Tatiana Caden Yvonne Pangilinan POV
Pagkapasok ko sa unit ko, hindi ko mapigilang mapangiti dahil sa mga nangyari ngayong araw na 'to. Hindi ko ineexpect na magugustuhan ako ng Mommy ni Zach.
I went to my room and went to my bed. I want to relax myself. Medyo masakit ang paa ko dahil sa palakad lakad kami kanina ni Tita.
I happily remember the moments that Tita is so patient with me. Napakabait nya sakin at kahit pati pagkabata ni Zach ay kinwento nya sakin.
Flashback..
Pagmulat ng mga mata ko, agad iyon tumama sa lalaking may hawak sa kamay ko habang nakaupong natutulog. Para bang sanay na sanay syang ganon matulog. Hindi ba sya nahihirapan nyan?
Dahan dahan kong inalis ang kamay ko sa pagkakahawak ni Zach dahil baka magising 'to. Alam ko kasing mabilis syang magising dahil madalas ay nakakatulog sya sa condo ko dahil sa sobrang pagrereview.
Maingat ang bawat galaw ko dahil iniiwasan kong magising si Zach dahil alam kong pagod sya sa pagddrive. Dahan dahan akong bumaba sa kama at maingat na naglakad patungo sa pinto, pero hahawakan ko palang ang doorknob, may nagbukas na ito na ikinalaki ng mata ko. Halata ring gulat ang ginang na nakita nya akong nakatayo.
''Hija, you're awake!'', gulat na sabi ng Mommy ni Zach. Lumunok ako ng ilang beses bago tumango bilang paggalang.
''H-Hello po, Ma'am'', magalang na bati ko sa kanya. Nangunot ang noo nya habang hindi inaalis ang tingin sakin.
''What's with the undergarment?'', nagtatakang tanong nya. Ano bang gusto nyang itawag ko sa kanya? Mrs. Fabian, Madam, Boss- '' Just call me Mom. It's better than Ma'am. I'm not a teacher, so just call me Mom or Mommy. Doon din naman mapupunta iyon'', ngumiti sya sa akin, na nakapagpahinga sakin ng maluwag. Para bang nabunutan ako ng tinik dahil sa sinabi ng Mommy ni Zach.
''P-Pwede po bang tita nalang po? Nahihiya po kasi ako.'', nahihiyang pag amin ko. Totoong nahihiya ako sa kanila, lalo na sa nangyari kanina.
''No problem hija. Kung saan ka komportable. Kung no ang makakapagpa komportable sayo, basta huwag lang Ma'am or what so ever. Lalo na at girlfriend ka ng anak ko''
Mabilis akong umiling bago sya lumapit sakin. Akala ko kung ano ang gagawin nya sakin tulad sa mga napapanood ko sa kdrama na susuhulan ng pera ng magulang ng lalaki at palalayuin, pero hindi ganon ang nangyari. Bagkus ay niyakap nya ako na para bang nawawala nya akong anak. Halo halong emosyon ang naramdaman ko sa kanya nang yakapin nya ako. Bigla kong naalala si Mommy. Kamusta na kaya sila? Nakakakain ba sya ng maayos? Pinagmamalupitan pa rin ba sya ni Daddy? May ginawa kaya silang dahilan kung bakit nasaktan si Mommy?
Hindi ko namalayan na tumutulo na pala ang luha ko, na ikinaalarma ng Mommy ni Zach. Mabilis nyang tiningnan ang kabuuan ko bago umangat iyon sa mukha ko, dahilan para magtama ang paningin namin. Puno ng pag aalala ang mga mata nya dahilan kung bakit mapahikbi ako ng wala sa oras. Hindi ito ang panahon para umiyak lalo na at wala ako sa condo unit ko. Ayokong magpakita ng pagiging mahina. Huwag ngayon!
Mabilis kong pinunasan ng kamay ko ang mga luhang patuloy paring pumapatak mula sa aking mga mata, patungo sa aking pisngi. Ngayon ko mas napatunayan na mahina ako. Napakahina ko!
Hinagod ng Mommy ni Zach ang likod ko at inalo ako. Nahihiya ako sa kanya dahil kanina nahimatay ako, ngayon naman umiiyak ako. Wala na akong mukhang maihaharap sa kanila!
''Are you okay? Is something bothering you? Did I hurt you from my hug? Omo! i'm sorry hija. I really am. Huwag kang mag alala, kakausapin ko si Zach at magsosorry rin ako sa kanya-'', histerical na sunod sunod na aniya. Tipid akong ngumuti sa kanya bago marahang umiling.
''Naalala ko lang po yung Mommy ko. Miss na miss ko na po kasi sya. It's been a month since tinangay sya ni Dad.'', marahang saad ko sa kanya. Halatang nagulat sya habang nakatingin sakin dahil sa sinabi ko. Bukod sa mga kaibigan ko, si Zach lang ang nakakaalam sa sitwasyon namin ng pamilya ko.
''T-Tara sa kusina. Tuturuan kitang magbake. Roon nalang din tayo mag usap dahil baka magising si Zach.'', yaya nya sakin bago ako akbayan at sabay kaming lumabas ng kwarto. Hindi ko alam kung kaninong kwarto iyon dahil wala namang masyadong pictures. Design lang iyon na panlalaki at mga paintings. Teka!
''Pasensya ka na sa kwarto ni Zach hija ah. Hindi kasi masyadong naaayos ang kwarto nya dahil hindi naman sya rito nakatira. Ano nga ulit ang pangalan mo hija? Nakalimutan ko kasi dahil sa dami din ng iniisip ko.'', nahihiyang tanong nya sa pangalan ko. So, tama nga na kay Zach ang kwarto kung saan ako nanggaling kanina!?
''A-Ahh okay lang po. Ako nga po yung nahihiya dahil nahimatay ako kanina. Pasensya na po talaga.'', nahihiyang paghingi ko ng pasensya, habang nakatayo ako at naghihintay sa pagkuha ni tita ng engridients. Magbebake daw kami ng cookies, which is paborito kong ibake.
Inasikaso ko na ang mga gamit na kailangan para sa pagbebake, habang si tita ay busy sa pagkuha ng engridients sa ref at cabinet. Nakangiting bumalik si tita sa pwesto ko at inilapag roon ang mga kakailananin engridients.
Naalala ko na naman si Mommy. We used to bake, cook and taking care of flowers and plants. Bonding na namin iyon kapag kakauwi ko lang galing school o kaya naman ay freeday ko. Madalas kasing tutok lang ako sa pag aaral. Madalas din na wala si Dad, or should I say na lagi naman syang wala. Nakasanayan na namin ni Mommy ang kami lang dalawa ang maiiwan sa bahay. Madalas hindi lang isang buong araw wala si Dad, kundi isang buwan. Sa kabet nya sya umuuwi. Kay tita Angel, my half brother's mother.
''Hija, marunong ka ba magbake? I can teach you how to. Paborito kasi ni Zach ang cookies and cupcakes. He used to ask me if can I bake him some cookies or cupcakes. Matakaw kasi ang batang yan sa sweets. Madalas sya lang ang nakakaubos ng mga chocolates na inuuwi namin ng Dad nya from abroad.'', nakangiting pagkukwento ni tita. Nagsimula na kaming magbukas ng engrients at pinaghalo ang mga dry engrients at ganon din sa wet engridients. Mamaya pa kasi ipaghahalo ang dalawa sa electric mixer.
''Marunong po akong magbake. My Mom and I, used to do it. Kapag po kami lang dalawa sa bahay or hindi naman po ako gaanong kabusy, we used to bake, yon na po ang bonding namin. Sanay naman po kaming dalawa sa bahay kahit wala si Daddy.'', nakangiti ding tugon ko. Masaya ako kapag naaalala ko noon kung paano ako tinuturuan ni Mommy na magbake. Naalala ko pa nong binuksan ko yung harina, sumabog sa mukha ko. Tawa ng tawa non si Mommy, kaya pinahiran ko rin sya sa mukha.
''Would you mind if I ask you kung bakit sanay kayo ng Mommy mo na dalawa lang kayo sa bahay? Nasaan ba lagi ang Dad mo?'', maingat na tanong sakin ni tita.
''He's busy taking care of his mistress and his step son. Sanay naman na po kami na daawa lang kami lagi ni Mom, not until my Dad wants me out of our house. Kaya po tinulungan ako ni Mommy na maghanap ng condo unit na malapit sa UST, kung saan po ako nag aaral ngayon.''
Nakita ko sa gilid ng mata ko na lumingon sakin si tita. Napatigil sya sa ginagawa nya at lumapit sakin at yakapin ako. I feel a safer place by her warm hug. Parang si Mommy na rin ang kayakap ko. I missed her so much.
''I know that it hurts for the both of you. Hindi nyo dapat naranasang masaktan. Your Mom deserves happiness. Kilala ko si Heaven at ang Daddy mo. They used to love each other. Noong highschool kami, laging magkasama ang dalawang iyon. Hindi ko akalain na magagawang magloko ni Ethan kay Heaven. Napakalaking tanga nya naman'', aniya nang lumayo sya ng bahagya sakin. Bahagya akong natawa dahil sa pagkakasabi ni tita. Para bang galit sya kay Dad at kulang nalang ay pagpira pirasuhin na parang giniling.
Nagpatuloy lang kami sa pagbebake hanggang sa maisalang na namin sa oven. Nagkwentuhan kami habang nag aantay na tumunog ang alarm, tanda na luto na ang cookies.
''Alam mo ba na naging magkaklase kaming dalawa ng Daddy mo? That time nanliligaw na ang Daddy mo sa Mommy mo. May saltik yung Daddy mo. Alam mo ba kung bakit?'', nanggigigil na tanong nya sakin. Natawa naman ako.
''Bakit po tita?'', natatawa pading tanong ko.
''Kinaladkad ako ng Daddy mo para llang sundan si Heaven. Nagkasugat sugat ang tuhod ko non. Kaya pag nakita ko yon, kakaladkarin ko rin yung ugok na yon.'', hindi ko na mapigilang matawa ng malala. Ganoon pala kabaliw si Dad kay Mommy. Nangangladkad!
Pati si tita ay natawa na rin. Maganda pa rin sya kahit tumatawa. Hindi na ako magtataka kung bakit gwapo si Zach. May pinagmanahan sya. Natahimik ako nang lumapit samin ang isang matikas na lalaki at hindi halata ang katandaan nito. Parang parehas lang silang hindi tumatanda ni Tita. Lumapit ito sa babae at hinalikan ito sa sentido. Nang ipakilala sa akin ni tita kung sino ang ginoo, para bang nabato ako. It's Zach's father!
''Nice to meet you Tatiana hija'', pormal nyang ani, bago maglahad ng kamay sakin. Nanginginig ang kamay ko na tinanggap ang kamay ni tito.
''Where's Zach? Hindi ko ata sya nakikita.'',pag uusisa ng Daddy ni Zach matapos ang pakikipagkamay nya sa akin. Nanatili akong nakatingin sa kung saan, sinusubukang 'wag kabahan.
''Nasa kwarto nya, natutulog. Why?'', ang asawang babae ang sumagot. Tumango tango naman ang asawang lalaki bago muling humalik sa bababe at magpaalam na sa amin. Bilin nya rin na kapag nagising na si Zach, ay sabihing puntahan ito sa office.
Nagpatuloy ang pagkukwentuhan namin ni tita at paminsan minsan ay tumatawa kami. Nakakatawa pala talaga dati ang parents ko. Para bang kahit saglit lang, nakalimutan kong galit ako kay Daddy.
Napatigil kami sa pagtawa nang may humapit sakin na isang matikas na braso. Nang lingunin ko ito, tama nga ang hinala ko. Si Zach pala talaga iyon.
End of flashback...
Sa maghapon na nakasama ko ang pamilya ni Zach, isa lang ang narealize ko. May tao pa palang tatanggap sakin, bukod sa mga kaibigan ko.
Hindi ko na namalayan na nakatulog ako sa pag alala sa mga nangyari sakin sa maghapon. Nakangiti akong natulog at kahit sa panag inip ko, iyon parin ang laman ng isip ko.
Nagising ako dahil sa ring ng cellphone ko. Sa pagkakaalam ko wala naman akong alarm. Inaantok man, minulat ko parin ang mga mata ko at kinuha ang cellphone ko sa side table.
Kunot noo kong tiningnan ang screen ng cellphone ko, at inaantok kong sinagot ang tawag nang makitang may tumatawag roon at hindi alarm.
'"Hello?",antok na sagot ko.
"Late ka na naman magising. Gising na sleepy head. May pasok pa tayo. Nandito ako sa labas ng unit mo",pagpapaalam nya sakin. Nasisiguro kong nakangiti ang lalaking yon.
Tumayo na ako at agad nagtungo sa pinto. Pagbukas ko palang ng pinto, agad akong sinalubong ng yakap ni Zach. Para bang ilang taon kaming hindi nagkita!
Nang humiwalay ako sa kanya, napakusot ako sa mata ko at hindi ko mapigilang mapahikab.
"Maligo ka na roon. Ako na maghahanda ng breakfast. Nagluto ako kanina bago kita puntahan",nakangiting aniya. Tumango naman ako at naluwagan ang pagkakabukas ng pinto. Ginulo nya muna ang buhok ko bago pumasok, bago ako lagpasan at agad na nagtungo sa dining table para ihain ang dala nya.
Napapakamot sa batok akong pumasok ng kwarto at kumuha ng bathrobe bago ako magtungo sa restroom. Naligo ako at maya maya lang ay gising na ang diwa ko.
Pagkatapos kong maligo, agad akong nagpunas dahil nandito lang naman sa restroom ang twalya ko, pwera nalang sa bathrobe ko, na nakatupi sa loob ng cabinet ko.
Pagkabihis ko ng uniform, agad akong lumabas ng kwarto. Nakapagpolbo na rin ako at nakapagsuklay na rin.
Nakaupo lang sya sa upuan sa dining table at nagbabasa ng libro. It's my first time to saw him reading a book. Sometimes I just saw him reading some novel and w*****d books like The Rain in Españia. I love reading books, but more on how to design a house and how the house strongly made by Engineers and by the help of architect, who sketch and design the house.
Nang mapalingon sya sakin, agad nyang binaba ang libro.
"Kanina ka pa ba dyan? I'm sorry I'm just reviewing para masiguro ko na tama ang mga sinagot ko sa exam. May board exam pa kasi kaya kailangan na doble review para makapasa at hindi masayang ang pinag aralan ko sa ilang taon", pagpapaliwanag nya. Nakangiti akong tumango sa kanya.
"You don't need to explain. Natutuwa akong makitang nagbabasa ka about sa engineering and about sa exam. I'm more than happy",ngumiti naman sya sakin na matamis bago sya kumuha ng kanin at ilagay sa plato ko.
"Let's pray?",paanyaya nya. Nakangiti padin akong tumango bago pagsaklubin ang kamay ko.
~~~~~~~
"Oh my god! Nakilala mo na ang parents ni Zach! Mapalad ka girl! Napakapalad mo!",kinikilig na hiyaw ni Cale. Nandito na kami ngayon sa University at gaya ng dati, hinatid ako ni Zach.
"Bibig mo!",saway ko kay Cale. Pinagtaasan nya naman ako ng kilay bago tumingin sa mga taong nakatingin sa kanya.
"Masama na bang kiligin?",mataray na tanong nya. "Isa lang ibig sabihin nyan girl, seryoso sya sayo! Owshiiii! Official na ba?"
"Anong official ka dyan? Pinakilala lang ako sa magulang. Ikaw talaga Cale.", napapailing na saad ko kay Cale.
"Tsaka nahilo ka? Nahimatay ka girl!", tumatawang pangungumpirma nya pa. Sinamaan ko sya ng tingin, na mas lalong ikinatawa nya!
"Mabilaukan ka sana",pabulong na ani ko sa kawalan. Maya maya lang ay napaubo si Cale na ikinangisi ko.
"Babe you're so loud",matigas na ani ni Tyler sa nobya nya. Agad umamo ang mukha nito at tumungo.
"Masaya lang naman ako para kay Tatiana. Masama na ba yon?",pagdadrama ni Cale. Napailing nalang ako at napainom nalang tuloy ako ng tubig dahil sa kabaliwan ng kaibigan ko.
"Sige lang magpakasaya ka lang dyan Cale. Sabihin mo nalang kapag tapos ka na para naman makabalik na tayo sa klase. Baka malate pa tayo",pag iinform ko sa kanya. Napatingin naman si Tyler sa wrist watch nya bago nya kuhanin ang kamay ni Cale at hawakan iyon. Marahan nyang pinatayo ang nobya at nauna na silang lumabas ng canteen. Naiwan na naman ako!
Napapailing akong tumayo at sumunod sa kanila. Malaki ang bawat hakbang ko para magkasabay lang kaming pumasok sa room.
Halos sabay lang kaming nakarating sa hamba ng pintuan at diretsong pumasok nang makitang nandito na pala ang prof namin at mukhang dala dala ang mga exam papers namin.
Agad kaming naupo sa mga upuan namin at agad kong tinuon ang atensyon ko sa prof namin na nagpapaliwanag sa harapan.
"Listen! Kapag may isa sa inyo ang bumagsak, wala kayong magagawa kundi magtake ulit ng exam o kaya naman ay magshift nalang. Mamili kayo kung anong gusto nya. Ayusin nyo desisyon nyo sa buhay", pangangaral samin ng prof namin bago patayuin ang class president namin para ipamigay ang mga exam papers. My hands are shaking and my heart beats faster.
Isa isang pinamigay ng class president ang exam papers sa bawat row. Hindi naman sya nahirapan dahil sunod sunod roon ang mga pangalan namin sa bawat linya namin.
Nung sa row na namin ang ipapamigay, una muna kay Cale, pagkatapos ay sakin, at sumunod kay Tyler. Pinikit ko muna ang mga mata ko at takpan ang score sa taas, bago ko tingnan.
1 to 100 ang inexam namin at sana talaga ay makapasa kaming lahat. Sa kurso namin na Architecture, may 12 subjects kami. Medyo mahirap pero kakayanin. Mas mahirap kasi pag Engineering, sa kanila kasi may battery exam, samin naman wala.
Nakahinga ako ng maluwag nang magmulat ako ng mata, kasabay ng pag alis ko ng kamay ko sa exam papers kung saan nakasulat ang score. Bumaling ako sa mga kaibigan ko na katabi ko lang.
"Anong score nyo?",nakangiting tanong ko sa kanila. Tumingin naman sila sakin bago ipakita ang exam papers nila.
"Eto akin",pagpapakita, ko din sa kanila ng papel ko.
"Nakapasa tayo! Sama sama tayong gagraduate!",masayang ani ni Cale, na kulang nalang ay maglumpasay sa sahig.
''Miss Alvarez! Please tone down your voice!'', saway samin ng prof namin. Napakamot naman sa ulo si Cale at nahihiyang tumungo.
''Sorry sir'', napapahiyang paghingi nya ng tawad kay sir.
''Mamaya magcelebrate tayo!'', nakangiting sabi ko.
''Sige sige! Mamaya ah! Isama natin si Zach.'', nakangiting suhestyon ni Cale. Napaiwas ako ng tingin nang maramdaman kong nag init ang dalawang pisngi ko.
Mabilis lumipas ang oras at lunch break na. Napagdesisyunan namin na puntahan muna si Zach sa room nila bago dumiretso sa canteen. Si Tyler naman ay mauuna na daw sa canteen para asikasuhin ang upuan at pwesto namin roon.
Hinayaan nalang namin sya at kami nalang ang pupunta sa room ni Zach. Gaya nga ng sabi ni Cale kanina, isasama namin sya sa celebration.
"Naku girl I'm sure proud na proud sayo nyan si Zach! Sagutin mo na kaya?",kinikilig na aniya habang naglalakad kami patungo sa room ni Zach. Marami kaming nadadaanan na mga ibang estudyante. Siguro ay lunch break na rin sila. Iba iba kasi ang lunch break namin.
"Magtigil ka nga Cale",pananaway ko sa kanya dahil ang iba ay pinagtitinginan na kami at masama ang pinupukaw nilang tingin samin.
Nang nandito na kami sa room ni Zach, nakatayo kaming naghintay sa labas at sinilip sila sa loob. Mukhang pinapamigay na rin ang exam papers nila at nakangiting nag fist bomb ang tatlo bago muling ibaling ang atensyon sa prof nila.
Naghintay lang kami roon ni Cale hanggang sa magpa dismissal ang prof nila.
''Class dismissed!''
Naunang lumabas ang prof nila na prof din pala namin! Tinaasan kami ng kilay ni sir bago lumapit samin.
''Ms. Alvarez, Ms. Pangilinan, what are you doing here? Sa pagkakaalam ko, hindi ito ang canteen'',sarkastikong ani samin ni sir. Napakapit naman sa braso ko si Cale.
''May dinadalaw lang po kami sir'', nakangiting sagot ko kay sir.
''At sino naman iyon?''
''Ako po sir!'', napabaling ang tingin ni sir sa lalaking nagsalita. Lumapit sakin ang lalaki at inakbayan ako bago ako halikan sa noo.
''Kanina pa kayo? Sorry may ginawa pa kasi kami kaya nagtagal'', malambing na ani sakin ni Zach.
''Okay lang. Wala pa namang limang minuto kaming nakatayo rito'', nakangiting sagot ko sa kanya. Napatingin kami nang biglang may tumikhim.
''Bawal ang PDA dito.'', saway samin ni sir. ''At isa pa, pwede bang magsilayasan kayo riyan! Nakaharang kayo sa daraanan ko!''
Hinawi kami ni sir na dahilan ng pagkapit ko sa matikas na braso ni Zach.
''Careful'', inalalayan nya ako bago ako muling akbayan. This time mas maigpit na iyon.
''Hindi pa ba tayo kakain lovebirds? Gutom na kasi ako eh!'', reklamo ni Cale samin. Ntawa naman ng bahagya si Zach.
''Sorry andyan ka pa pala'', natatawang baling ko kay Cale. Ngumuso naman sya bago magpatiunang maglakad.
For pete's sake, nakalimutan kong kasama ko pala si Cale! Nakakahiya!
''How's the score of your exam papers?'', tanong ko sa kanya, habang naglalakad kami.
''Pasado. Score ko roon ay 98. How about you?'', baling nya sakin.
''Pasado din. 98 din ang score ko sa exam papers namin'', nakangiting sagot ko sa kanya. Tumingin sya sakin bago ngumiti ng matamis sakin.
''I'm very proud of you babe. Magcelebrate tayo sa bahay namin. Isama mo friends mo. Magpapasabi ako kay Mommy na maghanda.'',malambing na aniya. Pumasok na kami sa canteen at hinanap si Cale. Mabuti nalang at hindi naokupa ang upuan namin.
''Here!'', pagtaas ng kamay ni Cale sa amin. Nagkatinginan muna kami ni Zach bago kami maglakad palapit sa kanila.
''Thanks sa pag rereserve ng upuan'', pormal na pasasalamat ni Zach kay Cale at Tyler.
''Welcome'', tipid na sagot naman ni Tyler.
''May celebration mamaya sa bahay namin. Punta kayo'', paanyaya ni Zach sa dalawa. Magkatabi kasi kami ni Zach at magkatabi naman ang dalawa sa tapat namin.
''Sige pupunta kami, diba babe?'', baling ni Cale kay Tyler. Seryosong tumingin si Tyler kay Cale bago maliit na tumango.
''Yes! I love you babe'', malambing pa na aniya ni Cale kay Tyler. Napalingon naman ako kay Zach nang hawakan nya ang kamay ko sa ilalim ng lamesa.
''Ang sweet nila 'no. Asan yung I love you ko?'', nakangising tanong nya sakin. Pasimple kong kinurot ang kamay nya, pero hindi nya parin inalis ang pagkakahawak sa kamay ko.
''I love you mo mukha mo. FYI lang ha! Hindi pa tayo Zach. Umayos ka kung ayaw mong mabasted.'', pananakot ko sa kanya.
''I love you lang eh!'', reklamo nya pa.
''Kamusta na nga pala si tita?'', seryosong tanong ko kay Zach.
''Ayun okay lang. Hinahanap ka rin. Dibale mamaya nalang kayo magkamustahan pag nasa bahay na tayo.'', nakangiting aniya. May kinuha sya sa bag nya na kung ano at maya maya lang ay naglapag sya ng lunch box. Mukhang kinacareer nya na ang pagluluto ah!
''Uy ano yan?'', pang uusyosong tanong ni Cale kay Zach.
''Lunch namin ni Yvonne. Kapag kasi lunch break, puro hindi healthy mga kinakain nya. Kaya nagluluto na ako sa bahay para madala ko rito at masiguro kong kanin talaga ang kakainin nya.'',nakangiti namang sagot ni Zach.
''Swerte mo girl!''
''Cale kumain ka muna'', saway naman sa kanya ni Tyler.
Masaya kaming kumain at pansin ko na hindi kumikibo si Tyler, pero sanay naman ako na tahimik sya.
Pero ang maisip na makikita ko si tita mamaya, I'm excited!