MIKA Maaga akong nagising kaya naman inayos ko na yung maleta ni Rad para sa bahay ko na siya magstay at pinagluto ko na rin siya ng Omelette. Gumawa na rin ako ng salad para naman madami siyang makain. "Uyy mukhang masarap yan ah." sabi ni Ara nang makalapit siya sa akin. "Magluto ka ng iyo, para lang kay Rad to." sagot ko. "Ayy grabe, ang sungit naman. Hindi ka pinagbigyan?" biro niya kaya binatukan ko siya. Ang bastos ng bunganga. "Baliw ka. Subsob ko nguso mo dito sa niluluto ko eh." "Bakit ba ang sungit mo? Binibigyan mo naman kami noon ng niluluto mo ah." "Joke lang, syempre nasa lamesa na yung inyo. Special tong kay Rad." nakangiti kong sagot. Maya maya ay dumating na din si Den at mukhang takam na takam na itong dalawang 'to. Umakyat muna ako sa taas at tinapik ng mahina s

