Tatiana Caden Yvonne Pangilinan POV
Nang umalis na si Zach, nagkwentuhan kami sa sala, habang naghihintay na maluto ang mga binake namin. Bumaba na rin si tito, galing sa kanyang opisina at agad nilapitan si tita. Magkatabi kami ngayon ni Cale, na katabi si Tyler.
Nagcecellphone lang ako at nagtitingin ng mga pwedeng iregalo kay Zach. I want to give him a gift for being hard working. Masipag sya mag aral at gusto ko, kahit papaano, mapalitan naman lahat ng effort nya para lang makapasa sa final exam, and hopefully, sana makapasa din sya sa board exam.
''Hija, are you okay?'', marahang tanong sakin ni tita, nag angat ako ng tingin bago ngumiti ng tipid.
''Yes naman po tita. I'm always fine.'', nakangiting sagot ko kay tita. Nakangiti naman syang tumango sakin bago bumaling ng tingin sa asawa, na nakayakap na sa kanyang bewang.
Suddenly, may pumasok sa isip ko. Isang scenario na kung saan kaming dalawa ni Zach. Nakayakap sya sa bewang ko, habang nanonood kami ng movies or habang nagbebake.
I don't know but that makes me happy. That simple scenario makes me smile. Mababaw na kung mababaw but, Zach makes me happy. Kahit ata maisip ko lang sya, napapangiti na ako.
What if sya na talaga? What if kami talaga ang para sa isat isa? Ayos lang sakin kahit pa simpleng buhay lang ang meron kami, ang mahalaga magkasama kami sa araw araw. Kontento na ako roon.
Nang tumunog ang alarm na sinet namin, tanda na luto na ang cookies, cupcakes and 2 cakes na binake namin, agad akong tumayo at nagtungo sa kusina.
Kumuha ako ng pot holder at lumapit sa malaking oven,bubuksan ko na sana 'yon nang may kamay na humawak sa balikat ko. Agad ko iyon nilingon at nakita ko si tita, na nakangiti sakin habang hawak sa kabilang kamay ang pot holder.
''Tulungan na kita. Baka mapaso ka pa, hija'', nakangiting alok nya sakin. Agad akong tumango at gumilid para bigyan sya ng daan.
Habang nakatayo ako sa gilid, hindi ko maiwasang tingnan ang bawat galaw ni tita. May mga features si Zach na pareho ni tita. Namana ni Zach ang amber eyes ni tita. Ang kagwapuhan naman ni tito at pagiging mestiso nito ang namana ni Zach.
Siguro, napakapalad ng magiging asawa ni Zach in the future. Mukhang may lahi din kasi sya, kaya sigurado ako na kahit papano ay mamamana iyon ng magiging anak nya.
''Hija, okay ka lang ba?'', nag aalalang tanong ni tita. Hindi ko namalayan na nakalapit na pala sakin si tita. Tipid akong ngumiti sa kanya.
"Ayos lang po tita. May naiisip lang po ako", pagsasabi ko ng totoo. Nangunot ang noo nya at lumapit sakin bago ako akbayan.
"What is it hija? Care to share? But before that, hintayin mo nalang ako roon sa sala at kukunin ko lang ang mga binake natin kanina. I'm sure you'll love this!", nakangiting usal nya, bago pa man sya makalayo sakin, agad ko syang inunahan at muling nilagay sa dalawang kamay ko ang pot holder. Alam kong nagulat sya sa ginawa ko, pero eto nalang ang tanging paraan para makatulong ako kay tita.
''Hija, maupo ka nalang roon'', pigil nya sakin. Pero agad kong binuksan ang malaking oven ay agad kong naamoy ang mabango at masarap na mga binake namin. Ako yung taong allergic sa mga cake. Ang tanging cake lang na malaya kong nakakain ay, ang leche flan cake. Paborito ko ang leche flan, kaya nang minsan na mabored ako sa pagtambay sa kwarto ko, agad akong nag isip ng mapagkakaabalahan.
''I insist po tita. Tsaka gusto ko po talagang tumulong sa inyo kahit sa ganitong paraan manlang po'', nakangiting tugon kay tita. Nilagay ko sa countertop lahat ng nabake namin.
''Totoo palang mabait kang bata at maganda pa'', aniya ng isang boses, na tingin ko ay may katandaan na. Nang lumingon kami ni tita roon kung saan nanggaling ang tinig na iyon, agad syang sinalubong ng yakap ni tita, na ipinagtaka ko.
''Manang! Namiss po namin kayo!'', masayang ani ni tita sa matanda. Nangunot ang noo ko at hindi ko alam kung ano bang nangyayari. Sino sya?
''Namiss rin kita hija. Pasensya ka na at ngayon nalang ulit ako umuwi rito. Yung kasing bunso ko nagmamaktol na 'wag daw akong umalis. Dapat nung isang linggo pa ang uwi ko, kaso ayun na nga. Pasensya ka na talaga'', sinserong tugon ng matanda kay tita. Hindi ako makapaniwalang, mapalingon sa direksyon ko ang matanda. Malapad syang ngumiti sakin, bago bumitaw sa yakapan nila ni tita. Nang tumayo ng tuwid si tita, nagpabalik balik ang tingin nya samin.
''Manang, sya nga pala si Tatiana, yung matagal ko ng kinukwento sa inyo. Napakabait nyang bata, Manang at may takot sa diyos. Mapagmahal din sa kanyang pamilya'', pagpapakilala ni tita sakin kay Manang. Hindi naalis ang magandang ngiti sa kanyang mga labi at ang kinang sa kanyang mga mata.
''Kinagagalak kitang makilala, hija. Napakarami kong naririnig tungkol sayo at lahat ng iyon ay magaganda. Sana ay magkakilala pa tayo Tatiana, hija'', matamis na tugon sakin ni Manang. Tipid akong ngumiti sa kanya, bago lumapit at magmano. Tumayo ako ng tuwid sa harap ni Manang.
''Tama nga ang sinabi mo Elijah, maganda nga ang batang 'to at pati na ang kalooban nya.'', nakangiting aniya kay tita, bago bumaling sakin. ''Nag aaral ka pa hija?'', tanong sakin ni Manang.
''Opo, graduating student na po ako. Soon to be Architect po'', magalang na sambit ko kay Manang. ''Mas mabuti pa po siguro, kung sa salas po tayo para po makaupo po kayo at hindi po kayo mangalay'', nakangiting suhestyon ko kay Manang. Napalingon si Manang kay tita, na agad ding binalik ang tingin sakin.
''Sige hija, ako nang bahala magdala ng pagkain sa salas. Yun ba ang mga binake nyo?'',turo nya roon sa mga pagkain sa may countertop.
''Hindi na po Manang. Mauna na po kayo roon sa salas at ako na po ang bahalang magdala po roon ng mga 'yon. Kaya ko na po'', nakangiting pagtanggi ko kay Manang. Tumango tango sya bago sya samahan ni tita sa salas.
Wala akong sinayang na oras at agad lumapit sa countertop. Dahan dahan kong binitbit ang mga pagkain. Nilipat ko muna sa malaking plato ang mga cookies at cupcake. Hiniwalay ko ang dalawang cake. Inuna ko munang bitbitin sa salas ang malaking plato kung saan ko inilagay roon ang cupcakes at cookies.
Nakangiti akong sinerve iyon sa kanila at inilapag sa hindi masyadong kalakihan na lamesa. Nag uusap sila, kaya bumalik na ulit ako sa kusina at kinuha ang dalawang cake, bago bumalik sa sa salas at maupo sa maliit na sofa.
Busy sa pag uusap si tita at Manang, kaya naman tahimik lang akong nakaupo roon. Nakakapagtaka na hindi ko makita si Cale, kaya naman tumayo muna ako at hinanap sila ni Tyler sa loob ng bahay, pero wala sila.
Lumabas muna ako at doon sila hinanap, pero wala na ang sasakyn nila. Nasaan na sila? Hindi naman siguro sila umuwi, diba?
Kinuha ko ang cellphone sa bulsa at agad dinial ang number ni Cale. Kailangan ko silang tawagan at tanungin kung nasaan sila. Hindi manlang nagpaalam ang dalawang 'yon sakin!
''Hello? Oh napatawag ka?'', sagot ni Cale sa kabilang linya.
''Nasaan kayo?'', sinubukan kong magtunog na hindi ipahalata na naiinis ako.
''Nauna na kaming umuwi. Nagyaya na kasi umuwi si Tyler, kaya nauna na kami. May problema ba?''
''Wala'',tipid na sagot ko. Narinig ko sa kabilang linya si Tyler. Mukhang nasa daan pa sila.
''Who's that babe?'', tanong ni Tyler kay Cale.
''Si Tatiana. Tinatanong nya lang kung nasaan daw tayo. Sabi ko nauna na tayo umuwi'', sagot nya naman kay Tyler, bago bumaling sakin. ''Mamaya nalang, Tatiana. Tatawag ako sayo. Bye muna''
''Teka-'', bago pa man matapos ang sasabihin ko, pinatay nya na ang tawag. s**t!
Bumalik nalang ako sa loob at naupo roon sa kung saan ako nakaupo kanina. Hihintayin ko nalang si Zach.
''Mukhang tahimik ka hija ah'', napalingon ako sa nagsalita. Si Manang pala. Tipid akong ngumiti sa kanya.
''Wala lang po siguro ako sa mood, Manang'', pagsasabi ko ng totoo. Tumango naman si Manang bago maupo sa tabi kong maliit din na sofa. Lumingon ako sa kinauupuan nila ni tita. Hindi ko napansin na kaming dalawa nalang ang narito sa salas.
"Ilang taon ka na hija?", tanong sakin ni Manang.
"20 po Manang",maikling sagot ko. Tumango tango naman sya bago maliit na ngumiti.
"Pwede mo bang ikwento sakin kung paano mo nakilala si Zach. Alam mo kasi yang batang iyan, bihira lang makipagkaibigan. Hindi nga namin akalain na magkukwento sya samin tungkol sa kaibigan nya. Sina Blaxton at Blake. Mababait ang mga batang iyon. Kayo ba? Paano kayo nagkakilala?"
"Ang totoo po nyan Manang, nakilala ko po si Zach nang tawagin ako ng mga kaibigan nya. Pauwi na po sana ako non kung hindi lang po ako tinawag ng kaibigan nya. Sakto naman po non paglapit ko sa kanila, napansin ko g nakatingin sya sakin non. Hindi ko nga po alam kung anong emosyon ng mukha nya. Mukha kasi syang masungit na ewan. Ganon po kami nagkakilala", pagkukwento ko sa kanya. Alam kong weird ang unang pagkikita namin. Hindi ko pa sya non kilala dahil hindi naman ako interesadong makipagkilala, pwera nalang kung trip kong paglaruan.
"Ganon talaga ang batang 'yon. Sana ay pagpasensyahan mo sya. Madalas ay napaka bugnutin non. Hindi ko alam kung bakit, pero 'yang batang 'yan napakaseloso. Naalala ko noon nung dumalaw rito ang pinsan nya, kasama ang crush nya, maghapong nagkulong sa kwarto si Zach non. Nakita nya kasing sweet yung pinsan nya at yung babaeng gusto nya. Sabi nya hindi na raw sya magkakagusto sa mga babae. Ayaw nya na daw masaktan pa. Baka daw kasi ganon ulit mangyari, na maagaw yung babaeng gusto nya ng mga pinsan nyang lalaki.",mahabang pagkukwento ni Manang. Ngayon ko lang lubusang nakikilala si Zach. Hindi ko alam na may nagustuhan syang iba dati. Hindi nya naman nababanggit, tsaka past na 'yon.
"May nagustuhan po pala dati si Zach. Maganda po ba sya?",pasimpleng usisa ko. Hindi naman ako nagseselos, gusto ko lang makilala. Ngumiti ng nakakaloko sakin si Manang nang mapansin nyang pasimple akong nag uusisa.
"Maganda sya hija. Pang modelo ang dating. Maganda ang kurba ng katawan, napakasexy. Maliit ang mukha, singkit ang mga mata at matangkad. Siguro mas matangkad ka lang sa kanya ng konti. Ang alam ko ang kinuha nyang course ng college sa pagkakaalala ko, legal maganement. Gusto nya kasi talagang maging attorney. Magaling 'yon magdepensa. Lagi nga nyang nababara noon si Zach, kaya si Zach pikon na pikon."
"Ano pong pangalan nya Manang?", pilit kong pinasigla ang tinig ko. Ewan ko ba pero parang nanghina ako bigla.
"Yun ba?-",hindi na natapos ang dapat na sasabihin ni Manang, nang biglang may pumasok sa pintuan at iniluwa non ay si Zach. Nagpalinga linga sya sa paligid nya na para bang may hinahanap. At nang mapatingin sya sa direksyon namin, lumapit sya samin at niyakap ako. Gumaan ang pakiramdam ko bigla. Yakap nya palang nagkaka energy na ulit ako.
Nang humarap sya sakin at nang tingnan ko sya sa mga mata nya, nakita ko roon ang pagod at lungkot sa mga mata nya.
''O-Okay ka lang ba?'', nag aalalang tanong ko sa kanya. Maliit syang ngumiti bago lumapit sakin at hinalikan ako sa noo ko.
''Hatid na kita.'', sa halip na sagutin nya ang tanong ko, iniba nya ang usapan.
''O-Okay, magpapaalam lang ako sa parents mo'', pilit kong pinasigle ang boses ko at kahit papano naman ay nakisama sakin ang tinig ko.
''Hihintayin kita'', yun lang at hindi na ako sumagot sa kanya. Dire diretso kong tinahak ang daan kung saan napansin kong nakatayo si tita.
Tama nga ang hinala ko at narito sya sa balcony. Kasama nya roon si tito, kaya hindi na ako mahihirapang hanapin si tito para makapagpaalam na uuwi na ako.
I cleared my throat, reason kung bakit napatingin sila sakin mula sa likod nila. They looked at me, bago ako naglakad palapit at magpaalam ng pormal.
''Oh hija, may kailangan ka ba?'', tanong ni tita sakin. Nag angat ako ng tingin sa kanila at tipid na ngumiti. Bakit parang pakiramdam ko ito na ang huling beses na pupunta ako rito? Bakit parang ang lungkot na makita ko si tita at tito? Magkikita pa naman kami, diba?
''Magpapaalam na po sana ako. Uuwi na po ako. Kadarating lang po ni Zach at naroon po sya sa baba.'', pagpapaalam ko sa kanila ng pormal.
''Mag iingat kayo hija ah? Pasensya na at hindi ka na namin naasikaso. Nagkaproblema kasi sa company, kaya baka hindi ka rin maasikso ni Zach. Kailangan ko kasi ng tulong nya'', aniya ni tito.
''Ayos lang po iyon tito.'', nakangiting saad ko.
Kaya siguro parang pagod si Zach.
Sumandal ako sa railings at dinama ang hangin. Nakakagaan ng pakiramdam ang sariwang hangin!
''May problema ba hija?'', tanong ni tito.
''Wala po ito tito, tita. Ayos lang po ako. Pagod lang po siguro'', pagpapalusot ko. Alam kong hindi sila kumbinsido, pero ngumiti nalang sila ng tipid sakin.
Bago ako umalis, nag bow ako sa harap nila bilang paggalang at muling nagpaalam na aalis na ako, bago ako lumakad palabas ng balcony.
Habang papalayo ako sa balcony, kung nasaan ang mga parents ni Zach, naramdaman kong bumibigat ang paghinga ko. Bakit ganito ang pakiramdam ko?
Nang pababa na ako ng hagdan, nakita ko sa di kalayuan sina Zach at Manang na nag uusap. Mukha silang seryoso, kaya naisip kong hayaan muna sila.
Habang nakatingin sa kanila mula sa 'di kalayuan, napansin kong matamlay si Zach. Hindi ko maiwasang magtaka dahil kahit kailan, hindi naman sya nagpakita sakin na pagod sya o malungkot.
May something kasi sa kanya na hindi ko maexplain. Basta ang napapansin ko lang, may mali sa mga kinikilos nya.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Habang nasa byahe kami, naging tahimik ang byahe namin. Walang nagsalita samin. Kahit si Zach, hindi maisipang magsalita. Bakit kaya?
Napapikit ako ng mariin bago pagsaklubin ang dalawang kamay ko para magdasal. Gusto ko talaga syang kamustahin, kahit alam kong hindi sya okay. Gusto ko lang na lumabas mismo sa bibig nya na ayos lang ang lahat.
''I can almost read your mind'', baritonong aniya bago ako saglit na lingunin bago ibalik sa daan ang atensyon nya. ''What is it?'', tanong nya.
''Ayos ka lang ba talaga?'', pag ulit ko ng tanong ko kanina. Sana ngayon sagutin nya na, kanina kasi iniba nya ang topic.
''I told you, I'm fine'', simpleng sagot nya. Napabuntong hininga ako dahil sa pagsisinungaling nya. Obvious naman na hindi sya okay, bakit ba ayaw nya pang aminin!?
''Hindi ko alam na ang mga Engineer pala ay nagsisinungaling, lalo na sa mga bagay na obvious naman. Is that what you've learn, Zach?'' sarkastikong tanong ko sa kanya.
''Kung mag aaway lang tayo, huwag ngayon.'', malamig na aniya. Sa lamig ng tinig nya, para bang nasa loob ako ng malaking ref ngayon dahil sa lamig ng pagsagot nya.
"Zach, hindi ba obvious na concern ako sayo? Na nag aalala ako sayo? Wala tayong dapat nililihim sa isa't isa. Problema mo, problema ko na din. Please!", pangungumbinsi ko sa kanya. Gusto kong mag lean kami sa isa't isa. He leaned on and I'll do the same thing. Mahirap ba yon?
But no answer from him. Hindi ko alam kung anong nangyari sa pag uusap nila ng mga kaibigan nya at ayoko ring isipin na kaya mainit ang ulo nya ay dahil hindi maganda ang naging pag uusap nila.
Hindi nalang ako nagsalita. Wala namang magbabago kung tanungin ko sya ng tanungin. Kung kukulitin ko sya ng kukulitin, mananatili lang syang malamig sakin.
Wala parin kaming kibuan hanggang sa ihatid nya ako sa condo unit ko. Susubukan ko sanang tumanggi pero sa lagay namin ngayon, baka talagang hayaan nya akong umakyat mag isa dahil mainit parin ang ulo nya.
Nang nasa elevator na kami, paakyat sa floor kung nasaan ang condo unit ko, nag iisip na ako kung paano sya tatanungin tungkol sa ampunan. Balak ko kasing dumalaw roon. I'm sure magugustuhan nya iyon. Hindi sya makakatanggi.
"Ahh, Zach, itatanong ko sana kung sasama ka ba sa pagbisita ko sa ampunan?. Kung hindi naman, okay lang. Naiintindihan ko.",nakangiting sambit ko sa kanya ng tungkol sa ampunan. Alam ko rin kasing hahanapin sya ng mga bata kapag bumisita akong mag isa. Kung hindi naman sya sasama, ayos lang magpapaliwanag-
-
"Sige, tawagan mo nalang ako para masundo kita dito",casual na sagot nya. Palihim akong napangiti dahil pumayag sya. Atleast, makakasama ko sya.
Niyakap ko sya dahil sa saya na nararamdaman ko. Naramdaman kong nagulat sya, pero hindi ko nalang inintindi. Alam kong stress sya ngayon dahil siguro sa pinapagawa ni tito na trabaho.
Totoo naman talagang nakakastress sa opisina. May mga meetings, documents at mga tauhan kang mga pasaway. Sa dami ng papeles sa table sa opisina, baka makalimutan nya ng kumain.
Humiwalay ako sa kanya nang tumunog na ang elevator. Masaya padin ako dahil niyakap nya ako pabalik, kahit hindi yon gaya na kapag niyayakap nya ako.
Napalunok ako nang hawakan ni Zach ang kamay ko at sabay kaming naglakad papunta na sa condo unit ko. Hindi naman ako malungkot, pero hindi rin ako masaya. Hindi ko maintindihan kung anong nararamdaman ko.
''Hey Yvonne!'', marahang tawag sakin ni Zach. Nang bumaling ako ng tingin sa kanya, nakatayo na pala kami sa labas ng condo unit ko. Kanina pa pala ako wala sa sarili.
Napakamot ako sa ulo ko bago lumapit sa pintuan, bago muling humarap sa kanya.
''Salamat sa paghatid. Pasensya ka na kung naabala pa kita.'', sinserong aniya ko sa kanya.
''Don't mind that. Priority kita bago ko gawin ang lahat...ng dapat kong gawin'', hindi ko alam kung guni guni ko lang pero, isang pilit na ngiti ang ginawad nya sakin.
''Sure ka ba na sasama ka sa ampunan?'', tanong ko muli sa kanya, naninigurado.
''Kapag sinabi kong sasamahan kita, sasamahan kita.'', casual na aniya. Palihim akong napasimangot dahil sa kasungitan nya.
''Sige na, pasok na 'ko. Baka may gagawin ka pa. Tsaka baka gabihin ka din'', nakangiting pagpapaalam ko sa kanya. Napabuntong hininga naman syang tumango bago tumalikod sakin. Akmang ipapasok ko palang ang susi ko sa door knob, nang naramdaman kong niyakap nya ako mula sa likod ko. I know it's Zach.
Ramdam ko ang pagbuga nya ng hangin mua sa kanyang bibig at ang mabilis na t***k ng puso nya. Para bang mga kabayo ang mga puso namin sa bilis ng t***k ng puso namin.
''Zach'', mahinang tawag ko sa kanya. Imbes na pakawalan ako, mas lalo nyang hinigpitan ang pagkakayakap sakin.
''Five minutes. Kahit five minutes lang Yvonne. Pagbigyan mo na 'ko'', mahinang bulong nya pero kahit papano ay narinig ko.
Hinayaan kong nakayakap sya sakin. Alam kong dapat kiligin ako o matuwa ako dahil niyakap nya ako, pero hindi ganon ang nararamdaman ko. Masakit. Nasasaktan ako pero hindi ko alam kung bakit. Hindi ko alam kung saan nagmumula. Para bang nakakapaso ang braso nyang nakapulupot sa bewang ko.
Para bang naiiyak ako na hindi ko maintindihan. Ano ba 'tong nararamdaman ko? Bakit ganito?
Hindi lang limang minuto, kundi sampu o kinse minuto nya akong niyakap. Para bang ayaw nya na akong pakawalan.
''Hindi ka naman mawawala sakin diba?'', namamaos na tanong nya. Nagulat ako sa tanong nya. Hindi ko inaasahan na 'yon ang lalabas sa bibig nya.
Hindi ako nakasagot. Hindi ko alam kung paano ko ba sasagutin ang tanong nyang 'yon. Hindi ko hawak ang kapalaran. Pero naniniwala akong tayo lang din namang mga tao ang gumagawa ng tadhana natin.
Nang bitawan nya ako at bahagyang syang humiwalay sakin, bumaling ako ng tingin sa kanya. Nakita kong nanunubig ang mga mata nya. Is he crying? Why?
''Zach bakit ka umiiyak?'', nag aalala kong tanong sa kanya. Humakbang ako palapit sa kanya, pero umatras sya palayo sakin. Aaminin kong nasaktan ako. Bakit sya lumalayo sakin?
'' 'Wag kang lumapit Yvonne, kapag lumapit ka sakin, baka hindi ko na mapigilan ang sarili kong 'wag ka ng pakawalan pa'', garalgal na tinig na aniya. Kahit ilang dangkal lang ang layo nya sakin, alam kong umiiyak sya.
''Zach naman! 'Wag naman ganito. May problema ka ba, halika pag usapan natin. Hindi ka nag iisa Zach. Nandito ako oh!'', hindi ko na mapigilang mapaiyak.
''Hindi mo ako naiintindihan! Sa tingin mo ba kapag may nalaman ka tungkol sakin, lalapit ka parin kaya sakin gaya nito!?'', umiiyak na sigaw nya sakin. Hindi ko inaasahang sisigawan nya ako ng ganito. Pero iintindihin ko parin.
''Ano bang nagawa mong mali? Sabihin mo sakin Zach, tutulungan kitang ayusin. Ano bang nagawa mong mali? Kasi Zach, kung yun lang naman ang problema natin, andito ako. Hindi kita iiwan. Hindi ako aalis sa tabi mo.'', humihibking turo ko sa sarili ko. Marahas syang napalunok bago mag iwas ng tingin sakin.
''Bukas nalang tayo magkita ulit. Susunduin kita dito bago tayo sabay na magpunta ng ampunan'', pag iiba nya ng usapan. Napapikit ako ng mariin kasabay ng pagtulo ng masaganang mga luha ko.
''Huwag mong ibahin ang usapan'', mariing utos ko sa kanya.
''Sa ibang araw nalang tayo mag usap Yvonne. Ayokong mag away tayo'', malamig ngunit garalgal na tinig na aniya.
Wala na akong nagawa nang tumalikod sya sakin at lumakad palayo. Napapahikbing tumalikod na ako at pumasok sa loob. Magpapahinga nalang ako. Itutulog ko nalang ang nararamdaman ko, baka sakaling paggising ko kinabukasan, ayos na ako.
Sana bukas maging maayos na kami ni Zach.