Chapter 9: First of many first

1348 Words
MIKA Pagkalabas ko naman ng kwarto ko ay nag inat ako. Yey for weekend kaso maglalaba pala ako at papasok sa coffee shop. Pagbaba ko naman sa salas ay napakunot na lang ako ng noo. "Bakit mo suot yan?" tanong ko kay Rachel dahil suot niya yung jersey ko. "Bagay naman diba?" umikot siya at kinindatan pa ako. Okay, kinilig ako konti. Pwede naman yun diba? I mean kasi... kasi ano nga ... "Oh natulala ka na jan, nagandahan ka nanaman sa akin noh? Crush mo na ako ulit noh? Ayiie" natatawa niyang bintang. "Oo na." sagot ko at inirapan siya. Di ko naman maitatago habang buhay na crush ko na ulit siya eh. Edi aminin na lang natin. "Ayieee." sabay sundot pa sa tagiliran ko. "Nako Daquis tigilan mo ako. San mo naman kinuha yang damit ko at bakit suot mo yan?" kunot noo kong tanong. "Sungit naman ng may crush sa akin." natawa siya, I bit my lower lip, I was trying to refrain myself from laughing. "Sagot." "Sa sampayan, wala na akong damit pala." "Rachel, malaki ka na. Dapat matuto ka na mag laba, kunin mo labahan mo at maglaba tayo." utos ko sa kanya. Ay jusko, masasapo mo na lang talaga yung noo mo kung makikita mo kung paano niya hawakan ang mga labahin niya. Yung thumb at index finger niya lang gamit niya! Akala mo sandamakmak na virus ang naroon, siya naman ang nagsuot, may saltik talaga. Tinuruan ko naman siya maglaba, yung pag kusot niya wala man lang kalakas lakas! Hala ka! Parang ni isang germ hindi matatanggal sa pagkusot niya eh. Halatang first time lang maglaba ng taong to, nagpa bubbles na lang eh. Kumuha naman ako ng bula at pinahiran siya sa mukha.  "Madami ka pa pong lalabhan." nakangiti kong saad. "Teka bagay sayo to." sabi niya. Kumuha naman siya ng bula at nilagay sa may baba ko, nilagyan ako ng balbas. Never in my life na ginusto ko mag kabalbas noh. "Itsura ko naman" pag angal ko. "Gwapa pa din." sagot niya dahilan para pumalakpak ang tenga ko. "Gwapa ako?" pag ulit ko sa sinabi niya ngunit umiling siya at tumawa. "Bilisan mo na ho maglaba at pupunta pa tayong coffee shop. May trabaho pa po tayo." saad ko. Maya't maya ay chinecheck ko kung tama ba yung ginagawa ng hilaw na german na ito. Maigi na lang ay nakuha niya na din kung paano magkusot. Malapit na kami matapos, isang banlaw na lang. Kinuha niya yung hose at binuksan ang gripo. Nagulat naman ako ng basain niya ako, siraulo talaga. Maigi na lang hindi pa ako nakakaligo.  "Ang bully mo talaga ano?" sabi ko at binasa din siya gamit ang tubig na nasa palanggana. "Ang harot harot mo." sabi niya kaya tumayo ako. "Ako pa ang maharot ha."  nilapitan ko naman siya ngunit tumakbo siya at patuloy akong binabasa. "Sobra kaya" natatawa niyang sagot. "Uyy wag ka tumakbo, baka madulas ka." sabi ko pero takbo pa rin siya ng takbo. Ayun na nga ba ang sinasabi ko, maigi na lang at mabilis ang reflex ko at nasalo ko siya. "Ang kulit mo naman kasi." sabi ko pero hindi pa rin kami gumagalaw sa pwesto namin. dug dug dug dug Binasa naman niya ako ulit, ang bait bait. Itinayo ko na siya at bumalik na sa binabanlawan ko. Pinaligo ko na siya dahil isang oras siya halos naliligo pag weekends. Nagdadrama pa ata sa banyo. Ako na nagbanlaw at nagsampay ng mga damit namin. Naligo na din ako agad nang makatapos ako. Hirap ng may kasamang anak mayaman sa dorm miski magwalis hindi magawa eh hahahaha. Nang makarating kami ng coffee shop ay ang daming tao, tinanong ko si mam kung bakit. Nahiya ako sa sagot niya at napakamot na lang ng ulo. Nalaman daw kasi nila na isa sa WBT ang nagtatrabaho dito. "Oh baka lumaki ulo mo niyan." side comment ng hilaw na german. "Selos ka naman agad" at kinindatan ko siya. "Yan na nga ba sinasabi ko, wala pa nga, lumobo na agad ulo mo." natawa na lang kami parehas. "Kayong dalawa talaga, feeling ko kayo end game." pinigilan ko ang sarili ko matawa sa sinabi ni mam. Oo crush ko tong hilaw na german na 'to pero no way, masyado mapanakit. Magiging battered girlfriend lang ako jan. "Mam, di kami talo. Parehas chicks hanap namin mam." at natawa na lang din si mam sa sinabi ni Rachel. "Oh siya sige na, madami pa tayong customers." We did our usual routines, 8 pm na kami nag out ni Rachel at ibinigay na sa amin ni mam ang sweldo namin. May pabonus pa siya dahil dumami ang tao sa coffee shop niya simula nung nagtrabaho kami ni Rachel doon. ***** RACHEL "Nakakaiyak." saad ko at nagpahid ng luha kaya hinagod ni Labanos ang likod ko. "Drama mo." saad niya. "Eh fruit of labor to, pinagpaguran ko to." at niyakap ko pa ang envelop ko. Umakbay naman siya sa akin at ginulo ang buhok ko na agad ko namang ikinainis kaya nag sign of the cross na siya. Siraulo to, mukha ba akong aswang? "Uyy pero thank you talaga." sabi ko mula sa kaibuturan ng puso ko. "Wala naman akong ginawa ah." "Baka kung wala ka, wala din akong work." nakangiti kong sabi at niyakap siya. Thankful ako na kahit inaasar ko siya araw araw ay hindi siya napapagod pakitaan ako ng kabutihan. Kagaya kanina, halos gusto ko ng sampalin yung isang customer dahil kung ano anong nakakadegrade na salita na yung natanggap ko, nagkamali lang naman ako ng lapag ng orders nila na agad ko din namang napansin. Lumapit si Mika sa table na iyon at siya na ang nag asikaso, siya na daw bahala. Mahirap kung mawawalan ako ng trabaho. Tuwing 15 at 30 ang sahod namin, si Mika na daw bahala magbudget sa bahay, oh diba. Sisiguraduhin daw niya na may maiipon ako. "Huy." saad ko dahil naestatwa na siya. "Ha?" "Nakatulala ka na jan. Porket niyakap ka ng crush mo di ka na nakagalaw." pang aasar ko sa kanya. "Yabang naman talaga oh." saad niya at piningot ang ilong ko. "Hilig mamingot ng ilong palibhasa..." hindi ko na tinuloy ang sasabihin ko dahil sinamaan niya na ako ng tingin. Ang cute cute ng damulag na 'to. Napatingin ako sa relo ko, 8:10 pa lang naman. Marami pang bukas na kainan. "Labanos, kain muna tayo. Treat ko, pathank you ko na sa lahat ng ginawa mo para sa akin." pagyaya ko sa kanya. "Niyayaya mo ba ako makipagdate sayo?" nakangiti niyang saad. "Patola ka. Pathank you nga eh, anong date pinagsasasabi mo jan. Wag kang humopia." saka ko siya binatukan at naglakad na. Sumunod naman siya at ang pinakamalapit naming nakita ay jollibee, pwede naman na siguro ito. Bumili ako ng isang bucket, ulam na namin yung matitira bukas. Bumili pa akong ng spaghetti at madaming rice. "Hala ang dami." saad niya. "Okay lang yan, feast yourself Labanos." sagot ko at nagsimula na din kumain. "Thank you dito german." "Stop calling me that." "Stop calling me Labanos." "I'm RAD. You are?" "I'm yours." at kumindat pa ang labanos, as if naman kikiligin ako dun. Tinaasan ko naman siya ng kilay. "Joke lang, Mika na lang." sabay abot niya ng kamay niya. Nakipagshakehands na din ako at nagsimula ng kumain. After namin kumain ay naglakad lakad muna kami hanggang makaabot kami sa isang park. Naupo naman kami sa swing. Tahimik lang kaming nakamasid sa mga bituin. "Namimiss mo na ba yung dati mong buhay?" tanong ni Mika. "Oo naman, yun na yung nakasanayan ko eh." sagot ko at nginitian ko siya. "Pero thankful ako na nangyari yun, sa 1 buwan mahigit, ang dami ko na agad natutunan." Tumingin naman ako sa kanya, only to catch her already looking at me. I smiled... "Thank you ng marami Mika. Sa pasensya, sa pag aalaga, well actually sa lahat." "Isipin mo na lang na duty ko yun dahil nasa iisang bahay tayo." sagot niya. Tumayo naman siya at inilahad ang kamay niya, para akong nakuryente nung hinawakan ko iyon. Nagsquat naman siya, meaning piggy back ride time na. Hindi na ako kumokontra, I am enjoying this. Nang makarating kami sa tapat ng mga kwarto namin, lumingon muna ako ulit sa kanya. "Mika." "Hmm?" lumingon naman siya. "Thank you ulit." saad ko at humalik sa pisngi niya. "Good night Mika." I could say na thankful ako na siya ang nakasama ko sa bahay. Sa sobrang thankful ko feeling ko kulang pa yung ilibre siya ng food kaya naman naisip ko bigyan siya ng regalo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD