One

2633 Words
One Lance's POV "Sir, tumawag po si Mr. Katakutan. Nagschedule po ulit ng meeting sa inyo"inform sa kanya ng secretary niya. Nag-angat siya ng tingin sa secretary niya na nakatayo sa tapat ng table niya. Napakadami ng mga folder sa lamesa niya hindi na nga niya alam kung ano ang uunahin niya. Hangga't maari sana ayaw niyang maabala siya sa mga ginagawa niya. "Jacob, anong sinabi ko sayo"he looks at him in his most intimidating look. Nakita pa niya kung paano napalunok ito at pinagpawisan sa sinabi niya. "Ahhh..sir...kasi..."kinakabahan na nagsalita ito. "Stop stammering Jacob, now out"utos niya dito. Nagmamadali naman na lumabas ang kausap niya at pinagpatuloy na niya ang ginagawa niya. napakadaming proposal ang nasa lamesa niya at kailangan niyang pag-aralang mabuti ang mga iyon para sa ikagaganda pa lalo ng negosyo niya. Hindi naman likas na mainitin ang ulo niya kaso naman kung ganito kadami ang trabaho niya ayaw niyang maistorbo. Nagpatuloy siya sa lahat ng trabaho niya, wala siyang inaksayang oras para sa araw na iyon. He's so focus in all what his doing. Kaya hindi kataka taka na sa murang edad his one of the youngest successful businessman in the country. Kali-kaliwa ang mga dumadating na opportunity sa kanya para lalong lumago ang negosyo niya. wala yata siyang pinasok na negosyo na hindi siya naging successful. Nakalagitnaan na siya ng ginagawa niya ngayon ng biglang tumunog ang cellphone niya. he got a text message, hindi sana niya papansinin iyon kung hindi sunod sunod ang dating niyon sa kanya. "f**k!!!"mahinang mura niya ng mabasa ang text message niya. McDaniel, humanda ka na araw nalang ang itatagal mo. Is this some kind of a threat to his life. Ito ang unang beses na nakatanggap siya ng ganitong klase na message. Pero hindi siya naintimidate sa natanggap niya. Nainis siya dahil naabala siya sa ginagawa niya. Hindi naman siya natatakot sa mga ganitong klase ng pananakot sa kanya. Naiinis na pinatay niya ang cellphone niya dahil wala pa din tigil sa pagtunog ang cellphone niya. Nang mai-off na niya ang cellphone nagpatuloy siya ulit sa pagta-trabaho niya. Sa sobrang seryoso niya sa ginagawa niya hindi na niya namalayan na gabi na pala ng mag-angat siya ng tingin sa bintana niya. nadistract lang siya ng marinig niya ang mahinang katok sa may pintuan niya. "Sir, may iuutos pa po ba kayo?"tanong sa kanya ng secretary niya. "No, wala na sige umuwi ka na"sagot niya dito. "Sige po sir, ingat po kayo sa pag-uwi"paalam naman nito. Sumasakit ang mata niyang napasandal siya sa swivel chair niya at hinilot ang sintido niya. ngayon lang niya naramdaman ang sakit ng ulo niya sa maghapon na nakadukduk sa sangkaterbang trabaho niya. Pero kahit na maghapon na siya doon na nagtatrabaho parang hindi pa din siya nababawasan ng gagawin. Nangtagal pa siya ng ilang minuto loob ng opisina niya, nang sa tingin niya malalim na ang gabi nagpasya na siyang tumayo at lumabas na ng opisina niya para umuwi na at magpahinga. Habang nagda-drive siya pauwe sa condo niya hindi niya napansin na may sumusunod palang sasakyan sa kanya. Kaya naman nabigla siya ng may nag-overtake sa kanya at biglang hinarang ang sasakyan nito sa kanyang harapan. Buti nalang at naipreno niya agad ang sasakyan niya kundi nabangga niya ang nasaharapan niya. Bababa na sana siya ng makita niya may bumaba ding mga lalaki sa sasakyan na nakaitim at nakaitim ang mga ito may suot ding bonet. Ang malala pa may dalang mahahabang baril ang mga ito. Wala na siyang nagawa ng paulanan siya ng mga ito ng bala. Yumuko nalang siya at pilit na siniksik ang katawan niya sa pinakababa ng sasakyan niya. Ilang Segundo lang ang lumipas at tumigil din ang mga ito sa pagbaril sa kanya. hindi naman siya agad lumabas ng sasakyan niya, pinakiramdaman niya ang paligid niya. Narinig niyang umalis na ang mga ito at iniwanan na siya ng mga ito. Hindi niya alam kung ano ang balak ng mga ito sa kanya. Pakiramdam niya alam ng mga taong iyon na hindi siya napuruhan sa mga bala na pinakawalan ng mga ito. Kaya nagtataka siya sa nangyayari ngayon. Nang masiguro niyang wala na ang mga gustong pumatay sa kanya pinilit niyang umayos ng upo at paandarin ang sasakyan niya. Kailangan niyang makaalis sa lugar na iyon baka biglang bumalik ang mga taong iyon at siguraduhin na patayin na siya ng mga ito. .................. "Brod, hindi maganda ang nangyari sayo"sermon sa kanya ni Ezekeil. Kasama niya ang mga kaibigan niya, pagkagaling niya sa police station dumeretso siya sa hang out place nilang magkakaibigan. Apat silang magkakaibigan at lahat sila may sinasabi sa buhay. Hindi naman sa pagmamalaki lahat silang apat ay mga young billionaire na ngayon sa edad palang ng 26 years old. Siya may pinamanage sa kanya ang mga magulang niya na mga negosyo at napalagula niya ang mga iyon sa pagsisikap niya. ganoon din ang mga kaibigan niya na nagsumikap din sa kanya-kanyang negosyong namana din sa mga magulang ng mga ito. "Lance, buhay mo ang nakataya dito. You better be careful. "dagdag pa ni Rome. "Yeah, kaya nga pinaiimbestigahan ko na ang nangyari"sagot naman niya. Kahit naman nanggaling siya sa ganoong klase ng pangyayari sa buhay niya. hindi pa din niya pinakita na apektado siya ng nangyari. Kailangan niyang ipakita na walang epekto sa kanya ang nangyari. Kung ipapakita niya na sobra siyang naapektohan mas lalo pa siyang lalapitan ng mga guston g gumawa ng hindi maganda sa kanya. "Kumuha ka kaya ng body guard"suwesyon naman ni Leigh. "I'm thinking of that."sagot niya bago inisang lagok ang alak na nasa baso niya. "Grabe, ano sa tingin mo ang dahilan ng lahat ng ito?"pagkuwa'y tanong sa kanya ni Leigh. "Ano ka ba naman Leigh, para kang hindi nag-iisip. Natural dahil sa negosyo, kilala mo naman itong si Lance bilang TIGRE sa negosyo. Malamang may nakakumpitensya na naman siyang big time."si Ezekiel ang sumagot. "Is that true Lance?"tanong naman ni Rome. "I don't have any idea"nailing naman na sagot niya. Maaring tama naman ang kaibigan niya sa sinabi nito. nitong mga nakaraang araw kasi madami siyang nakabanggang mga negosyante din sa mga huling bidding na pinuntahan nila para sa mga ipapatayong mga beach houses and resorts sa iba't ibang parte ng pilipinas. Marun din kasi siyang mga pinatanggal na nga board of director niya sa mismong company niya. Kapag hindi kasi niya nagustuhan ang ugali ng kasosyo niya kahit pa malaki ang investment nito sa kumpanya niya pinapaalis niya na ang mga ito. Kilala nga siya bilang 'The Tiger' sa business world sa sobrang tapang niyang makiharap sa mga tao. Well ang sa kanya lang kung wala siyang pakinabang sa isang tao hindi na niya ito kailangan pa bakit pa niya ito pakikiharapan ng mahusay. At kung ayaw niya ang isang tao ayaw niya talaga ang mga ito. Kaya mabibilang sa kamay ang mga totoo niyang mga kaibigan. "Isa lang ang masasabi ko brod, extra careful"paalala sa kanya ni Rome. Hindi naman sila nagtagal sa lugar na iyon kasi kinabukasan may pasok pa silang lahat sa kanya kanya nilang kumpanya. Nagderetso siya sa condo niya, himala nga na wala ng tumamban sa kanya ng pauwi siya sa condo niya. Nakapagpalit na siya ng damit pantulog ng maalala niya ang cellphone niya. hinanap niya ito at nang makia niya nagtaka pa siya kung bakit nakapatay ang cellphone niya. Nang nabuhay na niya ito, sunod sunod na may dumating na message sa kanyang inbox. Karamihan sa mga message na natanggap niya ay mula sa isang hindi kilala number. Kaya naman nakakunot ang noo na binasa niya iyon. Napamura siya ng mabasa niyang message. Umurong na ba ang tumbong mo McDaniel. Sa susunod sa ulo mo na tatama ang mga bala. At sisiguraduhin kong sa sementeryo na ang deretso mo. Doon niya lang naalala ang lahat ng nangyari kaninang umaga. Ang natanggap niyang text message din na nagbabanta sa buhay niya. Pinaghambing niya ang number ng naunang nagtext sa kanya at sa huling message na natanggap niya. magkapareha ang mga iyon. Sinubukan niyang tawagan ang number na nagtext sa kanya pero hindi na niya iyon makontak. "f**k, sino ka bang hayop ka?"gigil niyang naibato ang cellphone niya sa kama niya. Kahit pagod siya sa maghapon na iyon hindi siya nakaramdam ng antok. Kaya naman magdamang siyang nag-iisip kung sino ang gagawa ng ganitong bagay sa kanya. .................................. Diwata's POV Madaling araw pa lang gising na siya at nag-e-exercise na siya pangpakundisyon sa katawan niya para sa maghapon niyang trabaho. "One hundred ninety-nine...two hundred"pagtatapos niya sa bilang ng pagsi-sit-ups niya. New record niya iyon ngayon. Dati kasi hanggang 150 lang ang kinakaya niya o lalagpas lang ng kaunti doon pero ngayon naka200 na siya. Kaya naman achievement ito para sa kanya ngayon araw. Pawisan tumayo siya at inabot ang kanyang bimpo para punasan ang pawis sa kanyang mukha at leeg. Pagud na uminom siya ng tubig mula sa mineral water na nasa tabi lang ng bimpo niya. "Hey, an gaga mo naman yatang natapos?"nagulat pa siya sa boses na bigla nalang nagsalita sa tabi niya. Nang lingunin niya ito nakita niya si Andres, ang nakakatanda niyang kapatid. "Kuya naman nanggugulat ka"nakasimangot na sagot niya sa kapatid. Tinawanan lang siya nito at nagsimula ng magjogging sa thread mill nila. May mini gym kasi sila sa loob ng bahay nila, pinagtulungan nilang magkakapatid na makabili sila ng mga gamit nila para may magamit sila sa pag-e-exercise. "Asan si kuya Dom?"hanap niya sa isa pa niyang kuya. Tatlo lang silang magkakapatid, at lahat sila mga pulis gaya ng nanay at tatay nila. So matatawag na isa silang pamilya ng mga pulis. "Baka tulog pa"sagot ng kapatid niya. Nailing naman nagpatuloy siya sa pag-e-exercise niya kasanay ang kapatid niya. Nang matapos siya sa pag-eehersisyo agad na siyang nag-ayos para pumasok na sa trabaho niya. Pagbaba niya sa kusina nila nakaluto na ang nanay niya at naghahain na ito ngayon ng agahan nila. "Nay, magandang umaga po"masayang bati niya sa ina niya. "Magandang umaga din"bati sa kanya ng ina. Hindi naman nagtagal dumating na din ang mga kapatid niya at ang ama niya. "Magandang umaga po Tay"bati niya sa ama niya. "Magandang umaga din" Ganito sila palagi sa umaga sabay sabay silang mag-aagahan bago sila papasok sa mga kanya kanya nilang trabaho na mag-anak. Dahil sa agahan lang sila nagkakasabay sabay na kumain sa bahay nila. Kahit naman pare-parehas sila ng trabaho iba iba naman ang istasyon na pinapasukan nilang lima. Iba iba din ang mga hinahawakan nilang mga trabaho. "Anong balita sa hawak mo na kaso ngayon Diwata?"tanong sa kanya ng kanyang ama. "Malapit na po namin mahuli 'tay. Ilang surveillance pa siguro bago kami mag-entrapment operation para mahuli na namin"sagot naman niya. "Hmmm, mukhang mapo-promote ka ngayon"biro ng kapatid niyang si Dominador. Inirapan niya ito, alam naman ng mga kapatid niya na hindi pabor sa kanya ang hepe niya kaya kahit yata magpakamatay siya sa kakatrabaho hindi siya basta basta mapo-promote ngayon. "Buti sana kung kavibes ni Diwata ang Hepe niya"ani naman ni Andres. "Insecure lang iyon sayo anak"ani naman ng ina niya. "Salamat po 'nay. Alam ko naman eh talagang hindi ako gusto ng Hepe ko"sagot niya. "Basta gawin mo lang ang trabaho mo, hayaan mo siya sa gusto niya"ani naman ng ama niya. "Ang mahalaga anak wala kang tinatapakan na kahit na sino para umangat sa posisyon mo ngayon"dagdag pa ng kanyang ina sa sinabi ng ama niya. Tumango nalang siya sa mga pangaral ng kanyang mga magulang sa kanya. Nang matapos silang mag-agahan naghiwahiwalay na silang mag-anak para pumasok sa mga trabaho nila. Sinalubong naman siya ng partner niya pagdating na pagdating pa lang niya sa istasyon nila. Kabababa pa lang niya ng sasakyan niya sinalubong na siya nito ng tanong. "Boss, bakit ngayon lang kayo kanina pa kayo hinahanap ni hepe."salubong sa kanya nito. "Ano ka ba naman, De gracia. Ang aga pa naman ah, hindi pa naman ako huli sa oras ng pasok ko"sagot nalang niya dito. "Mainit ang ulo niya, Boss"bulong sa kanya nito ng makapasok na sila sa loob ng istasyon nila. Nailing nalang siya at nagderetso nalang siya sa loob ng opisina ng Hepe nila. Kung ano man ang sermon nito sa kanya ngayong araw wala naman siyang magagawa kundi ang sundin nalang ang sasabihin o iuutos nito ngayon. "Sir"bati niya sa hepe nila kasabay ng pagsaludo dito. Tinitigan lang siya nito at hindi man lang tinitugon ang saludo niya. hindi din siya nito sinasabihan na ibaba na niya ang kanyang kamay. Gusto niyang sungitan ito pero hindi naman niya magawang sagutin ang kanyang Hepe, pinangaralan pa naman kasi siya ng mga magulang niya na igalang ang mga nakakataas sa kanya. at nagkataon naman na Hepe niya ito kaya hindi niya ito magawang tarayan. "Ilang araw na kayong nagsu- surveillance sa kasong hawak mo hanggang ngayon wala pa din akong nakikitang resulta"pagalit nito. Hindi siya sumasagot hanggat hindi nito sinasabi na ibaba niya ang kamay niya na nakasaludo pa din dito. "Dimaguiba, I want a result now. Kung hindi kaya ng team mo ang trabahong ito sabihin mo lang at ipapasa ko sa mas may kakayahan na hawakan ang operasyon na ito. hindi iyong nagsasayang lang tayo ng pera na pinapasweldo sa inyo. You may go"galit na sermon nito sa kanya. Ibinaba na niya ang kamay niya at magalang na nagpaalam siya sa kanyang hepe. Bagay na bagay ang apilyido ng hepe niya sa itsura nito ngayon. Katakutan. Nakakatakot naman kasi ang itsura nito, parang dragon na nakalunok ng palakang kaya hindi makapagbuga ng apoy. Nagwawala ang Hepe niya ng wala naman basehan, mukhang hindi pa nito pinag-uukulan ng pansin ang kanyang mga report. Kung babasahin naman kasi nito ang report niya na pinasa niya sa tanggapan nito malalaman nito na okay naman ang lahat ng trabaho niya. "Boss, anong sabi sayo ni Hepe?"ninenerbiyos na tanong sa kanya ng partner niya. "Tawagin mo ang tropa, magmi-meeting tayo" nanggigigil niyang utos dito. Dumiretso naman siya sa kanyang sariling opisina at doon hintay ang mga tauhan na kasama niya kasong hinahawakan niya. At habang hinihintay niya ang mga kasama niya nag-iisip na siya ng maaari niyang gawin para masunod niya ang sinasabi ng Hepe niya sa kanya. Sa lahat pa naman ng ayaw niya ay iyong pinagdudu-dahan siya sa ginagawa niya. Kulang na ngalang magpakamatay na siya sa kakasunod sa mga taong huhulihin nila para naman lang magustuhan ng Hepe niya ang trabaho niya tapos sasabihin nito na hindi niya kaya. Hindi naman kasi porket babae siya eh mamaliitin na nito ang kakayahan niya. Iyon kasi ang dahilan kung bakit naiinis sa kanya ang Hepe niya. Babae kasi siya at sa murang edad niya ang bilis ng pag-angat niya sa estado ng rango niya sa pagkapulis niya. Sa sobrang dedikasyon niya sa trabaho kaya naman naabot niya ang rango niya ngayon. Samantalang ang hepe niya ilang tanong ang ginugul nito marating lang ang posisyon nito ngayon. Actually kinatandaan na nito ang trabaho, kung hindi pa nga yata ito matanda baka hindi pa nga ito magiging hepe. Kung ililista lang ang mga nagawa niya sa nagawa ng hepe niya mas madami pa nga yata siyang nagawa kaysa dito eh. "Boss, nandito na kami"tawag pansin ni Reyes. Nang mag-angat siyang mata niya nakita niyang kompleto na ang mga tauhan niya sa loob ng opisina niya. "Okay, humanda kayo ngayon gabi natin gagawin ang plano natin na paghuli sa mga hinayupak na drug pusher na iyan"nanggigigil n autos niya sa mga ito. Nakita niyang natuwa ang mga ito sa kanyang sinabi. Alam naman niyang iyon lang ang hinihintay ng mga ito. Gaya kasi niya mataas ang adrenalin rush sa katawan kapag nakarinig ng salitang operation. Ibig sabihin kasi sa kanilang mga pulis, may bakbakan na silang pupuntahan. At iyon ang gustong gusto nilang mga pulis. ...............
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD