Seven

2496 Words
Seven Diwata's POV Nanlalabo na ang mata niya habang paakyat na siya sa hagdan buti nalang to da rescue naman si Lance sa kanya. kaya bago pa siya mawalan ng malay nabuhat na siya ni Lance papunta sa kwarto. "What am I gonna do?"nag-aalala at nagpapanic na si Lance. Lalo naman siyang nahilo sa kakalad ni Lance ng paroon at parito nito. "Kumuha ng ka malinis na tubig, iyong medyo maligamgam lang. Tapos panlinis ng sugat"nanghihina na niyang utos. Ang slow naman kasi nito, alam na nga nito na may sugat siya tapos hindi pa ito kumilos para gamutin siya. Nakapikit na siya at iniinda niya ang kirot ng sugat niya, pinakiramdaman naman niya ang sugat niya sa palagay naman niya daplis lang ito. nakarinig siya ng pagbukas at pagsara ng pinto, at pagbukas at pagsara ulit ng into. Hindi na niya magawang imulat ang mga mata niya sa sobrang pamimigat ng talukap ng mata niya. "Diwata, hey wake up"naramdaman niyang may nagyuyug-yug sa kanya. Pilit niyang iminulat ang mata niya. nakita niya ang nag-aalalang mukha ni Lance. "F*ck those bastard, wala na akong pakialam kung masira na naman ang plano, basta dadalin nalang kita sa ospital"sabi pa nito. "s**t ka naman eh, ang nagpapahinga lang ako. Okay ako wag kang OA dyan"sermon niya. Pinilit niyang tumayo at sinimulan na tanggalin ang jacket niya. Napansin siguro ni Lance na hirap siya kaya naman tinulungan siya nitong mangtanggal ng jacket. Nang matanggal niya ang jacket niya sinunod naman niya ang blouse niya. "Fvck!!!!"mura naman ni Lanca ng makita nito ang sugat niya. "Ang arte mo naman, asan na ang tubig?"angil naman niya sa binata. Wala naman nagawa ang binata kundi ang tulungan siya, ito na nga ang naglinis ng sugat niya. "Masyadong malalim ang sugat mo Diwata, its better we go to the hospital. Wag ng matigas ang ulo mo"sermon sa kanya ni Lance habang patuloy pa din ito sa paglilinis ng sugat niya. "Nasisiraan ka na ba, pagdinala mo ako sa ospital masisira lahat ng pinaghirapan natin. Mabubuking ng gustong pumatay sayo ang disguise ko. Kaya ko naman na ito, parating na ang gagamot sakin. Basta linisin mo lang ang sugat ko"angil na naman niya. Hindi siya papayag na mabulilyaso ang trabaho nila, dalawang linggo na nilang tinatrabaho ito kaya dapat lang na mag positive out come ang lahat. Isama pa na hindi siya sanay na hindi maganda ang resulta ng trabaho niya. "Ang tigas ng ulo mo"pagalit na sabi ni Lance. "Oo alam ko iyon"ani naman niya. Nalinisan na nito ang sugat niya at nabendahan na din nito iyon kahit papano naman ay natigil ang pagdurugo ng sugat niya. napalitan na din siya nito ng damit. Hindi naman siya iniwanan ni Lance sa loob ng kwarto niya hangga't hindi pa dumating ang Kuya niya para tingnan siya. "This is crazy, dapat dinadala na kita sa ospital ngayon. But look what I'am doing, hinihintay ang kung sinong pupunta dito para gamutin ka. Saan ba manggagaling ang hinihintay natin at bakit hanggang ngayon wala pa siya gayon mukha kang mauubusan ng dugo dyan"maya maya'y nagsalita na naman si Lance. "Sa Nueva Ecija"mahinang sagot niya. Sunod sunod naman na nagmura si Lance sa sinagot niya. ngayon lang niya nakita ang ganoong ugali ng binata. Usually kasi kalmado lang ito o kaya naman ay tahimik lang ito kapag kasama niya. Nakita niya noon na mukhang galit ito noong unang beses na nagkita sila pero slight lang. Hindi katulad ngayon na kala mo magbubuga na ito ng apoy mula sa ilong at mukhang any time kakain na ito ng buhay na tao sa sobrang galit. "No, you will listen to me. Dadalin na kita sa ospital sa ayaw at sa gusto mo"gigil na lumapit ito sa kanya at akmang bubuhatin na siya nito ng may kumatok sa pintuan. "Come in"siagw naman ni Lance. Si Minerva ang pumasok, bakas ang pagkagulat at pagtataka sa mukha nito. alam naman niya ang dahilan nagkalat pa kasi sa tabi niya ang ginamit ni Lance ng linisin nito ang sugat niya kaya kitang kita nito ang mga dugo na nakakalat. "S-sir may nagha-hahanap p okay Ma'am Diwata sa ibaba"nauutal na salita ni Minerva. Tiningnan naman siya ng masama ni Lance. "Anong pangalan?"tanong naman niya kay Minerva. "Andres daw po Ma'am"sagot ni Minerva. "Pasuyo naman Nervs pakituro naman siya dito"pakiusap niya sa dalaga. Tumango lang ito at iniwanan na sila ni Lance. "Its him"bulong naman niya sa binata. Kaya naman tumayo na ng maayos ang binata sa side niya at hinintay kung sino ang bagong dating. Ilang minuto lang bumukas muli ang pinto at iniluwa noon ang kanyang kuya na madilim ang mukha. Gaya ni Lance mukhang galit na galit din ito sa kanya. walang Sali-salita na lumapit ito sa kanya at hindi na naghintay ng paliwanag na iniangat nito ang damit niya. Sanay naman na siya sa kuya niya na ganoon ito. "Hey!!! Can you be more careful"angil ni Lance sa nakitang ginawa sa kanya ng kuya niya. Hindi naman ito pinansin ng kuya niya at patuloy lang ito sa ginagawa. Napangiwi pa siya sa paraan ng paghiklat nito ng gawa para tingnan ang sugat niya. "Pasalamat ka daplis lang"pagalit na salita ng kuya niya. Nagdadabog na binuksan ng kuya niya ang bag na dala nito at nilabas ang lahat ng kailangan nito para gamutin siya. "Oh nganga"utos nito sabay lagay ng isang nakarolyong tela sa bibig niya. Kinabahan naman siyang bigla, alam na niya ang mga susunod na mangyayari. "URGH!!!"impit na daing niya, nakagat niya ng sobrang diin ang tela sa bibig niya ng biglang dukutin ng kuya niya ang sugat niya. "FVCK!!!"sigaw na mura naman ni Lance ng makita ang ginawa ng kuya niya. Lalapitan na sana ni Lance ang kuya ng pigilan niya ito. nahihirapan man siya umiling siya bilang signal sa binata. "Can't you see your hurting her"pasigaw na turan ni Lance sa kapatid niya. Tiningnan lang ng masama ng kuya niya si Lance at tinuloy ang ginagawa. Lalong itinaas ng kuya niya ang damit niya para simulan na siyang gamutin nito. "Hey, baka nakakalimutan mo babae si Diwata, you should be more careful to her. Halos makita na ang katawan niya"angil na naman ni Lance. Para namang walang narinig ang kapatid niya at pinagpatuloy ang lahat ng ginagawa nito. "Ang tigas din ng ulo mo, nagpakafeeling action star ka na naman siguro"pagalit na sermon sa kanya ng kuya niya. Nang matapos na dukutin at masiguro nito na walang bala sa loob ng sugat niya kinuha na nito ang pantahi ng sugat. Walang ani-anistisyang tinahi ng kuya niya ang sugat niya, panay naman ang impit niyang daing sa ginagawang parusa sa kanya ng kuya niya. Ganito naman palagi ang kuya niya hindi lang sa kanya maging sa isa pa niyang kuya na si Dominador kapag nasusugatan silang magkakapatid ito ang gagamot sa kanila. Nakapag-aral kasi ito ng first aid sa ibang bansa, nag-aral din ng ilang taon sa kursong medisina ang kuya niya pero hindi nagtuloy kasi mas matimbang ang pagpupulis sa puso nito. "s**t, alam mob a ang ginagawa mo?"hindik na hindik na tanong ni Lance sa kuya niya. "Believe me alam ko, hindi ako tatawagin ng malditang ito kung wala itong tiwala sakin"nanggigigil na sagot ng kuya niya kay Lance. Nagpalakad lakad naman si Lance na halata ang gulat at pag-aalala sa mukha nito. Nang matapos ng tahini ng kuya niya ang sugat niya pabalya nitong tinanggal ang tela sa bibig niya. "Kailangan mong masalinan ng dugo, putlang putla ka na meaning madami ng dugo ang nawala sayo"sabi pa ng kuya niya. "Anong type ng dugo ang kailangan ni Diwata?"si Lance ang sumagot para sa kanya. "AB+"sagot ng kuya niya habang nagsisinop ito ng gamit nito. "I'm an AB+. I can donate, pero wala tayong gamit dito"nanghihinayang na sagot ni Lance. "Okay, don't worry meron ako, halla! sige higa"maangas na utos ng kuya niya. Naiiling naman siya sa inaasta ng kuya niya, ngayon lang ito actually naging ganito. "Diwata, are you okay now?"nag-aalala pa ding tanong sa kanya ni Lance. Nanaghihinang tinanguan lang niya ito, pinilit niyang ipikit ang mata niya, gusto na niyang matulog at magpahinga. Hindi na nga niya namalayan na nakatulog na siya. .................... Lance's POV "Ito ang bibilin mo na gamot ni Diwata, palagi mong papalitan ng gasa at lilinisin ang sugat niya everyday. Ipatawag mo nalang ako sa kanya kung may magiging problema. Pero sa tingin ko bukas lang okay na ulit 'yan"bilin sa kanya ng lalaking tumingin kay Diwata. Kakatapos lang niyang magdonate ng dugo, pero pinilit niya ang sarili na tumayo at kausapin ang lalaking nagngangalang Andres. Nahihiya kasi siya, siya ang dahilan kung bakit may tama ng baril si Diwata. Siya ang lalaki pero ang nagtanggol sa kanya ay babae. Muntikan pang manganib ang buhay ng dalaga ng dahil sa kanya. Simple lang naman ang ginawa niyang pagdo-donate ng dugo alangan namang mag-inarte pa siya. Kung si Diwata nga, halos maubusan ng dugo kinakaya pang maglakad kanina. "Okay, salamat"sagot niya. Wala siya sa mood na makipagbangayan pa sa kaharap niya ngayon. Nanghihina pa kasi siya. "May pagka action super star talaga si Diwata. Sanay na kami dyan, alam kong nabigla ka kanina nangyari. Part ng trabaho namin ito kaya wala kang dapat ipagngamba."paliwanag sa kanya nito. Nakita naman niyang mukhang mabait ang binatang kausap niya, kanina lang mukha itong sinasaniban sag alit marahil. "If you don't mind, may I ask you. Kaanu-ano mo si Diwata?, bakit ikaw pa din ang tinawag niya para gumamot sa kanya kahit na sa Nueva Ecija ka pa manggagaling"deretso na niyang tanong dito. Tumawa naman ng malakas ang kausap niya. parang bigla naman siyang nainsulto sa pagtawa nito. may mali ba sa tanong niya. "Selos ka ba?"tanong pa nito sa kanya. Aba't!!!. napapikit naman siya, pilit niyang kinakalma ang sarili niya. Siya magseselos, bakit ano ba sila ni Diwata. Hindi ba isa lang naman silang mag-amo kung tutuusin. Siya ang amo at si Diwata ang body guard niya. bakit naman siya magseselos. "Do I look like a jealous guy here?"seryosong tanong niya dito. "Oo, sige aalis na ako. Ingat mo na sa susunod si Diwata. Kapag feeling action star na naman itali mo na sa bewang mo ng hindi naman na niya ako abalahin pa may trabaho din naman ako. Pakisabi nalang sa kanya"at iniwan siya nito. Nang makaalis na ito, nagpasya naman siyang bumalik sa taas at tingnan si Diwata. Nag-utos na din siya sa mga kasambahay niya na ibili siya ng mga kailangan na gamot ni Diwata. Nakita naman niyang mahimbing ang tulog nito kaya naman hindi na niya ito inabala pa. Kaya naman nagpunta na siya sa sarili niyang kwarto para magpahinga na din. Nang tingnan niya ang oras nakita niyang alas siyete pa lang ng gabi. Maaga pa para sa pagtulog, kaya naman nahiga lang muna siya sa kama niya. Inisip niya ang mga nangyari ngayong araw, mukhang nablock nga ng mga kasamahan ni Diwata ang balita. Wala naman na din siyang balita pa sa mga kasamahan ni Diwata. Malalim na ang kanyang iniisip niya ng biglang tumunog ang cellphone niya. Nang tingnan niya kung sino ang tumatawag sa kanya, ang ninong niya pala iyon. "Kamusta Lance?"bungad sa kanya nito. "Okay lang po ninong"kalma niyang sagot. "Balita ko may engkwentro kayo kaninang tanghali. Kamusta na si Ins. Demaguiba?"tanong naman ng ninong niya patungkol kay Diwata. "She's fine now"sagot naman niya. Hindi kasi niya alam kung alam ng ninong niya ang nangyari kay Diwata. "Hindi maganda ang nangyari ngayon. Mas makakabuting magpalamig muna kayo ni Ins. Demaguiba. I will instruct her what to do. Kailangan muna niyang magpagaling ng sugat niya ng walang makakaalam ng nangyari."ani ng ninong niya. Napapikit naman siya sa sinabi nito, alam nito ang tungkol sa pagkakabaril ng dalaga. He felt so guilty about it. Kung sana hindi nalang siya sumama sa dlaga hindi mangyayari ito, edi sana nasa bahay lang sila ngayon baka nga nagku-kwentuhan pa sila ng mga oras na ito kung sakali. "Yes ninong"sagot nalang niya. "May alam ka bang pwede niyong puntahan ni Ins. Demaguiba na magmumukhang magbabakasyon lang kayo, somewhere you two can relax"tanong pa sa kanya ng ninong niya. "I will think about it Ninong"iyon nalang ang nasagot niya. Wala pa kasi siyang naiisip na lugar na pwede nilang puntahan, it's a sudden move for him. Siya pa naman ang tipo ng tao na nakaplano ang lahat ang lakad ahead of time. Hindi gaya nito na kailangan niyang agad magdesisyon. "How about sa probinsyan nila Ins. Demaguiba. Maganda naman sa lugar nila, I been there years back. At masasabi kong maganda doon. Plus points na ang makakasama mo sa bahay ay mga pulis kaya naman safe kayong dalawa doon."pagbibigay ng ideya ng ninong niya. "Okay ninong pag-iisipan ko po"iyon nalang ang nasagot niya. Nang matapos ang tawag ng ninong niya, bumalik na siya sa pagkakahiga. Iniisip niya ang sinabi ng ninong niya, hanggang hindi na niya namalayan na nakatulog na pala siya. Naalimpungatan nalang siya ng sa palagay niya may taong pumasok sa loob ng kwarto niya. "Gising na, aalis tayo"boses ni Diwata ang narinig niya. Ang pakiramdam niya nananaginip siya ng mga sandali na iyon. "Hoy gising"sigaw pa ng dalawa. Napabalikwas siya ng may humampas sa bandang tyan niya. "Bakit ka nanghahampas?"tanong niya agad ng makita si Diwata. Hindi nga siya nananaginip ng mga oras na iyon, talaganga nandoon si Diwata para ginisingin siya nito. "Aalis tayo, maghanda ka na. aalis tayo after one hour"utos nito at nagsimula ng maglakad palabas ng kwarto niya. "Hey, sandali. Kamusta ang sugat mo?"nakuha pa niyang tanungin bago ito makalabas. Lumingon ito sa kanya at ngumiti. "Okay na, salamat ha"nakangiting sagot nito bago ito lumabas ng tuluyan sa kwarto niya. Napatulala naman siya sa pinto kung saan lumabas si Diwata. Ang ganda naman ng umaga niya, naiiling na tumayo na siya at nagpunta ng banyo para maligo. Nasa kalagitnaan na siya ng pagligo niya nga maisip niya ang sinabi ng dalaga sa kanya kanina habang ginigising siya nito. Aalis daw sila after one hour. Saan sila pupunta ng ganito kaaga, alam niya madaling araw pa lang kasi madilim pa sa labas ng silipin niya kanina. Patapos na siya ng maalala ang tawag sa kanya ng ninong niya kagabi. Lahat ng napag-usapan nila kagabi naalala na niya. Ibig bang sabihin ngayon na agad sila aalis ng dalaga para magpalamig gaya ng sinasabi ng ninong niya. Ang bata ko namang maging makakalimutin...sita niya sa sarili niya habang nagbibihis siya. Pinagpatuloy nalang niya ang pagbibihis niya habang iniisip ang pwedeng mangyari ngayong araw na ito. Linggo ngayon kaya wala pa naman siyang pasok sa opisina. Pero kailangan niyang tawagan ang secretary niya para sabihin na mawawala muna siya ng ilang araw para magbakasyon. Tutal hindi naman siya madalas mawala sa opisina hindi naman siguro masama na magbakasyon siya ngayon. Ano ba naman ang ilang araw na wala siya sa opisina niya. It will not harm his company at all, kaya kampante siyang iwan pansamantala ang company niya. ......................
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD