Chapter 15

3351 Words
NECKLACE "I'm sorry." Sambit niya pagkalipas ng ilang sandaling katahimikan. "I'm insensitive a while ago. Hindi ko na inisip ang mararamdaman mo." Umiling ako. "Hindi. Okay lang. Kasalanan ko naman talaga. Hindi ko kasi sinabi sayo." "No, it wasn't okay. You don't need to do this. Maiintindihan ko naman kung magagalit ka sakin. Please, don't try harder just to always take my side, Rain." Ngumiti ako, walang halong pagkukunware. I even directly looked at his eyes just to make sure that he would feel my sincerity. "Bakit naman ako magagalit sayo? Wala akong nakikitang rason para gawin 'yon. I know that something is bothering you but I won't ever force you to tell it to me. I just want you to know that I'm always here, ready to listen and understand you at all cost." His lips parted. Halatang hindi makapaniwala na naririnig niya ang mga bagay na ito mula sa akin. I even saw how his pair of eyes shadowed with guilt so I smiled. Pinakita sa kanya na okay lang talaga at hindi dapat ganyan ang mararamdaman niya ngayon. "The food is getting cold. We should eat." I suggested, trying to lightened up the mood. Kinuha ko na rin ang tinidor at kutsilyo para simulang hiwaan ang sticky pork na inorder ko. Sinubo ko ung nahiwang piraso at marahan itong nginuya. All this time na ginagawa ko iyon, wala siyang ginawa kundi panuorin ako. Saka ko lang siya sinulyapan nang sumimsim ako sa juice ko. "Give me the restaurant bill." Natigilan ako sa sinabi niya. Pasimple akong nag-iwas ng tingin dahil ramdam ko na kung saan papunta ang usapang 'to. "It's already paid." "Then your bank number? I'm not going to let you pay it all." "Hindi rin naman ako papayag na bayaran mo ko. I'm the one who plan this dinner kaya please, hayaan mo na ko rito." I almost pleaded. Tumikhim siya. Halatang ayaw pumayag sa gusto kong mangyari. I remained firm though kahit pinaningkitan niya pa ko ng mata. Sa huli, wala naman siyang nagawa kundi hayaan na lang ako sa naging desisyon ko. Sinimulan niya na rin galawin ang kanyang pagkain pagkatapos. "Kung kailan naman wala kong dalang sasakyan saka naman umulan." Iritadong reklamo ni Aki habang matalim na pinapanuod ang pagbuhos ng ulan na akala mo'y matatakot ito sa kanya at maisipang huminto. "Hihinto rin yan." Alu ko sa kanya pagkuwa'y kinagat ang ibabang labi ko para pigilan ang pagngiti. Para kasi siyang bata eh. However, I can't blame him for acting this way. Kahit ako hindi maintindihan kung bakit bigla na lang umulan. Kanina kasi tirik na tirik ang araw kaya nakampante kami sa loob ng mall na walang mangyayaring inconvenience sa plano naming pagkocommute sa pag-uwi. Wala ang BMW niya dahil pinapalitan niya ng kulay. Nagpahatid lang siya kay Darius kanina kaya nakarating siya rito. Ako naman kay Manong Dan. Nanuod lang kami ng movie sa cinema then tingin-tingin sandali sa mga boutique pagkatapos ito na ang nangyari pagkalabas namin. "Sana hindi na huminto ang ulan." "Agree. Minsan lang tayo makatyempo ng gwapo kaya sana hayaan muna tayo ni Lord na lubus-lubusin ang chance na 'to." "Saan kaya siya nag-aaral?" "Baka sa Wes-U, MIU o Penuela? Mukhang mayaman eh." Kunot noo kong nilingon ang nag-uusap. Hindi naman sa nag-ieavesdrop ako sa usapan. Medyo obvious kasi kung sino ang tinutukoy nila. At hindi nga ako nagkakamali. Nadatnan ko ang dalawang teenager na tumatagos ang tingin kay Aki na para bang hindi ako nakaharang. Saka ko lang din napansin na majority ng mga babae na nandito sa waiting area ay nakatingin din sa boyfriend ko. Sinulyapan ko si Aki na halatang walang alam na pinagtitinginan siya. Diretso lang ang tingin niya sa harapan and it puts me in ease. Having a snob boyfriend is indeed a great privilege. "I don't think the rain will stop soon. Pasundo na muna tayo kay Darius. Sa condo niya na lang tayo magstay pansamantala." Paalam niya pagkaraan ng ilang sandali na sa tingin ko hindi na kailangan ng permission ko. Kinuha niya na kasi ang kanyang phone sa bulsa at nagsimulang tawagan ang pinsan. "Pasundo naman, Darius." Hindi nakaloudspeaker ang tawag pero aware akong kausap niya na ang pinsan. "Dito pa rin naman sa Megamall. Sa pinakaharap." Tinigil ko ang panunuod kay Aki at binaling ang tingin sa baba. Ni hindi na namalayan na pinapanuod ko na pala ang pagbagsak ng ulan sa sementadong sahig ng kalsada. "Alright. We'll wait you here." Nakita ko ang pagbaba ni Aki sa phone niya mula sa peripheral view ko. Saka ko lang siya tinignan nang magsalita siya. "He's going to be here within ten minutes." Matipid na tungo lang ang tinugon ko sa kanya pagkuwa'y ipinagpatuloy ko ang panunuod ng mga dumadaang sasakyan. Maya-maya lang, naramdaman ko ang pagsakop ng mainit na palad sa aking kamay. Bumagsak ang mata ko roon kasabay ng pagsiklop ng daliri ni Aki sa akin. Pagkatapos pinasok niya ito sa bulsa ng jersey jacket niya. A ghost smile escaped from my lips. Hindi ko alam kung nakita niya iyon dahil nasa harap na siya nakatingin. Halatang tinatanggi ang pagiging clingy niya. Though hindi ko na siya tinukso pa. Umuulan pa naman. Mamaya umuwi akong mag-isa kapag napikon siya. Katulad ng sinabi niya, dumating nga si Darius pagkalipas ng ilang minuto. Medyo malayo sa kinaroroonan namin ang puwesto na hinintuan ng sasakyan kaya kailangan pa naming tumakbo ni Aki para lang makapunta roon. Bahagya ko pang narinig ang pagpuri ng mga babae sa boyfriend ko bago ako tuluyang nakapasok sa loob. Inayos niya pa kasi ang dress ko na medyo umangat ang laylayan dahil sa pagtakbo namin. Pagkatapos hinubad niya pa ang suot na jacket at ipinatong sa aking ulo para di ako mabasa ng ulan. Syempre kinilig ako pero mas nangingibabaw pa rin ang pag-aalala ko sa kanya. Mamaya siya naman itong magkasakit. "Saan tayo, Boss?" Si Darius na nilingon pa talaga kami sa passenger seat para tuksuhin. "Mariposa, VC o SOGO?" Sinimangutan ko siya habang ang katabi ko naman, hindi na siya pinagtuonan pa ng pansin. Abala kasi ito sa pagpupunas sa sarili. "Bakit pa kasi nagdidate kung maghihiwalay din naman." "Bakit pa kasi nagsasalita kung wala namang magandang sasabihin." "Woah Kitten! Ginaganyan mo na ko ah. Pagkatapos kitang puntahan kahit ang lakas ng ulan." "Sinusumbatan mo na ko ganon ba? Sa pagkakatanda ko, ito pa lang ang unang beses na humingi ako ng pabor. At alam mo bang hindi pa 'to umabot sa 1% na ginawa ko para sayo." "Sabi ko nga, hindi na ko magsasalita." Umiwas ng tingin si Darius mula sa rear view at nagkunwareng focus sa pagmamaneho. Humalukipkip naman si Aki at binaling ang malamig na tingin sa labas. At ako, naiistress habang pinapanuod ang dalawa na parang bata kung magbangayan. Naguguluhan na talaga ako sa sistema nila. Hindi ko alam kung bakit sa tuwing kaharap ko sila, wala akong naririnig kundi away at asaran. Eh ilang beses ko na silang nakitang maayos kapag ibang tao ang kaharap nila. Hindi ko tuloy maiwasang mag-isip na baka sinasadya talaga nila. Ilang minuto rin akong nanunuod sa mabilis na pagkupas ng mga tanawin sa labas. Natigil lang ako dahil sa bahagyang pagliko at pagpasok ng sasakyan sa ground floor. Naunang lumabas si Aki na sinundan ko pagkahinto ng sasakyan sa parking space. Sandali pa kaming tumayo sa gilid para antayin si Darius na may inayos pang kung ano sa loob. Then sabay-sabay naming tinungo ang kinaroroonan ng elevator at sumakay. "Hindi mo sinabing may kasama ka?" Kunot noong puna ni Aki sa tawanang sumalubong samin pagkapasok sa loob ng condo unit ni Darius. "Hindi ka naman nagtanong." Ngisi ng pinsan niya saka tumuloy ito sa pagtungo sa sala. Hindi na nasaksihan ang marahas niyang pagsinghap. It seems that Darius' condo was small in front but the moment I stepped out from corridor, I was amazed by its vastness. Sa lubog na oval sala pa lang na may tatlong arc C-shaped sofa, mapapatanong ka na lang kung condo pa ba 'to? Parang sala na kasi ng mansion eh. Pansin ko rin na tatlong kulay lang ang ginamit mula sa furnitures at fixtures, sa pintura ng pader, kisame at mga pintuan. Bukod sa mga artificial na halaman na nakaposisyon sa sulok-sulok, may mga paintings din na nakadikit sa pader. Medyo pamilyar sakin ang iba. Hindi ko na nga lang nausisa ng maigi dahil sa bahagyang pagbati kay Aki ng isa sa anim na bisita ni Darius. "Achilles bro! Good to see you. Balita ko lumalovelife ka na ah." "Gago! Huli ka na sa balita. Magpapakasal na sila." Sabi naman ng isang lalaki na katabi ni Aris na bukod tanging kilala ko sa anim na bisita. 'Yung dalawang lalaki at tatlong babae ay hindi talaga pamilyar sakin. Kaya ayokong sumama kapag nagyayaya si Darius magnightclub. Ang dami kasing kasali sa circle of friends niya. I wonder kung natatandaan niya pa ang mga full name ng mga ito? "Lmao! Huli na talaga ko kung tapos na maghoneymoon." Pagkatapos napadako ang tingin niya sakin. Nag-iwas agad ako nang makita ang mapanukso niyang pagpasada sakin. Natigil lang siya dahil sa banta ni Aki. Kasabay ng pagtawa niya na sinundan ng mga kasama, bumaling sakin si Aki. "Umupo ka na do'n." Muwestra niya sa isang sofa kung saan nag-iisang nakaupo si Darius. "Sampay ko lang 'to sa loob." Tukoy niya pa sa jacket na hawak. Pagkatungo ko, nagsimula na siyang maglakad patungo sa pinto ng isang kwarto. Hindi ko na siya nasundan pa ng tingin dahil bumaba na ko sa tatlong hakbang na hagdanan para makapunta sa sofa. Saka ko lang din napansin na may tatlong bote ng Black Label sa center table kasama ng mga barbecue no'ng nakaupo na ko. "What was her name again?" Usisa ng babaeng kanina ko pa napapansin na madilim ang tingin sakin. "Rain Arguelles." Sagot ni Darius. Halatang hindi masyadong attentive sa sinasabi. Mas nakatuon kasi ang atensyon niya sa hawak na phone na nakalog in sa ML. "Rain Arguelles?" Ulit niya pagkuwa'y panandaliang natigilan. Napagtanto kong inalala niya pala ang pangalan ko nang marinig ang sumunod niyang sinabi. "Ow! Siya ba ung sinasabi ni Thalia na pavictim complex?" "Erika!" Saway ng katabi niya na ikinairap at ikinahalukipkip niya lang. "Be careful, babe! Arguelles pa naman ang apelyido. Mamaya anak 'yan ng CEO ng AGS Co.." Tawa ng lalaking katabi ni Aris. "Mga babae talaga! Masyadong ma-issue kapag hindi nakukuha ang gusto." Komento naman ng isa pa. "What was it?" Si Aki na kakalabas lang ng kwarto habang ang tingin ay sa mga kakilala na nasa dalawang sofa. "Wala naman. Girls talk." "So babae ka na pala ngayon?" Sarkastikong balik tanong ni Aki. Imbes na maoffend ang lalaki, naiiling na lang itong tumawa. Sanay na siguro sa attitude ng kaibigan. Umusog ako ng konti nang makitang pababa na si Aki ng hagdanan. Dumiretso siya sa kinaroroonan namin at huminto lang nang sa harapan ko na siya. "Coffee?" Aniya kasabay ng pagsalubong niya sa panititig ko. Ngumiti ako at umiling. Hindi naman kasi ako nilalamig o nagugutom since kakameryenda lang din namin kanina sa mall. Hindi niya na naman ako pinilit. Umupo siya sa bakanteng puwesto na pinapagitnaan namin ni Darius pagkatapos. "Five man tayo." Yaya pa sa kanya ng katabi ni Aris na hanggang ngayon ay hindi ko alam ang pangalan. Hindi man lang kasi sila nagbabanggit ng name nila kapag nag-uusap. Naiintindihan ko naman dahil magkakilala silang lahat. Tumungo si Aki at nagsimulang i-open ang app ng ML. Binilin niya pa sakin na kapag nabored daw ako, sabihin ko lang daw at titigil siya sa paglalaro. Hindi niya rin ako pinilit na makipuwesto sa tatlong babae na kasama namin since alam niyang hindi ako mahilig makisali sa mga taong hindi ko naman kilala. Two minutes lang ata ang tinagal ko sa panunuod sa kanya na maglaro. Hindi naman kasi ako makarelate. Nagpasya na lang ako na kalikutin ang sarili kong cellphone at pumunta sa google para magsearch ng mga bagay na related sa program ko. Isang oras na ang lumipas nang makaramdam ako ng pangangailangan sa restroom. Tinitigan ko si Aki para makuha ang atensyon niya. Nagtagumpay naman ako. Nilingon niya ko, kunot ang noo. "Restroom." I mouthed. Hindi naman kasi pwedeng buksan ko ang pitong pintuan sa paligid para lang hanapin ang restroom kaya tinanong ko na lang. Tinuro niya naman agad gamit ang mata. Ngumiti ako para ipakita sa kanya na naintindihan ko at bilang paalam na rin. Tumayo ako at ginawa na ang kailangan kong gawin. Katulad sa sala na red, black at white ang bumubuong kulay. Ganon din ung restroom. Sandali lang ako sa loob dahil umihi lang naman ako. Lumabas na rin ako nang matapos. "Your sister is calling." Inform sakin ni Aki pagkabalik ko. Napadako agad ang tingin ko sa aking phone na nakalapag sa sofa. Nadatnan ko ang nakapatay na screen nito kaya panandalian pa kong nagtaka. Tumambad sakin ang 'missed calls' sa pagbukas ko. It was from Ate Autumn. I'm about to press the home to unlock my phone when her picture suddenly popped up. Kasunod nito ang pagring. Sa halip na sagutin ang tawag, hinayaan ko na lang na matapos ang dialling. Ito ang dahilan kung bakit tiningala ako ni Aki at sinulyapan ng iba pa naming kasama. "Ba't di mo sinagot?" "Malalaman niya kasi na wala ako sa bahay." I honestly answered at Aki. "You can answer it there." Muwestra niya sa isa pang pinto. May pag-alinlangan ko iyong sinilip. "Kahit audio call lang. Mamaya urgent pala 'yang tinawag ng kapatid mo." He was right. Minsan lang din kasi tumawag sakin si Ate Autumn kaya baka importante ang sasabihin. Binalingan ko si Darius para hingin ang kanyang permiso. He just shrugged his shoulder like hindi big deal sa kanya kung maglabas-pasok man ako sa mga kwarto ng condo niya. Kaya sa pangalawang beses, binagtas ko na naman ang pathway na dinaanan ko kanina. "Ate!" Nasarado ko na ang pinto nang sinagot ko ang tawag. Mabilis kong pinasadahan ang kabuuan ng kwarto habang nakikinig sa sinasabi ng kausap sa kabilang linya. [Did I bother you? I'm sorry. May ipapasuyo lang sana ako sayo. I might forgot if I won't tell it to you right now.] Agad kong napagtanto na library ang napasukan ko kahit dalawa lang naman talaga ung bookshelf. May sofa set din na pa-L ung pagkakaayos. The room has the minimalist theme and I guess, its highlight was the glass square wall that shows beautiful view of skyscrapers. Nagsimula akong maglakad para pumwesto rito. Kung hindi lang umuulan, siguro masasaksihan ko pa ung paglubog ng araw mula sa kinaroroonan ko. Unfortunately, it was. At wala pa atang balak na tumigil. "Hindi naman, Ate." Iling ko kahit hindi naman makikita ng kapatid. "What was it anyway?" [Natatandaan mo ba ung binigay satin ni Kuya no'ng seven pa lang tayo?] "Yung anklet ba na galing Germany?" [Yes. Hindi ko na kasi matandaan ung designs na nakaukit sa jade. I leave it in my box inside my closet as I clearly remembered. Can you bring it with you when you come here?] "Oo naman, Ate. Walang problema." [Thanks, Szcharina! Ginawa ko kasi siyang subject sa isa kong painting dahil naalala ko na maganda ung embellishment. The big problem is I totally forget the details.] She explained further and chuckled in demure manner. Ngumiti ako. "Ang bilis mo ng makalimot. Sign of aging." [Oh come on! If I turns into a white hair woman, you were as well.] Ganti niya sa biro ko pagkatapos sabay kaming natawa. Sinundan ko pa ulit iyon hanggang sa hindi ko namalayan na napatagal na pala ang pag-uusap namin. Siguro dahil ito lang ang natatandaan ko na nag-usap kami ni Ate Autumn na puro biro at tawanan. Pareho kasi kaming may pagkaseryoso lalo na kung tungkol sa studies at career ang pinag-uusapan. [By the way, did Winter chatted you that she was here already?] "Yeah. She did." [How about the reason why she looks depress?] "Hindi niya nabanggit pero baka dahil kay Tita. Di ba siya ung nagsundo sa kanya?" Nawala ang atensyon ko sa sinasabi nang mahagip ko sa aking balintataw ang pagtabi ni Aki. Nilingon ko siya at nginitian. Hindi pinahalata ang gulat dahil sa biglaan niyang pagsulpot. Ni hindi ko man lang napansin ang pagpasok niya. [Oo nga pala. That must be the reason. Si Tita talaga.] Matipid na ngiti ang tinugon ni Aki kasabay ng pagsandal niya sa salaming dingding. His pair of eyes is on me, watching me talking with my sister. "You know our sister. She always think that people is meddling with her own business even it's just all about the concern." [Yes. We also know that we can't do anything about it.] Matagal din bago ako nakapagsalita. Pinag-isipan ko pa kasi kung paano tatapusin ang tawag. Hindi naman nagdidemand si Aki sa atensyon ko pero ayoko siyang nakikitang naghihintay. "I will send the photo of your anklet, Ate, once I get it to your room." [Yes please.] "Baba ko na pala 'to. See you soon anyway." [Alright. Bye.] "Bye." I nodded then briefly ended the call. Nilock ko ung screen ng phone bago ko hinarap si Aki na umalis sa pagkakasandal. "You still didn't know how long you're going to stay there?" I shook my head. "Hindi pa sinasabi pero hindi naman siguro aabot ng isang buwan." "Mga three weeks ganon?" I pursed my lips when I noticed the sarcasm in his voice. "Maybe." I shrugged. Hindi alam kung bakit pumasok sa kukote ko na asarin siya. Humalukipkip siya. "Why?" "Nothing." "Huwag na lang kaya ako tumuloy." "As if." Suplado niyang sambit na ikinatawa ko ng mahina. Ito ang dahilan kung bakit sumalubong ang dalawang kilay niya. "Anong nakakatawa?" "Wala. I'm just happy to have you as my boyfriend." "And you think, it's going to work on me?" He arched his left brow as he took the space between us. Agad din gumapang ang kanyang palad sa aking baywang. Tinikom ko ang aking bibig at umiling para pigilan ang pagngiti. Kahit alam kong hindi ko naman maitatago ang pagpipigil. Pagkaraan ng ilang sandali, umawang ang aking bibig at agad na inalayo ang mukha kay Aki. He laughed when he saw how startled I was. Mapanukso ba naman kasing hinalikan ang leeg ko! Bigla tuloy nagtayuan ang mga balahibo ko. "Achilles Mirabueno!" Saway ko, tonong nagtatampo at iritado. Sinubukan ko pang tanggalin ang pagkakayakap niya sakin para lang makalayo sa kanya ngunit mas lalo niya lang hinigpitan. "If you just saw how epic your face was in the mirror, honey, you surely laugh hard too." He uttered more in the middle of his laugh. Sumimangot ako at patampong iniwas ang tingin sa kanya. Tumigil siya maya-maya at pinanuod ako habang kagat-kagat ang ibabang labi. Halatang hindi pa rin makamove on sa reaction ko. Ang daya talaga! Dinaan ko lang sa salita ang panunukso, ginantihan niya naman ako ng physical intimacy. "I have something to give at you." He said after a moment of silence. Sinulyapan ko siya at tuluyang binalingan nang makita ang pagiging seryoso niya. Hindi ako nagsalita. Instead I gave him an interrogative look. Tinanggal niya ang dalawang kamay na nakayakap sakin at umatras ng bahagya. Ang kanang kamay ay may kinuhang kung ano sa bulsa ng kanyang pantalon. Napag-alaman kong kuwintas ito nang isusuot niya na sa aking leeg. The silver necklace has a raindrop pendant. Etched on it was the emerald green glittery details. I can't help but smiled. Ang ganda! Sobra. "I like it. Thank you." Then I snaked my arms around his nape and gave him a swift kiss in his lips. It supposed to be that way. Hindi niya lang hinayaang makalayo ang labi ko sa kanya dahil siniil niya agad ako ng halik kasabay ng pagyakap niya pabalik. I briefly kissed him back. The kiss was intense but later on, it became slow and passionate. It was the last kiss for that year and the unforgettable one because right that moment, the rain pours just like my love for him. • • • • • •
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD