NAHAPLOS ni Joel ang kanyang leeg. Iyon ang bahaging nahalikan ng kanyang asawa kanina. Kahit papaano gumaan ang pakiramdam niya sa ginawa nito. Hindi tulad kanina na parang mawawasak ang kanyang puso habang pasimpleng tinitingnan ang asawa sa hapagkainan. Malungkot ito at nababakas pa ang luha sa mga mata nito. Kung bakit naman kasi sinumpong siya ng kanyang kasungitan sa mga kapatid. Tuloy ngayon hindi niya maiwasang isipin na natatakot ang asawa sa ipinakita niyang ugali. “f**k,” saad niya sa sarili. Isinuksok niya sa bulsa ng pantalon ang kanyang cellphone at lumabas ng library, para sundan ang asawa sa manggahan. Ngunit nagbago ang kanyang isip no’ng nasa sala na siya. Hahayaan na lang muna niya ito mag-enjoy kasama ang kapatid. Sa halip hinanap niya si Kuya Beto at magpapasama na l

