Labanos na medyo namumutla pa din. "Den, okay na ako." nginitian naman niya si Den kahit namumutla pa siya. "Sure ka? Tubig gusto mo?" tanong ni Den, I saw concern sa mga mata ni Den. Interesting... "Okay na ako. Sige na, may klase ka pa diba." at ginulo naman niya ang buhok ni Den, ang bata naman ay napangiti. "Sige Mika. Rachel, umayos ka. Tama na pranks mo." sabi ni Den at umalis na. Tinaas ko ang dalawang kilay ko, sige tama na muna for today at babawian ko muna si Jovelyn. ***** MIKA Hinayaan ko munang makaalis si Rachel bago ako umalis ng room. Napahawak na lang ako sa balakang ko, ang sama ng bagsak ko eh. Nagstretch muna ako ng konti at jusko, ang sakit talaga. "Mika!" boses pa lang niya napangiti na ako kaya tinignan ko na kung saan galing yung boses. "Den." all smiles ko siyang binati. "Okay ka na ba?" "Okay naman" "Sorry sa ginawa ni Rachel ha. Hindi naman niya alam eh." "Okay lang, gaya nga ng sinabi mo, hindi niya alam. Ewan ko ba diyan sa kaibigan mo, trip na trip akong asarin." "Hindi mo kasi pinapatulan, nachachallenge yun asarin ka." "Eh ikaw lang naman papatulan ko." seryoso kong sagot kaya naging awkward tuloy. Nag peace sign na ako at ginulo ang buhok niya. "Hindi mo pa din pala naovercome yung sa palaka noh." saad niya. Umiling lang ako, hindi naman talaga ako takot sa palaka. May nangyari lang talaga na natrauma ako kaya naman pag nakakakita ako ng palaka namumutla ako. Nung bata pa kasi ako may sinusundan akong palaka, hindi ko napansing nasa highway na ako. Nakarinig ako ng malakas na busina ng truck at nanigas na yung katawan ko. Napapikit na lang ako nun, saka ko naramdaman na may humila na sa akin at niyakap ako. Sobrang takot ako nung araw na yun at simula nun hindi ko na ginustong makakita ng palaka. Wala naman talagang kinalaman yung palaka, pero yun yung nagpapaalala sakin nung di magandang pangyayaring yun. Naikwento ko kay Den yun dahil kaklase ko siya sa Science class kung saan maghihiwa kami ng palaka, magkaklase kami before ako nalipat ng section. Namutla ako ng sobra nun kaya ikinuwento ko na sa kanya dahilan, dun din kami nag umpisang maging close. "Saan ka pala pupunta?" tanong niya. "Sa gym, may training kami." sagot ko at kinuha na ang bag ko. "Sabay na ako sayo. Manonood ako ng practice niyo." nakangiti niyang tugon. I smiled ng tipid, ako never niyang pinanood noon sa practice, hindi rin siya nanonood ng game ko. Manonood lang siya pag finals na, or pag school nila Ara ang kalaban. Ang sakit pala pag narealize mong kaya niyang gawin para sa iba yung hinihingi mo noon. "Ye, sorry." saad niya pero hindi ko siya tinignan. "Okay lang Den, matagal na yun." sagot ko kahit ang totoo niyan, nasasaktan pa din ako. "Sorry kasi-" tinakpan ko na ang bibig niya, ayoko ng ituloy niya pa ang sasabihin niya. "Kalimutan na natin yun Den." Nang makarating naman kami sa gym ay nakita kong andun si Rachel at yung isa pang kaibigan nila. Ano nanaman kaya pinaplano nito? Hangga't maaari ay hindi ako nakikipag eye contact sa hilaw na german dahil mamaya ay mapagtripan nanaman ako. Habang nagmemedyas ako ay kumuha siya ng bola, marunong ba siya? Akala ko mags-shoot siya pero binato lang niya si Jovs ng bola sa ulo. "Aba't siraulo ka pala eh." pikon na sabi ni Jovs. "Jovs 1, Rachel 1" sagot ni Rachel sa kanya. "Hilaw." "Negra." "Konti na lang talaga iisipin ko ng crush mo ako, pumunta ka pa talaga dito para makita ako? Sabihin mo lang, pwede namang ako na lang pumunta sayo eh." sagot ni Jovs na may pagkindat pa. "Ang kapal ng mukha mo" umakto naman si Rachel na nasusuka.  Binato naman ni Jovs si Rachel ng bola at tinamaan ito sa ulo, gumanti naman si Rachel, at dahil tumatawa ang magaling kong best friend ay natamaan ito sa mukha. Natawa na lang ako sa bangayan nilang dalawa. Agad siyang napatakip ng mukha, mukhang solid din yung pag bato ni Rachel sa mukha niya eh. Napailing na lang ako. Napapaligiran ako ng mga abnormal na tao. "Bagay sila noh?" tanong ni Bea. "Crush ko kamo yan si ate Rachel, ang bully nga lang talaga." sagot ni Riri at nakipag apir kay Bea. "Pero hindi mo sinagot yung tanong ko." sabay batok ni Bea kay Riri. "Oo, kape at gatas sila." at sa sagot niyang yung ay natawa ako. "Hala baliw na siya." saad ni Bea. "Ang funny kaya." at tumatawa pa din ako hanggang makaramdam ako ng bola sa mukha ko. Agad akong napatingin sa kung saan galing ang bola. Akala ko pa naman tapos na p*******t niya ngayong araw, ayaw talaga ako tantanan ng hilaw na german sheperd. Nagsimula na din kami sa training, once in a while hahawak ako sa balakang ko kasi ang sakit pa din talaga. Hindi ko na lang pinansin ang pang aasar ni Rachel, kesyo lampa daw ako, malambot at kung ano ano pa. Kakampi ko si Ara at kalaban nanaman namin si Jovs, Bea at Riri. Pinasa niya sa akin ang bola, tinapatan naman ako ni Jovs, just like the old times. "Beat me." sabi ni Jovs at ngumiti. "As if naman kaya mong makipag one on one sa akin." at sinimulan ko ng magdribble ng mabagal, binabasa ang galaw ng mga tao. Kahit naman matangkad ako ay marunong ako magdribble, mas gusto ko nga magdribble kesa nakaabang lang sa ilalim. Nagdrive ako pakaliwa atsaka umikot pa kanan, syempre ang bantay ko naiwan na, *swoosh* pasok. Napakamot na lang si Jovs sa ulo niya. "Same old Yeye. Ang galing mo pa din." sabi ni Jovs at sinuntok ako ng mahina sa braso. "Yan na ba yon?!" sigaw ng hilaw na german. "Watch me." sabi ko sa kanya. "Galingan mo naman." dagdag pa niya.  Ayoko magpadala sa mga pang aasar niya pero para matahimik naman ang hilaw na german eh papakitaan ko siya. "Ara, run 'n gun tayo." sabi ko at tumango naman siya. Pagkarebound naman ng bola ni Kathy ay pinasa niya ito kay Ara, fastbreak. Isa lang ang bantay namin, nagbounce pass naman si Ara. Pagkasalo ko naman nun ay tumalon ako para idunk yun. Naghiyawan naman ang mga kateammates ko. Agad akong tumingin kay Rachel at inismiran ito. Kaso mo naman napahawak nanaman ako sa balakang ko. Ayan Mika, ang bibo kasi alam na ngang masakit ang balakang da-dakdak dakdak pa. "Nice ate Ye!" sabi ni Bea at nakipag apir. "Iba talaga! How to be you po?" si Riri na ginulo ang buhok ko. "Idol" sabi ni Ara at umakto na sinasamba ako, siraulo. "That's enough for today girls, pahinga maigi." sabi ni coach. Nagshower na kami at nang makatapos ay hinatak ako ni Ara papunta kila Den. Si Jovs at Rachel naman hindi pa din tapos sa pag aasaran, hindi ba sila napapagod? "Ye sama ka." saad ni Ara na ikinagulat ko. "Saan?" tanong ko. "Kanila Aby, mag sleep over kami eh." sagot ni Den. "Wala naman akong gagawin dun." sagot ko. "Baliw ihahatid lang natin." sabi ni Ara kaya tumango nalang ako. Naglakad na kami patungong gate at doon nag abang ng jeep. Hindi ko mapigilang hindi mapatingin kay Ara at Den na magkahawak kamay, masakit pa din pero bearable naman. "Wag kasi tignan kung masakit." nagulat naman ako nang biglang sumulpot si Rachel sa tabi ko. "Anong pinagsasasabi mo?" kunot noo kong tanong pero nag shrug lang siya. Nakasakay na kami ng jeep at itong hilaw na german ay tumabi sa akin. Tahimik na siya, baka ubos na ang energy. Akala ko pa naman walang kapaguran tong taong to. Napansin ko namang tulog na silang lahat, at itong katabi ko nag heheadbang na, napailing na lang ako at ihinilig ang ulo ng hilaw na german sa balikat ko. Napatingin ako sa kanya, ngayon ko lang napansin na ang ganda pala talaga ng German na to, yun nga lang hilaw yung ugali. Gumalaw siya ng konti at inayos ang pagkakasandal niya, wow damang dama ni madam.  Hindi ko alam kung bakit, pero bigla akong napangiti habang tinitignan siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD