Five
Lance's POV
Napapantastikuhan siya habang nakatitig kay Diwata.
He can't believe that this girl infront of him has two different personality.
Kapag silang dalawa lang seryoso at sobrang istrikta. Madami siyang bawal na gawin, at parang kakagaling lang sa gyera. May war shock.
Pero kung may ibang nakaharap sa kanila, para itong isang inosenteng babae na may kapak sa pag-iisip. Madalas na tinatawanan ito ng mga tao sa paligid niya na para bang ang tanga tanga nitong kumilos. Maski nga sa pagsasalita parang wala itong pinag-aralan.
"Hey Lance, kamusta naman baby mo?"pang-aasar sa kanya ni Leigh.
Alam ng mga ito ang set-up nila ni Diwata. Kaya naman kapag ito ang kasama niya hindi masyado lumalapit si Diwata sa kanya.
Kagaya ngayon nasa isang Bar sila at nag-iinuman silang magkakaibigan, samantalang nasa hindi kalayuan si Diwata nagmamasid lang.
"Okay naman"sagot lang niya.
"s**t brod, hindi ka ba naiilang na ang bantay mo ganyan kaganda at kasexy"ani Ezekiel.
Lahat sila nakatingin ngayon kay Diwata na kala mo nanunood lang sila ng isang drama sa TV.
Totoo naman ang papuri ni Ezekiel, maganda at sexy din ang una niyang nakita ang babae.
Napansin niyang may lalaking lumapit kay Diwata, nakakunot noo naman siya habang pinagmamasdan ang ginagawa ng dalawa.
Seryosong nag-uusap ang dalawa, mukha naman kilala ni Diwata ang kausap nito.
Nagulat pa nga siya ng makita na ngumiti pa si Diwata sa kausap nito.
Napatayo naman siya ng makitang lumapit ang lalaki kay Diwata na akala mo hahalikan ang huli. Hindi na niya namalayan na nakalapit na pala siya sa mga ito at ngayon ay nakaakbay na siya sa dalaga.
"Hey, what's your problem with my girl?"maangas niyang tanong sa lalaking kausap ni Diwata.
"Whoa..."react naman ng lalaki sa sinabi niya.
"Hmmm. Mr. McDaniel its okay. Tao ko yan"bulong sa kanya ni Diwata.
"I don't care, diba sabi mo girlfriend kita kapag may iba tayong kasama. Were here at a Bar for pete's sake. So technically girlfriend kita"hindi niya alam kung bakit niya nasabi ang mga bagay na iyon sa dalaga.
Basta may nagtutulak sa kanya na maging possessive sa dalaga. Na para bang he's owning Diwata.
"Sige na Cage, ako na bahala dito. Basta on call lang kayo"utos naman ni Diwata sa lalaki.
Nang makaalis na ito sa harapan nila hinila niya si Diwata sa grupo niya at doon na pinaupo ang dalaga. Baka kasi mamaya niyan may iba pang lalaking lumapit sa dalaga. Na hindi naman malayong mangyari kasi agaw pansin naman ang babae.
"Hey, Diwata right"ani Rome sa dalaga.
"Yeah"sagot naman ni Diwata in her normal state.
Alam naman kasi ng mga kaibigan niya ang lahat sa pagitan nilang dalawa. Kaya hindi kailangan na magpanggap si Diwata sa harapan ng mga kaibigan niya.
"How old are you?"tanong naman ni Ezekiel dito.
"24"sabay pa nilang sagot ni Diwata.
"Wow ha, alam ni Lance ang edad mo."kantiyaw naman ni Ezekiel.
Hindi nalang niya pinansin ang pang-aalaska sa kanya ni Ezekiel.
"Taga saan ka?"tanong ni Rome kay Diwata.
Daig pa ng mga kaibigan niya ang mga pulis kung makapag-enterogate sa dalaga.
"Nueva Ecija"simple lang sumagot si Diawata.
"My boyfriend ka?"sabay pang tanong ni Ezekiel at Liegh.
"No"Diwata
"Yes"siya
Sabay naman na sagot nila ng dalawa ng dalaga.
"Whoa!!!"sabay sabay naman na Alaska ng talo niyang kaibigan sa kanila ni Diwata.
"I told you Diwata, kung may iba tayong kasama girlfriend kita, boyfriend mo ako"bulong niya sa dalaga.
"What's the use of that info kung ang kaharap natin alam ang sitwasyon mo"ganting bulong naman sa kanya nito.
Hindi nalang siya nakipagtalo pa sa dalaga. Ayaw na niyang humaba pa ang usapan nilang dalawa.
"Okay, last question Diwata. Pulis ka ba talaga?"si Rome ulit ang nagtanong sa dalaga.
"Oo"sagot lang ni Diwata.
"Urgh... ang tipid mo namang sumagot"angal ni Rome.
Napangiti lang naman si Diwata sa inasal ng kaibigan niya.
"Inom nalang tayo."aya naman ni Ezekiel sa kanila.
"Hindi ako pwedeng uminom, on duty ako"tanggi naman ni Diwata.
"Wag kang masyadong mag-alala sa alaga mo Diwata. Kaming bahala sa kanya. we have body guards too. Nakakalat lang sa tabi tabi kaya hindi kayo mapapano."pagbibigay naman assurance ni Ezekiel kay Diwata.
"Hmm, thanks but no thanks"magalang pa din tanggi ni Diwata.
"Baka naman kasi hindi siya talaga umiinom. Ang balita ko kasi mahihina talaga umiinom ang mga taga Province. Wala kasing bar doon"painosenteng sabad naman ni Leigh.
Napataas naman ang kilay ni Diwata sa sinabi ng kaibigan niya.
"Who the hell told you that false info. Hindi kami mahihinang uminom"mataray naman na sagot ni Diwata.
Bigla siyang nachallange sa pagsasalita naman ni Diwata.
"Sige kung hindi kayo mahihinang uminom, lets have a competition"hamon niya sa dalaga.
"Hindi ako madadala sa paghahamon niyo. Lalo ka na"mataray na sagot sa kanya ni Diwata.
"Oh c'mon Diwata. Ako naman ang naghahamon sayo. I will make sure na okay ako at walang makakaalam sa mangyayari ngayon gabi. I will not tell this to my ninong."dagdag niya pa sa pagkokumbinsi dito.
"Still no"sagot ng dalaga.
"Wala weak ka pala"sulsul naman ni Liegh sa sinabi niya kanina.
Hindi naman maipinta ang mukha ni Diwata ng tapunan nito ng tingin ang mga kaibigan niya. inagaw nalang bigla ni Diwata ang baso niya at deretsong tinungga ang alak na laman nito.
"Tinatanggap ko ang hamon niyo"anito ng maubos nito ang alak sa baso.
Ginanahan naman silang magkakaibigan kaya naman lumipat silang lima sa isang VIP room ng bar na iyon at doon nagpatuloy sa pag-iinuman.
Kampante naman siya na walang mangyayaring masama ngayong gabi sa kanila. Kasi simula ng maging bantay niya si Diwata naging okay naman na siya at mukhang walang nagtatangka nagumawa ng masama sa kanya.
"So anong iinumin natin?"kinikiskis pa ni Liegh ang kamay na parang natutuwa sa nangyayari.
"The hardest drink perhaps"sagot naman ni Diwata.
Tinanggal pa ni Diwata ang blazer nito at lumantad sa kanila ang makinis na balikat ng dalaga, nakared tube ang dalaga kaya kitang kita niya ang kinis ng balikat nito.
"Hardest talaga?"parang bata na sagot naman ni Liegh.
Siya na ang nag-order ng alak para sa kanilang lima. Sinunod niya ang sinabi ng dalaga.
"Tig isang bote muna tayo"aniya pa sa mga ito.
Nang dumating ang order nila kanya kanya na sila ng baso at bote na hawak. Pero laking gulat nila ng tunggain nalang ni Diwata ang alak deretso mula sa bote na hawak nito.
Pasikat puna naman niya sa babae.
Naiiling nalang siya habang pinagmamasdan ang babae habang umiinom ito. siya naman pinagpatuloy ang pag inom ng alak mula sa baso na hawak niya.
"s**t, okay ka pa Diwata?"nag-aalalang tanong ni Ezekiel sa dalaga.
Sabi na eh.. naiiling niyang naisip sa pag-aakalang lasing na ang dalaga.
"Ayos lang, bitin pa nga"maangas na sagot pa ni Diwata.
Kaya naman tiningnan niya ito.
Ubos na nito ang laman ng bote ng alak na hawak nito. Pero mukhang wala namang nangyari sa dalaga, parang hindi pa ito nakainom.
"Order ka pa"utos pa sa kanya nito.
"Hey, hindi ba masyado ka namang nagmamadali."napapantastikohan niyang sagot sa dalaga.
"Hindi naman, ayoko lang ng nabibitin. Kayo eh hinamon niyo ako"sabi pa nito.
Si Ezekiel na ang nag-order para kay Diwata, but this time dalawang bote na ang inorder ni Ezekiel with beers na din ang inorder nito. ginanahan yata o kaya naman nahamon ang ego ng mga ito kaya bumilis na din ang pag-iinom ng mga ito.
Siya hindi na nagpadala pa sa hamon niya kay Diwata. Hindi kasi niya nakikita ang sense ng paglalasing nila, nadala lang siya kanina sa pang-aalaska ng mga kaibigan niya.
"Hey, Lance ang hina mo naman yatang uminom ngayon?"pansin sa kanya ni Liegh.
"I'm good, wala ako sa mood maglasing ngayon"sagot nalang niya sa kaibigan niya.
"Hooo....so your having a plan to get laid tonight?"pangbubuyo pa ni Liegh sa kanya.
"F*ck, hindi ako kagaya mo"sagot naman niya dito.
Tawanan lang ang nakuha niya sa mga kaibigan niya, nakita niya din nakitawa na din si Diwata sa mga kaibigan niya.
"So. Mr. McDaniel suko ka na agad"sabi pa ni Diwata.
Pinaktitigan muna niya ang dalaga. Mukhang nasisiyahan naman si Diwata sa pagsuko niya, kaya naman he will give all the satisfaction to Diwata tonight.
"Yes, pero hindi ibig sabihin na mas malakas kang uminom sakin. Sumuko lang ako kasi wala ako sa mood maglasing ngayong gabi"sagot naman niya na nakatitig sa mga mata ni Diwata.
Ngayon lang niya napansin na maganda din pala ang mga mata ni Diwata.
Bagay sa maliit niyang mukha.
"Wala ka pala eh, ikaw mag-aayaaya ng inuman tapos aayaw ka."pang-aalaska nito.
Hindi siya nagpadala sa pang-aalaska nito sa kanya bagkus nginitian lang niya ito ng pagkatamis tamis.
"Wag mo ng pansinin yan Diwata may pagka KJ talaga minsan yan. Dito pa naman kaming tatlo, ano game ka pa ba?"singit naman ni Leigh.
"Lagyan natin ng pustahan, wala kasing dating kung walang pustahan"sabi pa ni Diwata.
"Hoy, pulis ka diba. Bakit ka nagyaya ng pustahan. Baka hulihin tayo, sige ikaw din"biro naman ni Rome.
Tsk lasing na... napailing naman siya sa kaibigan niya.
Sa kanilang apat kasi si Rome ang pinakamahina ang alcohol tolerance kaya naman hinala niya lasing na ang kaibigan niya ito.
"Hindi yan, kasama niyo naman ako. Your all safe with me"mayabang pang sagot naman ni Diwata.
Wow, mukhang malapit na ding malasing ang isang 'to. Madaldal na eh. Puna naman niya kay Diwata.
"Okay, ano naman ang pustahan natin?"tanong ni Leigh.
"Hmmm, kung sino ang unang aayaw o malalasing sa atin siya magbabayad ng lahat ng ito. tapos gagawin pa ng natalo ang lahat ng gusto ng mananalo. Ano deal?"tinaas taas pa ni Diwata ang kilay nito.
"Deal!!!"sabay sabay na sagot ng mga kaibigan niya.
"Hindi naman na tayo ang magbabayad ngayon kasi may natalo na...si Lance"sabi pa ni Leigh.
"Bakit may bago pa ba, ako naman palagi niyong pinagbabayad ng mga naiinom niyo dito"sarcastic niyang sagot.
Nagtawanan lang ang mga ito maging si Diwata ay nakitawa na din sa mga ito.
Nagpatuloy ang pustahan ng mga ito, siya naman na pinapanood lang ang mga ito habang dahan dahan lang sa pag-iinom.
Unang sumuko sa tatlo niyang kaibigan si Rome, hindi na nga nito kinakaya bigla nalang itong napadukduk sa lamesa. Ayon tulog na agad, di naman nagtagal sumunod agad si Ezekiel. Minuto lang ang pagitan nila Rome at Ezekiel.
Ngayon one on one na sila Leigh at Diwata, pero nakikita niyang matino pa si Diwata kahit na nakatatlong bote na ito ng hard drink at ngayon nasa ikaapat naman na bote ng beer. Samantalang si Leigh nasa ikadalawa palang na bote ng hard drink, mukhang pipikit na din ang mata.
"Kaya pa?"tanong ni Diwata sa kaibigan niya.
"Ako phaa, huh"napangisi pa ang loko at itinaasa ang bote papuntang bibig nito pero hindi na umabot bigla nalang itong napasubsub sa lamesa.
Nang silipin niya iyon, gaya ng naunang dalawa tulog.
Napailing nalang siya, kala mo kasi kung sinong magagaling uminom hindi naman pala kaya ang makipagsabayan.
Humahanga naman na napatingin siya kay Diwata na tuloy pa din sa pag-inom ng beer nito.
"Tigil mo na 'yan, ikaw na panalo"awat niya sa dalaga.
"Wala pala ang mga ito, weak."umiling iling pa ito at nagthumbs down pa.
Natawa naman siya kasi mukhang lasing na din ang dalaga hindi lang nito pinapahalata.
"Umuwi na Diwata"aya niya sa dalaga.
Tumayo na siya ganon din ang dalaga.
"Pano mga kaibigan mo?"tanong pa sa kanya nito ng naglalakad na sila palabas.
"Matatanda na iyong mga iyon, kaya na nila mga sarili nila"sagot nalang niya.
Pero ang totoo naitawag na niya sa mga assistant ng mga ito at naibilin na ang mga kaibigan niya.
Nang nasa parking lot na sila palapit na siya sa sasakyan niya ng makarinig siya ng kalabog. Paglingon niya nakita niya si Diwata nakasandal sa isang sasakyan at mukhang natutulog na din.
Natawa naman siya sa itsura ng dalaga. Sa sobrang tuwa niya nilabas niya ang smartphone niya at kinunan ng litrato ang dalaga.
Humanda ka skin bukas... tumatawa pa niyang sabi sa isip niya habang kinukuhanan ang dalaga.
...................
Maaga siyang nagising kahit na wala naman siyang pasok ngayon sa opisina.
Paglabas niya sa kwarto niya napansin niyang may nakaupo sa may hagdan.
Magtataka na sana niya kung sino ang nakaupo sa hagdan ng ganitong kaaga, pero nakilala niya agad kung sino ito dahil sa kulay ng buhok.
"Ang aga mo naman nakamuknok dyan?"tanong niya ng malapitan si Diwata.
Nilingon siya nito, kulang nalang mapaupo siya sa gulat ng makita ang itsura nito.
Kalat kasi ang make-up nito partikular na sa eyeshadow at eyeliner nito. Pati na din ang lipstick nito, magulo ang buhok na galing pagkakatulog o pagkakahiga.
"You like a clown, naluging clown"natatawa pa niyang pang-aasar sa kaharap.
Inirapan siya nito at tumayo na, naglakad ito papasok sa kwartong binigay niya sa dalaga.
Natatawa na naiiling naman siyang nagpatuloy sa pagbaba, nagtuloy siya sa kusina at naabutan ang kasambahay nila doon na abala sa gawaing bahay.
"Sir, coffee po?"tanong sa kanya ng isa sa mga ito.
"Yes please"umupo siya at inabot ang newspaper sa lamesa.
Nasa kalagitnaan na siya ng pag-aalmusal ng makita niyang bumungad sa pinto ng kusina si Diwata, bagong paligo na ito at maayos na ang itsura nito.
"Ma'am milk po?"tanong ng isang kasambahay kay Diwata.
Kabisado na kasi ng mga kasambahay nila ang gusto ng dalaga.
Hindi niya alam kung talaga bang gusto nito ng gatas sa umaga o kasama sa pagpapanggap nito iyon.
"Ayoko, Minerva. Gusto ko ng malamig na malamig na malamig na malamig na tubig. 'yong tipo na magkakabrain freeze ako pag ininom ko"sagot naman nito.
Nakangiti naman ang kasambahay nila na sinunod ito.
"Masakit ba ulo mo?"tanong naman niya.
Nagpout ito at nakapangalumbaba na humarap sa kanya. pinagsisilbihan ito ng mga kasambahay niya at pinaghahain nan g agahan.
"Ano sa tingin mo baby? Ang sakit sakit ng ulo ko. Tapos pinabayaan mo lang ako kagabi"nakasimangot na sagot nito sa kanya.
"Ako na dito Bevs, kaya ko nay an. Kumain na ba kayo? Sila manang nasaan?"saway pa nito sa kasambahay nila na naghahain para dito.
"Opo ma'am, tapos na po. Nasa garden po si Manang Lita at Mang Delfin naglilinis at nagdidilig po"magalang na sagot naman nit okay Diwata.
"Ma'am ito na po ang tubig niyo"ani naman ni Minerva.
"Salamuch, Nervs"nakangiting sagot naman ni Diwata.
Napailing naman siya, si Diwata lang kasi ang nagbibigay ng palaway sa mga tauhan niya sa bahay. Isama mo pa na madali nitong nakagaanan ng loo bang mga kasama niya sa bahay.
"Minerva, ikuha mo ng gamut si Diwata"utos naman niya sa kasambahay.
Maganang kumain naman si Diwata matapos ubusin ang tubig na hiningi nito. Tahimik lang naman niya itong tinititigan habang kumakain.
Habang tumatagal na kasama niya ito mas nakikilala niya ang ugali nito. noong una naaasar pa siya pero ngayon naman para nasasanay na siyang palagi itong kasama.
Nasanay na nga siya sa tawag nito sa kanya na Baby.
Pakiramdam niya hindi buo ang araw niya kung hindi niya nakikita o nakakasama si Diwata.
"Wala kang pasok ngayon diba?"nagulat pa siya ng bigla itong magsalita.
Nahuli tuloy siya nitong nakatitig siya dito.
"O-oo"nauutal pa siyang sumagot.
"Hmmm...Good wag kang lalabas ng bahay ngayon. Aalis lang ako sandali"paalam nito.
Napakunot noo naman siya, sa halos dalawang linggo niyang kasama ito ngayon lang ito nagpaalam na aalis ito na hindi siya kasama.
"Saan ka pupunta?"takang tanong naman niya dito.
"Dyan lang a tabi tabi. Saglit lang ako"sagot naman nito.
"Hindi kita papayagan kung hindi mo sasabihin sakin kung saan ka pupunta"tanggi naman niya.
Tiningna lang siya nito tsaka umiling. Siguro medyo OA na siya, his kind asound a possessive jerk boyfriend na pinagbabawalan na lumabas ang girlfriend.
"Hmmm, practice lang"bulong naman ni Diwata na narinig naman niya.
Hindi niya naintidihan kung saan patungkol ang sinabi nito. Para sa kanya, kailangan kasama siya nito.
"Sama mo nalang ako. Wala naman akong gagawin dito sa bahay"sabi niya habang nagsisimula na ulit kumain.
"Okay, bahala ka"hindi niya inasahan na ganon lang kadali ang sagot nito.
Naexite naman siyang bigla kaya naman nagmadali na siyang tapusin ang pagkain niya.
Madali lang naman silang nakagayak ni Diwata nasa beyahe na sila ngayon dalawa. Si Diwata ang nagdrive at hindi naman niya alam ang pupuntahan nilang dalawa.
Habang nasa biyahe sila sobrang tahimik na naman nilang dalawa. Kaya naman nagpasya siyang mag-open ng topic nilang dalawa.
"Diwata, mind if I ask you something?"panimula niya.
"Okay, ano 'yon?"sagot nito hindi man lang siya tinapunan ng pansin.
"can you tell something about your self. Ang daya kasi, ikaw alam mo na halos lahat ng info sakin while ako pangalan mo lang ang alam ko."aniya dito.
Simulyapan siya nito ng kaunti at ibinalik ang mga mata sa harap ng daan.
"Seryoso ka sa tanong mo"sagot naman nito pagkalipas ng ilang segundo.
"Oo, mukha bang hindi"aniya.
"Ano naman ang gusto mong malaman tungkol sakin?"tanong naman nito.
"Kahit ano,if Diwata ba talaga pangalan mo, kung totoo ang edad mo na sinabi sakin. Sino mga magulang mo something like that"wala sa loob niyang sagot.
Para naman gusto niyang murahin ang sirili niya sa mga sinabi niya. It's kind a weird for him to ask such things, para siyang nagtatanong ng galing slumbook ng isang teenager.
"Diwata Mayumi Demaguiba, iyan talaga ang pangalan ko 24 years old from Nueva Ecija talaga ako. Hindi naman ako nagbibiro pagdating sa pangalan ko at edad."nakangiting sagot nito.
Nakahinga naman siya ng maluwag ng hindi naman nito pinansin ang pagkacheesy ng tanong niya.
"Hmmm, bakit ka nagpulis?"another question from him.
"ahh, My father is a policemen, may mother is also a policewoman, same as my two big brother ano pa nga ba aasahan mo sa bunso edi magpulis din"nakangisi naman paliwanag nito.
Holy s**t, pamilya ng pulis. Ang hirap sigurong manligaw kay Diwata kung nagkataon. Naisip niya.
Wait did he said manligaw?.
Siguro nga nababaliw na siya.
Dalawang linggo pa lang niyang kasama si Diwata naiisip na niya ang mga ganoon bagay. No bata pa siya he's only 26 years old for f*ck sake. Palagi nga nilang pinag-uusapan na magkakaibigan na kung mag-aasawa na sila sa edad na 40 years old sila magse-settle down. Not in 26, oh no marriage naman ngayon ang naiisip niya.
I must be crazy...