Chapter 4: Hi, Dormmate

1535 Words
RACHEL  Nasa tapat na kami ng bahay ni Aby, hindi na daw sila magtatagal dahil may mga gagawin pa sila. "Love you take care okay?" sabi ni Den habang hawak hawak ang mukha ni Ara. "Oo naman, enjoy your night." humalik naman si Ara sa noo ni Den. Napatingin naman ako kay Mika na nasa iba ang tingin, something is fishy, mahot seat nga mamaya si Den. "Bye ingat kayo." at kumaway na si Den. Umalis na nga yung dalawa at kami naman ay naglinis muna ng katawan. Namili na din kami ng movies na papanoorin. "Den anong meron sa inyo ni Mika?" tanong ko nang maiwan kami ni Aby para magluto ng popcorn. Nasamid naman siya kaya hinagod ko ang likod niya, too obvious Den. "W-wa-wala." sagot niya na ikinatawa ko. "Kilala kita Den. I can sense when you are lying." "Haaay, I guess hindi ko naman din maitatago to, she's my ex." "Oh? Anong problema dun?" "Hindi alam ni Ara, and I kind of cheated on Mika." napayuko naman siya sa sinabi niya. "You what?!" "Lumandi ako ng slight okay? Pero bago naging kami ni Ara nakipag break ako kay Mika. Hindi naman naging kami agad agad." "Alam ni Mika?" "Siguro? Ewan ko. Hindi na namin napag usapan yun. Actually kanina ko lang ulit siya nakausap." "She's hurting you know. Her eyes speak." Hindi na siya sumagot dahil dumating na din si Aby. I wonder what Mika felt nung ipinagpalit siya ni Den kay Ara. "Rachel, ilang lalaki pa ba ang babastedin mo bago ka pumasok sa relationship? Balita ko binasted mo na yung 1 buwan ng nanliligaw sayo ah." napairap naman ako sa tanong ni Aby. "Wala akong panahon jan." "Pero bagay kayo nung Gonzaga." kumento ni Aby na ikinakunot ng noo ko. "Ano bang pinagsasasabi mo jan? Babae pa din yun." "Ehem" tikham ni Den. "Ay sorry, pero I can't see myself loving a girl." Kumuha na lang ako ng popcorn at nagfocus na lang sa pinapanood namin. Ang daming alam ni Aby jusko. Wala lang talaga akong time sa love life. Mas masaya maging single noh, pag may jowa ka para kang may security na bawal ganto ganyan. Nakakainis lang. ----- Kaklase ko nanaman ngayon si Labanos, bago siya maupo ay chineck naman niya ang upuan niya kung may bubblegum ba o anong nakadikit dito pero iba ang plano ko ngayon. Nang paupo na siya ay hinatak ko ang upuan niya kaya naman deretso siya sa sahig. "Aww shoot." sabi niya at dumapa sa sahig kahit ang dumi nito hawak hawak ang balakang niya at nagtype sa phone niya. "Madumi yung sahig uyy." sabi ko sa kanya pero hindi pa din siya tumatayo. "Miss Reyes, what are you doing? Bumalik ka na sa upuan mo." saad ng prof naming mas masungit pa sa akin na kadarating lang. "Sir I'm sorry po, masakit lang po balakang ko. Hintayin ko lang po yung kaibigan ko." sagot ni Mika. Galing naman umarte ng labanos na to. Pwede ng pang Oscar's eh.  "Sir, kay Reyes lang po." sabi ni Jovs nang makarating siya, mga 3 minutes na din nakadapa si Mika. "Brad ang sakit." sabi ni Mika sa kanya. "Miss, patulong naman." sabi niya sa babaeng katabi ni Mika. Nang maitayo naman ni Jovs si Mika ay kinuha niya na ang gamit nito, nagpasalamat sa kaklase namin at inakay palabas si Mika. Napailing na lang ako, ang arte naman nun. ***** MIKA Dahil nga masakit pa ang balakang ko sa pagkakahulog ko kahapon dahil sa palaka, idagdag pa yung dunk ko, tapos yung pagkakahulog ko kanina, edi sobrang sakit ng balakang ko na hindi ako makatayo. Nakakahiya sa prof namin. "Ano ba nangyari sayo?" tanong ni Jovs. "Medyo malayo yung upuan ko, nahulog ako." napakamot na lang ako, ayaw ko naman idamay si hilaw na german kahit kasalanan niya to. "Ang laki laki mo na, lampa ka pa din Ye." sabi niya at ginulo ang buhok ko. Akay akay niya ako hanggang sa clinic, maigi na lang at kakatapos lang ng klase niya. Hinilot naman ako ni Jovs hanggang sa hindi na ganoon kasakit ang balakang ko. Nangalay daw siya kaya ililibre ko na lang ng dirty ice cream to mamaya. "Thank you ha." sabi ko sa kanya habang naglalakad na kami palabas ng clinic. "Anytime Ye. Malakas ka sakin eh." hineadlock naman niya ako saka kinutusan, ang sakit. "Wag ka na muna magtraining, ako ng bahala kay coach, baka mainjure ka pa tsaka ako na din bahala magsabi sa prof mo." "Pero Jovs..." magdadahilan pa sana ako, nakakahiya kasi kay coach. "Ako na bahala kay coach my not so little sis." at muli niyang ginulo ang buhok ko. Umakbay na lang ako sa kanya at nilibre siya ng ice cream bago niya ako inihatid sa dorm. Hindi ko na alam ang gagawin ko kay Rachel, ayoko naman patulan dahil hindi ko naman gawain yun. Kung hindi lang dahil sa ugali niya baka crush ko pa din siya hanggang ngayon. Baka nga kinikilig na ako sa pang bubully niya kung crush ko pa din siya, pero di bale ng hindi dyosa kagaya niya basta mabait, mas okay ako dun. Inaamin ko naman na sobrang ganda niya, kilala ko siya noon pa dahil madalas siya sumali sa mga pageant kaya kilala talaga siya sa buong school. Queen Tamaraw nga eh, ganun siya kasikat kaya hindi ko din alam bakit pinagtutuunan niya pa ako ng pansin. Parang hindi buo ang araw niya pag hindi ako binubully eh. I had a crush on her pero nawala nung nakita ko siya one time na may binully, parang nevermind na lang ganon.  Nang makarating kami ni Jovs sa dorm ay nagpaalam na din siya agad at sinabihan akong magpahinga. Ang sweet lang, ikikiss ko pa sana siya kaso inambaan ako ng suntok, di daw kami talo HAHAHAH. Siraulo. ***** RACHEL "Rachel Anne Daquis!" sigaw ng babaeng maliit. "Bakit Den?" tanong ko. "Ano nanamang ginawa mo kay Mika?" kunot noo niyang tanong pero nagkibit balikat lang ako. "Ang bully mo talaga Chel, wala ka bang balak tantanan si Mika?" tanong ni Aby na nagpangiti sa akin. "Wala" sagot ko at nagpaalam na dahil may importante daw sasabihin sa akin si Papa. Hindi daw ako masusundo ng driver namin kaya naman ay napilitan akong magcommute. 3 hours ang byahe ko dahil medyo malayo ang bahay namin mula sa FEU pag nagcommute. Nang makarating naman ako sa bahay ay may nadatnan akong mga taong kumukuha ng gamit namin, agad ko namang tinanong si papa kung anong nangyayari. "Anak, na bankrupt tayo." sa sinabing iyon ni papa ay hindi ko alam kung paano mag rereact. "I have to sell our shares sa FEU sa dami ng utang natin. Nagpatong patong ng hindi ko namamalayan." dagdag pa niya. "Itong bahay?" "Wala na din." Napaupo na lang ako sa natatanging upuan na hindi pa nakukuha. Napaka adik naman kasi sa sugal ni papa, hindi na rin ako nagtataka. "So saan tayo titira?" tanong ko. "Sa lola mo muna ako titira anak, nahanapan na kita ng matutuluyan na malapit sa FEU. Kilala ko personally ang land lady kaya panatag ako na doon ka. Ihahatid ka ng driver natin doon bago niya isurrender ang kotse." sagot ni papa. Napabuntong hininga na lang ako at umakyat na para kunin ang mga gamit ko. Inisa isa ko na lahat ng dapat dalhin, pinagmasdan ko na din sa huling pagkakataon ang kwarto ko, mukhang ito na ang huli kong punta dito. Palabas na sana ako ng bahay nang maalala ko ang baon ko kaya naman ay inilahad ko na ang palad ko. Binigyan niya ako ng 5K. "Pang isang linggo lang to pa, babalik ka ba?" tanong ko. "Hindi anak, wala na akong maibibigay pa." nakayuko niyang sabi. "Paano ang baon ko sa mga susunod na araw?" kunot noo kong tanong ngunit hindi siya sumagot. "Ano ba yan Pa! Ang hilig mo kasing magsugal! Paano ngayon ang pag aaral ko?" tanong ko sa kanya. "Kailangan mo magtrabaho nak." sagot niya kaya napairap na lang ako. Bullshit naman oh! Paano na ang labahan ko? Laundry pa lang magkano na iyon. Pagkain ko pa, projects! Ugh! Trabaho? Ano namang trabaho kukunin ko?! Nagtungo na kami sa tutuluyan ko, isang maliit na bahay na may maliit na salas at dalawang kwarto sabi nung landlady. "Hija?" saad niya habang kumakatok. "May kasama ako?" tanong ko sa kanya. "Meron hija, mabait naman yun." ngingiti ngiting sagot ni manang. Napairap na lang ako, bakit ba hindi na lang ako kanila Aby makitira? Kaysa naman magtiis ako sa maliit na lugar. Pero sabagay nakakahiya din, ah ewan! "Hija?" muling katok ni manang. "Sandali lang ho!" sagot ng isang boses babae. Lumabas naman ang isang matangkad na babae na nag tutuyo pa ng buhok niya kaya hindi ko pa nakikita ang mukha niya, nakasportsbra lang ito at pang basketball shorts. "Eto pala yung bagong dormer, hindi mo na kailangan humanap ng makakahati mo sa bayad." masiglang saad ni manang kaya napatingin na yung dormer sa akin. Agad naman niyang itinakip ang tuwalya niya sa katawan niya.  Hello, meron naman ako niyan. "Hanggang dito ba naman susundan mo ako?" reklamo niya, aba. "Bakit? Sa tingin mo gugustuhin kita kasama ha labanos?" sagot ko sa kanya. "Maigi naman at magkakilala pala kayo, oh siya Mika anak ikaw na bahala kay Rachel ha?" bilin ng landlady at umalis na. "Narinig mo yun? Ikaw daw bahala sa akin. Now, I want some food." utos ko sa kanya. "Tigilan mo ako hilaw na german." "Asa ka DORMMATE" binigyang diin ko talaga yung salitang yun. Umakyat na siya at naglock ng pinto, napansin ko naman na may salon pass siya sa may balakang niya. Napangiti na lang ako, napakaswerte nga naman ni Mika at makakasama niya ako sa bahay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD