Tatiana Caden Yvonne Pangilinan POV I lie to him. Hindi ko sinabi ang nangyari. Mas mabuti na siguro 'yon dahil alam kong hindi na 'yon mauulit pa. Hindi ko na hahayaang maulit pa. Dito natulog si Zach sa unit ko, pero sa guest room sya natulog. Syempre, hindi kami pwedeng magkatabi. Pero napapaisip pa din ako. Dapat ko bang sabihin sa kanya ang totoo? Ano namang mangyayari kung sasabihin ko sa kanya? Maniniwala ba sya sakin? Ano bang dapat kong gawin? Anong oras na at nakahiga na ako sa kama ko pero hindi ako dinadalaw ng antok. Mugto na rin ang mata ko sa kakaiyak. Hindi ko alam na magagawa sakin 'yon ni Aaron. Ano bang nagawa kong mali sa kanya? Na pinaglaruan ko sya dati? Past na naman 'yon, kalimutan nya na 'yon. Bakit naman kaya tinawagan ni Cale si Aaron? Sinabi ko ba sa ka

