Six
Lance's POV
Sa isang shooting range sila nagpunta ni Diwata, ito pala ang sinasabi nitong practice.
Sinalubong sila ng apat na lalaki, ang isa sa mga ito nakita na niya kagabi.
"Reyes sigurado kang walang nakasunod samin?"tanong ni Diwata sa kausap nito kagabi.
"Yes bossing, walang nakasunod sa inyo. Safe si Boss Lance dito."nakangisi pang sagot ng tinawag na Reyes ni Diwata.
"Mr. McDaniel, meet my team. Ito si Kevin De Gracia- PO2 , Johnny Reyes – SPO1, Roberto Dela Cruz – SPO1, at George Lim – PO2 sila ang mga kasama ko sa lahat ng mga lakad ko. Meaning kasama ko sila sa pagbabantay sayo. Hindi mo nga lang sila makikita madalas kagaya ko."pagpapakilala naman ni Diwata sa mga kasamahan nitong pulis.
"Nice meeting you guys, I'm Lance McDaniel"pakilala naman sa sarili niya.
"Kilala ka na namin boss"masayang turan naman noong Kevin.
Nginitian lang niya ang mga ito. wala naman kasi siyang mahanap na sasabihin sa mga ito.
Nagsimula ng maglakad ang mga ito at pumasok na sa loob ng shooting range.
Nagtigi-tigisang cubicle ang mga ito hindi niya alam kung saan siya papasok, kasi sa totoo lang hindi pa siya nakakapasok sa lugar na iyon. Lalo na hindi pa siya nakakahawak ng totoong baril.
Anong magagawa niya, isa siyang negosyante hindi naman siya pulis kaya ano naman ang rason niya para magkaroon ng baril.
"Hey, dito ka sa tabi ko. Tuturuan kitang gumamit ng baril"tawag sa kanya ni Diwata.
Kaya naman nilapitan niya ito, binigyan siya nito ng earmuffs or ear plugs at shades.
Tumabi lang siya sa bandang kanan ng dalaga pinanood lang niya ito sa ginagawa nitong pag-aasemble ng baril nito.
Nakakakita naman na siya ng mga ganito, kaso sa Tv lang niya ito napapanood ngayon lang siya nakakita ng personal na nag-aasemble ng baril.
Hindi naman sa inosente siya sa mga ganitong bagay, sadyang hindi lang siya mahilig sa mga ganitong Gawain.
"Nakahawak ka na ban g baril Mr. McDaniel?"tanong sa kanya ni Diwata.
"Lance, you can call me Lance"iba ang sagot niya.
"Okay, Lance nakahawak ka nan g baril?"ulit nito sa tanong nito.
"Oo, pero hindi ko pa natry na magpaputok."honest niyang sagot.
Tatangu-tango naman ito at binaling ang atensyon sa harapan nila. Walang anu-ano bigla itong nagpaputok ng tatlong sunod sunod.
"Nakita mo iyon, ganon magpaputok ng baril"nakangisi na baling nito sa kanya.
"Haha, funny. Ano naman tingin mo sakin, hindi marunog magpaputok ng baril."naiinis niyang sagot.
"Joke lang, ito hindi mabiro. oh"iniabot sa kanya nito ang hawak na baril.
Alangan man pero inabot na din niya ang baril.
"Okay, aim your fire boss"utos naman nito.
Siya naman ginawa ang inutos nito, itinutok niya ang baril sa target sa harapan niya.
"Nanginginig ka boss"puna naman ni Diwata sa kanya.
Nagtungo ito sa bandang likuran niya at walang sabi-sabi na hinawakan ang kanyang mga kamay. Sa pwesto nilang dalawa parang nakayakap sa kanya si Diwata. Mas lalo siyang kinabahan.
"Hawakan mong mabuti ang baril, asintahin mong mabuti ang papuputukan mo. Kapag nakuha mo na ang tamang angulo saka mo kalabitin ang gatilyo."instruction sa kanya nito na ang mata ay nasa harapan.
Samantalang siya naman hindi maalis ang tingin sa dalaga, tutuk na tutuk ang mata niya sa mukha nito habang nagsasalita ito. sobrang lapit kasi nito sa kanya, kaya naman amoy na amoy niya ang mabango nitong anoy maging ang hininga nito.
"Hoy, natulala ka na dyan"sita sa kanya ni Diwata.
Nakakahiya nahuli siya nitong nakatitig sa mukha nito.
"Pano na ulit?"pag-iiba niya ng usapan.
Inulit lang nito ang sinabi sa kanya kanina, siya naman pinilit na ituon doon ang atensyon niya para naman ma divert ang tumatakbo sa isip niya.
Halos kalahating araw silang naroon sa shooting range. Siguro naka tatlong load naman siya ng magazine ng baril bago siya umayaw. Wala kasing kahit isa na tumama sa target nila, hindi naman siya tinawanan ni Diwata, pero feeling niya deep inside ng dalaga tinatawanan siya nito.
Lalo pa siyang natahimik ng makita niya kung gaano kagaling sa pag-asinta asi Diwata.
Naisip niya kung ipapakita pala niya ang mga picture ni Diwata na kinuha niya kagabi baka bigla nalang siyang paputukan nito sa noo niya ng hindi niya namamalayan.
Kaya naman nagpasya siyang burahin nalang ang mga iyon kapag nahawakan niya ulit ang cellphone niya. mahirap nab aka biglang pakialaman ng dalaga ang cellphone niya makita pa ang litrato. Lagot siya kung nagkataon.
"Hindi pa ba tayo aalis?"naiinip na niyang tanong ng bandang makapananghali na.
Nagugutom na din kasi siya, samantalang ang mga nandoon na kasama niya parang walang ibang importante kundo ang pagta-target shoot ng mga ito.
"Aalis na, saan mo gustong pumunta boss?"sagot sa kanya ni Diwata.
"Restaurant"sagot niya habang tumatayo na siya.
Tahimik lang silang dalawa habang nasa biyahe silang dalawa. Hanggang sa makarating sila sa loob ng restaurant ay walang nagtatangkang magsalita sa kanilang dalawa.
Hindi naman nila kasama ang apat na ka-team ng dalaga.
"So, nakasunod lang satin palagi ang mga kasama mo?"pagbabasag niya sa katahimikan ng makaorder na sila.
"Oo, andyan lang sila sa tabi tabi"sagot naman nito.
Tatangu-tango naman siya, wala na kasi siyang maisip na pag-uusapan nila.
"Pwedeng magkatanong?"si Diwata naman ngayon ang naunang magsalita.
"Ofcourse"sagot naman niya.
"Di ba ako nanalo kagabi?"tanong nito.
Noong una hindi pa niya maalala ang sinasabi ng nito, pero bigla niya din naalala ang inuman na may kasamang pustahan kagabi. Siya ang natalo at si Diwata naman ang nanalo.
"Yes, why?"
"Di ba ang usapan gagawin lahat ng natalo ang ipapagawa ng nanalo"paalala pa nito.
"Yes"sagot niya na may kasama pang pagtangu.
"Hmmm. So susundin mo lahat ng ipapagawa ko?"pangungulit pa nito.
"Oo na nga diba. Ano ba kasi ipapagawa mo?"naiinip na niyang tanong paulit-ulit lang kasi ang sinasabi ng dalaga.
"Wala pa akong naiisip, basta sasabihin ko nalang sayo kapag may naisip na ako."sagot nalang nito.
Magsasalita pa sana siya kaso dumating na ang order nila kaya naman hindi na siya nagsalita pa at nagsimula na silang kumain.
"Anong favorite mong pagkain?"tanong sa kanya ni Diwata habang kumakain sila.
"Nothing in particular, kahit ano naman kasi basta masarap kakainin ko"sagot niya.
"Ahh, bakit hanggang ngayon wala kang girlfriend?"sunod na tanong nito na nagpasamid sa kanya.
Buti nalang napigilan niyang ibuga ang kakasubo pa lang niyang pagkain sa mukha ng dalaga.
"Anong nakakagulat sa tanong ko"nakatawang sita sa kanya ng dalaga.
"Ano naman din kasing connect ng favorite kong pagkain sa hindi ko pa pagkakaroon ng girlfriend?"angil naman niya ng makabawi na siya sa pagkabigla.
"Hahaha, wala pero gusto ko lang malaman. Nakalagay kasi sa folder mo na wala ka pang nakarelasyon. Nacurious lang ako kaya natanong ko lang, pati 'yong favorite mong pagkain wala kasi doon"natatawang paliwanag nito.
"Tsk...I just find it weird"sagot niya.
"Weird? Ang alin ang tanong ko o ang pagkakaroon ng girlfriend?"takang tanong sa kanya ni Diwata.
"Both"sagot niya tapos uminom ng wine.
"Ops, magdi-drive ka pa wag kang masyadong uminom alak"awat sa kanya ni Diwata sa pag-inom ng wine.
"Its just a wine, isa pa isang baso lang naman ang iinumin ko"natatawa niyang sagot sa dalaga.
"Kahit na, mahirap na baka malasin ka"pagpupumilit na naman ni Diwata.
Ewan ba bakit parang may kung ano sa utos ng dalaga at sinunod niya ang sinabi nito. itinigil niya ang pag-inom ng ng wine at nagconcentrate nalang sa pagkain.
"Sagutin mo na ang tanong ko"pangungulit na naman ni Diwata sa kanya.
"Ano ba sa mga tanong mo ang sasagutin ko"
"Bakit hindi ka pa nagkakagirlfriend?"ulit na naman sa kanya nito ng tanong.
Nakakunot ang noo niya habang nakatingin sa dalaga. Parang may iba sa kanya ngayon kasi naman ang kulit talaga ng dalaga ngayon. Ibang iba sa unang pagkakakilala niya dito na seryoso lang palagi kapag silang dalawa lang ang magkasama.
"What wrong with? Bakit ang kulit mo yata ngayon?"takang tanong niya sa dalaga.
Nakita niyang pinamulahan ito ng mukha.
"Di wag mo ng sagutin"iwas naman nito.
Napangiti siya sa naging reaksyon ni Diwata.
"Hindi ko pa nakikilala noon ang babaeng gusto kong makasama, I believe in true love. Sabihin mo ng corney ako pero sa tingin ko, true love exist. And I intend to wait for the right girl for me"paliwanag niya.
"Sa tanda mong iyan naniniwala ka sa ganon?"manghang tanong sa kanya ni Diwata.
Nginitian naman niya ito ng sobrang tamis.
"Oo, ikaw ba nagkaboyfriend na?"ganting tanong niya.
"Wala pa sa isip ko 'yan. Nag-eenjoy pa ako sa trabaho ko"walang gatol na sagot naman nito.
"Wala pang nagtangkang ligawan ka?"siya naman na ngayon ang curious sa dalaga.
"Meron, kasi hindi naman nagtutuloy. Kasi basted na agad sakin."anito.
"Bakit naman?"tanong niya muli.
"Wala pa kasi sa isip ko ang love life. Kita mo nga kung may boyfriend ba ako ngayon papayag ba iyon na nandito ako sa Manila tapos nagpapanggap na girlfriend mo. Gusto ko kapag makikipagrelasyon na ako 'yong willing na din akong magresign at magpakasal"paliwanag nito habang kumakain sila.
Napaisip naman siya habang pinagmamasdan ang dalaga. Wala na naman kasi siyang maisip na sabihin o mapag-usapan nila.
Hindi naman siya ganoon dati, kasi naman kapag ganitong usapan hindi siya nauub usan ng topic. Pero siguro may pinipili din, nagging makwento lang naman kasi siya sa mga kaibigan niya.
Iyon siguro ang dahilan kaya natatahimik siya pagkaharap niya si Diwata.
"s**t!!!"mahina at pabulong na mura ni Diwata.
Kahit na ganoon narinig pa din niya ito, wala naman na siyang matandaan na pinag-usapan nila para mag mura ang dalaga.
.................
Third Person's POV
"Bossing may bisita tayo"narinig ni Diwata sa kanyang earpiece.
"s**t"mura naman ni Diwata sa narinig.
Kasalukuyan kumakain ng tanghalian sila Diwata at Lance.
"s**t, kala ko ba walang nakasunod samin?"mahinang tanong ni Diwata sa kausap niya.
"Nasa bandang kaliwa mo bossing"info naman sa kanya ni De gracia.
"Ilan sila?"tanong niya dito.
"Nasa anim silang sa loob, may nakapaikot pa sa labas"sagot nito.
"Ay! T*ng*na naman, gawan niyo na ng paraan iyang nasa labas ako ng bahala dito sa loob."naiinis utos ng dalaga sa mga kasamahan nito.
"May problema ba Diwata?"takang tanong naman ni Lance sa kaharap.
Ngumiti lang ito sa kanya at umiling.
"Tapos ka na bang kumain, baby? Tara magmall, bili mo naman ako ng gusto ko"paglalambing naman ni Diwata.
Alam na ni Lance na may hindi tama sa kinikilos ng dalaga, tinatawag lang naman siyang baby nito kung may nakaharap silang ibang tao na hindi alam ang pagpapanggap nila.
"Okay"sang-ayon nalang ni Lance kay Diwata.
Agad naman na tumayo si Diwata na sinundan naman ni Lance. Kahit na hindi pa nila nakakalahati ang kinakain nila ay umalis na sila, nang may makasalubong na waiter si Lance nag-abot siya ng pera dito para pangbayad sa bill nila.
Deretso lang sila sa sasakyan ni Lance. Si Diwata ang nagprisintang magdrive sa kanilang dalawa.
"Anong nangyayari?"tanong agad ni Lance ng makasakay na silang dalawa.
Wala na kasi ang listening divice at hidden camera sa sasakyan ni Lance kaya naman malaya na silang mag-usap sa loob ng sasakyan niya.
"May nakasunod sa atin"sagot lang ni Diwata.
"What? Hanggang ngayon ba din ba hindi pa din sila tumitigil?"naasar na sagot naman ni Lance.
"Oo, hangga't hindi ka nila nakukuha o napapatay hindi sila titigil"sabi ni Diwata.
Mabilis ang pagpapatakbo na ginawa ni Diwata, nag-eenjoy pa nga siya kasi sports car ang dinadrive niya ngayon, kaya ramdam niya ang bilis ng sasakyan.
"Hey, slow down will you. Baka hulihin ka ng pulis"saway naman sa kanya ni Lance.
"Alam mo, pabebe ka. Ang ganda ng sasakyan mo, mabilis tapos ayaw mo ng mabilis na takbo. Saka wag kang kabahan, ano ba ako. Di ba pulis"sagot pa ni Diwata.
"I just want to be safe"ani naman ni Lance.
"Trust me boss, akong bahala sayo. Just sit back and relax. Walang mangyayari sayo basta kasama mo ako"mayabang pang sagot ni Diwata.
Para namang expert na car racer si Diwata kung magpatakbo, buti nalang hindi pa rush hour sa Metro Manila kaya wala pang traffic. Mabilis ang patakbo ni Diwata dahil na din gusto niyang mailigaw ang mga sumusunod sa kanila.
Sa tingin niya tatlo hanggang apat ang sasakyan na nakasunod sa kanila ngayon.
At mukhang gaya ng dalaga magaling din ang mga ito sa pagmamaneho hindi kasi sila nakakalayo sa mga ito at talagang nakakadikit lang ang mga ito sa kanila. Kaya naman naisipan ng dalaga ng maghanap ng lugar na malayo sa mga building ng Kamaynilaan.
"Hey, palabas na tayo ng manila"sita ni Lance kany Diwata.
"Oo, hindi naman tayo pwedeng makipaggitgitan sa kanila dito. madaming madadamay na inosenteng tao kung magkataon."sagot ni Diwata.
Panay ang tingin niya sa rear mirror para hanapin kung nakasunod ang mga kasamahan niya.
"anong plano mo?"kinakabahan na tanong ni Lance.
"Patahimikin silang lahat"nakangising sagot naman ng dalaga.
"Bossing, nasa likod mo lang kami"ani Reyes.
Nang makalabas na sila ng Manila at nasa isang lugar na sila na halos napapaligiran na ng bukid ang daan, nakarinig na sila ng putok ng baril.
"s**t, YUKO!!!"sigaw ng dalaga.
Agad naman napayuko ang binata.
"Kainis, Reyes, Degracia. Asan na kayo pinapaputukan na kami"kausap ni Diwata sa mga kasamahan niya.
"Nakikipagpalitan na din ng putok bossing"boses iyon ni Degracia.
Nang lingunin ni Diwata ang likod niya may dalawa pa din sasakyan na nakasunod sa kanila. Nakita pa niyang may nakalitaw na dalawang lalaki sa bawat sasakyan at nakaturo ang mga baril ng mga ito sa kanila.
"s**t!!!"mura ng babae dinukot na nito ang baril niya sa kanyang bewang at gumanti na ng putok.
"Lance, hawakan mo ang manibela"utos ni Diwata kay Lance.
Kinakabahan man ginawa naman ni Lance ang inutos sa kanya. deretso lang tingin niya sa daan habang si Diwata naman at nakikipagpalitan ng putok sa sumusunod sa kanila.
Nang bumalik na si Diwata sa pagkakaupo hindi nito hinawakan ang manibera naglo-load ito ng magazine ng baril.
"Ihinto mo dyan sa tabi"utos pa ni Diwata kay Lance.
"Are you crazy? Bakit ko ihihinto dyan sa tabi ang sasakyan, edi pinaulanan nila tayo ng bala"hindik naman na sagot ni Lance.
"Ako bahala sayo basta ihinto mo dyan sa tabi, wag kang bababa"utos pa din ni Diwata.
Wala naman nagawa si Lance ng bigla nalang nagbrake si Diwata kaya naman kinabig niya ang manibela sa papunta sa isang tabi.
Mabilis ang naging kilos ni Diwata, bumababa ito sa sasakyan at walang takot na sinalubong ang mga sasakyan na nakasunod sa kanila, inasinta naman ng dalaga ang driver ng bawat sasakyan.
Walang kahirap hirap na napatamaan niya ang mga driver ng bawat sasakyan, lahat sa noo ang tama kaya naman napahinto ang sasakyan ng mga ito bago pa makaabot sa kanya.
May mga nakaligtas pa din na mga lulan ng sasakyan kahit na ang ilan ay nabangga na sa poste at sa center island ang mga ito.
Nakipagpalitan pa siya ng putok sa mga ito, dahil sa akin na galing pag-asinta ang dalaga lahat ng kabarilan niya at sa noo lahat ang tama.
Ending lahat ng humahabol sa kanila ngayon nakabulagta na ngayon at naliligo na sa sariling dugo.
Kinikilabutan naman si Lance habang pinapanood niya ang ginagawa ng dalaga sa labas.
Puno din ng paghanga ang paraan ng pagtingi ni Lance kay Diwata. Kakaiba talaga ang dating ng dalaga.
"Astig"bulong pa ni Lance.
Nang makita ni Lance na okay na at nakatumba na ang lahat ng kalaban ni Diwata doon lang siya lumabas ng sasakyan para tingnan ang lagay ng dalaga.
"Are you okay?"puno ng pag-aalala na tanong ni Lance kay Diwata.
"Oo naman ako pa"mayabang nasagot ni Diwata kay Lance.
Pero ang totoo may daplis ng bala sa may tagiliran ang dalaga. Nakaitim lang kasi ito ng damit at jacket kaya naman hindi pansin ang sugat niya.
Doon naman dumating ang mga kasamahan ni Diwata.
"Anak ng tipaklong, ang astig mo talaga bossing. Napatumba mo lahat ng mga ito ng mag-isa."puri pa ni Degracia kay Diwata.
"Para ka namang bago, kilala mo naman si bossing Diwata natin. Malinis magtrabaho."si Reyes ang sumagot.
"Tama na iyan, Lim at Dela Cruz linisin niyo na ito. Reyes tumawag ka ng back up para may kasama sila Lim dito."utos naman ni Diwata sa mga kasama.
Napansin ni Diwata si Lance na nakatitig sa isa sa mga nakahigang bangkay sa kalsada.
"Anong problema Lance?"lumapit na ang dalaga dito.
"He looks familiar"turo naman ng binata sa tinitingnan nito.
"Kilala mo?"takang tanong naman ni Diwata.
"I don't think so, para lang nakita ko na siya hindi ko lang alam kung saan ko siya nakita"paliwanag ni Lance.
"Degracia!!!"tawag ni Diwata sa kasamahan.
"Yes bossing?"tumatakbong lumapit sa dalawa ang lalaki.
"Iback ground check mo lahat ng mga ito. Pangalan, edad, tirahan, saan nagtatrabaho, kanino nagtatrabaho lahat kailangan ko iyon bukas"utos ni Diwata sa kasama.
"Yes Ma'am"sumaludo pa ito bago sila iniwanan.
"Tara na Lance, hindi tayo dapat abutan dito ng mga pulis. Hindi dapat mangkaroon ng record ito masisira ang takbo ng imbestigasyon kung magkakataon"paliwanag naman ni Diwata.
Tumango lang ang binata at sinundan na ang dalaga papunta sa kotse ng binata.
Bago sumakay si Diwata pasimple niyang binulungan si Reyes.
"Reyes, papuntahin mo si Kuya Andres sa bahay ni Lance. May ipapagawa lang ako sa kanya. ituro mo nalang, dalin kamo ang mga gamit niya"utos niya sa kasama niya.
"Bakit Boss may tama ka ba?"nag-aalalang tanong ng binata kay Diwata.
Tinapik ni Diwata ang balikat ni Reyes at nginitian ito ng pilit na nauwi sa ngiwi.
"Daplis lang, kaya pa basta ang bilin ko. Walang dapat makaalam ng lahat ng ito. alam mo naman ang imbestigasyon natin on going pa lang"bilin pa ni Diwata bago niya iwan ang mga kasama niya.
Si Lance na ang nagdrive pauwi sa bahay niya. halos dalawang oras din ang tinagal ng biyahe nila dahil na rin nagsimula na ang traffic sa kamaynilaan. Tahimik lang ang dalawa sa biyahe nila, si Lance dahil sa iniisip nito ang nangyari kani-kanina lang. samantalang si Diwata naman ay nanghihina na sa dami ng dugo na nawawala na sa kanya.
Nang makarating sila sa bahay ni Lance napansin ni Lance ang pamumutla ng mukha ni Diwata, pero bago pa man niya ito sitahin nakababa na ang dalaga sa sasakyan.
Napansin ni Lance na parang basa ang upuan ng sasakyan niya. dahil black leather ang cover ng upuan nito kumintab lang ang sa tingin niya ay basa sa upuan. Nang hipuin niya kung ano iyon nagimbal ang binata ng makita niyang dugo iyon.
Nagmamadali namang bumaba si Lance para sundan si Diwata, nakita na niya itong nasa kalagitnaan na ng hagdan paakyat sa ikalawang palapag.
"Hey Diwata!!!"tawag niya sa dalaga.
Nanghihina naman na nilingun ni Diwata si Lance. Gusto na niyang makapasok sa loob ng kwarto para matingnan na niya ang sugat niya.
"Bakit?"mahina na ang boses ng dalaga.
Nangmamadaling nilapitan ni Lance si Diwata, nang nakatapat na si Lance sa dalaga inilalayan niya ito.
"Saan ang tama mo, bakit hindi mo sinabi sakin. Dadalin na kita sa ospital"sunod sunod na salita ng binata.
Akmang bubuhatin na niya ang dalaga ng pigilan ni Diwata si Lance.
"Hindi pwede, masisira ang plano. Parating na ang gagamot sakin. Daplis lang ito kaya wag kang OA. Kaya koi to. Dalin mo nalang ako sa kwarto para malinisan ko na ang sugat"halos bulong nalang ang nagawang pagsagot ni Diwata.
Nagdadalawang isp man sinunod naman ni Lance ang sinabi ng dalaga sa kanya. binuhat na niya ang dalaga papunta sa loob ng kwarto nito.
............