RACHEL Nakaupo ako sa kama ko, double deck yung kama dito sa kwarto niya at siya ang nasa itaas, mas gusto niya daw doon. Pumasok si Den at agad naman akong kinunutan ng noo. "Bakit ka ba iiyak tapos tatawa dyan? Baliw ka na ba?" tanong nito at inabutan ako ng tubig. "Alam mo ba kung gaano kasakit maipamukha sayo na MINAHAL ka niya pero she's so over you na ngayong mahal mo na siya?" Tumawa muna ako bago muling umiyak, nakakabaliw pala yung ganito. "Sobrang sakit Den. Sobrang sakit." at ayun na, tuluyan na talaga bumuhos ang luha ko sa pag alala ng sinabi niya. Kagabi ko pa iniiyakan yun, para akong sinampal ng sampung beses ng isang volleyball player sa sobrang solid. Rad wala naman na akong feelings for you eh. Those words played on repeat, oo na. Gago, sobrang solid nung sakit,

