Zachary Matthew Fabian POV
Nandito parin kami nang mga kaibigan ko sa library dahil may quiz kami bukas. Hindi parin maalis sa isip ko yung nakita ko kanina. Yvonne and her friend, Cale had a fight. Halata naman. Nakita ko lahat yon, hindi ko man narinig pero alam kong hindi sila okay nang mga kaibigan nya.
Mabuti nalang at nakisama ang isip ko ngayon dahil tumatak naman sa isip ko ang binasa ko. Medyo magulo pero kung iintindihin mo, maiintindihan mo din naman unti unti. Kailangan din namin mag aral mabuti dahil malapit na ang final exam.
Nagbabasa ako pero sadyang lumilipad ata talaga isip ko. Kanina pa naaagaw nang atensyon ko ang nasaksihan ko kanina. I feel like I want to comfort Yvonne, but why? God! Diba dahil sa dare? Oo tama dahil sa dare to. Hanggang ngayon feeling ko hindi ko parin nagagawa ng tama lahat!
"Magaling ako dito diba?",wala sa sariling sambit ko. Nag angat ako ng tingin at nakita ko ang mata sakin ng mga kaibigan ko na halatang gulat dahil sa biglaang pagsasalita ko.
"Saan ka magaling?",tanong ni Blaxton. Si Blake naman napapailing nalang sakin.
"W-Wala",utal na sagot ko. Kapansin pansin na hindi sila kumbinsido sa sagot ko, kaya sinubukan kong magbasa pero walang pumapasok sa utak ko!
"Mabuti pa hiramin nalang natin to sa librarian. Hindi ka makapagbasa nang maayos", seryosong suggestion ni Blake. Tumango naman si Blaxton bilang pagsang ayon.
"Okay",tanging nasagot ko. Tumayo na kami at kinuha ang card namin dahil ipapalista namin sa libararian ang librong hiniram namin.
Nagtungo kami doon at mabilis na nagpalista. Pagkatapos, nilagay na namin sa bag ang tatlong libro. Nang ibalik na samin ang card, nakita namin na one week after namin isasauli ito kaya makakapag review pa kami nang maayos.
Naglakad na kami palabas ng library. Uuwi na ako dahil wala talaga ako sa tamang huwisyo ngayon. Sabay sabay kaming naglalakad dahil malaki naman ang daanan. Papunta na kami sa parking lot nang magsalita si Blaxton.
"Bro, tell us ano bang gumugulo sa isip mo. Kanina ka pa wala sa sarili. Ano bang nangyari sayo?",curious na tanong nya nang humarap ako sa kanila at nakatingin na sila sakin. Nakakunot ang mga noo nila at halatang naguguluhan sa inaakto ko.
"Alam nyo ba kung saan nakatira ngayon si Yvonne?",hindi ko alam kung anong lumabas sa bibig ko pero yun ang unang naisip ko. Pupuntahan ko sya sa kanila at aalamin kung kamusta ba sya.
"Yvonne? You mean si Tatiana?", Pagkumpirma ni Blake. Tumango ako at naramdaman kong nag init ang dalawang pisngi ko.
Nangunot ang noo ko nang napahalakhak sila. Bakit? I mean, anong mali sa tinanong ko? Anong nakakatawa sa tinanong ko? Wala naman ah! Mga gunggong talaga!
Mahina ko silang sinuntok sa balikat at imbes na magalit,lalo silang natawa. Seryoso akong tumayo sa harap nila, hinihintay na tumigil sila.
Mahinang tumikhim si Blaxton at Blake bago nakangiting humarap sakin. Parang mga bakla! Kung di ko lang mga kaibigan to, aakalain ko talagang mga bakla to!
"Sa condo sya nakatira ngayon. Malapit lang dito sa university natin. Bakit? Balak mo puntahan noh",si Blaxton ang sumagot. Sknuntok ni Blake si Blaxton na para bang may joke ito na napaka corny.
"Sya ang dare natin kay Zachary ngayon, loko. Baka nakakalimutan mo lang na kailangang ligawan ni Zachary si Tatiana para magkalapit sila. At sa tulong ko yon syempre. Kaya nga yon ang dinare ko sa kanya, loko", pagpapaintindi nya kay Blaxton bago bumaling sakin. Nakangisi sya ng nakakaloko na para bang nauulol na aso.
"Puntahan mo na. Nasa iisang condo lang kayo. Room 41 condo unit nya. Time to make move, bro. Nawawala ka na sa plano", tinapik nya ang balikat ko at nagpaalam na din na uuwi na sila at ganon din ako. Nandito na kami ngayon sa parking lot at nagpapaalam sa isa't isa. Kailangan ko nang umuwi dahil aabutan na ko ng dilim. Gutom na din ako!
Pumasok na ko sa kotse ko at nilagay sa passenger seat ang bag ko. Mabilis kong pinaandar ang makina at nagdrive na palabas ng UST. Tinatahak ang daan pauwi.
Malapit lang pala ang unit nya sa unit ko. Room 52 ang unit ko at 6th floor din yon. Hindi ko alam kung bakit ba parang interesado ako sa kanya. Dahil ba sa dare o dahil gusto ko na sya? Pero imposible ngayong araw lang naman kami magkasama at take note kasama pa namin yung dalawang kaibigan ko. What's going on with me? Am I falling for her?
Dahil sa lawak ng isip ko, hindi ko napansin na nandito na pala ako sa labas at nakapag parking na. Kinuha ko ang bag ko at sinukbit yon sa balikat ko nang makalabas ako ng kotse. Papasok na ko ngayon sa loob at tinatahak ang daan sa elevator.
Nang nasa labas na ko ng elevator ay pinindot ko na iyon. Habang naghihintay ako ng pagbukas non ay umisip ako ng paraan para macomfort ko si Yvonne. I know she needs someone to talk to. Hindi nga lang ako sure dahil lagi namang busy sa readings and plates yon dahil devoted talaga sya sa pag aaral habang ako, pa chill chill lang.
Nang bumukas ang elevator ay pumasok na ko at pinindot ang pagsara. Nang magsara iyon ay pinindot ko ang 6th floor at nag iisip kung pupuntahan ko ba si Yvonne. Pwede rin na dumiretso muna ako sa condo ko at magluto para dalhin sa unit nya pero baka mainis lang yon sakin.
Habang naghihintay na tumunog ang elevator tanda ng pagbukas, kinuha ko muna ang cellphone ko at pinindot ang i********:. Titignan ko kung nakafollow ba ako sa kanya. Nang makitang wala roon ang pangalan nya, para akong bigo. Pero nang makaisip ng paraan, insitalk ko ang acc nya at pinindot ang follow botton. Simpleng picture lang naman ang picture nya na dp pero para bang pang model ang datingan.
Nakayellow polo sya habang naka black pants at white shoes. Wala syang dalang bag at nakasalamin din sya. She looks elegant kahit saan mo tingnan. Marami siguro syang manliligaw pero wala namang nasasabi sakin sina Blake at Blaxton dahil ang dalawa ay nakafollow sa kanya sa i********:.
Hindi rin ito palapost at wala ring nakalagay sa bio nya. Masyado syang private na tao, yon ang masasabi ko. Laman din sya ng newspaper sa University namin dahil sa angking ganda nya at sobrang dedicated sa pag aaral. Masasabi kong sya na ang magiging Cumlaude sa Architecture. Maganda din ang status nya sa klase nila at wala naman akong nadidinig na kakaiba.
Nilagay ko na ulit ang cellphone ko sa bulsa ko nang tumunog na ang elevator at bumukas iyon. Dire diretso lang akong naglakad hanggang sa mapasulyap ako banda sa unit ni Yvonne. Nagdadalawang isip ako kung pupuntahan ko ba sya pero naisip ko na bukas nalang para din maipagluto ko din sya ng lunch.
Nagdire diretso na ako ng paglalakad patungo sa unit ko. Medyo masakit din ang ulo ko dahil narin sa gutom at pagod ko. Kailangan ko pang magluto pag uwi at gumawa ng mga project. Dapat pala nagpiloto nalang talaga ako! Nakakapagod pala ang Engineering.
Mabilis kong kinuha ang susi ng condo ko nang nasa labas na ako ng pinto. I need the time to relax. Minsan lang kasi ako makapagpahinga dahil may cooperation na ako sa company ni Daddy at kailangan kong pumalit after I graduate. Kailangan kong mapatunayan sa sarili ko na sapat na talaga ang kaalaman ko sa pagiging Engineer bago ako pumalit sa pwesto ni Dad sa pagiging CEO ng company namin.
Good thing na rin na tapos na ang battery exam namin at isa ako sa pumasa. Pang lima ako sa pumasa kaya naman mas inasahan ako ni Dad sa company. Para bang anumang oras ay ako na ang magpapatakbo roon. While Dad is busy with our company, Mom is a doctor. Madalas syang walang tulog at pahinga dahil sa dami ng pasyente. Good thing namana ko din kay Mommy ang angking talino nya at pagsisikap sa lahat ng bagay, lalo na sa pag aaral. May alam din ako sa Medicine kaya naman paminsan minsan kapag may kailangan ng tulong, to the rescue ako.
Nagbihis na ako pagkapasok ko sa loob. Tinatanggal ko na ang neck tie ko nang magring ang cellphone ko. Kinuha ko yon sa bulsa at nakita ko ang pangalan ni Blake. Kunoot noo kong sinagot yon. Ano namang problema nang tukmol na to?
"Oh?",pagsagot ko sa tawag. Niloud speaker ko nalang iyon habang pinagpatuloy ang pagtanggal ng neck tie ko at magpapalit na din ako ng damit.
"So? Ano na pinuntahan mo na ba si Tatiana?",bungad nya agad. Mapanukso ang tinig nya.
"Hindi na, bukas nalang. Tsaka baka busy yon",I shrugged. I heard him laughed like I said a joke.
"Torpe ka na ngayon? Hindi naman ako nainform na ganito na pala ang galawan mo, bro", he said. "Zachary, may I remind you. Baka lang kasi nakakalimutan mo, nothing is serious about this. You should know that"
I heavily sighed before I answer. That's what I'm doing, the original dare. Yung ginagawa namin dati na sisiw lang sakin. Madali ko lang nagagawa. But now, I don't know. Is this for real or maybe I'm just confused?
"I know and nothing is serious about this. You don't have to remind me because that's what I'm doing. Diba, dare mo ito sa akin? Let me handle everything. I'll do it perfectly", I smirked as I focus myself on the plan which is the dare.
"That's it bro! Good! So if you don't have the plan to visit in her condo unit, I'll just give you her number", he suggested. I agree and when I said that just text it, he immediately end the call. Nang tapos na akong makapagbihis, nagpunta na ko sa kusina at kumuha ng cup noodles. Nilagyan ko iyon ng mainit na tubig at naghintay ng ilang minuto bago kainin iyon. Habang naghihintay, kinuha ko ang cellphone ko sa kwarto ko at bumalik na ulit sa dining table.
I immediately saw Blake's text, which is the number of Yvonne. I don't know where he get it but that's what I need. I know this is wrong, everything but I can't turn down my friends just because of her. I don't know but I'll choose her over anything else.
Before I eat, I closed my eyes and hold my hand together. I want to pray because It's very long time since I talked to him. I want to apologize of me being ignorant because of being forgetful of him. God is always here but I forgot it. I was so ashamed that maybe he's mad of me because of what decisions I made against his will.
Dear God, I'm sorry kung natagalan ang paglapit ko sayo. Nahihiya ako sayo dahil sa dami ng kasalanan ko. Ama, alam ko namang mali ang pananakit nang damdamin ng ibang tao pero sorry kasi ginagawa padin namin. Ako na po ang humihingi ng tawad sa lahat ng kalokohan naming magkakaibigan. Alam kong namamali kami ng desisyon pero sana bigyan nyo naman po ako ng sign. Bigyan nyo po ako ng sign na kung sya na talaga, titigilan ko na tong kalokohan na to at aamin na ko sa kanya sa lahat ng kamalian namin ng mga kaibigan ko sa kanya. Dinare ako ng mga kaibigan ko na ligawan ko sya at mapasagot. Kapag nabanggit nya ang 3 magic words, aamin na ko sa kanya na dare lang lahat to. Ama, kung kaloob mo sya sa akin, bigyan nyo po ako ng sign, Amen.