18

3849 Words
Zachary Matthew Fabian POV Nang makarating ako sa bahay, wala ng ilaw na nakabukas. Didiretso nalang ako sa kwarto ko. Gusto ko muna mapag isa, kahit ngayong gabi lang. Umakyat na ako sa taas patungo sa kwarto ko. 11 na ng gabi ako nakauwi dahil nag inom ako. Nagbabakasakaling gagaan ang pakiramdam ko. Naupo ako sa kama ko pagpasok ko sa kwarto ko. Sa dami ng nangyari ngayong araw na 'to, hindi ko na alam kung paano kakalma. Nandito kami ngayon sa ampunan dahil ngayon ang schedule namin para bumisita sa mga batang narito. Alam kong namimiss na ni Yvonne ang mga bata, at kahit ako namimiss ko rin pumunta rito. Napansin kong wala namang nagbago samin kahit nagkaroon kami ng misunderstanding, kung yun ba ang matatawag roon. Yon ang unang beses kong nakita syang umiyak na ako ang dahilan. Ang sakit...sobrang sakit makitang umiiyak ang taong mahal mo nang dahil din sayo. ''Are you hungry? Kumain ka na ba?'', tanong ko sa kanya nang mapansin kong nakahawak sya sa tyan nya. ''Hindi naman. Kumain naman ako kanina bago ka dumating.'', sagot nya. ''Ikaw ba? Kumain ka na ba?'', baling nya sakin. ''Yeah, I already ate'', casual na sagot ko. Diretso lang ang tingin ko sa daan, habang nagmamaneho ako. ''Kung nagugutom ka, may pagkain dyan. Nagdrive thru ako kanina para may makain ka, kung sakaling magutom ka sa daan.'', dagdag ko pa. Napakagat ako ng pang ibabang labi bago pasimpleng lumingon sa kanya. Simple lang ang suot nya, pero she's still stunning. ''Okay, thank you'', masiglang aniya. Pasimple akong ngumiti dahil napasaya ko sya. Simpleng bagay lang, masaya na sya. Kahit pagkain lang o kahit ano ata ang ibigay sa kanya, makikita na syang nakangiti. Hindi na ako nagsalita at nanatiling nakafocus sa daan. It's already 9 am at sinundo ko sya ng maaga dahil gusto ko syang makasama ng matagal. Kahit ngayon lang. Wala na kasi akong kasiguraduhan sa mga mangyayari sa bawat araw. Hindi ko alam kung makakasama ko pa ba sya ulit na gaya nito, o eto na ba ang huli. Hindi ko hawak ang puso nya, kaya mahirap mapredict. Sana ibigay mo na sya sakin, kahit isang linggo lang. Isang linggo pa. Hindi ko pa kasi kaya. Hindi ko pa kayang malayo sya sakin. Hindi ko pa kayang makitang galit sya sakin. Sana pagbigyan nyo po ako. Napatigil ako dahil sa traffic. Hindi ko alam kung may aksidente pero napakatraffic. Napalingon ako kay Yvonne nang magring ang cellphone nya. Nasisiguro kong hindi akin yon dahil gamit ko ang cellphone ko sa GPS, para hindi kami maligaw. Kunot noo nyang tiningnan ang screen ng cellphone nya bago iyon sagutin. Nakamasid lang ako sa bawat galaw nya habang may kausap sa cellphone nya. ''Oh kuya Ivan, napatawag ka?'', pagsagot nya roon. Ivan? Sino si Ivan? Pinakinggan nya muna ang kausap nya sa cellphone. ''Ano!? Hindi ka ba nagbibiro kuya Ivan?'', gulat nyang aniya. Hindi ko alam ang pinag uusapan nila pero nanatili lang akong nakatingin sa kanya. ''Traffic kasi dito. Hindi ko alam kung bakit. Susubukan namin makaalis dito para makapunta dyan'', nagpapanic na aniya. Nagtataka man ako kung sinong kausap nya at kung ano bang pinag uusapan nila, nanatili akong tahimik rito. ''Oh sige kuya Ivan. Papunta na kami dyan sa ospital. Hintayin nyo ako, please kuya Ivan" Nang ibaba nya ang cellphone nya, nagpalinga linga sya sa paligid at para bang paiyak na. Anong nangyari? Nag aalala kong tinanggal ang seatbelt ko bago lumapit sa kanya. Hinawakan ko sya sa magkabilang balikat bago iniharap sakin. Mabilis ang paghinga nya at para bang binabangungot. ''What happened? Okay ka lang ba?'', nag aalala kong tanong sa kanya. ''Zach ang mga kaibigan ko, naaksidente", garalgal na tinig na aniya. Para bang tumigil ang mundo ko nang magsimulang kumawala sa mga mata nya ang masasaganang luha. ''Sina Cale at Tyler? Tawagan mo sila'', natataranta na rin na ani ko. Hindi ko magagawang kumalma kung nakikita kong hindi okay si Yvonne. ''Hindi sila. Si Moon at si Renren, naaksidente sila sa motor'' ''Nasaan ba sila? May dumating na ba na rescue? Yung ambulansya? Kailangan bang tumawag ng ambulansya?'', bumaba ang tingin ko sa kamay nyang nakahawak sa braso ko. Nanginginig iyon dahil siguro sa takot at pag aalala. ''Si Moon ang nagmamaneho ng motor, Zach. At ang sabi ng mga pulis base sa imbestigasyon, si Renren lang ang may suot na helmet, si Moon wala'', napahawak sya sakin ng mariin at hinayaan ko lang sya. ''Zach, ayokong mawala sila. Nang panahon na mag isa lang ako, sila yung nandyan. Hindi ko alam ang gagawin ko kapag nawala sila. Bakit naman ganito? Bakit parang lahat ng mahalaga sakin, lahat ng mga mahal ko, inilalayo sakin?'', umiiyak na sunod sunod na tanong nya. Nasasaktan akong makita si Yvonne na umiiyak, at ang mas masakit pa roon, wala akong magawa. Ang tanging magagawa ko nalang ay maging sandalan ni Yvonne. Hindi ko pala talaga kayang makita syang nasasaktan, parang mas nasasaktan ako. 'Wag mong iiyakan ang isang gagong katulad ko, Yvonne. I don't deserve your tears. Nag isip ako kung paano kami makakalusot sa habang traffic. Kailangan na naming makaalis sa traffic na 'to, paraa mapuntahan na namin ang kaibigan ni Yvonne na naaksidente. Nang magkaroon ako ng tyempo, lumabas ako ng sasakyan at agad pinuntahan ang kotseng katapat namin. Pwede kasing mag U turn dito, kaya lang medyo nakaharang sya sa paglilikuan namin ni Yvonne. Kumatok ako sa bintana ng driver's seat, at agad iyong binuksan ng lalaking driver. Kunot noo nya akong tiningan. ''Pre, pwede bang makisuyo ako sayo na umabante ng kahit konti lang? Mag U uturn kasi kami ng girlfriend ko. Emergency lang'', pakiusap ko roon sa lalaki. Mukha namang naintindihan ako ng lalaki, kaya dali dali nyang sinarado ang bintana at umatras. Nang lumingon ako sa likod ko, alam kong kasya na ang sasakyan ko rito. ''Thank you pre'', pahabol ko kahit alam kong hindi nya ako maririnig. Dali dali akong tumakbo papasok sa driver's seat bago paandarin ang makina. Dahan dahan akong nag U turn at nang makapasok ang sasakyan ko roon sa medyo malaking space, mabilis kong pinaandar ang kotse ko. Sinabi naman agad ni Yvonne kung saang ospital, kaya binilisan ko ang pagmamaneho para makarating na kami agad roon. Nang makarating kami sa ospital ilang minuto ang nakakalipas, halos takbuhin ni Yvonne ang papasok sa ospital. Agad ko naman syang sinundan at naabutan ko syang nagtatanong sa nurse station. "Miss, can I asked a question?", Nanginginig na tanong nya sa nurse. "Yes, Ma'am. Ano po iyon?",magalang na sagot naman ng babaeng nurse. "Saan dito yung room ni Moon Emerald Reyes at Reneil Salamanca?" "Ahh Ma'am wala pa po silang room. Nasa ER po sila.",magalang na sagot naman ng nurse. "Salamat",maikling aniya bago muling naglakad patungo sa Emergency Room. Tatiana Caden Yvonne Pangilinan POV Nang agad kong nakita ang ER, nanginginig ang mga kamay ko at nabalot ako ng matinding kaba at takot. Hindi ko alam kung anong gagawin ko kapag nawala sila sakin. Mga kababata ko sila at matagal kaming nagkasama sa iisang school at iisang section. Mga kapitbahay ko sila. Si Renren ang naging unang kaibigan ko bago nya ipakilala sakin si Moon. Nung una, medyo nagkakahiyaan pa kami, lalo na ako sa kanila. Hindi ako sanay makipagkaibigan. Sanay lang akong mag isa at introvert akong klase ng tao. Nang sabihin sakin ni Renren ang nararamdaman nya para kay Moon, tinulungan ko syang umamin kay Moon, pero sabi nya friendzone daw sya. Sa 12 years naming pagkakaibigan, isa lang ang masasabi ko. The best sila. Kapag may problema ka, nandyan sila, maaasahan mo lagi. Hindi ka hahayaang mag isa at makaramdam na para bang inaayawan ka ng lahat. Bumalik lang ako sa huwisyo nang may humawak sa balikat ko. Hindi na ako nag atubiling harapin kung sino iyon. "Everything will be fine. They will be alright. Magtiwala lang tayo sa mga doctor", mahinahong saad sakin ni Zach. Hindi nalang ako nagsalita. Hindi ko alam kung pati pagsasalita ko, nawalan ako ng lakas. Hindi ko rin alam kung nasaan si kuya Ivan dahil hindi ko naman sya nakita rito. Ang tanging magagawa ko nalang ngayon ay maghintay. Para bang nanliliit ako sa sarili ko dahil sa mga ganitong sitwasyon, wala manlang akong magawa. Naupo nalang ako sa bench, malapit sa Emergency Room. Kadarating lang din ni kuya Ivan na pawis na pawis at para bang hindi nya iniinda iyon. Nakayuko lang ako habang pinaglalaruan ang kamay ko. Wala akong pakielam kung ilang oras akong manatili rito, ang mahalaga sakin ay hintayin sila, hanggang sa mailipat na sila sa private room at hanggang sa gumising sila at makalabas na ng ospital. Alam kong makakaligtas silang dalawa, masyado silang matapang at palaban para sumuko sa ganitong sitwasyon. Ilang oras ang lumipas at inabot na kami ng tanghalian, pero hindi parin lumalabas ang doctor. Hindi ko maiwasang mag alala sa kondisyon nilang dalawa. Sana ay makaligtas silang dalawa. Alam kong lalaban sila. Napatingin ako sa taong nakatayo sa harap ko at may hawak na tupper ware, na nasisiguro kong naglalaman ng pagkain. ''Kumain ka muna Yvonne. Lunch time na'', pag aaya sakin ni Zach. Sandali akong nag angat ng tingin sa kanya, bago muling ibalik ang atensyon ko sa labas ng pintuan ng Emergency Room. Nang maramdaman kong hindi na nakatayo si Zach sa harapan ko, alam kong sya ang naupo sa tabi ko. Nasa kaliwa ko naman si kuya Ivan, habang naghihintay din sa paglabas ng doctor. Alam kong malaki ang magagastos sa hospital bill nila, kaya naman mag iinsist nalang ako na ako nang bahala sa lahat ng gagastusin nila. Kahit maubos ang pera ko, na ibinigay din sakin ni Daddy, wala akong pakiealam, ang mahalaga gumaling ang mga kaibigan ko. ''Paano nga pala ang hospital bills nyo? I'm sure malaki ang magagastos nyo dyan'', tanong ni Shygranrain, girlfriend ni Renren. Napapabuntong hininga si kuya Ivan, at pinaglaruan ang mga daliri nya. ''Hindi ko alam. Baka mangutang ako sa boss ko. Siguro naman matutulungan nya ako lalo na sa panahong 'to. Gagawin ko lahat, mabuhay lang ang kapatid ko. Kahit pa lumubog ako sa utang, wala na akong pakielam'', sagot naman ni kuya Ivan kay Shygranrain. ''Huwag nyo ng alalahanin ang gagastusin, ako nang bahala roon, ang mahalaga ay gumaling sila at makalabas ng ospital'', sabat ko sa kanila, na ikinagulat nila. Nag aalangang tumingin sakin si Shygranrain, bago bumaling ng tingin sa Emergency Room. ''Huwag na, Tatiana. Hindi naman kailangan. Tsaka napakarami mo nang naitulong samin. Sobra sobra na 'yon'', pagtanggi nya. Syempre kahit pa tumanggi sya, tutulong parin ako. For pete's sake, mga kaibigan ko sila, para ko na silang pamilya. Bumaling ako sa bag ko at kinuha roon ang check at ballpen. Nagsulat ako roon bago iabot kay kuya Ivan. Taka nyang binasa iyon at agad na nanlaki ang mata nya sa nakitang halaga na nakasulat roon. ''80 Million!?'', gulat na aniya bago magpabalik balik ang tingin sa check, bago ibalik muli ang tingin sakin. ''Malaking tulong na 'yan sa inyo ni Moon. Tsaka bumili din kayo ng bahay nyong dalawa para naman mas comportable kayo'' ''Hindi ko matatanggap 'yan. Sobra sobra na ang naitulong mo samin. Wala na kaming maibabayad sayo'' ''Hindi ko kayo pinagbabayad. Ang gusto ko lang maging maayos kayo ni Moon. Tsaka humihingi rin ako ng pasensya dahil wala ako ng panahon na kailangan nyo pala ng kaibigan na masasandalan. Hindi ko talaga alam na mararanasan 'yon ni Moon. Masyado syang tahimik para malaman ko'' ''Don't worry Tatiana, tinulungan naman sila ng boyfriend ko. Wala ka ng dapat pang alalahanin. I'm sure they'll fight.'', pagpalubag loob na sabat naman ni Shygranrain. ''Rain, hindi mo naman na kailangang iemphasize ang salitang 'boyfriend'. Don't worry, alam naman naming lahat ang bagay na 'yon.'', sarkastikong pambabara ko sa kanya. Alam na alam ko kasi kung ano ang ipinupunto nya. Naramdaman kong hinawakan ako ni Zach sa braso na para bang pinipigilan ako. Alam kong ramdam nila ang tensyon sa pagitan namin ni Rain, pero hindi naman nila kami mapipigilan. Kung inaakala nya na porket sya ang girlfriend ni Renren eh hindi ko na sya sasagutin ng may pagka sarkasmo, eh nagkakamali sya. Walang model model sakin. Lalo pa at aware ako na ang mahal ni Renren ay si Moon at hindi sya. Aminado akong galit ako kay Rain dahil sa ginawa nya. Kung hindi nya inagaw noon si Renren kay Moon, hindi sana mangyayari 'to. Masyadong mahal ni Renren si Moon para ipagpalit nya ng ganon ganon nalang si Moon kay Rain. Oo, model si Shygranrain o mas kilala bilang Rain, but that's not enough para ipagpalit nya si Moon sa babaeng 'to. Si Moon, ako, si Cale, at Rain, parehas kaming 6 feet ang height. Matatangkad kami, pero mas matatangkad parin samin sina Renren, kuya Ivan, Zach, at pati narin ang mga kaibigan ni Zach. Aminado akong matatangkad ang mga parents ko at talagang pang model ang height namin, pwede pa ngang pang Miss Universe. Pero hindi ko pinasok ang mundo ng spotlight. Ayoko ng atensyon. Napalingon kami sa Emergency Room nang biglang may lumabas mula roon at sa wakas, ito ang doctor na umasikaso kay Moon at kay Renren. Nagsitayuan kaming lahat at lumapit sa doctor. "Kamusta po si Moon? Kamusta silang dalawa?",si kuya Ivan ang unang nagtanong. The doctor cleared his throat before looking at us, one by one with serious eyes. "Sino ang kamag anak ng mga pasyente?",baritonong tanong ng doctor samin. "Ako po doc!", Nagtaas ng kamay si kuya Ivan at ganundin si Rain. "Girlfriend ako ng pasyente doc",sagot naman ni Rain sa doctor. "Kamusta sila doc?",tanong ko sa doctor. The doctor looked at us once again. "Isang good news at isang bad news ang ibabalita ko sa inyo.",seryosong sagot ng doctor, na nakapagpakabog ng malakas sa dibdib ko. "What do you mean doc?",kinakabahang tanong ni kuya Ivan. "Ang lalaking pasyente ay ligtas na. Dahil nakahelmet sya, hindi sya masyadong napuruhan. But still, may mga galos ang pasyente. You can visit him kapag nalipat na sya sa private room.",tugon ng doctor na nakapagpahinga ng maluwag samin, lalo na kay Rain. "How about Moon, doc? Kamusta ang babaeng pasyente? Nakaligtas sya diba?", umaasang tanong ko sa doctor. Para akong nabato nang tumungo ang doctor at hindi makatingin samin. "Kamusta yung kapatid kong babae doc? Si Moon? Kamusta sya? Malilipat na ba sya sa private room?", masiglang tanong ni kuya Ivan. Para na kong maiiyak dahil wala paring tugon ang doctor samin. "I'm sorry, she couldn't make it", he announced. Nagsimula ng manubig ang mga mata ko dahil sa narinig at wala sa sarili akong napatakip ng dalawang palad sa mukha ko. "What do you mean doc? Nagbibiro ka lang naman, diba? Nakaligtas ang kapatid ko, diba?'', garalgal na tinig na tanong ni kuya Ivan sa doctor. But, the doctor stay silent. "Ginawa namin lahat, pero walang nangyari. Tumama ang ulo nya sa kung saan dahil walang helmet ang pasyente. Masyado syang napuruhan, that's why she couldn't make it. I'm sorry, Ma'am, Sir. Maniwala man kayo o sa hindi, lahat na ginawa namin kaya natagalan kami sa loob. Hindi na nakikioperate ang katawan nya. Wala na syang pulso nang dalhin sya rito.",pagpapaliwanag ng doctor. Wala akong nagawa kundi umiyak. "Gawan mo ng paraan doc! Hindi pwedeng mamatay ang kapatid ko! Sya nalang ang meron ako!",umiiyak na sigaw ni kuya Ivan sa doctor. Lumapit ako sa doctor at matalim syang tiningnan. Hinablot ko ang collar ng polo nya kahit pa naka white dress sya na sinusuot ng mga doctor. "Buhayin mo ang kaibigan ko! Kung kailangang ubusin ko ang pera ko para mabuhay sya, gagawin ko! Buhayin mo sya doc! Sya lang ang kaibigang nandyan para sakin, samin! Buhayin nyo sya doc!",paulit ulit kong sigaw na utos sa kanya. Sinubukan nila akong pigilan pero hindi ako nagpatinag. Hindi pwedeng mamatay ang kaibigan ko! Hindi pwedeng mawala si Moon samin! "I'm sorry",sinserong wika ng doctor, bago umalis sa harap namin at naglakad palayo. Wala na akong nagawa at binitawan ang pagkakahawak sa kanya. Nanghihina ang tuhod ko na napaupo sa malamig na sahig at nakahagulgol. Bakit naman agad agad? Hindi ko pa kaya! Agad akong dinaluhan ng mga kaibigan ko, ganundin si Zach. Lahat kami ay umiiyak, lalo na si kuya Ivan. Kahit sya ay nagpipighati sa pagkawala ni Moon. Bakit si Moon? Bakit sya pa? Napakabait ni Moon. Walang masasabi ang kahit na sino na masama sa kanya dahil napakamatulungin nya. Mabuting kaibigan at kapatid. Walang kaming ibang hihilingin para sa kanya, kundi makahanap sya ng taong mamahalin sya at pasasayahin sya habang buhay. Nang mahimasmasan kaming lahat, napagdesisyunan muna naming asikasuhin ang lahat ng kailangan para sa libing ni Moon. Kailangan din namin asikasuhin ang kabaong, dress, make up artist at kung saang sementery ilalagak si Moon. Hindi ko alam na ganito kabilis. Sobrang bilis naman ata. Ni hindi pa nga sila naikakasal ni Renren. Hindi pa nya nararanasang maging ninang ng magiging anak ko. Bakit naman ganito? "Ihahatid na kita sa unit mo.",mahinang wika ni Zach. Hindi na ako tumanggi at hinayaan nalang sya. Inalalayan nya ako sa pagbaba ng sasakyan nya. Wala akong imik simula ng umalis kami mula sa ospital. Si kuya Ivan nalang daw ang bahala sa lahat. Gagamitin nya nalang daw ang perang binigay ko para kay Moon. Zach held my waist and pulled me gently closed to him. Still, I'm silent. I can't even open my mouth and my eyes are tired from crying and sobbing. Si Zach ang umasikaso sakin mula ng paglabas namin ng elevator. Ayoko ng magsalita. Pagod na rin ako kumilos. Pagod na ako at gusto ko ng magpahinga, pero ramdam kong ayaw ng katawan ko. Si Zach ang nagluto at naglinis ng unit ko, nakaupo lang ako rito sa kama ng kwarto ko at nakatulala. Naaalala ko si Moon nang minsang binisita nya ako rito sa unit ko. Birthday ko kasi that time, kaya pala kinuntsaba nya si kuya Ivan, si Renren at kahit si prince, pinsan ni Renren. Nanunubig muli ang mata ko dahil sa naiisip ko. Kahit ata lumuha ako ng dugo, hindi ko na maibabalik pa si Moon. "Yvonne, anong gusto mo? Bopis o bulalo? Dalawa kasi ang niluto ko kasi naisip ko na hindi ka kumain kanina. Kailangan mo kumain para may lakas ka",dinig kong aniya mula sa kusina. "Wala akong gana",namamaos na tugon ko sa kanya. "Kailangan mo kumain. Walang laman ang tyan mo. Baka ikaw naman ang magkasakit nyan",concern na pagpilit nya. Hindi nalang ako nagsalita. Para bang naubos ang lakas ko gawin ang lahat ng bagay. Walang ibang tumatakbo sa isip ko kundi si Moon. Nakaligtas nga si Renren, pero si Moon hindi. Paano kapag nalaman nyang hindi nakaligtas si Moon? Napapikit ako nang mariin nang biglang may narinig akong nagring na cellphone. Mukhang may tumatawag. Sunod kong narinig ang pagsagot ni Zach sa cellphone nya. "Hello? Oh, Dad napatawag ka?", Sagot nya roon sa tumatawag. Si tito pala ang tumatawag sa kanya. Mukhang kailangan na sya ni tito. "Now? As in now na?",nag aalangang aniya. Naramdaman kong lumingon sya sakin bago pumikit ng mariin. "Oh sige dad. Magpapaalam muna ako kay Yvonne. May nangyari kasi, kaya hindi ko sya maiwan" Nagmulat ako ng mata bago tumayo at naglakad palapit sa kanya. Pagod ko syang tiningnan bago pilit na ngumiti. "Sige na, ayos na 'ko rito. Baka kailangan ka ni tito" "Hindi kita iiwan. Hindi ako aalis, ngayon pa na kailangan na kailangan mo ako",pagpupumilit nya. "Ayos lang ako. Akin na muna yang cellphone. Kakausapin ko si tito" Nag aalangan nya namang binigay sakin ang cellphone nya, pero nang maglaon ay binigay nya rin sakin. Tinapat ko iyon sa tenga ko at kinausap si tito. "Hello po tito. Si Tatiana po ito",magalang na pakilala ko kay tito mula sa kabilang linya. "Oh hija, pasensya ka na at kailangan na umuwi ni Zach. Pupunta kasi kami ngayon sa company para maipakilala ko sya sa mga employees ko. Okay lang ba iyon sayo hija?",mahinahong tanong sakin ni tito. Tumingin naman ako kay Zach, na mukhang sinasabi sakin na dito muna sya kasama ko. "Sige po tito. Uuwi na po si Zach. Papauwiin ko na po sya.",wika ko kay tito, na ikinalingon ni Zach sakin. Nagtataka ang mga tingin nya na animong mali ako ng desisyong ginawa. "Salamat sa pag intindi, hija. Pakisabi kay Zach umuwi na sya ngayon na dahil may mahalaga kaming aasikasuhin ngayon. Sige na hija, maraming salamat. Mag iingat ka riyan",wika ni tito bago ibaba ang linya. Inabot ko kay Zach ang cellphone at agad nya namang tinanggap iyon. "Pinapasabi ni tito sayo na umuwi ka na raw. Mukhang marami kayong aasikasuhin. Kaya sige na, umuwi ka na", mahinahong saad ko sa kanya. Nagtataka syang tumingin sa mga mata ko na para bang may mali akong nasabi. "Paano ka? Alam mo naman na kaya kong iwan ang lahat para sayo, tapos pauuwiin mo lang ako? Habang ikaw mag isa lang rito sa unit mo.",baritonong boses na aniya. Tumingin din ako sa mga mata nya bago ngumiti, isang pilit na ngiti. "Kaya ko naman dito, tsaka isa pa sanay na ako mag isa rito. Mas kailangan ka ng daddy mo roon. Ipapakilala ka sa mga employees roon sa company nyo. Kaya sige na, kaya ko na mag isa. 'Wag kang mag alala, hindi ako magpapakamatay", biro ko pa sa kanya, sa isang iglap, biglang nagbago ang expression nya at naging seryoso ang pinukaw nyang tingin sakin. "Walang magpapakamatay.",seryosong aniya, natawa ako ng mahina bago sya tinapik sa balikat nya. " Mangako ka sakin na hindi mo gagawin 'yon, Yvonne",utos nya. Ilang ulit akong tumango bago ngumiti ng tipid. "Pangako! Hinding hindi ko gagawin 'yon. Magagalit sakin si Moon kapag ginawa ko 'yon" Ilang minuto syang tumingin sakin na para bang binabasa nya ang laman ng isip ko. Bago lumapit sakin at yakapin ako ng mahigpit na para bang ayaw na nya akong pakawalan. "I'm sorry. Don't worry babalik ako rito. Babalikan kita kapag natapos na lahat ng kailangan kong gawin, Yvonne",he promised. I hug him back full of emotions and let him go. I know tito needs him. Their family company needs him. After his board exam, sya na ang mamamahala ng kompanya nila and I'm so proud of him. He held the doorknob and I thought he's going to leave, but he walked towards me before he hug me tighter and softly kissed my forehead. Nang muli syang humiwalay sa pagkakayakap sakin, diretso syang lumabas ng unit ko at hindi na ako nilingon pa. Ngayong ako nalang ulit mag isa, para bang doon lumabas lahat ng sakit, lungkot at pait. Wala na si Moon. Wala na ang bestfriend ko. Tumakbo ako papasok sa kwarto at naglock ng pinto. Bigla nalang akong naiyak dahil sa sakit ng nararamdaman ko. Sa isang iglap, nawalan ako ng kaibigan at pamilya. Lahat nalang ba mawawala sakin? Lahat nalang ba iiwanan ako? Hanggang kailan ako masasaktan? Hanggang kailan ako ganito? It wasn't easy to let them go....but for me, ''There are no goodbyes. Whenever you'll be, you'll be in my heart, always and forever''
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD