Two

2685 Words
Two Lance's POV Hindi naman na nasundan ang insidente na nangyari sa kanya noong isang linggo. Sinunod din kasi niya ang sinabi ng mga kaibigan niya, kumuha siya ng body guard niya kaya naman kahit papaano naging kampante naman siya sa safety niya. Nawala na nga sa isip niya ang nangyari na pananambang sa kanya not unil today. Papasok pa lang siya sa company niya ng biglang may humarang sa sasakyan niyang minamaneho ng isa sa mga body guard niya. at ang siste, huminto ang body guard niya at walang ginawang kahit na ano ang mga ito para protektahan siya. Mismong ang body guard pa niya ang nagtangka sa buhay niya ngayon, buti nalang at hindi napansin ng mga loko na napadaan sila sa isang police station at hindi pa hinintay ng mga ito na makalayo sa lugar na iyon bago siya kunwaring dudukutin ng mga kasama ng mga ito. Agad na nakaresponde ang mga pulis at hindi natuloy ang tangkang pagdukot sa kanya. "Brod"tawag sa kanya ng mga kaibigan niya. Kasama na ng mga ito ang attorney niya, nasa police station pa din siya ngayon at kinakausap siya sa pagsasampa niya ng kaso sa mga gustong dumukot sa kanya. "Damn brod, para kayong mga bakla kung makasigaw"sita siya sa mga ito. Ang mga loko naman parang nang aasar pa na aktong yayakapin siya ng mga ito. "Sige, yumakap kayo at pagsasapakin ko kayong mga hayop kayo"banta niya sa mga ito. "Mr. McDaniel, may ideya ba kayo kung sino ang pwedeng gumawa nito sa inyo?"tanong muli ng pulis na kaharap niya. "As of now, wala pa din. Meron lang akong natatanggap na mga death threat thru text messages"sagot nalang niya. "Mr. McDaniel, you better go now. Ako nalang ang bahala sa mga ito"turan naman ng abogado niya. "Its fine attorney Katapatan, mas gusto kong nandito ako. Isa pa hindi na biro ang nangyayari ito sa akin. They want me dead. Now I want to know how's behind this mess"nagpipigil niyang sagot naman sa kanyang abogado. Wala naman nagawa ang abogado niya kaya naman naroon lang siya at pinakinggan ang lahat ng mga sinabi ng mga pulis. Maging ang interrogation sa mga dati niyang body guard at sa mga kasama ng mga ito nandoon din siya kasama ang mga kaibigan niya. Pero wala naman silang nakuhang sagot sa mga ito kasi naman ayaw kumanta ng mga ito kung sino ang nag-utos sa mga ito. "Tsk...ibang usapan na ito. mukhang hindi titigil ang gustong pumatay sayo hanggang hindi ka nadadala sa hukay ah"turan ni Ezekiel sa kanya. Nasa police station pa din sila ng mga kaibigan niya ng mga oras na iyon. Hinihintay nila ang pagdating ng ninong niyang PNP Chief ngayon ng bansa. Nakaabot na din kasi sa kaalaman ng mga magulang niya ang nangyari kaya naman tinawagan ng mga ito ang ninong niya para naman tulungan siya sa bagay na iyon. "Yeah, kahit na mga respected body guards nagawa pa nilang suhulan para lang mapatay ako."naiiling na sagot naman niya sa kaibigan niya. "Hay naku buti nalang ako babae lang ang problema ko"ani Ezekiel na umani ng iba't ibang sermon mula sa mga kaibigan nila. "Tangna mo Turner, kala mo naman kung sino kang gwapo"ani Leigh. "bakit totoo naman ah, gwapo ako"mayabang pang sagot naman ni Ezekiel. "Ulol, ako ang pinakagwapo sa atin apat. Tanggapin mo na 'yon Turner"pangbabara naman ni Leigh sa sinabi ni Ezekeil. Naiiling nalang niya pinagmasdan ang dalawa niyang kaibigan. Pagdating talaga sa kahanginan magkaribal lagi ang dalawang ito. Si Rome lang yata ang matinong kausap sa mga ito bukod sa kanya. "Oh..oh..oh...wag kayong mga feeling. Ako kaya ang pinaka gwapo sa'ting apat"sabad naman ni Rome sa usapan ng mga tukmol niyang kaibigan. Kakasabi pa lang niya na matinong kausap si Rome, pero ngayon binabawi niya na. Mga siraulo talaga ang mga kaibigan niya. Wala ng matino sa kanila, kala mo hindi mga respitadong tao ang mga ito kung mag-usap usap Nasa kalagitnaan ng pagtatalo ang tatlo ng dumating ang ninong niya kaya naman biglang natahimik ang mga kaibigan niya. "Nong"bati niya sa kanyang ninong. Nagmamadali itong umupo sa swivel chair sa harapan nilang magkakaibigan. "How are you now, Lance?"seryosong tanong sa kanya ng ninong niya. "Now, I'm good ninong. Medyo pissed off lang dahil sa nangyari"sagot niya. "Tumawag na sakin ang hepe dito regarding sa kaso mo, ako na ang bahala sa mga taong iyon. Now all our concern is your safety."ani ng ninong niya. "Yes ninong, and even my hired body guard betray me"naiiling niyang sagot sa ninong niya. "I learned about it this morning. Kaya naman pinatawag ko na ang isa sa pinakamagaling sa hanay ng mga pulis" Nakakunot noo naman siya sa sinabi ng matanda sa kanya. Ibig bang sabihin nito ito na ang magbibigay sa kanya ng magiging body guard niya. Well mas okay para sa kanya ang sinabi ng ninong niya, may tiwala naman siya sa mga desisyon nito ngayon para sa kaligtasan niya. Wala na siyang tiwala sa mga security firm ngayon dahil sa nangyari. "Mawalang galang na po sir, pulis na ang magiging body guard ng kaibigan namin?"singit na tanong ni Rome. "Yes, magaling ang isang ito"pagyayabang pa ng kanyang ninong. "Isa?"takang tanong naman niya. Kung iyon ngang dalawa hindi siya naprotektahan pano pa ang isa lang. Sabagay kahit dalawa ang body guard niya noon hindi naman talaga siya prinotektahan ng mga ito kundi kasabwat pa ang mga ito sa tangkang pagdukot sa kanya. "Oo, kahit nag-iisa lang siya kayang kaya niya pabagsakin ang 10 hanggang 15 katao ng mag-isa. Expert sa hand in hand combat, long distance shooting at one of the best sharp shooter in all police."pagbibida pa ng ninong niya. "Whoa"react naman ng mga kaibigan niya. Napataas naman ang kilay niya sa narinig niya sinabi ng ninong niya tungkol sa magiging body guard niya. Bihira naman siyang mabilib sa mga tao pero mukhang nakukuha nan g magiging body guard niya ang paghanga niya kung totoo nga ang lahat ng sinasabi ng ninong niya. "Wow, may ganoong pulis pala. Ang akala ko ang mga pulis pangdisplay lang"exaggerated na turan ni Leigh hindi na nito naisip na PNP Chief of police ang kaharap nila. "Not all police men are like what you said young man, may mga pulis na may dedikasyon sa sinumpaan nilang tungkulin"matiim na sagot naman ng ninong niya. Napatuwid naman ng upo ang mga kaibigan niya sa sinagot ng ninong niya. Naintimidate marahil sa ninong niyang sobrang seryoso na ngayon. Ang mga loko kasi walang pinipiling lugar ng pagbibiro. Bakit ba naging kaibigan niya ang mga siraulong ito. "You will have a very trusted men, Lance. Hindi ka lang niya babantayan isa din siya sa mag-iimbistiga sa kaso mo. And I tell you, isa siya sa pinakamagaling mag-imbistiga ng mga kaso. Baka nga magulat ka nalang mahuli na niya in no time ang mga gustong pumatay sayo."balik sa pagbibida ang ninong niya. Tatangu tango lang siya sa lahat ng sinasabi ng ninong niya. "Makakasama mo siya twenty four seven hanggang sa mahuli ang mga tao na gustong pumatay sayo. Siya na ang bahala sa lahat patungkol sa kaligtasan mo."dagdag pa ng ninong niya. "Kailan po dadating ang bagong body guard ko?"tanong naman niya. As if on cue nakarinig sila ng ingay sa labas ng opisina na parang may artistang pinagkakaguluhan ang mga tao sa labas. Hindi tuloy sila makapag concentrate sa pinag-uusapan nila ngayon. Hindi niya tuloy alam kung narinig siya ng ninong niya sa tanong niya dahil hindi naman sumagot ang ninong niya kundi tumingin din ito sa may pinto na akala mo may hinihintay na papasok doon in any minute. Naaasar naman siya sa ingay na naririnig niya sa labas. Tatayo na sana siya para silipin at pagbawalan ang mga taong nag-iingay sa labas ng biglang bumukas ang pinto at pumasok ang isang babae. Hindi lang isang simpleng babae, isang maganda, maputi at super sexy na babae. She's wearing black summer dress na off shoulder na halos kalahati lang ng hita nito ang natatakpan. Nakashade din ito na naka sunny hat pa na brown na akala mo talaga pupunta lang ng mall ito ngayon at maglilibot. Blond ang buhok nito na maganda ang pagkakaayos na mukhang pinaparlor pa bago ito nagpunta doon. If he will describe this woman in three words, he will say DROP DEAD GORGEOUS. Akala mo isang professional model kung maglakad at tumindig ito. A/N outfit ni Diwata, imagine niyo nalang na naka shades siya ha.. hehe "Sir"anito sabay saludo sa kanyang ninong. Laglag ang kanyang panga sa narinig niyang bati nito. Palihim siyang tumingin sa mga kaibigan niya na mukha din nagulat sa pagdating ng babaeng ito sa harapan nila. Pulis siya?! Hindi niya naisatinig ang gusto niyang sabihin ng tumayo ang ninong niya at gumanti ng saludo sa bagong dating. "Glad you are here now, Demaguiba."nakangiting turan na ninong niya sa babaeng kaharap nila ngayon. "Yes, sir"seryoso naman ang babae na deretso lang na nakaharap sa ninong niya. "Lance, I want you to meet Police Inspector Diwata Mayumi Demaguiba. Your new personal body guard"pakilala ng kanyang ninong sa dalaga. Tuluyan ng nalaglag ang panga niya sa pagkabigla sa sinabi ng ninong niya. Itong babae sa harapan niya ang magiging body guard niya. Noway!!! Himutok niya sa sarili niya. Baka siya pa ang gawing body guard nito kung sakali. Kung titingnan kasi ito mula ulo hanggang paa mapagkakamalan mo naman itong maarteng babae na ayaw masayaran ang ni dulo ng daliri nito ng dumi. Tapos ito ngayon ang magiging body guard niya. "Ninong, baka nagkakamali ka lang?"hindi niya naiwasan na maisatinig ang nasa isip niyang protesta. Doon naman bumaling sa kanya ang dalaga at nagtanggal ito ng shades na tumingin sa kanya na parang sinusukat ang kakayahan niya. Tumaas baba pa ang ulo nito na mukhang tiningnan siya mula ulo hanggang paa. "May problem ka ba sakin boss?"tanong pa sa kanya ng babae. Fuck! Ang angas niyang makatanong. Inis niyang protesta sa sarili niya. "Lance, Ins. Demaguiba is well known in all kind of fighting skills. Oo nga at babae siya pero kaya ka niyang protektahan sa kahit na anong sitwasyon. Isa pa siya lang ang pwede natin ipareha sayo na makakasama mo ng 24/7 na hindi mahahalata ng mga gustong pumatay sayo na isa siyang pulis."paliwanag sa kanya ng ninong niya. "Sir, mukhang ayaw naman po ng subject sakin. Mas magandang iba nalang po ang kunin niyo. Iyong sa tingin ko ay hindi naman siya magmumukhang bakla kung kasama niya ang magiging body guard niya"sagot naman ng babae. Nanlilisik ang mata na tiningnan niya ito. Siya bakla? Bah baka gustong makatikim ng langit ngayon ng babae ito. Kayang kaya niyang buntisin ito kung gugustuhin lang niya. "Ako bakla?"napatayo na siya sa kinauupuan niya. "Hindi ko sinabi na bakla ka. Ang sabi ko kumuha ng ibang body guard si Sir Makaso na babagay sayo na hindi ka magmumukhang bakla"pag-uulit pa nito. Papatulan n asana niya ito kaso pinigilan lang siya ng mga kaibigan niya. "Enough!..nakaplano na ang lahat Lance. You have to accept Ins. Demaguiba as your body guard. And she will start her job today. Now pwede na kayong umalis dito at gawin niyo na ang mga dapat niyong gawin."maawtoridad na pahayag ng ninong niya. Tinapunan niya ng masamang tingin ang babaeng kasama na nilang lumabas sa opisina ng hepe ng pulis sa istasyon na iyon. "Brod kita kita nalang tayo mamayang gabi sa Fortress"ani Rome ng maghiwahiwalay na silang apat sa labas ng presinto. Tumango nalang siya bilang sagot gaya ng iba pa niyang mga kasama. Tumapat na siya sa sariling sasakyan ng makita niya ang babae na nakasunod sa kanya at ngayon ay nakatayo na sa tapat ng passenger seat. Mukhang hinihintay na buksan niya ang sasakyan niya. "What are you looking at?"inis pa din niyang tanong sa babae. "Buksan mo na ang pinto para makaalis na tayo"malumanay na sagot naman ng babae. Kung kanina maangas itong magsalita noong nasa loob sila ng opisina ngayon naman kala mo hindi makabasag pinggan ang pagkilos at pananalita nito. Naguguluhan man siya pero sinunod nalang niya ang sinabi ng babae. Sabay silang pumasok sa loob ng kanyang sasakyan. Nang nasa loob na sila, bigla itong nagsalita. "I will be you body guard kung tayo lang dalawa ang magkasama. Pero kung may kaharap tayo I will be you girlfriend Mr. McDaniel. Its part of my job to disguise as your girlfriend para kahit saan ka magpunta nandoon ako na walang manghihinala. So meaning to say starting today ipapakilala mo ako bilang girlfriend mo sa lahat ng oras. And you have to cooperate, para maging successful ang lahat ng ito at mapadali ang paghuli ng mga gustong pumatay sayo. I have already review your profile, so I know the do's and don't in this situation. Is that clear?"mahapang pahayag nito sa kanya. Napatanga nalang sila at napatitig dito habang nagsasalita ito. wala nga siyang masyadong naintindihan sa mga sinabi nito. Hindi naman kasi ito nakatingin sa kanya kaya malaya niya itong natitigan. Napansin niyang inalis na nito ang shades na suot nito at malikot ang mata nito sa kabuuan ng sasakyan niya. na para bang may hinahanap ito. Hindi nalang niya iyon pinagtuuanan ng pansin. Kasi hanggang ngayon naguguluhan pa sin siya sa nangyayari sa kanya. Pero may isang bagay lang ang tumatak sa isip niya iyon ay magpapanggap itong girlfriend niya. This is insane... reaction niya sa mga naiisip niya. Nagpasya na lang siyang pumasok sa opisina niya kahit na sobrang late na siya sa lahat ng schedule niya. Ang naisip na siyang isama ang babaeng kasama niya. Ano na nga ulit ang pangalan nito, Diwata ba?. Habang nagda-drive siya hindi niya maiwasang lingunin ito tahimik lang ito at deretso ang tingin sa dinadaan nila. Parang nagmamasid lang ito ng kung ano ang maaring mangyari. "Eyes on the road Boss, baka mabangga tayo"nagulat pa siya ng bigla itong nagsalita. Kaya naman bigla niyang ibinaling ang mata sa daan, hindi niya inaasahan na alam pala nitong nakatingin siya dito. Ang weird niya sa totoo lang, hindi naman ito kahit kailan tumingin sa kanya pero alam nito na nakatingin siya dito. Nang makarating na sila sa building ng company niya, agad siyang bumaba at inabot sa susi sa guard para ipark ang sasakyan niya. Dederetso n asana siyang papasok sa loo ng mapansin niya hindi pa bumababa ang kasama niya sa sasakyan niya. kaya naman papilitan siyang bumalik sa tapat ng sasakyan niya. Nagtataka pa nga ang guard ng bumalik siya tapat ng sasakyan niya. Kinatok niya ang bintana katapat ng babae. "Wala ka pang balak bumababa?"nakakunot noo na tanong niya ng ibaba nito ang salamin. "Bakit hindi mo ako ipagbukas ng pinto baby?"nakapout na balik tanong sa kanya nito. Nagulat naman siya sa inakto nito, pero nakabawi naman siya ng maalala niyang magpapanggap nga palang girlfriend niya ito. Kaya siya tinawag na baby nito. So it only means one thing. its action baby...start na ng pagpapanggap niya. aniya sa sarili. Kaya naman kusa niyang binuksan ang pintuan ng sasakyan niya. hindi na siya nagulat ng bigla nalang ikinawit nito ang kamay sa braso niya ng makababa ito sa sasakyan. Lahat yata ng tao nakatingin sa babaeng kasama niya. Hindi na nakapagtataka na makitang gulat ang mga tauhan niya na nakakakita sa kanila ngayon. Kasi hindi naman siya nagdadala ng babae sa company niya. hinihiwalay niya ang personal niyang buhay sa trabaho kaya naman. "Pwede bang lumayo ka ng konti"bulong niya sa babae. "Magboyfriend girlfriend remember"ganting bulong sa kanya ng babae na mas lalo pang dumikit sa kanya. Wrong move men, wrong move. Sobrang lapit na kasi sa kanya nito, na nakaamoy na niya ang mabangong amoy nito. At ang amoy nito ay nagdadala ng kakaibang sensasyon sa kanyang kalamnan. Well lalaki lang naman siya, natutukso din. At isang magandang babae ang kasama niya ngayon. Hindi lang isang magandang babae kundi isang maganda at sexy na babae. Mababaliw yata ako ngayong araw na ito. napailing nalang siya habang naglalakad palapit sa elevator. In just a snap nabago ang takbo ng buhay niya. Nagkaroon siya bigla ng girlfriend. Girldfrien s***h body guard niya. Urgh what a life...    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD