ARA
Monthsary namin ni Den bukas kaya naman naisipan kong bigyan siya ng isang surprise. Hindi naman ako yung tipong nagcecelebrate ng monthsary, ngayon ko lang talaga naisipan para naman matuwa siya kahit papaano dahil sobrang stress na siya sa kanyang studies.
Kakatapos lang ng training namin, at dahil si Mika ang pinakakilala ko dito ay sa kanya ako hihingi ng kaunting tulong.
"Ye, patulong naman ako."
"Saan?"
"Monthsary kasi namin ni Den bukas, baka naman may idea ka anong pwedeng gawin."
Medyo nagulat ata siya pero nabawi din naman niya agad iyon at tumango tango.
"Give her love letter, she really love those, specially hand written ones. Sa halip na isang dosenang bulaklak ang ibigay mo, bigyan mo siya ng isang blue rose. Ipagluto mo siya ng pasta at wag mo kakalimutan ang dessert, itry mo yung ice cream cake."
She smiled and patted my head saka umakbay na sa akin. Sobrang close ba sila ni Den? Pero hindi naman siya nababanggit sa akin ni Den madalas at hindi ko sila nakikitang nag uusap miski sa social media. Yung mga sinabi niya, I never knew those things until now.
"Ye anong oras klase mo bukas?"
"Ano na ba bukas? Friday? Hmm 8-12 lang."
"Uyy ayos, pwede mo ba ako tulungan magluto?"
"Sige ba. Punta na lang ako bukas sa dorm mo after ng klase ko."
"Salamat Ye! I owe you one!" saad ko at nginitian siya.
"Anytime bro. Dito na ako, bye."
Pagkauwi ko ay sinimulan ko na gumawa ng letter, nag cut pa ako ng mga different shapes. Parang pambata nga itong gawa ko kasi hindi naman talaga ako gumagawa ng ganito. Usually thru text lang na long message or idedate ko siya sa ibang lugar. Halos 12 na ako natapos kaya naglinis na din ako bago matulog.
Wala akong pasok ngayon kaya bumili na muna ako ng bulaklak at ingredients para sa lulutuin. Nang dumating si Mika ay agad naman kaming nagsimula, maigi na lang at wala kaming practice ngayon.
Bumili din ako ng balloons at nagpalobo ng 13 pieces na blue at 8 pieces na white. Maliliit lang naman iyon at kasya sa dorm.
"Ye, turuan mo naman ako magluto." kamot ulo kong request.
"Madali lang naman, lagyan mo ng isang kutsarang mantika yung tubig. Pag kumulo na, ilagay mo na yung pasta. Tapos hintayin mo na lang maluto."
"Yung sauce?"
"Carbonara binili ko, yun hilig niya eh. Iinitin mo lang naman yan."
Tumango tango naman ako. Nag aayos na kami ng dorm ng mapansin kong 5:30 na. Iniwan ko muna si Mika saglit para bumili ng ice cream cake sa SM at sinundo ko na din si Den. Pinagpiring ko pa siya para surprise talaga.
"Happy monthsary love." saad ko saka tinanggal ang piring niya.
"Halaaaa! Haapy monthsary din love." saad niya saka ako hinalikan sa labi.
Medyo nagulat din ako lalo pa't may iba kaming kasama, andito pa si Mika.
"Thank you. You really don't have to do this."
"Para mabawasan ang stress mo." sagot ko at humalik sa noo niya.
"Upo na ho kayo." masiglang sabi ni Mika na ikinagitla ni Den.
"Love may problema ba?"
"Ah w-wala."
Hinila ko naman ang upuan niya at pinaupo siya saka inabot ang card na ginawa ko, umalis na din si Mika at pinadalhan ko na din siya ng carbonara dahil masyadong madami ang kalahating kilo para sa amin ni Den.
"Extra sweet mo today love, may kasalanan ka noh?" nakangisi niyang sabi.
"Uyy wala, loyal to love, alam mo yan." saka ko siya kinindatan at nilagyan ng carbonara ang plato niya.
"Loyal pag tulog." sagot niya na dahilan para matawa kaming dalawa.
"Grabe ka sakin. Pasalamat ka mahal kita."
"Thank you." sabay kindat niya.
Pasaway talaga, after namin kumain ay inilabas ko na ang ice cream cake. Cheat day kami today bakit ba.
"Love, thank you talaga." sabi niya at yumakap sa akin.
"Anything for you." yumakap naman ako pabalik sa kanya.
"Bakit pala andito si Mika kanina?"
"Ah nagpatulong ako sa kanya eh. Akala ko hindi kayo close pero may mga bagay siyang sinabi na ngayon ko lang nalaman at para bang ...." napahinto ako.
I suddenly realized a thing. Alam niya ang dapat gawin para kay Den....
"Ano mo si Mika?" bigla kong tanong sa kanya.
Hindi sila close, schoolmate lang sila. Bakit alam niya ang gusto ni Den? Napayuko naman si Den...
"She's my ex... Before you..."
"Kailan kayo naghiwalay?"
"The day na una mo akong sinundo sa school."
Napahiwalay ako sa yakap ko sa kanya. I have no words to say. Nalabag ko yung prinsipyo ko ng hindi ko alam. Ayokong may naaagrabyado akong tao.
"Bakit Den?"
"Love, hindi ko alam." nagsimula naman siyang umiyak.
"Ihahatid na kita pauwi." cold kong sabi.
Tahimik lang kami buong byahe at nang makarating kami sa kanila ay nagpaalam na din muna ako.
"Love ingat ka!" sigaw niya ngunit hindi ko siya nilingon.
*****
MIKA
"Matunaw yung tv."
"Ha?"
"Kanina ka pa tulala jan, oh panyo. Di bagay sayo umiiyak." sabay bato sakin ng panyo ng hilaw na german.
Hindi ko naman ginamit yung panyo niya, nakakahiya eh. Pinunas ko na lang ang damit ko sa mukha ko. Kanina pa ata ako nakatulala.
"Anong problema mo?"
"Wala." tipid kong sagot.
Umakyat naman na ang hilaw na german sa kwarto niya. Nakarinig ako ng katok kaya naman binuksan ko na din ito agad.
"Oh? Napadaan ka? Kamusta date?" tanong ko kay Ara.
"Usap tayo."
"Pasok ka."
Umupo naman siya sa single sofa, dun naman ako pumwesto sa tapat niya.
"Anong nangyari? Bakit natapos agad?" pag usisa ko.
"I'm sorry" at umiyak naman siya, hala nabading na.
"Uyy ano ka ba, bat ka umiiyak?"
"Sorry, hindi ko alam."
"Ang alin??"
"Hindi ko alam na kayo ni Den, sorry Ye. Di ko gusto makasira ng relasyon."
Nagitla naman ako sa sinabi niya, pero grabe respeto ko sa taong to. Nakuha niyang magsorry kahit di niya kasalanan.
"Okay lang Ara, masaya ako makita kayong masaya ni Den. Kung saan masaya si Den, I'm good with that. Alagaan mo ha?" nakangiti kong saad, mas magaan na pakiramdam ko ngayon.
"I will, I'm really sorry Ye." niyakap ko naman siya, ang awkward haha.
"Ang bading mo, hindi bagay sayo." saad ko at ginulo ang buhok niya.
"Buddies?"
"Buddies." at ngumiti ako.
"Sarap ng luto mo." pagpuri niya.
"Ready made na yun, wala naman akong ginawa dun, napakabolera mo. Nililigawan mo ba ako?" at tumawa kami parehas.
"Di tayo talo." at hinampas pa niya ako.
Nagkwentuhan pa kami saglit, and I think I'm ready to let Den go for real. Sigurado naman akong aalagaan siya ni Ara.
Nagpaalam na din siya kaya naman ay umakyat na din ako. Pagbukas ko naman ng pinto ng kwarto ko ay may bumulaga sa akin. Nadulas naman ako sa kumot na binalot niya sa sarili niya at nahatak ko siya. Maigi na lang ako ang bumagsak sa sahig at hindi siya.
"Aww" hawak ko sa ulo ko at nagmulat ng mata.
Napalunok na lang ako ng laway... Malakas ba ang pakakabagok ng ulo ko at kinukuha na ako ng anghel?
"Ganda ko ba?"
Bumalik naman ako sa ulirat nang marinig ko iyon.
"Alis jan." sabi ko dahil nakapatong siya sa akin.
"Sabihin mo munang maganda ako."
Sobra.
"Hindi. Alis jan." umiwas ako ng tingin.
"Di ako aalis hangga't di mo sinasabing maganda ako." saad niya.
"Hilaw na german sheperd." yun na lang sinabi ko.
Tinanggal naman niya ang salamin ko at unti uging inilapit ang mukha niya sa akin.
dug dug
dug dug
Napapikit ako...
... at nakarinig ng tawa. Naramdaman ko namang umalis na siya sa pagkakadagan sa akin kaya nagmulat na ako.
"Ang cute mo." sabi niya at nagtungo na sa kwarto niya.
Ang cute ko ...
Ang cute ko ...
Lumabas naman siya ulit, nakakahiya, nakahiga pa din kasi ako sa sahig. Hindi ko alam pero parang mas natuod ako sa sunod niyang sinabi...
"Mas bagay sayo walang salamin, mas gwapo ka."