Zachary Matthew Fabian POV
Isa sa pinakamasayang araw ko itong araw na 'to. Napasaya ko rin ang pamilya ko na mas lalong nakapagpagaan ng pakiramdam ko.
Nandito ako ngayon sa office ni Dad, habang sina Mommy, kaibigan ni Yvonne na si Cale, at sya ay nasa kitchen. Mukhang may pinagkakaabalahan na naman sila.
''Yan tita! Mas masarap po ang cookies and cupcakes kapag may chocolate topings.'', rinig kong sabi ni Cale.
''Tuleg! May chocolate topings talaga ang cookies bago ibake!'', angal naman ni Yvonne.
''Okay, okay, para hindi kayo mag away, magbake nalang din tayo ng cake. Anong klaseng cake gusto nyo?'', tanong naman ni Mommy sa kanila. Kahit narito kami sa office sa taas, naririnig ko sila.
''Chocolate cake!''
''Leche flan cake po tita''
Sabay na sagot ng dalawa. Mukhang nagkukulitan na silang tatlo roon at minsan ay si Mommy ang referee. Nakakatuwa lang na isipin at makita.
I suddenly flinched when dad tap my shoulders. I looked at him and I saw him smiling, like teasing me.
''You're not on focus son. What's on your mind?'', he asked like he's sure about what am I thinking.
''Naiisip ko lang po si Yvonne, dad. What if our feelings for each other aren't mutual? What will happen? Did she find someone who's better than me?'', napapaisip na tanong ko.
''Hindi mo hawak ang nararamdaman nya. Oo, nililigawan mo sya pero bakit hinayaan ka nyang manligaw sa kanya, kung wala ka namang pag asa sa kanya? You're just being paranoid, Zach. You don't have to worry because I can assure you that she's not that kind of person. Hindi namin magugustuhan ng mommy mo si Tatiana, kung may nakita kaming mali sa kanya. She's so perfect, son. Hindi lang sa panlabas na anyo, kundi pati na rin sa panloob na kalooban nya.'', dad pointed out. I suddenly agree. I saw some points that I saw about Yvonne.
''You're right, dad. I should follow my heart and don't mind about negative thoughts that come out from my mind. It's like virus on computer that might broke the internal of it.''
''At your young age, you find the right one for you. I'm so proud of you, son.'', he emotionally said.
''Dad, I'm not getting married yet, although I'm planning of it.'', biro ko na ikinakunot ng noo nya. ''Pwede na ba ako magpakasal dad?''
''Tumigil ka Zach sa pagbibiro mo. Hindi nakakatuwa. Hindi pa kami papayag ng mommy mo.'', seryosong aniya, na ikinatawa ko ng bahagya.
''That was a joke, dad. Bawal na ba magbiro?'', napapailing syang ginulo ang buhok ko.
''Never meant the topic of getting married, as a joke. It's a bad joke son.'', he seriosly explain.
''Why is that?'', kyuryosong tanong ko.
''May posibildad na hindi ka ikasal sa babaeng mahal mo''
I suddenly remember what Yvonne said about wedding. Her childhood bestfriend promised him that when they grew up, he'll marry Yvonne. But sadly, that didn't happen. There is some possibilities that, that man didn't meant what he promised to Yvonne, but it's a joke.
''Nangyari na sakin yan dati. Maniwala ka man o sa hindi, planado na ang lahat. The day of our wedding, reception, gown of the bride and my suit. All of a sudden, habang naghihintay kami sa simbahan, nakatayo na ako sa dulo ng altar, nag aantay. We've got a call from the mother of bride and she said that my soon to be bride met an accident on the day of our wedding. Actually, your mom is my bestfriend. She witnessed everything happen. She was too shock. Nagkaroon ako ng depression at ilang taon bago magamot iyon. Sa tulong iyon ng mommy mo, anak. Kung hindi dahil sa kanya, baka wala na ako ngayon rito. Imagine, your soon to be wife, your beloved woman in intire universe, gone in an instant.'', pagkukwento ni dad.
''So you learn to love mom and then you two get married? That was fast!''
''No, you're wrong. Your mom didn't believe me at first. Tinanong nya pa 'non kung nasanay lang daw ba ako na nariyan sya lagi, kaya ko nasasabi sa kanya na mahal ko na sya o baka nakikita ko lang sa kanya ang dati kong girlfriend, na yun na nga biglang namatay ng araw ng kasal namin. Sabi ko, totoong mahal ko sya. Hindi ko alam kung saan, paano o bakit, pero ang alam ko lang, mahal ko sya. Sya ang bumubuo ng araw ko, sya yung hindi kailanman sumuko sakin. Sya yung nanindigan na hindi nya ako iiwan, kaya narito ka. You're our product of love.''
''That was heart felt story, dad. I thought mom is your first love.''
''She's not my first love, but she is my one great love. My true love.'', he emotionally said. I can saw dad's eyes become teary eyes.
''You really love mom, dad. I wish that Yvonne and I have happy ending to each other. I can't afford to lose her. It's my first time to felt this way. I feel like I'm in cloud nine whenever I saw her. She got my heart, got my mind. She's all of me'', I said coming from my heart.
''Love her, son. Keep her. Make her as yours only. Tayo lang din naman ang gumagawa ng sarili nating tadhana. Bagay na bagay kayo anak. I'm sure kapag nagkaanak kayo, may ibang lahi. I know her parents. Ethan is Italian, while heaven is half american, half Filipino. Siguradong magiging magandang lahi ang mga apo ko''
''Dad, you're like teasing me. Stop that!'', nakakunot noo kong saway sa kanya. Dad laugh because of what my face like. s**t!
Sasawayin ko pa sana si dad, nang biglang magring ang cellphone ko sa bulsa ko. Babalewalain ko pa sana pero walang tigil ang pag ring 'non at napapabuntong hininga ko namang kinuha iyon.
Tiningnan ko muna si dad at nagtatanong habang nakatingin sa kanya. He just nod and gave me small smile.
''Sagutin mo na 'yan. Baka importante.'', I smile at him before answer the call.
''What do you two need?'', bungad na tanong ko sa kanya gamit ang mababang tono ng boses ko.
''Magkita tayo. Sa Coffee and Pastries Cafe. In 15 minutes, naroon ka na dapat. Papunta na kami'', he command.
''Okay, bye'', maikling sagot ko bago ko ibaba ang linya. Bumaling ako ng tingin kay dad, na hindi inaalis ang atensyon sakin.
''Who's that?'', tanong ni dad.
''Blake and Blaxton, dad. They want us to meet''
''Ano daw kailangan?'', dad curiously asked.
''Matagal na kasi kaming hindi nagkikita, dad. Tsaka kung nagkikita naman kami, hindi rin kami nakakapag usap dahil nakafocus naman kami sa school works'', I reasoned out.
The truth is, ayoko silang kausapin. Lagi nalang kasi nila ako kinukulit about samin ni Yvonne. Kung kamusta na daw ba ang dare nila sakin? Kung nagagawa ko daw ba ng tama? Kung malapit na daw ba ma- mission accomplished? I'm tired. Pagod na ako sa totoo lang. Ayoko na ng panlolokong ginagawa ko. Oo sanay ako dati, pero iba na ngayon. Somethings change about me. Suddenly, I hate this kind of play to girls and people who's innocent, but they might end up our friendship, if I confessed to them that I'm starting to fall for Yvonne.
Of course, my parents didn't know about that dare. I know they won't allowed me if I tell them about it. Of course they might hurt or get mad at me if they find out about the f*****g dare.
''Lakad na puntahan mo na ang mga kaibigan mo. Baka namimiss ka na nila.'', tugon ni dad, na ikinagulat ko.
''Paano po si Yvonne, dad?''
''Kami ng bahala sa kanya. Tsaka mukhang nagkakatuwaan sila sa baba. Rinig na rinig dito usapan nila eh'', nakangiting saad ni daddy. Napangiti ako dahil alam kong komportble na silang kasama si Yvonne.
''Salamat po. Una na po ako para makauwi po agad'', pagpapaalam ko sa kanya bago tumayo at mag man hug kami. Tinapik nya ang balikat ko bago humiwalay sakin.
Lumabas na ako ng opisina at dumiretso ng kusina. Alam ko kasing naroon sila dahil pinagpaalam sya sakin ni mommy kanina, bago kami umakyat ng opisina ni daddy.
Dumiretso ako pababa ng hagdan at nagtungo sa kusina. Pasimple akong naglakad palapit sa kanila at niyakap mula sa likod si Yvonne. Naramdaman kong nagulat sya, pero hindi ako natinag. Masarap sa pakiramdam na nayayakap ko sya, kahit hindi nya na ako yakapin pabalik, okay lang.
''Hi Zach'', nakangiting bati sakin ni Cale. Ngumiti ako sa kanya at tumango.
Nang inalis ko ang kamay ko sa pagkakayakap kay Yvonne, hinarap ko sya sakin at hinawakan ko ang mukha nya ng dalawa kong kamay.
''How's my baby?'', malambing na tanong ko sa kanya. Napakagat ako ng pang ibabang labi ko nang makita kong mamula ang pisngi at tenga nya.
''B-Baby ka dyan! Hindi pa nga tayo eh !'', nauutal na usal nya.
''Anak, bakit nandito ka? Diba naroon kayo ng daddy mo sa opisina nya sa taas?'', marahang tanong sakin ni Mommy. Nang lingunin ko si Mommy, nakangisi syang nagtataas baba ang dalawang kilay nya.
''I just came here para sabihin na aalis muna ako. Saglit lang ako, uuwi din ako pagkatapos.'', pagpapaalam ko ng pakay ko. Nangunot naman ang noo ni mommy at Yvonne. Marahang tinanggal ni Yvonne ang kamay kong nakahawak sa magkabilang pisngi nya.
''Saan ka naman pupunta aber?'', mausisang tanong ni Yvonne. Pigil ang ngiti na hinarap ko sya.
''Oo nga naman anak, saan ka naman pupunta? Bakit biglaan naman ata ang pag alis mo?'', tanong din ni mommy.
''Tumawag po kasi yung mga kaibigan ko. They want to see me. Sina Blake at Blaxton po mommy''
''Osya, sige at baka importante din naman ang dahilan kung bakit ka nila tinawagan'', pagpayag ni mommy.
''Ayan! Makakausap mo na sila. Sana kanina ka pa umalis para makapag usap na kayo'', nakangiting tugon ni Yvonne, na para bang pinapaalis na ako. Kung alam nya lang sana.
''Sige na, tutal pinapaalis mo na rin naman ako. Dito ka lang ah, huwag kang aalis. Ihahatid kita pauwi'', ani ko sa kanya. Ngumiti naman sya at tumango tango.
''Oo na! Wala naman akong pupuntahan eh. Tsaka I enjoy tita's accompany. Cale and I, we enjoy being here'', nakangiting aniya, na ikinangiti ng malapad ni mommy. Lumapit si mommy sa kanya at inakbayan ito.
Humalik muna ako kay mommy at Yvonne bago ako lumabas ng kusina at agad nagtungo sa kotse ko. Kinuha ko ang susi ng kotse ko bago pinatunog iyon para mag unlock ng pintuan ng driver's seat.
Napapabuntong hinga akong pumasok sa driver's seat at sinuksok ang susi at buksan ang makina. Agad kong pinatakbo papunta sa Coffee and Pastries Cafe ang sasakyan ko at walang ibang tumatakbo sa isip ko kundi ang tungkol sa dare at tungkol kay Yvonne.
Umiiwas ako sa kanila dahil alam kong kapag lumalapit sila sakin, nagtatanong sila tungkol sa dare at kung nasabi na daw ba ni Yvonne yung 3 magic words. Handa kong iwasan ang lahat para kay Yvonne, kahit pa mga kaibigan ko.
Pagkadating ko sa Coffe and Pastries Cafe, agad akong nagpark at bumaba ng kotse. Wala akong sasayanging oras. Wala akong balak magtagal dito.
Agad akong pumasok sa loob at sinalubong agad ako ng isang staff. Sinabi ko ang pangalan ko at agad akong iginiya sa table kung saan, nakaupo na ang dalawa at prenteng naghihintay sakin. Nagpasalamat ako sa staff at agad itong umalis.
Seryoso akong tumingin sa kanila bago naupo sa tapat nila. Maya maya, may dumating na waiter at nilapag ang mga pagkain, na sa palagay ko ay kanina pa inorder ng dalawa.
Pagka alis ng waiter, agad nagsalita si Blake.
''Hanggan kailan ka iiwas samin? Hanggang kailan mo kami lalayuan, Zach?'', madiing tanong nya sakin. Galit sya, sigurado ako roon, pero wala akong pakielam kahit pa sapakin nya ako rito.
''Alam mo naman kapag may problema ang isa, problema ng lahat, diba Zach? Anong nangyari? Bakit nilalayuan mo kami ni Blake?'', marahang tanong ni Blaxton. Sa kanilang dalawa, si Blaxton ang pinakamahinahon, habang si Blake naman ay mainitin ang ulo.
''Huwag mo ngang amuhin ang gagong yan!'', asik ni Blake kay Blaxton, bago muling bumaling muli si Blake sakin. ''Uulitin ko! Bakit hindi mo kami kinakausap? Bakit nilalayuan mo kami? Ano na nangyari Zach!?""
Matalim ko syang tiningnan at sarkastikong natawa, na ipinagtaka nilang dalawa.
''Wala ba talaga kayong maisip, kundi yang lintik na dare na yan!? Isang beses ko lang sasabihin 'to, kaya makinig kayo!'', matalina utos ko sa kanila. ''Kapag kinulit nyo pa ako ulit tungkol sa lintek na dare na yan, kakalas na 'ko!''
Mapaglarong ngumisi si Blake habang hindi inaalis ang tingin sakin.
''Kakalas ka? Bakit? Hindi ka na ba nag eenjoy sa mga babaeng binibigay namin sayo sa tuwing may mga dare tayo? Halos ikaw lang ang nananagana Zach!'', sumbat nya sakin. ''Bakit ka kakalas? Sabihin mo samin!''
''Hindi ba kayo nakokonsensya ha!? s**t! Babae ang usapan dito! Wala ba kayong mga konsensya ha!? Kasi kung kayo wala, ako meron! Babae 'yon pre! Hindi sila robot! Hindi sila laruan! Kaya hanggat maaga pa, itigil na natin 'to! Sawang sawa na 'ko eh!'', galit na sigaw ko sa kanila. Wala namang makakarinig samin dito, dahil exclusive ang pwesto namin. Kitang kita ko kung paano marahas na lumunok si Blaxton, habang si Blake naman ay para bang walang pakielam.
''Fine! Papayag ako sa gusto mo, in one condition'', pahabol pa ni Blake.
''What is it?'', malamig na tanong ko sa kanya.
''Aminin mo na ngayon kay Tatiana ang totoo. Kapag naamin mo na, doon lang tayo titigil. Ano? Deal?'', nakangising hamon nya. Para bang literal na tumigil ang mundo ko at nanlamig ang buong katawan ko. Aamin ako kay Yvonne? f**k! Alam na alam talaga nila kung ano ang kahinaan ko!
''Blake 'wag mo naman pahirapan si Zach. Kaibigan natin ya eh'', pagpigil ni Blaxton kay Blake.
''Sana naisip nya yan, bago nya tayo hamunin'', pagmamatigas ni Blake.
Think Zach, think. Si Yvonne ang nakasalalay dito. C'mon Zach, think! f*****g think!
''Ano Zach? What's your decision? Nakapag decide ka na ba?'', walang emosyong tanong sakin ni Blake. Galit akong tumingin sa kanya, bago marahas na kinuha ang mug ng coffee at walang pag aalinlangang binasag yon.
''Huwag na huwag mo akong susubukan Blake!'', galit na banta ko sa kanya. ''Hindi mo pa ako nakikitang magalit. Kahit kaibigan kita, hinding hindi kita sasantuhin!''
Agad tumayo si Blaxton at lumapit sakin para pakalmahin ako, pero hindi ko magawang kumalma. Galit na talaga ako! Walang makakapagpakalma sakin kapag galit ako. Yon ang hindi nila alam.
''Galit ka? Nanghahamon ka? Baka nakakalimutan mo Zach, yang kinalalagyan mo ngayon, yang dare na yan ang dahilan kung bakit kayo laging magkasama ni Tatiana, tapos galit ka pa! Wala ka talagang utang na loob!''
''Wag nyo idadamay dito si Yvonne! Wala syang ginawa sa inyo! Wala syang kasalanan sa inyo para ganituhin nyo sya! f**k! Ang tanga ko! Ang tanga tanga ko dahil nagpaloko ako sa inyong mga kaibigan ko! Paano nyo nagagawang manakit ng damdamin ng inosenteng tao, at ang nakakaloko pa don, dinamay nyo pa 'ko!'', sigaw ko sa kanila, bago muling kumuha ng mug ng coffee at walang salitaang binato iyon sa sahig. Basag na basag ang mga mug sa sahig. Nagkalat ang kape, pero wala akong pakielam.
''Sino ba ang mas tanga satin!? Sino ang mas gago sa ating dalawa Zach, ha!? Sino ba ang pumayag sa dare na yan? Ikaw, diba? Sisihin mo ang sarili mo, kung ganon!'', ganting sigaw nya sakin bago tumayo at lumapit sakin. Nakipagtitigan ako sa kanya at hindi ako nagpatinag.
''Kapag hindi mo pa sinabi kay Tatiana ang totoo, ako na mismo ang gagawa non para sayo.'', nakangising banta nya. ''Binabalaan kita Zach, hindi ako marunong magbiro. Tinototoo ko lahat ng sinasabi ko.'', dagdag nya pa, marahas nyang inayos ang kwelyo ng polo ko bago sila umalis ni Blaxton.
Naiwan akong nakatanga at mag isa. Walang ibang tumatakbo sa isip ko, kundi si Yvonne. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Litong lito na ako. Kasalanan ko 'to.
Napahilamos ako sa mukha ko. Hindi ko alam kung ano bang gagawin ko. Wala na akong ibang maisip kundi kung sasabihin ko na ba kay Yvonne o kung maghahanap muna ako ng tyempo.
Sa huli, napagdesisyunan kong umuwi na. Gusto ko ng umuwi dahil gusto ko ng makita si Yvonne. Ihahatid ko pa sya mamaya kaya kailangan maaga ako umuwi.
Agad akong lumabas ng Coffee shop at nagtungo sa kotse ko. Pumasok na ako sa driver's seat at agad minaubra ang steering wheel. Blangko ang isip ko at hindi ako makapag isip ng maayos.
Bakit kaya may mga kaibigang nagagawa kang ipahamak at utusan ka ng mga bagay na hindi ko rin naman napapansin na makakasakit ako ng damdamin ng inosenteng tao. Yes, lalaki ako pero hindi ako ganong kagagong lalaki. Hindi ako kagaya ng ibang lalaki na manloloko ng babae, maging masaya lang.
Siguro kung may babae akong kapatid, hindi ako magpapadalos dalos sa pagpayag sa mga kaibigan ko. Aamin ko, hindi ako nag isip muna, bago gumawa ng desisyon na sa huli ay wala palang maidudulot na maganda sa isang inosenteng tao.
Sana, sana makapag isip ako ng tama at maayos, para makagawa ako ng tamang desisyon na alam kong hinding hindi ko pagsisisihan sa huli.