Chapter 8: Protective

1618 Words
MIKA Hindi ko alam kung anong nakain ko kagabi o kung anong nangyari pero parang ang saya saya ko. Kakagising ko pa lang naman pero parang kumpleto na yung araw ko. Nagsaing na ako at nagsimula na din mag gisa ng sibuyas para sa corned beef. "Only know you've been high when you're feeling low, only miss the sun when it starts to snow and only know you love her when you let her go." pag kanta ko. "Ay ang galing naman pala kumanta." biglang sabi sa may likuran ko kaya napahawak ako sa dibdib ko, nakakagulat naman kasi. Hinarap ko naman siya. "Good morning." nakangiti niyang bati sa akin. "Good morning din. Upo ka na ho mahal na reyna." "Kamusta na kayo ni Den?" tanong niya. "Ha?" "I mean kayo, I know your past." "Wow, ang alam ko yung sibuyas ang ginigisa, hindi ako." saad ko na ikinatawa niya. "Kwento ka naman." "Ayoko, baka asarin mo lang ako." sabay irap ko habang nakaharap na sa niluluto ko. Itinuloy ko na ang pagluluto at nang matapos ay naghain na ako, kaya pala hindi sumagot ang hilaw na german ay nakaidlip sa lamesa. Kinalabit ko naman siya para makakain na. "Kwento ka na, anong feeling maipagpalit?" nakakatangang tanong niya. "Ay sobrang saya! As in ang saya saya ko." sarkastiko kong sagot, hello? matic na yun. "Dali na." "Syempre masakit, ikaw kaya try mo." "Ha! Ako? Ipagpapalit? Sa ganda kong to?" umiral nanaman pagiging mahangin niya kaya humawak ako sa upuan, baka tangayin ako eh. "Teka, kape gusto mo? Para kabahan ka naman sa mga pinagsasasabi mo." tugon ko sa kanya. "Bakit? Kapalit palit ba ako?" "Eh si Liza nga pinagpalit sa isang gabi ng ligaya diba, tayo pa kaya?" biro ko. "Pero depende naman kasi, meron naman talaga pinagpapalit sa mas maganda, pero meron din pinagpapalit sa MAS MAHAL" at ngumiti ako ng pilit. Natahimik kami saglit, pero maigi na din yun. Ayoko naman na pag usapan yun. Nang matapos siya kumain, nagsimula nanaman siyang magdaldal. "Nakamove on ka na?" tanong niya na ikinatawa ko. "Nung gabing pumunta si Ara, nakapag let go na ako, and I think yun lang din ang kailangan ko. I'm fine." Tumango tango na lang siya at nagtungo ng cr para maligo. Sumunod na din ako after. Nang makatapos naman ako ay naabutan ko pa siya sa salas. "Oh? Bat di ka pa umaalis?" tanong ko. "Sabay na tayo pumasok." at nginitian niya ako. Ano bang nakain naming dalawa at parang ang gaan gaan ng pakiramdam namin? Para kaming tanga na nagkukwentuhan tapos tawa ng tawa. "Anong oras ka pupunta sa coffee shop mamaya?" tanong niya. "After ng klase ko bale 3pm tapos na ako hanggang 4:30 lang siguro ako then 8-12 pm na. Magpapaalam ako na sa weekends ko na lang babawiin yung mga kulang na oras pag weekdays." "Ah sige, 6-12 ako ngayon. 5:30 pa tapos ng klase ko eh." Magkaklase kami sa first class namin, at as usual chineck ko muna ang upuan ko dahil may kung anong saltik tong hilaw na german. Baka biglang atakihin, mahirap na. Hinawakan ko maigi yung upuan ko dahil ayoko na bumagsak sa sahig. Lagi na lang nahuhulog, wala namang sumasalo. "Ang oa mo, sabay tayo pumasok oh." natatawa niyang sabi. "Mahirap na, baka topakin ka eh." saka ako nag make face. "Baliw. Kalma, darating tayo jan." at kumindat pa ang hilaw na german. Dumating ang prof namin at agad na din nagturo, nang palabas na ako ng room ay tawa ng tawa ang mga kaklase ko, hindi ko naman alam kung anong nakakatawa. Naglakad na ako patungong cafeteria at may mga estudyanteng tawa talaga ng tawa. Ano bang nakakatawa? "Ate Ye!" napalingon naman ako at nakitang tumatakbo si Bea sa akin. Nagtaka naman ako nang tumawa rin siya. "Anong problema? Bakit ba kayo tawa ng tawa?" tanong ko. "Eto kasi oh." May kinuha naman siya sa likod ko, isang note: I forgot to brush my teeth. Hayp na german yon! "Yuck ate." tumatawa pa siya kaya binatukan ko siya. "Kadiri kung hindi" inakbayan ko na siya at naglakad na kami papunta sa cafeteria. Nakita ko naman ang grupo ng hilaw na german na nakaupo malapit sa table din nila Jovs. Nang malapit na kami ay pinatid ako ng bruha, ang ending tumama ang siko ko sa edge ng table at napangiwi na lang ako. "Ay sorry." at nagpeace sign pa siya kaya nginitian ko siya ng sarkastiko. "Ewan ko sayo." bulong ko. After namin kumain ay dumeretso na din ako sa klase ko, tapos sa coffee shop then balik sa gym para sa training. "Ate Ye, balita ko masarap ka magluto, punta ko bukas sa inyo. Pakain." sabi ni Ria. Siya ang ka pair ko ngayon habang nag jojog. "Sino naman nagsabi niyan?" tanong ko. "Si ate Den." "Hahandaan kita ng hotdog. Hahahah" biro ko sa kanya. "Ate naman, dali na. Isasama ko si Bea, anong oras ba klase mo bukas?" "12 pa naman pero balak ko umalis ng maaga." sagot ko dahil duduty muna ako sa coffee shop. "Oh mga 7 andun na kami." Omoo na lang ako sa gusto ni Ria. Dahil may spare key naman si german sheperd ay binigay ko muna ang susi ko sa kanya dahil hindi naman na ako makakapamili ng ingredients ng carbonara. Iiwan na lang daw niya sa landlady ang susi ko. After training ay dumiretso na ako sa coffee shop at all smiles naman akong binati ng manager namin, maigi na lang mabait at understanding si mam. 8:30 na ako nakapagsimula ng duty ko. "Kamusta first day?" tanong ko kay german habang inaayos ang apron ko. "Okay lang, medyo madami daw talagang customer pag 6-8 pm. Swerte mo hindi mo mararanasan yun." at inirapan niya ako. "Grabe siya oh, may training kami eh. Malapit na din games, magstart na din within 2 months ang UAAP." sabi ko sa kanya habang nag stretch ng konti. "Manunuod ka ba?" tanong ko na hindi ko din inaasahanag itatanong ko. "Hmmm... Papaticket ka ba?" natawa naman ako. "Sige, malamang si Den bibigyan ni Ara. Bibigyan ko na lang kayo ni Aby." nakangiti kong sagot. "Kumain ka na ba?" tanong niya sa akin. "Hindi naman ako gutom." pagsisinungaling ko dahil na din late na ako dumating. Nagthumbs up naman siya at nagpatuloy na kami sa pagtatrabaho. Feeling ko hindi sanay sa madaming gawain ang german na ito dahil panay ang stretch niya. "Akin na bag mo. Ako na magdadala." paunlak ko sa kanya. "Ha? Wag na labanos. Kaya ko naman." sagot niya. "Bahala ka, ikaw din." "Sige na nga." at inabot niya na ang bag niya sa akin. Nang makarating kami sa dorm ay dumeretso na din kami agad sa kanya kanya naming kwarto. Nakakapagod. ----- Alas sais pa lang ng umaga ay nakaligo na ako para hindi na ako magagahol sa oras mamaya. Hindi muna ako nagbihis ng pampasok ko, sa halip ay nagsuot muna ako ng jersey ko. Nang malapit ng maluto ang sauce ng carbonara ay saktong bumaba si Rachel. Napaiwas na lang ako agad ng tingin. Damn. Ayoko magkasala. "Anong meron?" tanong ng hilaw na german. "Wala ho." saad ko at biglang nakarinig ng katok. Shit. "Ate Ye?" "Uyy magbihis ka, anjan si Ria at Bea." saad ko kay Rachel pero ngumiti lang siya ng nakakaloko. Nakacroptop at undies nanaman ang ate niyong hilaw. Lumalabas ba talaga siya ng ganito noon sa bahay nila? Wala ba siyang guard dun? Baka pinagnasaan na to ng mga tao sa kanila eh.  "Ayoko." sagot niya. "Ay bwisit." saad ko at hinubad ang jersey ko. Isinuot ko ang jersey ko sa kanya. Buti na lang at mahaba iyon, nakasportsbra naman ako kaya keri na. Tumawa naman mag isa ang hilaw na german, lakas talaga ng saltik. Pinagbuksan ko na si Ria at Bea, laking gulat nila nang makita si Rachel na kumakaway sa kanila. "Hala!" bulalas ni Bea. "Wag madumi isip, dormmate ko yan." saad ko. "Goodmorning ate Rachel." nakangiting saad ni Ria habang kumakaway. "Good morning din Ria." nakangiting tugon din ni Rachel. "Binati ako ni crush!" bulong ni Ria na rinig na rinig ko naman. Napailing na lang ako. "Ate crush ka nito." sabi ni Bea sabay turo kay Ria kaya nasuntok siya nito. "Kain na kayo." sabi ni Rachel at pinaghain ang mga kaibigan ko, ang bait. Wow. Masayang masaya naman kumain ang dalawang ugok, halos maubos na nga nila yung kalahating kilo eh. Nakipagkwentuhan din sila kay Rachel, kilig na kilig naman si Meneses. Sus ko po, kung siya siguro kasama ni Rachel sa dorm ay namatay na to sa mga kalokohan ni Rachel. Sabay sabay na kami umalis maliban kay german na maliligo pa lang. I had the same routine for today, 8-12 ako nag duty ng morning kaya 11 pm pinagout na ako ni mam pero nag insist ako na 12 na ako mag a-out. "Bakit di ka pa umuwi agad?" tanong ni Rachel. "Syempre para bayad sa mga kulang kong oras." sagot ko kay Rachel. "Akin na yang bag mo." nakangiti kong saad. "Wag na, pagod ka din naman eh." tugon niya. "Pero pag inalok kong ipiggy back ride ka, sige ka naman?" natatawa kong saad. "Oo naman." tumawa din siya. "Oh edi halika na, ipipiggy back ride na kita." nakangiti kong saad at pumwesto na. Naramdaman ko naman agad ang pagsampa niya, muntik pa nga ako sumubsob sa bigat ng hilaw na german na ito. "Ayos diba? Ayaw ipadala yung bag pero magpapapiggy back ride. Ayos." natatawa kong reklamo. "Thank you." at sinandal niya na ang mukha niya sa balikat ko. Mas bumigat ang dala ko, feeling ko nakatulog na siya, mabuti na lang at kayang kaya siya ng muscles ko haha. Ang totoo niyan, pinilit ko na din na umuwi ng 12 dahil na din hindi ligtas kung hahayaan ko ang german na to umuwi mag isa. Mahirap na, baka bukas makalawa nasa circus na siya, at ginawa ng center of attraction. Nang makarating kami sa dorm ay dineretso ko na siya sa kama niya at hinubad ang sapatos niya. Kinumutan ko na din siya at tumungo na sa pintuan. "Good night Labanos." napalingon ako, mukhang nag sleep lang siya. "Good night German." "Thank you Mika." I smiled not knowing why. Why does my name sounded so different nung sinabi niya? I shook my head. Baka guni guni ko lang iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD