MIKA
Nang mailock ko naman ang kwarto ko ay napadasal na lang ako ng maraming beses.
Ano ho bang kasalanan ko at idinikit niyo pa po sa akin ang hilaw na german sheperd? Sobrang sakit na po ng balakang ko baka bukas makalawa po eh bugbog sarado na ako.
Hindi ko alam kung gaano ako katagal nagdasal, sa dami rami ng makakadorm ko eh bakit siya pa. Parusa ho ba ito?
Gumagawa ako ng mga homeworks ko nang may marinig akong kumatok. Nag sign of the cross muna ako at dahan dahang binuksan ang pintuan ng kwarto ko. Baka mamaya kasi ay may bumulaga na lang sa akin na kung anong prank nanaman hay.
"Bakit?" tanong ko, mata ko lang ang kita niya.
"Gawin mo homework ko." utos niya.
"Ayoko." saad ko at sinarado na ang pinto.
Anong akala niya sa akin? Utusan niya? Parehas lang kaming dormer aba, hindi porket queen tamaraw siya eh queen na din siya dito sa dorm.
"Labanos gawa mo ko homework." saad niya habang kinakatok ang pintuan ko.
"Gawin mo yan mag isa." sagot ko.
"Sisirain ko tong pintuan mo." pagbabanta niya.
At dahil alam ko namang kayang kaya niyang gawin yun ay hindi na ako nag atubili pang buksan ang pinto, mahirap na, pinto ko yun kaya ako ang magbabayad nun pag nasira. Ngitian ko siya ng sarkastiko at kinuha ko naman yung hawak niya, yung homework pala namin ito sa subject namin na magkaklase kami. Napailing na lang ako.
"Ang sipag mong ibully ako pero homework di mo magawa." pabulong kong sabi.
"Anong sabi mo?!" singhal niya, jusko naman!
"Wala, ang ganda mo kako bingi ka lang. Oh cotton buds, maglinis ka ng tenga mo."
Inabot ko naman yung cotton buds sa kanya, kinuha naman niya iyon at naglinis nga ng tenga. Masunurin naman pala talaga ang german sheperd. Ang sarap i-pet! HAHAHA!
Ang sipag ko noh, dalawang homeworks ginagawa ko. Enjoy na enjoy ko pa ang pag susulat nang bigla naman siyang nagpatugtog ng heavy rock metal, for real?!
"Hoy maingay." saad ko sa hilaw na german na nakahiga sa kama ko.
Sinabayan niya pa ng pagkanta, lalong sumakit ang tenga ko kaya naman kinuha ko na lang ang earphones ko at nagpatugtog na lang ng OPM. Ayoko ng maingay sa totoo lang kaya parusa talaga tong hilaw na german sa akin.
Nang matapos ko naman ang homework niya ay inabot ko na din ito agad sa kanya.
"Alis na."
"Thanks."
Wow, atleast marunong siyang magpasalamat. Nilock ko naman na agad ang pintuan ko, mamaya kung ano pang kalokohan maisip niya, mahirap na.
-----
Dali dali akong lumabas ng kwarto dahil amoy sunog, halos madulas na ako sa hagdan sa pagmamadali. Agad ko namang hinanap kung saan galing iyon, binuhusan ko naman agad ito ng tubig.
"Anong ginawa mo?" tanong ko sa kanya.
"Nagluluto."
"Itlog lang nasunog mo pa? Ang lakas pa ng apoy mo, paano kung hindi ako nagising?" kunot noo kong saad sa kanya.
"Magluto ka na, gutom na ako." utos niya, wow.
"Don't tell me di ka marunong magluto"
Tumingin ako sa kanya at umiling siya, palibhasa laki sa layaw kaya siguro ganyan siya. Napailing na lang ako at nagluto na.
"Kain na." saad ko at inabutan siya ng pagkain niya.
"Itlog lang? Wala bang bacon?" aba't naghanap pa ng wala.
Mukha ba akong may pambili ng bacon? Paulit ulit lang naman ang inuulam ko, itlog, sardinas, tuna, hotdog, maswerte na nga ako kung may ham ako eh, bacon pa ang nais.
"Kung gusto mo ng bacon, bumili ka." sagot ko sa kanya.
"Bili mo ko."
"Ayoko."
"Damot."
"Mahal na reyna, ako po ay walang pera. Ako'y isang hamak na estudyante lamang." sagot ko at nginitian siya ng sarkastiko.
Hindi na siya nagsalita at after niya kumain ay iniwan lang niya ang pinagkainan niya, tingin ba niya talaga sa akin katulong? Wala naman din akong ibang nagawa kundi hugasan iyon.
Nang makatapos naman siya sa lahat lahat ay umalis na din siya. Kahit papaano matatahimik sandali ang mundo ko. Naghanda na din ako dahil papasok pa ako.
*****
RACHEL
I was walking sa hallway, pinag uusap usapan na ng ibang mga studyante ang nangyari sa pamilya namin. I can hear them saying. na "mabuti lang yan" or "they deserve that, kurakot kasi". How pathethic of them.
Nakaramdam naman ako ng paang pumatid sa akin, sinamaan ko naman ito ng tingin, si Jovelyn Gonzaga grr.
"Calm down honey." bati niya.
"Wag mo kong mahoney honey jan." saad ko at tinalikuran na ito.
"May dalaw ka ba hon? Ang sungit mo eh." dagdag pa nito.
"Tigilan mo ako Gonzaga." sita ko sa kanya dahil wala ako sa mood makipagbiruan.
"Pikon." sabi niya ngunit hindi ko na pinansin at nagpunta na sa room ko.
After ng first class ko ay patungo na akong cafeteria sana nang may bumato sa akin ng bato, natamaan ako sa may ulo. What the heck... Patuloy lang nila akong pinagbabato kaya napaupo na lang ako sa lapag. Pinagtutulak pa ako ng ilang studyante. Lumayo naman sila ulit para batuhin ako.
"Magnanakaw!"
"Bagay sa inyo mabankrupt!"
"Wala kayong kwenta! Mga kurakot!"
"Umalis na kayo dito!"
Ilan lang yun sa mga pinagsasasabi nila, hindi ako affected kasi hindi naman totoo. Adik si papa sa sugal oo, pero never siya nagnakaw sa school.
Bigla namang tumigil ang pagbato nila kaya napaangat ako ng mukha only to see someone na nakaharang sa mga binabato nila.
Nakajacket siya at may face mask na washable. May print pa iyon ng maliliit na strawberries. Ngumiti ang mga mata niya at binuhat ako kaya napahawak na lang ako sa leeg niya.
Hindi ko siya makilala. Feeling ko inaantok ako dahil na din siguro sa sugat ko sa ulo kaya unti unti akong nawalan ng malay.
Nagising na lang ako na nasa clinic na ako, nakita ko naman si Den sa gilid kaya naupo na ako.
"Anong nangyari?" napahawak naman ako sa ulo ko at may benda na ito.
"Amnesia te?" pangbabara ni Den kaya inirapan ko lang siya.
"Oh? Okay ka na?" sulpot naman ni Jovelyn.
"Pakialam mo ba?!" singhal ko sa kanya.
"Oh easy" saka niya pinitik ang ulo ko.
"Bwisit!" ang sakit kaya.
"Crush mo naman."
"Yuck! San ba galing yan?!"
"Sakin" at kumindat pa siya.
"Over my drop dead gorgeous body." inirapan ko naman siya.
"I'll make you mine honey." bulong niya na siyang sanhi para kilabutan ako ng malala.
Umalis naman na si Jovelyn kaya nagpasya na din akong umuwi dahil alas singko na at tapos na ang klase ko.
Nang makauwi naman ako ay walang pagkain, at dahil may training pa si Mika ay walang magluluto para sa akin. Nagugutom na ako. Ni simpleng noodles ata hindi ako marunong eh, bratinellang laki with yaya.
Nakatulog na ako sa sofa, nagising na lang ako ng tapikin ako ni Mika at tinanong kung kumain na ako. Sumagot ako ng hindi pa kaya pinagluto niya ako ng bacon, wow. Saan naman galing to?
"Akala ko ba hindi ka nagb-bacon?"
"Hindi nga, nakakahiya sayo mahal na reyna eh." at umirap naman siya.
"Thank you."
"Bilisan mo, lilinisan ko yang sugat mo."
Nilinis naman niya iyon at tinanong niya ako kung anong oras daw pasok ko bukas, 7 am ang pasok ko at siya naman ay 1 pm pa pero gigising daw siya ng maaga para ipagluto ako at baka daw tuluyan ng maging abo ang tinutuluyan namin.
Ang bait nga naman pala talaga ng taong to, now I understand why Den wanted to protect Mika.
Mabuti siyang tao, she deserves nothing but goodness.
Pero I can make bully pa rin naman sometimes diba? I just love pissing her off kahit hindi naman siya napipiss off. Gustong gusto ko lang talaga siyang asarin.