Zachary Matthew Fabian POV
Nag aalala akong nakatingin sa walang malay na si Yvonne. Namumutla sya at nakahiga sa kama ko dito sa kwarto ko. Nag alala kami ni mommy sa kanya dahil bigla nyang sinabi na nahihilo sya.
"Ano anak? Gising na ba ang girlfriend mo?",tanong ni Mom na kakapasok lang sa loob ng kwarto ko. Nilapitan nya si Yvonne at marahang hinaplos ang buhok nito na bumabagsak sa mukha nya.
"Hindi pa, Ma. Nag aalala na ako sa kanya. Dalhin na kaya natin sya sa ospital?",nag aalalang sabi ko kay Mommy.
"Let's just wait for her to be conscious. Baka kinabahan sya kaya nahimatay sya",nakangiting sagot ni Mommy. Napapailing nalang ako sa isip ko.
"She said it's her first time na ipakilala sa magulang ng manliligaw nya. Kaya siguro tama ka Mom. Kinabahan nga sya", pagsang ayon ko sa kanya. Lumapit sya sakin at hinaplos ang kamay ni Yvonne.
"Gusto ko sya para sayo Zach. Take care of her. Keep her. Bihira nalang ang babaeng katulad nya. Alam kong mabuti syang tao at 'yon ang klase ng babaeng gusto ko para sayo. Huwag mo ng papakawalan pa"
Natigilan ako sa paghaplos sa ulo ni Yvonne sa narinig ko kay Mommy. It's her first time na makakilala ng nililigawan ko. Hindi ko ineexpect na ganito ang sasabihin nya. I thought kikilatisin nya si Yvonne, pero hindi ganon ang nangyari.
"When she wakes up, please take care of her, son. Baka maagaw pa ng iba yan sayo. Huwag ka maging katulad ng Dad mo na babaero. Matagal bago nya marealize na nasa harapan na nya ang babaeng mamahalin nya panghabang buhay. Makakasama nya at aalagaan buong buhay. Babaero ang Dad mo noon at hindi lang sa isang babae umiikot ang mundo nya, kundi marami. Huwag mo syang tularan. Baka kung kailan nahanap mo na ang babaeng makakasama mo panghabang buhay, tsaka mo naman pinakawalan dahil naghanap ka ng iba", she tap my shoulder and left my room.
I realized many things about Mom said. Alam kong una palang mali na 'to. Tinanggap ko ang dare kahit alam kong makakasakit ako ng damdamin. Nawalan ako ng pakielam dahil mas inisip ko ang reputasyon ko dahil sa mga kaibigan ko.
Sa sobrang ayaw kong maliitin ako, hindi ko napapansin na sumusobra na pala ako. Hindi ko na naisip ang nararamdaman ng ibang tao.
Naghintay ako ng paggising ni Yvonne dahil alam kong anumang oras, ididilat na nya ang mga mata nya. Nag iisip ako kung sasabihin ko na ba sa kanya ang totoo o maghintay lang ako ng tamang tyempo.
"Yvonne,baby, I'm sorry. Sana mapatawad mo ako",mahinang bulong ko bago sya halikan sa kanyang noo.
Naisip kong matulog muna ako habang naghihintay sa paggising ni Yvonne. Nakaupo akong natulog habang nakayuko sa gilid ng kama, habang nakahawak sa kamay ni Yvonne.
Kahit sa pagtulog, naglakbay ang isip ko sa mga scenario na pwedeng mangyari kapag sinabi ko kay Yvonne ang totoo. On the other hand, wala namang matutuwa kapag nalaman ng isang tao na dare lang pala ang lahat.
I felt her hands moved but I don't mind to open my eyes. Baka panag inip lang iyon. Malalim ang naging tulog ko dahil na rin siguro sa pagod sa byahe papunta rito sa bahay namin.
Naalimpungatan ako at agad na tiningnan si Yvonne, pero laking gulat ko nang makitang wala na ito. Nasaan na sya? Agad akong tumayo at hinanap sya sa rest room dito sa kwarto ko pero wala ito. Agad akong lumabas ng kwarto at hinanap ito sa buong paligid pero wala ito. Mabilis ang naging hakbang ko pababa sa hagdan at tatanungin ko sana si Mommy, nang makitang nasa kusina sila at nagkukwentuhan. Nagbbake sila at tingin ko ay kanina pa sya gising.
Agad ko silang nilapitan at hinapit si Yvonne palapit sakin para mayakap ko sya. Naramdaman kong nagulat sya sa ginawa ko at ganon din si Mom na nakatingin samin.
"Zach",tawag sakin ni Yvonne. Hiniwalay ko sya sakin at tiningnan ang kabuuan nya. Akala ko kung nasaan sya.
"Son, pahiram muna kay Tatiana. Masarap pala kausap itong girlfriend mo. Sana ay matagal mo na syang pinakilala sakin. Edi sana, may kabonding ako magbake.",nakangusong saad ni Mommy. Agad nyang hinawakan ang kamay ni Tatiana at inakbayan ito. Para silang magnanay. Ang cute nila!
"Oo nga pala, sabi ni tito punta ka daw sa office nya. Naroon sya",nakangiting sabi ni Yvonne. Gulat akong nakatingin sa kanila ni Mom. Tumango lang si mommy sakin at para bang ayaw ng pakawalan si Yvonne. Mukhang may kaagaw na ako ah!
"Nandito si Dad?",pangungumpirma ko. Tumango naman si Mom gayundin si Yvonne.
"Puntahan mo na",nakangiting tugon ni Yvonne. Tipid akong ngumiti sa kanya bago ako lumapit sa kanila ni Mommy at halikan sila sa sentido. Agad akong pumihit palabas ng kitchen at nagtungo sa office ni Dad. Kumatok muna ako bago ako pumasok.
"Come in",baritonong sabi nya. Tumikhim muna ako bago ko ipihit ang doorknob at pumasok sa loob. Busy sya sa pagpirma ng papeles at kung ano pa, habang nakasalamin. Naupo ako roon sa upuan na malapit sa lamesa nya.
"Pinapapunta nyo raw ako dito",panimula ko nang pag uusap namin. Nakatingin lang ako ng seryoso sa kanya habang sya ay nanatiling nagpipirma roon.
"Yeah, I wanna talk to you about some other thing",seryosong tugon nya.
"Like what?"
"First of all, I wanna say sorry for all the things I did and I said to you. It was so careless of me to said all of that. That was foul. You're still my son, my flesh and blood.",he sincerely said. He looked at me and put down his pen on the table.
"Appology accepted. You're still my father and I have nothing to do with that. Walang magbabago kahit pa magalit ako sayo. Magulang ko parin kayo at hindi ako ganong kababaw na tao.",pagsasabi ko ng totoo. He smiled at me genuinely.
"Pwede ka na bang umuwi rito? Namimiss ka na namin ng Mommy mo. Kami nalang dalawa ang narito. Minsan nalang dumadalaw ang mga pinsan mo rito. And by the way, may nililigawan ka pala. Sana ay sinabi mo samin ng Mommy mo. Nakita mo sana kung gaano kasaya ang Mommy mo nang makita nya si Tatiana. Nakita mo ba kung gaano sila kacute habang nagbobonding roon sa kusina?"
Tipid akong ngumiti sa kanya at tumango. Tumayo sya mula sa swivel chair nya at lumapit sakin. Naupo sya sa upuan na katapat ko at tinapik ako sa balikat. Seryoso sya at nararamdaman ko iyon.
"Gusto ko sya para sayo, Zach. Sana ay huwag mo syang sasaktan. She's vulnerable and true to herself. Nakikita at nararamdaman namin 'yon ng Mommy mo. Bihira nalang ang babaeng ganyan, son. Huwag mo ng sayangin, baka maunahan ka pa ng iba"
Sa totoo lang masaya ako sa pag approved nila kay Yvonne para sakin. Buong akala ko ay hindi nila ako papayagang manligaw dahil hindi pa ako nakakatulong sa family company namin.
"Pwede na bang umuwi ang anak ko rito sa bahay? Malungkot kami rito ng Mommy mo kapag wala ka",paglalambing ni Dad. Masaya ako dahil nagkasundo na kami ni Dad at hindi na kami gaya ng dati na nagbabangayan dahil sa hindi pa ako makatulong sa company namin.
"Uuwi ako rito bukas Dad. Mag eempake ako mamaya pag uwi ko at ihahatid ko rin si Yvonne sa condo unit nya. Nasa isang condo building lang naman kami kaya no hassle. Pero bukas, uuwi na ako agad rito Dad.",he smiled widely and tap my shoulders for the second time and hug me. Ngayon nya nalang ulit ako niyakap ng ganito.
"Let's go. Baka hinahanap na tayo ng Mommy mo at ng future wife mo",he said nang kumalas na sya sa pagkakayakap sakin. Tumayo na kami at sabay kaming lumabas ng opisina. Nakita namin si Mommy at Yvonne na nagtatawanan, habang nanonood ng Netflix.
It's the first time na nakita kong ganito kasaya si Mommy sa ibang tao dahil minsan kapag ayaw nya talaga sa isang tao, pinaparamdam nya talaga.
Nauna na akong bumaba at lumapit sa kanilang dalawa. Hindi naman nila ako napansin habang papalapit ako sa kanilang dalawa.
Tinabihan ko si Yvonne at inakbayan sya. Gulat syang nilingon ako. Sumimangot ako, kunwaring nagtatampo. Tinaasan nya ako ng kilay bago muling ibalik ang atensyon sa pinapanood.
"Honey, umalis ka nga! Ang init init! Nanonood kami ng movie ni Tatiana e! Tumabi ka nga riyan!",pasinghal na pagpapaalis ni Mommy kay Dad. Tiningnan ko sila at halos gusto kong matawa sa itsura ni Daddy. Nakayakap sya kay Mommy at pilit sinisiksik ang sarili sa asawa.
Nakaisip ako ng kalokohan na paniguradong ikakainis din ni Yvonne. Lumapit pa ako sa kanya at niyakap sya sa bewang nya. Ipinatong ko ang ulo ko sa balikat nya habang nakayakap sa kanya.
Isiniksik ko ang sarili ko kay Yvonne at niyakap sya ng mahigpit. We're like couples cuddling. It looks good but the feeling that I hug her, I feel her, I see her, pakiramdam ko ngayon ko nalang 'to magagawa.
Naramdaman ko ang kamay nya sa buhok ko at hinahaplos iyon. Hinayaan nya lang na ganon ang itsura namin. Para akong aso na nakabuntot lagi sa kanya.
Nanatili kami nang ganong sitwasyon ng ilang oras. Masyadong nag enjoy si Mommy kay Yvonne at sinabi pa ngang dito nalang daw kami matulog. Nakakabigla si Mommy, ganondin si Dad dahil kahit ata dito na tumira si Yvonne, okay lang sa kanila.
Masyado ata silang naoverwhelmed na may pinakilala ako sa kanila na nililigawan ko. It's the first time na may ipakilala ako sa parents ko at nagustuhan agad nila si Yvonne. I'm happy. I'm flattered.
"Hija babalik ka dito ah. Lilipat na dito si Zach bukas. Kaya mas madalas ka na naming makikita at makakasama. Welcome ka dito hija.",nakangiting ani ni Mommy. Naglalakad na kami palabas ng pinto at nanatiling magkasama si Mommy at Yvonne. Mukhang tama nga ang hinala ko na kaagaw ko si Mommy kay Yvonne.
Nakangiting hinawakan ni Yvonne ang kamay ni Mommy. Ginantihan naman ito ni Mommy ng isang malambing na ngiti. Tinapik nya sa balikat si Yvonne at kahit ako ay hindi maiwasang mapangiti na makita silang nagkakasundo.
Hindi ko alam ang mararamdaman ko kung sakaling malaman nila ang kalokohan ko tungkol kay Yvonne. Alam kong magagalit sila sakin at matatanggap ko naman yon dahil kasalanan ko din naman, pero ang hindi ko matatanggap ay yung lumayo sakin si Yvonne.
"Look at them, son. They look comfortable with each other. Walang magiging problema kapag sinagot ka na ni Tatiana. I can saw that she's a good woman.",mahinang bulong sakin ni Dad, habang nakamasid kami kina Mommy at Yvonne.
Hindi ako sumagot kay Dad, bagkus ay nanatiling nakatingin ako sa dalawa na mukhang masayang nag uusap. Only child ako kaya naman naiintindihan ko si Mommy. Pangarap nya kasi noon na magkaanak ng babae, pero hindi na sila nabiyayaan ni Daddy dahil naging busy masyado si Dad sa company.
Nang matapos silang mag usap, lumapit sakin si Yvonne at agad ko naman syang inakbayan. Tinabihan naman ni Daddy si Mommy na nakatingin lang samin na may ngiti sa mga labi nito.
"Mauna na po kami tita. Next time nalang po tayo ulit magkwentuhan.",magalang na sambit ni Yvonne kay Mommy. Hindi naalis ang mga magandang ngiti sa labi nya na nanatiling nakatingin samin.
"Aasahan ko yan ah. Sana ay makapunta ka ulit dito. Masaya akong makilala ka hija. Huwag ka ng kabahan para hindi ka na mahimatay"
Napanguso naman si Yvonne na dahilan ng mahinang pagtawa ko. Tama pala talaga ang akala ko na hinimatay sya dahil sa kaba.
"Sorry po doon tita. Hindi ko po talaga akalaing mahihimatay ako dahil sa kaba. Nahihiya po ako sa inyo sa totoo lang", napayuko si Yvonne dahil sa hiya. Namumula na din ang pisngi at tenga nya siguro ay dahil din iyon sa kaba at hiya.
"Don't worry, wala kang dapat ikahiya. Parte ka na rin ng pamilya namin. Tutal, sure naman ako na kayo ang magkakatuluyan ni Zach.",biglang malakas at mabilis na tumibok ang puso ko dahil sa dire diretsong saad ni Mommy. Hindi ko alam pero malakas ang epekto sakin kapag tungkol kay Yvonne o tungkol samin.
"S-Sige na po tita. M-Mauna na po kami. Salamat po ulit sa lunch. Sa uulitin po", magalang na paalam ni Yvonne bago sya lumapit ulit kay Mommy, dahilan para mabitawan ko sya mula sa pagkakaakbay ko. Nagbeso sila bago sya niyakap ni Mommy at Dad. Ramdam kong gusto nila si Yvonne para sakin at masaya ako para roon, pero anong magagawa ko kapag nalaman nila, lalo na ni Yvonne ang dahilan kung bakit ko sya nilapitan at kung bakit ko sya niligawan.
Tanggap ng pamilya ko si Yvonne at nakahinga naman ako ng maluwag dahil roon. Iyon naman talaga ang gusto kong mangyari, ang matanggap nila si Yvonne bilang nililigawan ko.
Pagkatapos naming magpaalam, umuwi narin kami at agad dumiretso sa condo unit ko. Nag insist naman si Yvonne na sumama para masamahan nya raw ako mag empake dahil lilipat na ako bukas sa bahay.
She helped me packed my clothes and other things important for me. Mag iiwan nalang ako ng mga damit at ilang uniform dito kung sakaling dito ako matutulog. Sure naman kasi na baka pag may pasok, dito ako uuwi.
"Sure ka bang mag iiwan ka ng gamit mo dito? Dalhin mo na kaya lahat?",paninigurado ni Yvonne habang nagtutuli sya ng damit at ako naman ay nagsasalansan ng mga damit sa maleta ko.
"Nah, mag iiwan ako ng damit ko rito. I'm sure pag may pasok, dito ako uuwi para naman hindi hassle. Baka malate pa ako papasok sa University.",sagot ko sa kanya. Tumango tango naman sya habang nakafocus sa pagtitiklop ng damit ko.
"Oo nga pala Zach, may sasabihin nga pala ako sayo"
Nag angat ako ng tingin sa kanya at hindi sya nakatingin sakin at nanatiling nakafocus sa pagtitiklop. Para bang sanay na sanay na sya roon kaya't mabilis nyang nagagawa.
"What is it?",marahang tanong ko sa kanya.
"Masaya ako para sa pamilya nyo. Masaya akong maayos na kayo ng Dad mo. Masaya din akong uuwi ka na sa bahay nyo. Mapalad ka dahil may pamilya kang katulad nila. Hindi ko kasi naranasang alagaan, mahalin at protektahan ng pamilya ko. I feel like alone, by myself only. Hindi ko naranasang maramdaman ang pagmamahal ng Dad ko dahil nakafocus lang naman sya kay Kuya Grayson, my half brother.",mapait nyang saad. Nag aalala akong lumapit sa kanya at yakapin sya.
Kinwento nya sakin ang lahat tungkol sa sitwasyon nila ng pamilya nya. Naiintindihan ko naman ang rason kung bakit ganon ang Dad nya, pero mali parin. Naghanap sya ng ibang babae magbibigay ng kakaibang saya na hindi maramdaman ng Dad nya sa Mommy ni Yvonne. Masakit yon para sa isang asawa na naghanao ng iba ang lalaking nangako sayo na panghabang buhay, magiging tapat at nangangakong ikaw lang panghabang buhay. Ang mas masakit pa roon magkasama ang Dad ni Yvonne at kabit nito at minsan ay sa harapan pa ni tita Heaven, mother ni Yvonne.
"Nandito ako. Simula ngayon ako na ang gagawa lahat ng hindi nagawa ng parents mo. I know tita Heaven loves you very much at ganon ka din sa kanya. Dalawa na kami ngayon na mag aalaga, magpoprotekta at magmamahal sayo", and I promised that. I want to keep my promise to her because she's important to me.
"Y-You love m-me?",utal na tanong nya.
I chuckled when I saw her cheeks turned red. It's so cute of her. That's the side of her that I won't get tired to see.
"What if",putol ko sa sinasabi ko ko hawakan ang pisngi nya at hawakan ang kamay nya at kuhanin ang damit na tinitiklop nya. "...yes, I love you. Mahal na kita, will that be a problem?"
I saw her swallow hard. I held her chin for her to look me in my eyes. I want to saw her reaction, every emotion of her, I want to saw it. It makes me feel relax and happy.
Kahit sa ganitong sitwasyon lang, napapasaya na nya ako. Akala ko noon ay maarte sya at matapobre, pero nagkamali ako. Mabilis ko syang hinusgahan dahil sinong mag aakala na ang play girl sa University ay tumutulong sa bahay ampunan?
Mayaman sya at talaga namang ang pormahan nya ay pang mayaman. Kahit nakauniform lang sya, malalaman na agad na may sinasabi sya sa buhay.
"Huwag ka ngang magbiro dyan. Upakan kaya kita? Nililigawan mo palang ako, tapos mahal mo na agad ako? Joke ba yon",hindi makapaniwalang tugon nya. Akala ko kikiligin sya, hahampasin nya ako, pero nagkamali ako. Hindi sya naniwala sa pag amin ko sa kanya.
Ito ang unang beses kong umamin sa babaeng gusto ko. May nagustuhan ako noon, pero hindi ko nagawang umamin dahil nalaman ko nalang na ipinagkasundo sya sa ibang lalaki. Nasaktan ako non pero ano namang magagawa ko?
"So, kapag sinabi ko sayo na mahal kita, hindi ako papaniwalaan, ganon ba?",hindi ko pinahalatang nasaktan ako sa simpleng bagay na yon. So kapag umamin ako sa kanya ng totoo kong nararamdaman, ganon magiging reaksyon nya?
"Depende naman 'yon. Hindi lang ako makapaniwala na aamin ka sakin ngayon na mahal mo ako. Nagulat lang ako",nag iwas sya ng tingin bago nagtiklop muli ng mga damit. Marahan akong lumayo bago maglagay ng mga damit ko sa maleta.
"It's okay. Naiintindihan ko naman ang nararamdaman mo. Hindi naman kita mapipilit na mahalin din ako pabalik. I just want you to know how I feel towards you",nakangiting tugon ko sa kanya. Sa totoo lang, gusto ko lang na mahalin sya hindi dahil sa dare, kundi dahil yon ang totoong nararamdaman ko.
"Whatever.",natatawang aniya. "Mag ayos na tayo ng gamit mo. Bukas ka na uuwi kaya kailangan maayos na lahat at masigurado nating madadala mo lahat ng gamit mo",mahinahong dagdag nya pa. I nod and get all my important things.
"Hindi ko naman lalahatin mga gamit ko. Mag iiwan ako dito in case na umuwi ako rito. Kasi mahirap ang byahe baka matraffic ako papasok sa UST."
"Sa bagay tama ka. Oh sige, mag iwan ka ng gamit mo dito at pag alis mo bukas, lilinisin ko 'tong condo unit mo. Ako ng bahala dito",pagpiprisinta nya. Nangunot ang noo ko dahil sa sinabi nya. Lilinisin nya ang condo unit ko? Nakakahiya!
"No need, kaya ko naman. Ako ng bahala. Mapapagod ka lang. Dapat nga nagpapahinga ka na din ngayon. Paniguradong napagod ka sa byahe natin kanina.",I worriedly said. Ihahatid ko na nga sana sya sa condo unit nya pero nag insist syang tulungan ako sa pag eempake ng gamit ko.
"It's my way of saying thank you. Ang bait ng family mo, lalo na yung Mommy mo. Akala ko nga hindi nya na ako papauwiin.", napahalakhak naman ako dahil sa turan nya. Pati tuloy sya napahalakhak din.
"Did you enjoy each other's company? Mukhang may kaagaw na ako sayo. Halatang ayaw na ni Mommy bitawan ka. Paano ba yan gusto ka ng family ko? Pakasal na tayo? ",Biro ko sa kanya. Pabiro naman nya akong inirapan bago muling magtiklop ng damit.
"Actually, ngayon ko lang nakita na ganon kasaya si Mommy. Wala pa kasi akong pinapakilala sa kanila. Wala rin akong babaeng dinadala sa bahay, kaya hindi ko ineexpect na gusto nya agad mag asawa ako",napapakamot sa batok na kwento ko sa kanya. Matamis syang nakangiti sakin habang nakatingin sakin.
"Mabait ang family mo. Kaya hindi ako magtataka kung bakit mabait ka din", nakangiting aniya.
Hindi ako nakasagot. Hindi ko akalain na sasabihin nya ang mga katagang iyon. Mabait ako? Ganito parin ba kaya ang tingin nya sakin kapag nalaman nyang dare ang dahilan kung bakit ko ginagawa 'to?
Pagkatapos naming mag ayos ng gamit ko, hinatid ko na sya para makapagpahinga na din sya. Alam kong pagod sya dahil sa medyo marami din ang dadalhin ko bukas. Nag iwan lang ako ng iilang mga damit, laptop na inilagay ko sa cabinet ko. Inilock ko nalang iyon para secure sa condo ko.
Habang naglalakad kami tungo sa condo unit ni Yvonne, tahimik lang kami. Walang nangahas na magsalita. Ewan ko ba pero kinakabahan ako sa kung ano ang iniisip nya. Hindi kaya masyado lang akong nag ooverthink?
May nagsasabi sa isip ko na sabihin ko na sa kanya ang totoo, pero hindi ko pa kayang sabihin. Hindi ko pa kayang aminin. Masyado akong duwag ngayon dahil sa mga posibleng mangyari kapag sinabi ko na sa kanya. Paano kung kamuhian nya ako? Paano kung magalit sya sakin? Anong gagawin ko kung lahat ng nasa isip ko, mangyari talaga?
''Zach, okay ka lang ba?'', tanong nya sakin matapos ang mahabang katahimikan namin. Hindi ko namalayan na nandito na pala kami sa labas ng condo unit nya. Bumaling ako ng tingin sa kanya, na nakatayo na sa labas ng pintuan ng unit nya. Nag aalala syang nakatingin sakin. Tipid akong ngumiti sa kanya, nagbabakasakaling hindi na sya mag alala pa, pero hindi nagbago ang emosyon ng mukha nya.
''O-Oo, ayos lang ako. Ikaw ba? Ayos ka lang ba? Pagod ka ba? Pasensya ka na kung napagod ka sa pag aayos ng gamit ko ah. Babawi ako sayo, promise.'', nakangiting ani ko sa kanya.
''Kanina ka pa wala sa sarili mo. Okay ka lang ba talaga?'', hindi kumbinsidong tanong nya ulit. Hindi ako sumagot at niyakap nalang sya. Hindi ko na kayang dagdagan ang mga kasinungalingan at mga kasalanan ko.
Niyakap ko sya ng mahigpit na para bang kapag binitawan ko sya ay mawawala sya sakin. Sana ay lagi ko syang mayakap, malapitan, makausap, at sana ay hindi nya ako layuan.
Napangiti ako nang maramdaman kong niyakap din ako pabalik ni Yvonne. Sya lang nakapagparamdam sakin ng ganito. Akala ko noon, hindi na ako magseseryoso sa isang babae. Akala ko hindi na ako makakaramdamng kakaibang saya. Si Yvonne palang ang nakakapagparamdam sakin ng ganitong saya na hindi ko naramdaman sa ibang ka flings ko at mga babaeng dinare ng mga kaibigan ko sakin.
''Huwag mo akong iiwan ah. Ikaw nalang ang dahilan kaya ako masaya. Magalit ka man sakin, kamuhian mo man ako, mainis ka man sakin, please stay by my side. Please stay with me'', malambing na saad ko sa kanya.
Ramdam ko ang pagtango nya mula sa yakapan namin.
''Oo naman, tsaka bakit naman ako aalis? Bakit naman kita iiwan? Tsaka imposibleng magalit ako sayo. Masyado kang importante sakin para magalit ako o mainis ako sayo. Mas imposible din na kamuhian kita. May tiwala ako sayo Zach, kaya sana huwag mong sirain yon. Dahil hindi ko alam kung paano maibabalik.''
Agad akong nakaramdam ng kaba at takot sa mga sinabi nya. May tiwala sya sakin at huwag kong sirain yon. Ngayon palang iniisip ko na kung paano ko pagtatrabahuhang makuha ulit ang tiwala nya dahil kapag nalaman nya na ang lahat ng kailangan nyang malaman, sigurado akong masisira talaga ang tiwala nya sakin.
Alam kong mararamdaman nya ang mabilis na t***k ng puso ko dahil sa kaba at takot dahil magkayakap kami ngayon, kaya ako na ang naunang buitaw sa pagkakayakap ko sa kanya at halikan sya sa noo.
Tiningnan ko sya ng diretso bago magpamulsa. Nakangiti kami sa isat isa, habang nakatingin sa mata ng isat isa.
''Magpahinga ka na. Pumasok ka na sa loob at matulog ka na. Sorry hindi ko napansin na ginabii na tayo sa pag aayoos ng gamit ko. Promise babawi ako sayo.'', itinaas ko pa ang kanang kamay ko na ikinatawa nya.
''Sige na, masyado ka ng corny. Pasok na ako sa loob ah. Good night Zach.'', kumaway pa sya sakin bago kuhanin ang susi sa bulsa nya at buksan ang pinto. Pumasok na sya sa loob bago ako bumalik sa unit ko.
Pagkapasok ko sa unit ko, dumiretso na ako sa kwarto ko at nahiga na. It's been a good long day! Yon ang masasabi ko.
''You're driving me more crazy, Yvonne'', wala sa sariling sambit ko.