RACHEL
Monday nanaman, bakit ang monday malayo sa friday pero ang friday napakalapit sa monday? Hindi ko man lang naenjoy ang weekends ko dahil wala akong pera. Nagpalaundry ako dahil di naman ako marunong maglaba.
Agad na akong nagpunta sa dining at nadatnan ko naman si Labanos na nagluluto. Lumapit naman ako sa kanya, she's still wearing that old boring eyeglasses.
"Good morning." bati ko sa kanya na ikinagitla niya, yung totoo? Nagkakape ba ito? Napakamagugulatin ba naman kasi.
Napatingin naman siya sa akin at agad din umiwas ng tingin, problema niya? Wala man lang good morning din?
"Ano ba yan! Mag bihis ka nga! Bat ba ganyan ang suot mo?" reklamo niya.
Natawa naman ako, nakaisip nanaman ako ng paraan para asarin si Labanos.
"Why? Parehas naman tayong babae ah." pang aasar ko dahil naka underwear lang ako at crop top. Mainit eh, bakit ba. Bet ko matulog ng ganito.
"Kahit pa! Magbihis ka dun."
"Ayoko."
I stayed sa counter, alam ko namang kita niya ako sa peripheral view niya. Kumuha naman ako ng tissue sa gilid at akmang pupunasan ang pawis niya.
"W-wag mo ko l-lapitan."
"Hindi ako nangangagat." binasa ko naman ang lower lip ko saka ito kinagat as I walk towards her.
Gusto ko ng matawa sa itsura ng labanos na 'to. Akala mo talaga eh may kung anong gagawin sa kanya.
"Mag punas ka ng pawis, baka matuyuan ka."
"A-ako na. K-kaya ko n-naman." utal utal niyang sagot at kinuha ang tissue sa akin kaya natawa ako ng mahina.
Naupo na ako at naghintay na maluto ang kanin at ulam. Agad agad na din akong kumain dahil maaga pa ang pasok ko. Hindi man lang niya nagawang tapunan ako ng tingin, lahat naman ng meron ako meron din siya.
"Labanos"
"Oh?"
"Maganda ba ako?"
"Hindi" ay wow.
"May alam ka bang pwede kong pasukan?" saad ko at napatingin naman siya sa akin.
"Trabaho ganun?"
"Oo. Wala na akong pera eh."
"Luh, diba mayaman ka?"
"Noon." sabay yuko ko at inikot ikot ang tinidor sa plato ko.
"Bakit?"
Kwinento ko naman ang nangyari at napakamot na lang siya sa ulo niya. Wala na daw pala kaming pera tapos ang gastos gastos ko pa. Wow, nasermonan pa ako.
"Tapos nagpalaundry ka pa, pwedeng pwede naman maglaba."
"Eh hindi ako marunong!"
"Ano ba yan! Puro ganda lang ba meron ka ha?!"
"Anong sabi mo? Puro ganda lang meron ako?" nakangiti kong tanong sa kanya.
"H-ha? H-hi-hindi naman yun yung s-sinabi ko." utal utal niyang saad.
"So inamin mo na din na maganda ako?" tinitigan ko naman siya kaya umiwas siya ng tingin.
"Ewan ko sayo hilaw na german. After ng klase ko 3 pm maghahanap ako ng trabaho, sasama ka?" nakatalikod na siya dahil nagpunta na siya sa may lababo.
"Bakit magtatrabaho ka din?"
"Kulang yung allowance namin eh, bayad sa bahay, baon ko, pagkain NATIN." inemphasize niya talaga yung natin, hindi naman kasi siya nanghingi ng bayad eh. "Idagdag mo pa yung kuryente NATIN, tubig NATIN, oh diba, projects pa NATIN." napakamot na lang din tuloy ako sa ulo ko.
"Oo na! Eto naman eh, text mo na lang ako."
"Wala akong phone." at nag peace sign siya sa akin.
Napakunot naman ang noo ko, saan bang lupalop galing tong taong to at ni cellphone wala siya?
"Ugh fine, san tayo magkikita?" tanong ko, I need a job immediately.
"Sa may main entrance na lang."
"Okay, see you."
Naghanda naman na ako at pumasok na din, tuwing monday ko lang hindi kaklase si Mika kaya tuwing monday lang siya nakakaiwas sa kalokohan ko. Sa kasamaang palad, magkatabi ang room namin ni Jovelyn pag monday.
"Honey!" sigaw niya kaya napairap na lang ako ngunit hindi ko siya nilingon.
"Uyy para sayo." at inabutan niya ako ng bulaklak.
"Salamat." tugon ko at saka tinignan ang bulaklak na binigay niya.
Shit.
Naihagis ko na lang yung bulaklak dahil may lumabas na bubuyog kaya nagtatatakbo na din ako agad pero hinahabol pa din ako.
Bwisit talaga kahit kailan yung Jovelyn na yun. Hindi ko namalayan tumakbo ako pabalik kay Jovs, at ang bruha pinatid ako. Ready na sana akong halikan yung semento pero buti na lang at may sumalo sa akin.
"Okay ka lang ate?" tanong ni Ria Meneses, isa sa WBT.
"Salamat." saad ko.
"Agang lambingan Captain ah." sabi niya kay Jovelyn.
"Kilabutan ka nga." at dahil sa inis ko ay napitik ko sa tenga si Ria. Agad din naman akong humingi ng sorry.
Naglakad na ako pabalik sa room ko at nang nasa harap na ako ni Gonzaga ay inapakan ko ang paa niya.
"Owww" rinig kong side comment ni Ria.
"Bwisit. Ganyan ka ba sa mga crush mo?" sabi ni Jovs.
"Mas bwisit ka. At asa ka namang crush kita." sagot ko at pumasok na ng room namin.
Umagang umaga, sira na ang araw ko. Nakakainit ng ulo yung napaka yabang na Gonzaga na yun. Sarap itapon sa ilog.
Nang matapos na ang klase ko ay agad na din akong nagtungo sa main entrance.
"Labanos!" pagkuha ko sa atensyon niya.
"Tara."
Naglakad lakad lang kami, wala palang plano tong taong to. Akala ko naman kumuha ng classified ad jusko.
"Try natin to!"
"Jusko naman." at napa face palm na lang ako.
Nasa isang coffee shop kami, pero pwede na. No choice naman ako, hindi pwedeng maging choosy. Dahil in urgent need sila ng staff ay nakuha na din kami agad. Open from 6 am - 12 am yung coffee shop at dapat kahit 6 hours a day ay makapasok kami, or depende sa schedule namin. Naiintindihan naman din nila yung needs namin.
"Labanos."
"Oh?"
"Buhatin mo ko. Sakit na ng legs ko." saad ko dahil kanina pa kami naglalakad lakad.
"Asa ka. Bilisan mo na jan, may training pa kami."
Naupo naman ako sa may gutter, masakit na talaga paa ko.
"Mauna ka na."
"Hi miss." bigla namang lapit ng isang lalaki.
"Pwede ba makuha number mo?" tanong pa nito.
"Kuya, wag niyo na ho kausapin yan, baliw ho iyan." sagot ni Mika.
Umupo naman sa harap ko si Mika.
"Sakay na, mahirap na. Masyado kang panget, baka di ka makauwi ng ligtas."
Sumampa naman ako sa likod niya at saka pinitik ang tenga niya.
"Sinong panget ha?!"
"Ikaw." sagot niya kaya muli ko siyang pinitik.
"Anak naman ng tipaklong oh." reklamo niya. "Oo na, ikaw pa din ang panget." natatawa niyang sagot.
"Kaya pala crush mo ako." natigilan naman siya sa sinabi ko.
"U-uy h-hindi ah." utal utal nanaman niyang sagot.
"Talaga?"
"Hindi NA"
"Ah so crush mo ako dati?"
"Ewan ko sayo."
Tumahimik na siya at hindi na ako sinagot kahit daldal ako ng daldal. Medyo malayo pa pala yung dorm namin pero kaya daw niya lakarin. 4:50 na at 5 pm ang training nila.
"Uwi ka kagad ha." saad ko.
"Bakit? Mamimiss mo ako?" natawa ako sa sinabi niya.
"Wala akong food." sagot ko.
Napatingin siya sa orasan. 4:55 na at 20 laps ang late ngunit pinagluto niya pa rin ako. Bahala na daw, nakakahiya daw kung aantayin ko siya dahil 8 pm pa ang tapos ng training nila, eh pwede naman na daw siya magluto ngayon. 5:05 na siya nakaalis at 10 minutes walk ang dorm namin mula sa FEU.
Napangiti na lang ako, napakabait nga naman talaga ng taong yun.