Eight Diwata's POV Apat na oras ang naging biyahe nila pauwe sa probinsya niya. Tinawagan siya kagabi ni PNP Chief Makaso, at sinabi na magpahinga siya at isama sa pagpapahinga niya si Lance. Ang sabi pa ng opisyal na mas maganda kung isama niya si Lance sa probinsya nila para doon magbakasyon. Kailangan pa din kasi naaayon sa plano ang lahat kahit pa sa totoo lang wala sa plano ang pagbalik niya sa probinsya nila. Si Reyes lang ang kasama nila sa pagbalik, dahil patuloy pa din sa trabaho sila De gracia, Lim at Dela cruz. Kagaya niya nagpanggap na inarkila nilang driver si Reyes para sa araw na iyon, pero ang totoo kailangan nilang maging maingat sa biyahe nila. Umalis nga sila ng manila ng alas tres ng madaling araw para walang makakasunod sa kanila. Seven o'clock in the morning n

