Prologue

346 Words
"Matagal ka ng sinusubaybayan ng mga tauhan ko para mahuli ka sa akto. Lulusot ka pa talaga ngayon."gigil niyang pinagtutulak ang nahuli niyang isang drug pusher sa isang barangay di kalayuan sa bayan nila. Kakatapos lang ng isang entrapment operation nila para sa mga gumagamit ng ipinagbabawal na gamot. At isa sa mga pakay nila sa lakad na iyon ay ang mahuli ang isa sa mga bigatin na nagbebenta nito. "Inspektor Dimaguiba kami na pong bahala dito"ani ng isa sa mga tauhan niya. Tinanguan lang niya iyon at ibinigay ang nahuli sa mga ito. Nagpatuloy naman siya sa paglalakad hanggang sa makarating siya sa police mobile na sinakyan niya patungo sa lugar na iyon. Pabalik na siya sa istasyon ng may tumawag sa kanyang hindi kilalang number. "Hello"sangot niya sa tawag. "Good evening Inspector Dimaguiba, these is PNP Chief Makaso. May I speak with you for a minute"sagot naman ng nasa kabilang linya. Pagkarinig pa lang ng salating general bigla niyang naapakan ang preno ng sinasakyan niya. Buti nalang wala siyang kasunod kundi nabunggo na siya sa ginawa niya. "Sir!"napasaludo pa siya sa sobrang gulat. Ikaw ba naman kasi kausapin ng PNP Chief of Police hindi ka mabibigla. Kahit pa nga hindi ito nakatingin sa kanya mapapasaludo ka talaga ng wala sa oras. "I want you to report in my office immediately. If possible tomorrow morning your at my office"maawtoridad na utos nito. "Sir yes Sir"sagot naman niya agad. Iyon lang ang sinabi sa kanya ng kausap at pinagpatayan na siya ng tawag nito. Nagtataka na pinagmasdan niya ang cellphone niya matapos ang makikipag-usap niya sa Boss nila. Hindi siya makapaniwala na nakausap niya ang PNP Chief nila. Isa lang naman siyang hamak na provincial police. Ano naman kaya ang nagawa niya at bakit siya pinapatawag nito sa office nito. At bukas na agad ang gusto nitong pakikipag-usap sa kanya. Isang malakas na busina ang narinig niya mula sa likuran niya ang nagpabalik sa wisyo niya. Napapailing nalang siyang nagmaneho pabalik sa office nila. Pero hindi mawala wala sa isip niya ang tawag na natanggap niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD