Chapter 10: A gift from me to you

1349 Words
RACHEL  I hate mondays, that's one thing for sure. Magising pa lang ako at maalala kong makikita ko nanaman ang pagmumukha niya ay naiinis na ako. Sa dorm namin nag breakfast si Ria at Bea ngunit pinauna ko na sila dahil may dinaanan pa ako kay Den. Nang makaakyat ako sa floor kung nasaan ang room namin ay napansin ko naman na ang daming tao sa hallway. "Breakfast is served." nakangiting saad ni Jovelyn at nagulat na lang ako ng pinagbabato ako ng itlog ng mga studyante. At kahit masakit yung mga pinagbabato nila ay naglakad ako papalapit kay Jovs, kinuha ko ang itlog na hawak ng katabi niya at pinukpok ito sa ulo niya. "Asshole." saad ko dito. "Good morning honey, sweet mo talaga." narinig kong saad niya ngunit hindi ko na siya pinansin. Nagtungo na lang ako sa locker ko, only to find out na yung extra kong damit ay pinag gugupit nila. Nagpunta ako sa cr to clean my hair, ang lagkit sobra. Napansin ko namang may naglagay ng jacket sa may pinto ng shower room. It's clean. You can wear this.  G, whomever it is, thank you po! I don't have to miss my first class. Kulay gray yung iniwang jacket and sobrang bango, medyo loose siya but it's comfy. "Kanino naman galing yan?" kunot noong sabi ni Jovs. "Wala. Kang. Pake." sagot ko at inapakan ang paa niya. Gigil niya si Ako ha. "Brutal mo sa mga crush mo." saad niya na ikinatawa ko ng sarkastiko. "Haha. Baka ikaw ang may crush sa akin. Wag ako Gonzaga." sagot ko at tuluyan ng pumasok sa klase namin. I was on my way sa cafeteria, people are throwing me dagger looks, kung hindi lang ako medyo nahawaan ng kabaitan ni Labanos baka nadukot ko na ang mga mata nila. "Rad!" sigaw ng kung sino kaya napalingon ako. "Tulungan na kita sa dala mo." dagdag ni Mika at kinuha ang mga dala kong libro na gagamitin ko sa next class ko. "Thank you." sabi ko at inabot ang mga libro ko. "Pigilan mo nga ako, malapit ko na talagang dukutin mga mata nila." gigil kong sabi. "Crush kasi nila ako, selos lang yang mga yan." at kumindat pa ang mokong kaya umakto ako na masuka suka ako. "Hindi ka din mahangin ano? Manang mana ka sa kaibigan mo." at inirapan ko naman siya. "Eh magbestfriend kami, pero mas mahangin yun." sagot niya at tumawa. "Sabihin mo dyan sa mga fans mo sorry sila, dahil yung crush nila, ako ang crush." ginulo naman niya bigla ang buhok ko kaya sinipa ko siya. Hinatid niya ako sa table namin nila Den at umorder na ng pagkain niya, sa table na din namin siya nakaupo dahil lumabas ata yung kumag nilang captain. "Uyy Ye" saad ni Ara at nakipag bro hug. "Pinopormahan mo ba si Chel?" tanong ni Ara na dahilan para humagalpak ng sobra ang katabi kong labanos. Kung makatawa naman, lugi ba siya ha? "Hindi uyy, asa siya." sagot nito at kumain na. "As if naman din may pag asa ka." sabay irap ko sa kanya. "Dyan nagsimula ang lolo't lola ko." saad ni Den. "Eh ganyan din sila ni Gonzaga, paano na?" nagtawanan naman sila. "Basta kay Mika ako boto." sabi ni Ara kaya binato ko siya ng wallet ko ngunit nasambot niya iyon. Nagpatuloy na lang ako sa pagkain at nang makatapos kami ay naghiwa-hiwalay na kami maliban na lang kay Mika na dala dala ang mga libro ko. "Bakit mo ba dala dala yan? Nanliligaw ka ba?" kunot noo kong tanong. "Hala ang OA mo, kasi nilibre mo ako kagabi. Kaya ako na magdadala nito." nakangiti niyang sagot. "Di mo naman kailangan gawin yan. Kaya ko naman eh." tugon ko. Di na siya sumagot, at nag hum na lang. Nang makarating kami sa room ko ay agad na din siyang nagpaalam. Iniisip ko pa kung saan ko bibilhin yung regalo ko kay Mika, hindi naman ganun kalaki ang sweldo namin kaya sana may tiangge akong madaanan. After ng klase ko ay idinaan ko na muna ang mga libro ko sa locker at saka pumunta sa coffee shop. Maigi na lang at nakakita ako ng mumurahing regalo para kay Mika. Sana naman magustuhan niya to. ***** M I K A Malapit na matapos ang training namin, nag f-free throw na lang kami nang lumapit sa akin si Ria. "Ate Ye." "Oh?" "Punta ulit kami bukas sa inyo." "Nakakahalata na ako ha, luto ko ba pinupunta mo dun o si Rad?" "Sinong Rad? Si ate Chel pinupunta ko noh." pag amin niya. Natawa na lang ako at tinaboy na siya, sabi ko bahala siya kung gusto niya pumunta o hindi. Magdala na lang siya ng pagkain dahil nakakatamad na sila lutuan ni Bea. Naoobliga ako magluto ng madami pag anjan sila eh. Ang demanding pa, dapat daw masarap. Hello? Anong maluluto ng laman ng ref namin diba? "Ate Ye, bar daw." pagyaya ni Bea sa akin. "Pass, may work ako." nakangiti kong tugon. "For real?" gulat na gulat niyang tanong kaya natawa ako bago tumango tango. "Hala! Kaya pala lagi kang nagmamadali." dugtong ni Ria. "Sige na mauuna na ako." saad ko. "Ye! Samahan na kita." Paunlak ni Ara. "Wag na, kaya ko naman mag isa." "I insist, para makabisita din ako pag wala kaming ginagawa." sabi ni Ara kaya wala na akaong nagawa kundi pumayag. Gaya ng sinabi niya ay sinamahan niya ako sa coffee shop, habang papunta kami ay may bigla siyang naitanong. "Di nga Ye? Hindi mo ba type si Chel?" tanong niya kaya bumara yung s**o sa lalamunan ko, feeling ko nga umakyat sa ilong ko. Hinagod hagod niya naman ang likod ko at pinainom ako ng tubig. "Si Rad? Oo crush ko siya, maganda siya pero ewan ko. Kasama ko siya sa dorm pero hindi ko naman siya nagugustuhan." "Kasama mo sa dorm?!" "Ah hindi ba nasabi ni Bea at Ria?" "Alam nila?!" "Para kang tanga, kalma lang." "Tapos sasabihin mo hindi mo nagugustuhan? Impossible!"  Natawa ako sa sinabi niya, eh anong magagawa ko? Puro naman pangbubully natatanggap ko doon. "Walang ginawa si Chel sayo? I mean nakasama na ako sa overnight nila minsan and..." "Ahh, parang alam ko na yang sasabihin mo." napakamot na lang ako sa batok ko. "Oh tapos? Hindi ka man lang naseduce?! HAHAHAHA." "Loko, syempre hindi ko tinitigan! Naaninag ko lang kasexyhan niya pero yun lang yun." "I doubt na wala kang gusto kay Chel." "Wow, ikaw ba ako? Oyy andito na pala tayo." Kumaway muna si Ara kay Rad at nagpaalam na din ako sa kanya. Pero bago siya tuluyang umalis ay nginitian ako ng nakakaloko. Naalala ko naman bigla yung good night kiss na binigay sa akin ni Chel kagabi. Hindi ko siya gusto pero napuyat ako dahil dun! Haha. Nagduty na din ako agad at as usual madami nanamang tao, inaabangan ba nila ako? Nakakahiya din sa manager namin dahil as in sobrang gulo sa workplace namin ni Rad. After ng duty namin ay tumanggi siya sa inaalok kong libre sakay ngunit pinabuhat na lang niya sa akin ang bag niya. Hindi niya ako pinapansin kaya nanatili na lang din akong tahimik, nakakapanibago, nakapasok na lang ako ng kwarto lahat lahat ay ganun pa din siya. Gusto ko nga sana itanong kung may problema ba siya kaso baka hindi rin siya sumagot. Nakarinig ako ng mahinang katok kaya agad kong binuksan ang pinto at nakita si Rad na may hawak na box na nakabalot.  "Para sayo." sambit niya. "Ha? Hindi ko naman birthday ah." "Buksan mo na." Binuksan ko nga iyon at nakitang isang cellphone ang laman. Wala naman siyang camera, parang text and calls lang talaga pero sobra naman ito. "Rad, di ko matatanggap to." pag ayaw ko. "Kulang pa yan para sa lahat ng ginawa mo para sa akin Mika." Mika... I am getting a weird feeling talaga pag tinatawag niya akong Mika.  "Rad, Ye na lang itawag mo sa akin." sabi ko dahil naiirita ako na hindi ko malaman kung ano. "Tanggapin mo na please." "Ayoko, sobra na yan." Nakita ko naman ang lungkot sa mukha niya at naglakad na siya pabalik sa kwarto niya. Medyo naguilty naman ako kaya hinawakan ko ang kamay niya para pigilan siya.  Wrong Move. Dug dug Dug dug. "Bakit?" tanong niya. "S-sige n-na. K-kukunin ko na." utal utal kong sambit. Damn. She smiled at parang may nag glow na kung ano sa paligid ko kaya nagkusot ako ng mata. "Thank you Rad." sabi ko. "You're welcome." muli siyang ngumiti. It felt weird, something is really weird. I had the feeling na gusto kong makita yung ngiti niya palagi. Nababaliw na ata ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD