JOVS Masayang masaya sila habang kumakain. I can see how happy my best buddy is with Rachel. Kaya siguro hindi rin kami nagtagal para less feelings ang nainvest, less heartache at hindi kami magiging okay na tatlo kung naging matagal ang relasyon namin ni Rach, baka nga walang sila kung nagkataon dahil maprinsipyong tao si Mika. Nasa may labas kami ng venue ni Gretch, nakaupo at nagpapahangin, malamig pero bearable naman. "Soooo, ikaw na pala next, hindi ka man lang nagsasabi." biro ko patungkol sa pagkakasalo niya ng bulaklak. "Ako na nga ba talaga? Single kaya ako. Tagal kasi nung hinihintay ko." "Eh sino ba naman kasing hinihintay mo?" pagpapatay malisya ko. "Ikaw." sabay sandal niya sa balikat ko. Gago. Di ako makagalaw. Kinuha niya ang kamay ko... Ipinatong sa mga kamay niya

