19

3762 Words
Tatiana Caden Yvonne Pangilinan POV Magdamag akong gising at hindi ako makatulog. Nagkulong lang ako sa kwarto ko at nag inom. Nagpakalasing ako hanggang sa sumakit ang ulo ko. Wala na akong pakielam kahit pa magkasakit ako dahil sa labis na pag inom ko. Gusto ko lang maramdamang may kasama ako kahit alak manlang. I drink and drink until I fell asleep on my bed. I don't care if my room looks messy. It's still doesn't change the fact that I'm alone and I only have myself at the end of the day. Hindi ko alam kung anong oras na ako nakatulog, pero ang alam ko lang natulog ako ng lasing. Nang magising ako, tumambad sakin ang mga nagkalat na mga bote ng alak at may mga nabasag pa roon dahil sa pinagbababato kong mga bote at baso. Napahawak ako sa ulo ko dahil bigla nalang iyon sumakit dahil sa biglaang pagtayo ko. Wala parin namang nagbago, mag isa parin ako. Natulog akong mag isa, gigising din akong mag isa. My life sucks! Nakalimutan ko na din kumain at nilagay nalang sa ref ang mga pagkaing niluto ni Zach saki kagabi bago sya umalis. Tumayo nalang ako at maingat na naglakad palabas ng kwarto ko. Sa dami ng basag na bote at baso, hindi ko alam kung saan ba napunta ang mga basag na parte nito. Agad kong sinarado ang pintuan ng kwarto ko at nagpunta sa kusina para initin ang mga pagkain. Sayang naman kung hindi ko kakainin. Mamaya ko nalang din lilinisin ang mga nagkalat na bubog sa sahig sa loob ng kwarto ko. Mukhang hindi magandang ideya na uminom ako ng marami dahil kinabukasan ay kailangan kong maglinis ng nagkalat na bubog mula sa binasag ko nang lasing ako sa loob ng kwarto ko. Pinaka ayoko pa naman sa lahat ay yung madumi ang unit ko. I hate the idea of my unit being untidy. Isinalang ko muna sa kalan ang dalawang ulam at ininit ko rin sa rice cooker ang kanin. Nagtungo ako muli sa kwarto ko at kinuha ang cellphone ko. Tatawagan ko nalang sina Cale para naman may kasama akong kumain. Nang makuha ko ang cellphone ko, dumiretso agad ako sa kusina at tiningnan muna ang nakasalang at nang masigurado kong mainit na 'yon, pinatay ko na yon at nagtungo sa salas at doon nagdial ng number ni Cale. Ilang ring lang ay sinagot na nya 'yon. Niloud speaker ko ang cellphone ko at ipinatong sa maliit na side table, bago ko sinandal ang ulo ko sa maliit na sofa ko. "Oh? May kailangan ka ba?", bungad nya mula sa kabilang linya. ''Yayayain sana kitang mag breakfast dito sa unit ko. Kung hindi ka lang naman busy", paanyaya ko sa kanya. Narinig ko naman na parang nagmamadali sya at may inaayos na gamit. ''Gustuhin ko man Tatiana, pero hindi ako pwede ngayon. Anniversary namin ni Tyler at may surprise din ako sa kanya. Next time nalang siguro" Napangiti ako ng mapait dahil sa naging tugon ni Cale. Kung alam nya lang sana ang pinagdadaanan ko, kaso hindi. Hindi ko magawang sabihin dahil alam ko namang at the end of the day, wala silang obligasyong icomfort ako. Kahit pala talaga kaibigan mo, magagawa kang kalimutan at unti unti silang mawalan ng pakielam kahit gaano katagal pa kayong magkakilala at magkaibigan. "Sige, bye. Congrats sa inyo", ani ko sa kanya. "Salamat, bawi nalang ako sayo next time. End ko na yung call. Bye", pagpapaalam nya bago patayin ang tawag. Napabuntong hininga ako bago pumikit. Hanggang kailan kaya ako magiging mag isa? Kahit kaibigan ko, parang unti unti na 'kong sinusuka. Para bang wala ako kapag may mga problema sila. Nasaan sila ngayong kailangan ko ng kausap? Nasaan sila nang kailangan ko ng kasama? Nasaan sila nang kailangan ko ng makikinig sa mga kwento ko, kung gaano ako kapagod at gusto ko nang tapusin 'to? Wala. Wala silang lahat, na kahit pamilya ko, walang pakielam sakin. I end up crying because of the pain I felt right now. Kahit pa paulit ulit kong lokohin ang sarili ko, alam kong mahina ako. I would always end up crying if I can't take it anymore, but sometimes, I keep trying to pretend that I'm fine. Pinilit kong kumain kahit konti kahit pa parang ayaw tanggapin ng katawan ko. Pati ata mga organs ko sa katawan, napapagod na. After I ate, I wash my plate and went to my room with broom on my right hand. Maglilinis muna ako ng kwarto ko, bago ako mawala sa huwisyo at mauwi nalang ako sa pag iyak maghapon. I still can't believe that Moon is gone. Literally she's gone. Para bang may kulang sa buhay ko. Si Moon kasi ang klase ng kaibigan na kahit may problema sya, mas uunahin nya ang mga mahal nya sa buhay kaysa sa sarili nya. Ganoon sya ka-selfless. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Masyado ata akong miserable para matukoy pa kung gaano kasakit ang nararamdaman ko. Maingat kong nilinis ang mga nagkalat na basag na bote at baso bago pa ako masugatan. Wala man ako sa mood, wala naman akong choice, kundi maglinis dahil ako lang naman ang mag isa rito sa unit ko. Pagkatapos ng graduation, plano ko ng magpagawa ng bahay na ako mismo ang nagdesign. Plano ko ring kumuha ng kasambahay para naman hindi ako nag iisa. Siguro nga tatanda akong mag isa. Wala rin naman akong planong mag asawa, pero kung sakaling dumating sa punto na mag aasawa ako, gusto ko lahat settled na. May bahay kami, ipon at trabaho para kung magkakaanak kami, hindi kami mahihirapang ibigay ang mga gusto ng mga anak namin. At my young age, sanay akong si Mommy lang ang nakakasama ko. Palagi nalang wala si daddy sa bahay. Nang bata pa ako, hindi ko alam kung anong sitwasyon ng pamilya namin, pero nang lumaki ako at magkaisip ng mga bagay bagay, naintindihan kong may ibang pamilya si daddy bukod samin. It's the first time of my heart broken, when I learned that my family is broken. Dad didn't make us as his priority. Masakit. Masakit na makita si mommy na umiiyak gabi gabi at wala manlang akong magawa. Nang matapos kong masiguradong wala ng mga bubog sa loob ng kwarto ko, lumabas na ako at nagtungo sa trash can para itapon iyon. Nagtataka kong nilingon ang pinto ng unit ko nang biglang may nagdoorbell roon. Sino naman kaya iyon? Akala ko ba hindi makakapunta sina Cale? Nang maitapon ko na 'yon sa trash can, tinabi ko muna ang trash can sa maliit na cabinet na lalagyanan ko ng mga panglinis ng bahay. Dumiretso na ako sa pinto at agad binuksan 'yon. Bumungad sakin ang nakangiting si Aaron na naka white polo at black slacks. Anong ginagawa nya rito? "Bakit ka nandito?",takang tanong ko sa kanya. Ngumiti pa sya ng malapad bago tumayo ng tuwid. "Tinawagan ako ni Cale. Ang sabi nya samahan raw kita dito dahil mag isa ka lang. So, eto ako at nandito sa harap mo" Palihim akong napairap dahil sa sinabi nya. Sa lahat naman ng tatawagan ni Cale, sya pa? Tsaka bakit ba nagtawag pa si Cale, kaya ko namang mag isa? "I'm harmless, Tatiana. I promise hindi kita guguluhin, sasamahan lang kita rito",he sincerely promised. I sighed heavily, accepted that I'm defeated. Niluwagan ko ang pagkakabukas ng pinto at hinayaan syang pumasok. Inobserbahan nya pa ang buong unit ko na para bang ito ang unang beses syang nakapasok rito. Ang totoo nyan, maraming beses na syang nakapunta rito. Hindi lang isang beses, hindi lang dalawang beses, hindi ko na nga mabilang kung ilang beses ba. I trust Aaron, alam kong hindi sya katulad ng ibang lalaki na magttake ng advantage. May respeto sya sa mga babae at hindi sya katulad ng iba na manyak. He went me kitchen and observed the area. Napansin nya rin roon ang nakapatong sa kalan na kaldero na naglalaman ng pagkain na niluto ni Zach kagabi. "Marunong ka palang magluto",gulat na aniya mula sa kusina. Naupo nalang ako sa salas, sa mahabang sofa at pinagmasdan sya mula sa kusina. Nang lumapit sya sakin, namamangha syang ngumiti sakin bago lumapit sakin at tinabihan ako. Hinayaan ko naman syang gawin kung anong gusto nya, basta hindi sya gagawa ng bagay na hindi ko magugustuhan. "Hindi ako ang nagluto nyan",sagot ko sa kanya, na ikalingon nya. "Kung hindi ikaw ang nagluto, sino?", kunot noo nyang tanong. I looked at him with serious eyes. "Si Zach'', mahinang tugon ko sa kanya. Lalo syang nalito dahil sa sinagot ko. "Zach?", he confusedly asked. "Zach Fabian" I averted my eyes on him. I know he's kinda confused and I don't know why. "So, you two are dating?", he said like a jealous boyfriend. Seriously, what's his problem? "Wala ka na roon. It's none of your business, Aaron.", matapang na sagot ko sa kanya, dahilan para lalong mangunot ang noo nya at para bang hindi nya inaasahan ang naging sagot ko sa kanya. I was shocked when he held both of my shoulders and pull me closer to him. He looks mad and his eyes are like knife that can kill me in an instant. What the hell is wrong with him? "Ano ba Aaron!? Nasasaktan ako!", angal ko sa kanya dahil sa higpit nang pagkakahawak nya sa magkabila kong balikat. "Masasaktan ka talaga!", galit na wika nya, dahilan para kabahan ako ng malala. "What the hell are you doing!?", malakas na sigaw na tanong ko sa kanya. Pilit akong kumakawala sa pagkakahawak nya, pero dahil mas malakas sya sakin, wala na akong nagawa. Hindi ako nakaalis sa pagkakawak nya. Marahas nya akong tinulak pahiga sa sofa na kinauupuan namin at mabilis syang pumatong sakin. Nanatiling galit ang mga mata nya habang nakatingin ng matiim sakin. "Stop dating him Tatiana!", mariin na utos nya habang hindi inaalis ang tingin sakin. "Hindi ikaw ang magdedesisyon para sakin Aaron!", mariing tugon ko sa kanya. Mas lalong tumalim ang tingin nya sakin at mas inilapit ang mukha nya sakin hanggang sa maramdaman ko na ang paghinga nya na tumatama na sa pisngi ko. "Sinusubukan mo ba ako? Try me Tatiana, makikita mo ang hinahanap mo.", nakangising banta nya sakin. Kumabog ng mabilis ang dibdib ko at bumalot ang kaba sakin. "B-Bakit mo ba 'to ginagawa? Makakahanap ka parin naman ng babaeng magmamahal sayo at hindi ako 'yon. Marami pang ibang babaeng mas deserve mo kesa sakin. Hindi ako ang babaeng para sayo Aaron" "Alam ko namang mahal mo pa 'ko eh. Tatiana, don't settle for less. Hindi mo pa gaanong kakilala si Zach. Wala ka pang alam tungkol sa kanya at alam kong sa huli, sasaktan ka rin nya.", malamig na aniya. Para bang tumigil ang mundo ko sa mga katagang sinabi nya, pero may tiwala ako kay Zach at nangako syang hindi nya sisirain 'yon. Hindi nya ako sasaktan. Iba sya sa lahat ng lalaking nakilala ko. "H-Hindi mo kilala si Zach, Aaron. Galit ka lang sakin dahil pinaglaruan kita!", malakas na sigaw ko sa kanya. Totoong isa sya sa mga naka flings ko noon at alam kong minahal ako ni Aaron dahil umamin sya sakin dati. Marahas nyang hinawakan ang chin ko at malakas na sinampal ako gamit ang kaliwang kamay nya. Napaigik ako dahil sa sakit na dumaloy sa pisngi ko. Pakiramdam ko umalog ang ulo ko dahil sa malakas na pagsampal nya. "f*****g shut up!", mariing utos nya sakin. Tumulo ang masaganang luha ko at mahina akong napaiyak. Parang kahapon lang namatay ang kaibigan kong si Moon tapos ngayon, eto naman ngayon. Nabigla man ay wala na akong nagawa nang sinalubong nya ang labi ko at marahas akong hinalikan. Dahil nakapatong sya sakin at hindi ko magawang igalaw ang mga kamay at braso ko, wala akong nagawa kundi umiyak sa sakit at sa bigat ng dibdib ko. "Kissed me back!", matalim na utos nya sakin. Kinagat nya din ng marahas ang pang ibabang labi ko, kaya't kusang naghiwalay ang labi ko at agad kong nalasahan ang pait ng dugo. Kapag hindi ako tumutugon sa marahas nyang paghalik sakin, sinasampal nya ako, kaya wala akong nagawa kundi sumunod sa gusto nya. Baka patayin nya pa ako. Ayoko pang mamatay. Hindi pa pwede. Nang magsawa sya, ay kusa nya akong pinakawalan at umalis sa pagkakapatong sakin. Nakangisi nya akong nilingon at inayos ang polo nyang nagusot. Umahon ako mula sa pagkakahiga at naupo ng maayos. Naiiyak parin ako sa nangyari. He f*****g disrespect me! He almost r***d me! Wala akong ibang nararamdaman para sa sarili ko kundi awa. Para akong pinaparusahan dahil sa mga nagawa ko noon. Bakit naman pati kaibigan ko kailangang mawala sakin? Hindi pa ba sapat na iniwan na ako ng mga magulang ko? Ano pa bang kailangang kabayaran sa lahat ng kasalanan ko? Bakit naman ganito kasakit? Bakit ganito kahirap? "I know you liked that, too. You still loved my kisses. You still love me, Tatiana", he exclaimed. I felt like I kissed by a demon and I don't f*****g liked that! "f**k you! I f*****g hate you! I'll always hate you Aaron! Your kisses are like poison to me!", I shout at him. Nanatiling nakangisi sya sakin ng nakakaloko. "That's not true! Last month lang you confessed to me that you liked me and now, you find someone else na katulad mo lang na play boy? I can't believe this! Akala ko ba matalino ka Tatiana?" "Don't f*****g judged him! Hindi sya katulad mo! Hindi sya gago katulad mo Aaron! Magkaibang magkaiba kayo!" "We'll see Tatiana, we'll see. Baka kapag nalaman mo na ang totoo, lalapit ka sakin at sasabihin mong totoo nga ang sinasabi ko", malamig na aniya bago ako talikuran at tuluyan ng lumabas ng unit ko. Tuluyan akong napahagulgol dahil sa sakit ng nararamdaman ko. Sunod sunod na kamalasan ang nararanasan ko. Una, iniwan ako ng pamilya ko. Pangalawa, namatay ang pinakamatalik na kaibigan kong si Moon. Pangatlo, ako lang mag isa ang nagcocomfort sa sarili ko. At panghuli, I almost r***d by Aaron. Hanggang kailan ba ako magdudusa ng ganito? Zachary Matthew Fabian POV Nang makarating ako sa bahay, nakita ko agad si daddy na prenteng nakaupo sa tabi ni mommy sa salas at animong may hinihintay. Gulat silang mapalingon sa pwesto ko bago ako sundan ng tingin nang maglakad ako palapit sa kanila. Naupo ako sa medyo may kalakihang couch at humarap sa kanila. They looked at me with serious face. "It's good that you're already here.", baritonong tinig na bungad ni daddy. Mommy averted her eyes on me. She can't looked at me like I have virus that she doesn't want see. "What's the matter, Mommy, Daddy?",I asked them full of concern. Mommy turned her gaze at me and looked at me with serious emotion on her face. "You'll start the training to our company. The company needs you",she said with serious tone on her voice. Naiintindihan ko naman 'yon dahil ganon talaga si Mommy when it comes to business. She's always serious even when she's talking to dad or even me. "I will, Mom. Just give me some time for myself and after that, I'll manage our company like our original plan",I seriously answered. "Okay. Siguro naman sapat na ang isang linggo para makapaghanda ka. Maghahanap rin ako ng company lawyer natin. Kailangan mo 'yon habang nakikipag negotiatd ka sa mga magiging business partners natin.", Si daddy ang sumagot. "You better shape up. 'Wag ka sanang gumawa ng kalokohan.",malamig na tono ng tinig ni Mommy, na ipinagtaka ko. Why is Mom like this? Mom walked out on us in the middle of our meeting. Para bang hindi nya matagalan ang presensya ko at ayaw nya akong makita. What did I do wrong? Dad sighed heavily that made me turn his gaze to him. He looked at me full of concern and he looks curious. "Kamusta na kayo ni Tatiana?", malumanay na tanong ni Dad. Mabigat ang paghinga ko at para bang napipi ako sa tanong ni Daddy. "Hindi sya okay, Dad. Ngayong araw na 'to namatay ang kaibigan nya dahil naaksidente sa motor. Base sa doctor at mga pulis, yung lalaking kasama lang ng babaeng naaksidente ang nakahelmet, yung ababeng nagddrive ng motor, walang helmet. Kaya hindi kinaya ng katawan nya.",malungkot na pagkukwento ko. "Oh, I'm sorry. Hindi ko alam na nagluluksa sya ngayon. Hindi dapat kita pinauwi ngayon. Dapat ay nanatili ka nalang sa tabi nya. Kung alam ko lang", nanghihinayang na wika ni dad. Naisip kong bumalik sa unit ni Yvonne, pero kailangan ko muna magpaalam kay dad. "Pwede ba akong manatili kay Yvonne kahit isang linggo lang dad? Sasamahan ko lang sya kasi alam kong hindi madali ang pinagdadaanan nya.", nagbabakasakaling paalam ko kay dad. Kahit mahirap para sa akin na makita syang malungkot at umiiyak dahil sa pagluluksa nya, kakayanin ko makasama lang sya. Kahit konting panahon lang bago ako magsimula sa trabaho ko sa company namin. Sumilay ang maliit na ngiti ni daddy at maliit na tumango. Biglang nabuhay ang pag asang makakabalik ako ngayon kay Yvonne. "Sige na. Tatawagan nalang kita kapag kailangan mo ng umuwi.",tumayo si daddy kaya pati ako ay napatayo na rin. "Hangga't maaari, kailangan nya ng makakaramay ngayon. Wala ang pamilya nya rito sa Pilipinas para maging sandalan nya. Ikaw muna ang gumawa ng bagay na 'yon. Maging sandalan ka nya anak" Ngumiti ako at tumango kay daddy. Napakapalad ko dahil may mga magulang akong maintindihin. Hindi ako pinipilit sa kung anong gusto nila at hinahayaan akong gawin ang gusto ko. "Salamat dad",sunserong ani ko kay dad, bago ako maglakad palabas ng bahay at patakbong nagtungo sa kotse ko. Kailangan kong magmadali para hindi ako gabihin. Agad kong pinaandar ang makina nv kotse ko at mabilis na pinatakbo palabas ng bahay namin. Automatic naman ang gate kaya naman mabilis din iyon na bumukas ng kusa. Pinatakbo ko ng mabilis ang kotse ko at halos liparin ko na ang kalsada. Nakangiti akong nagmaneho dahil maya maya lang ay naroon na 'ko sa tabi ni Yvonne. Walang ibang pumapasok sa isip ko, kundi si Yvonne lang. Kumain na kaya sya? Nandyan kaya ang mga kaibigan nya para samahan sya? Mag isa ba sya sa unit nya? Umiiyak ba sya? Mas binilisan ko pa ang pagmamaneho hanggang sa marating ko na ang parking lot sa labas ng building ng condominium. Pinark ko ang sasakyan ko sa tabi ng sasakyan ni Yvonne. May napansin akong sasakyan na palabas ng parking lot, pero hindi ko na pinansin 'yon. Ang mahalaga sakin ay si Yvonne. Lakad takbo ang ginawa ko papasok sa condominium hanggang sa nasa harap na ako ng elevator. Pinindot ko agad iyon at mapalad ata ako ngayon dahil wala pang ilang minuto nang bumukas ang pinto nito. Pinindot ko agad ang 6th floor pagkapasok ko at pagkasarado ng pinto. Itinaas ko ang kanang braso ko para tingnan ang oras sa relo ko. It's already 7 pm. Siguro naman ay hindi pa sya tulog. Nang tumunog ang elevator at nagbukas ang pintuan, lumabas agad ako at tinahak ang unit ni Yvonne. Room 41 iyon at sakto namang kaharap ko na pala iyon. Agad akong nagdoorbell at naghintay na bumukas ang pinto, pero ilang minuto na ang nakalipas at walang nagbubukas. Magdodoorbell sana ulit ako nang mapansing bukas ang pintuan. Bakit bukas 'to? Sa pagkakaalala ko, hindi ko naman 'to naiwang bukas. Isinawalang bahala ko nalang iyon at naisip na baka naiwan kong bukas. Isinawalang bahala ko nalang 'yon at pumasok nalang ako sa loob. Baka kasi tulog sya o kaya naman ay may ginagawa. Ayoko naman syang abalahin. Nang pumasok ako sa unit nya, para bang may nag iba. Hindi ko alam kung ano, pero bumigat ang pakiramdam ko. May naririnig akong mga hikbi, para bang may umiiyak. Si Yvonne ba 'yon? Hinahanap ko kung saan nanggagaling ang mga hikbing 'yon at sinundan ko nalang iyon hanggang sa matagpuan ko nalang ang sarili ko na papunta sa isang kwarto. I assumed na kwarto 'to ni Yvonne. Nakabukas iyon at nakita ko si Yvonne na nag iinom. Nagkalat ang mga bote sa sahig habang umiiyak sya. Hindi ko nakikita ang mukha nya dahil nakatalikod sya sakin. Papasok na sana ako sa kwarto nya para lapitan sya nang bigla syang magsalita. "I hate you! Bakit mo nagawa sakin 'to!? Gago ka!",umiiyak na sigaw nya. Hindi ko na natiis ang sarili ko at nilapitan ko sya. Nag aalala ako sa kanya. Maayos ko sya iniwan dito. Oo, nagluluksa sya pero sino ang gagong sinasabi nya? Gulat nya akong nilingon at walang anu ano'y niyakap nya ako ng mahigpit. Animong natatakot, nanginginig. Anong nangyari? "Zach!",umiiyak na tawag nya sakin. Hinaplos ko ang likod nya at patuloy syang inalo pero hindi sya kumalma. "Anong nangyari? Bakit ka umiiyak?", nag aalalang tanong ko sa kanya. "W-Wala naaalala ko lang si Moon", namamaos na aniya. Hinawakan ko ang dalawang pisngi nya at pinaharap sya sakin. Puno ng sakit at pait ang mga mata nya. "Yvonne, naiintindihan ko ang nararamdaman mo. Wala namang taong namatayan ang hindi nagluksa. Ilabas mo lang 'yan. Nandito lang ako. Hindi ako aalis",malambing na pang aalo ko sa kanya. Alam kong wala ng mas sasakit pa sa taong namatayan, pero alam kong makakaya rin 'to ni Yvonne. Kakayanin nya. Napalitan ng pagtataka ang tingin nya sakin. "Diba kailangan ka ni tito? Pinapauwi ka na nya diba? Bakit ka nandito?" Ngumiti ako ng tipid sa kanya at hinalikan ang noo nya. "Mas gusto kitang puntahan kesa sa company namin. Mas importante ka kesa sa mga 'yon. Tsaka nagpaalam naman ako kay daddy at pumayag sya, kaya nandito ako ngayon. Ayaw mo ba?" Ngumuso naman sya at pinahiran ang luha sa mata nya pababa sa pisngi. "Okay lang naman ako. Pwede ka na magpunta roon." "Ayaw mo ba akong kasama? Tsaka anong okay ka lang? Eh bakit ka umiiyak kung okay ka lang?",pang uusisa ko sa kanya. Wala naman syang nagawa kundi yumuko, pero dahil nanatili ang pagkakahawak ko sa kanyang pisngi, hindi nya magawang itago ang emosyon nya. "Ayoko lang makaistorbo. Ayokong makihati sa oras mo." "Okay sige ganito nalang, sayo muna ako ng isang linggo hanggang sa mailibing na si Moon. Okay ba yon?",tanong ko sa kanya habang hindi inaalis ang mata ko sa kanya. "Okay. Basta kapag kailangan ka na ni tito, uuwi ka na. Deal?" Ngumiti ako sa kanya at bahagyang pinisil ang pisngi nya. "Deal",nakangiting sagot ko sa kanya. Hindi ko alam kung hanggang kailan ko itatago ang totoo sa kanya pero isa lang ang alam ko, sasabihin ko na sa kanya ang totoo, bago ako bumalik.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD