TOTALLY
"Gad! Ang gwapo niya talaga!" Kinikilig na puri ni Era sa kanyang pinapanood. Hindi ko na kailangang silipin iyon dahil alam ko na kung sino ang tanging lalaking nagpapakilig sa kanya.
Sumimsim ako sa hawak na orange juice pagkuwa'y inikot ang aking mata sa paligid. Lunes ngayon at unang klase para sa panibagong buwan at taon. Kasalukuyan kaming nakaupo sa isa sa mga bench sa gilid ng football field. Kakatapos lang namin maglunch at nandito kami para magpahangin.
"Hoy! Tulala ka d'yan."
"Huh?" I almost jumped when Era suddenly poked me. Awtomatikong tumaas ang kilay niya ng makita ang reaksyon ko.
"May problema ka ba?" Kuryoso niyang tanong.
Mabilis akong umiling. "Wala."
"Really? Kanina pa kita napapansin na wala sa sarili. Nag-away ba kayo ni Achilles?"
"Hindi naman. Marami lang akong iniisip." Sabay simsim muli sa inumin. Akala ko ay titigil na siya pero hanggang akala lang pala iyon.
Of course Rain, she's Era. Hindi ka na nasanay sa pagiging persistent at enthusiastic niya.
"Katulad ng?"
Umiwas ako ng tingin. Naghahanap ng isasagot sa matanong kong kaibigan.
"Kung bakit...hanggang ngayon wala ka pa rin boyfriend?" I bit my lower lip to avoid myself from smiling teasingly. Ngumiwi siya at bahagyang lumayo.
"Baliw! May boyfriend kaya ako. Ito oh!" Pagkuwa'y pinakita niya sakin ang picture ni Kuya Skyler mula sa kanyang phone. This time, ako naman iyong sumalubong ang kilay.
"He's an artist, Era." I emphasized as if she didn't know it. Humalukipkip siya saka matalim akong tinapunan ng tingin.
"I know pero wag ka namang panira ng trip. Hindi ko nga kayo pinapakialaman d'yan ni Mirabueno kapag naglalandian kayo sa harap ko—"
"Era!" Agad kong saway. Hindi na hinayaan pang ituloy ang pagsasalita niya. Mamaya kasi ano pang masabi niya. Minsan pa naman ang exaggerated niya magreact tapos wala pang filter ang bibig.
"What?" Tanong niya, bakas ang panunukso sa paraan ng pagngisi niya. "Totoo naman eh. Ang PDA niyo kaya."
Pinaningkitan ko siya na may pagbabanta pero mukhang hindi siya natakot. Mas lalo niya lang kasi akong tinukso gamit ang dalawa niyang mata. Sa huli, ako na lang itong naiiling na nag-iwas. Like the usual.
Dalawang buwan na ang nakalipas simula ng magkakilala kami. Hindi ko inaasahan na aabot kami sa puntong bestfriend na ang turing namin sa isa't isa. I thought she's going to leave me the next day or after a week like other people did but she didn't. Since the day we met, she didn't leave me even once. Ako pa nga itong nakakaligtaan siya minsan dahil mas pinopokus ko ang atensyon kay Achilles.
She also told me all her secrets without demanding me to tell mine. I wonder sometimes if she already know me. Kahit isang beses kasi, hindi siya nagtanong tungkol sa personal life ko. Maalam din siya pagdating sa mga tycoons sa mundo ng negosyo kaya inaassume ko na kilala niya ko. But then, the way she talk about Kuya Skyler in front of me proved that she didn't.
"Anyway asan na nga pala ang mga plastic mong kaibigan?"
"Era!" Muli kong saway na ikinairap niya ng marahas. Luminga ako sa paligid para tignan kung nando'n ba ang mga tinutukoy niya o may mga taong posibleng makarinig. Luckily, wala!
Kalmado akong bumuntong hininga at tinignan pabalik ang kaibigan. "Stop it."
She furrowed her brow and gave me a censorious look. "Talaga naman eh. Come on, Rain! Kaya lang naman sila nakipagkaibigan sayo ay dahil boyfriend mo si Achilles. Kapag iniwan ka niya, siguradong iiwan ka rin nila."
Mabilis na bumagsak ang mukha ko ng marinig iyon. Alam ko namang may punto siya at maaari ngang ganon ang mangyari sa huli. Pero ang kaisipang iiwan ako ni Aki, hindi ko ata iyon kakayanin.
"I'm sorry, Rain." She muttered with hint of guilt. Mukhang napansin ang bahagya kong pananahimik. Akala niya siguro nasaktan ako sa pagiging mean niya pero hindi. Nasasaktan ako sa ideyang maaaring tama siya.
Sinulyapan ko siya at inilingan. "No, it's okay."
I even gave her a smile just to assured her that I'm fine. Subalit mukhang hindi siya kumbinsido. Kaya bago pa man siya makapagsalita, inunahan ko na siya.
"By the way, klase na natin maya-maya. Hindi pa ba tayo aalis?"
Pagkatapos tumayo ako at dinampot ang aking bag. Tiningala niya ko at gumugol ng ilang segundo ang kanyang titig. Parang sinusubukang basahin ang nasa isip ko. In the end, she heaved a sigh and stand up as well.
Nauna akong naglakad. Sumunod naman siya ngunit nananatili siyang nasa likuran ko. Nakarating na kami sa loob ng building nang nakasimangot ko siyang nilingon.
"Era, I'm not mad. Okay?"
Salubong ang kilay niya nang pinasadahan niya ko ng tingin. Ngumiti pa talaga ako para lang ipakitang okay kaming dalawa.
"Oo na." Kalauna'y sambit niya, halatang napilitan lamang na sumang-ayon. She walked past me afterwards. Sumunod ako at pinantayan ang paglalakad niya.
Almost half of the population were already in the classroom when we went inside. Kanya-kanyang kwentuhan tungkol sa nakaraang bakasyon. As for me, I can say that last year was the best Christmas and New Year I've ever experienced so far.
Bukod sa kumpleto kaming quadruplets, nand'yan din si Aki para samahan ako sa lahat ng importanteng moments ng buhay ko. Kahit isang beses, hindi ko naramdaman na malayo kami sa isa't isa. Palagi niya kong chinachat, ina-update sa mga gagawin niya katulad ng pagpunta sa condo ng dalawa niyang pinsan para tumambay o uminom, nightclubbing at kapag aattend ng party ng mga kaibigan.
We called each other during our monthsary and Christmas via Skype. Kinailangan ko pa ngang lumabas sa bahay para lang makausap siya. Palagi kasing nakabuntot sakin si Winter kaya hindi ako makatawag sa kanya. Kahit nga pagrireply sa chat, nahihirapan akong makapuslit.
Hindi ko pa nasasabi sa kanila ang tungkol kay Aki. I believe that there's a right time for everything and I don't think, ito ang tamang panahon para roon.
No'ng bagong taon, natupad ang isa sa pangarap ko. Ito ung magkacountdown ako kasabay ng taong mahal ko. Dalawang beses pa nga kaming nag countdown ni Aki. Hindi kasi siya pumayag na ung New Year lang sa Pilipinas ang salubungin namin.
Late ng pitong oras ang England sa Pilipinas kaya sobra talaga kong naflattered sa ginawa niya. Ni hindi siya natulog para lang masamahan ako na magcountdown. May parte sakin na naawa dahil ung mapungay niyang mata, mas lalong bumagsak gawa ng hindi niya pagtulog. He's cute though. Ginawa ko ngang wallpaper ang pic na sinend niya pagkauwi ko rito.
"Oo nga pala, midterm na naman. Hayst! Buti ka pa, di mo na kailangang magreview." Si Era nang madaanan namin ang bulletin board kung saan nakapaskil ang schedule ng exam.
"Hindi naman. Gusto mo group study tayo?"
Pagkatapos naupo kami sa sarili naming upuan.
"Ayoko nga." She immediately answered. Ni hindi man lang pinag-isipan ang sagot. "Magmumukha lang akong chaperone sa inyong dalawa ni Achilles."
Kumunot ang noo ko. "Ano ba 'yang pinagsasabi mo? Library ang pupuntahan natin. Saka hindi ko pa naman sinasabi kay Aki ang tungkol do'n."
"Maniwala sayo." Irap niya, halatang hindi naniniwala na hindi ko pa nasasabi kay Aki ang pinaplanong group study. Kahit 'yon naman talaga ang totoo. Hindi ko tuloy maiwasang magtanong na ganon na ba ko kadependent kay Aki?
Afterwards, humiga si Era sa arm desk niya at pumikit. Mataman ko siyang pinanuod habang nag-iisip kung paano ko siya makukumbinsi na mag-aral. Feeling ko kasi, gumagawa lang siya ng dahilan para hindi makasama. Ako ung naiistress sa pagiging magulo niya. Palagi siyang nagrereklamo na mababa ang score niya sa mga quiz pero hindi naman siya gumagawa ng paraan para makabawi. Psh!
Gumalaw ako upang humiga na rin. Sa magkaibang direksyon nakabali ang aming ulo kaya kapag nagmulat siya, siguradong magkakatitigan kami. Hindi ko nakikita ang mga pumapasok sa pintuan since nakatalikod doon ang aking ulo. Medyo maingay ang paligid kaya nagpasya akong tumigil muna sa pag-iisip. Noise mostly distracts me from thinking effective decisions.
"Can you give me some intelligence? At least one-fourth?" si Era pagkalipas ng ilang minutong pagtahimik at pagpikit.
I pursed my lips to stifle my smile. Baka isipin niya na tinutukso ko siya. Bakit kasi biglang nagbago ang tono ng boses? Pero hindi ko inaasahan na bagay din pala sa kanya ang umaktong isip bata.
"Kung pwede lang, ibibigay ko pa sayo ng buo."
Bumangon agad siya at pinaningkitan ako ng mata. Sinubukan ko naman na hindi tonong nambobola pero mukhang hindi ko nagawa.
"Ayan na nga ba ang sinasabi ko. Kaya ayokong sumasama ka kay Darius eh. Ang dami mong natututunang kalokohan." Sabay iling na para bang disappointed siya.
"Why do you hate Darius?" I curiously asked. Hindi kasi ito ang unang beses na nagpakita siya ng pagkadisgusto kay Darius. Wala naman itong ginagawa sa kanya pero laging siyang iritado. It's like his whole existence totally annoys her.
"Mamaya n'yan kayo pa pala ang magkakatuluyan." Dagdag ko pang wika sa mahinang boses na nakarating sa pandinig niya.
"Ew Rain! Kilabutan ka nga sa sinasabi mo."
Natawa ako dahil halos hindi maipinta ang mukha niya. Kung makangiwi na may pandidiri, akala mo inaasar ko siya sa taong hindi kaaya-aya ang mukha.
"Bakit okay naman si Darius ah? Nakikita ko rin na matalino siya at gwapo kahit saan banda tignan. He might be playboy pero malay mo, ikaw pala ang babaeng makakapagpatino sa kanya."
"Duh! Psychiatrist lang ang makakapagpatino ro'n."
"Grabe ka naman sakin, babe," Singit ni Darius na bahagyang ikinagulat namin ni Era. Bigla na lang kasing sumulpot sa harap namin. Ni hindi man lang namalayan ang paglapit niya.
Hindi ko na napagtuonan pa ng pansin ang reaksyon ng kaibigan dahil pinili kong balingan si Aki. He coldly dodged my gaze and it puts me in confusion. Gusto ko sana siyang tanungin kung ano ang problema kaso kinausap na ko ng pinsan niya. At mukhang wala rin siyang balak na kausapin ako.
"What did you say about me, Rain? Pakiulit nga. Hindi ko narinig eh."
"Hindi raw narinig pero alam na siya ang pinag-uusapan." Ismid ni Era na ikinangisi ng kaharap namin.
"Yung part ba na sinabi kong playboy ka?" Kinunot ko pa ang noo ko para magkunwareng hindi ko alam ang gusto niyang marinig. Halata naman kasi na alam niya. Hindi ko lang magets kung bakit pinapaulit niya. Sigurado naman ako na hindi ito ang unang beses na pinuri siya.
"Hindi. Yung nauna pa d'yan." Iling niya pagkuwa'y sinulyapan ang pinsan. I also witnessed how he tease Aki. It was the reason I came to understand why my boyfriend acted cold all of the sudden. Okay naman kasi kami kanina kaya nagtaka talaga ako kung bakit biglang parang may away kami.
"Ah. Yung sinabi ko bang matalino at gwapo ka?"
Isang marahas na singhap ang pinakawalan ni Era. Pinakita sakin ang disappointment na pinagbigyan ko si Darius sa gusto nito. Si Aki naman ay tinungo ang bakanteng upuan na katabi ni Marky.
"Yeah. Iba talaga kapag galing sayo, Rain. Mas ramdam ko ung reyalidad." He winked then glanced at his cousin. "At iba rin kapag una kang pinuri."
I protruded my lips as I watched Darius bragged about my appraisals. I can't blame him. Alam naman kasi nila na hindi ako ang tipo ng taong namumuri o ung expressive type. They don't know though that I always did it. Hindi nga lang nakaverbalize. My opinions remained on my mind always.
"Ang sakit din kapag hindi ikaw ang pinili." Gatong pa ni Marky na s'yang dahilan para mas lalong madagdagan ang panlalamig ni Aki. Pagkatapos tumawa silang magkaibigan. Tuwang-tuwa na nakikita si Aki na sobrang apektado sa mga sinasabi nila.
"Hindi naman sa ganon. I just think that there's no words could describe how perfect my Achilles was." Hindi ko alam kung saan ko nahugot ang tapang para sabihin ito sa harapan ng mga kaibigan. Agad man tinamaan ng hiya, nangingiti na lamang akong napakagat sa aking labi nang masulyapan si Aki. Nag-iwas siya ng tingin pero kita pa rin ang pagguhit ng multong ngiti sa kanyang labi.
"Ito na nga ba ang sinasabi ko. Kaya ayokong sumama sa group study e." Halukipkip ni Era saka supladang ngumiwi.
"Wala namang ganyanan, Rain." Darius frowned.
"Woah! Sabi sayo e. Si Achilles pa rin ang kababagsakan niya."
"Of course! She's my girlfriend. She always get my back." Tugon ni Aki kay Marky pagkuwa'y tumayo sa kinauupuan niya para bumalik sa sariling upuan.
This time, siya naman itong nang-aasar sa pinsan niya. Napawi lang ang ngisi niya at napalitan ng ngiti nang tumingin siya sakin. I smiled back, showing him that he got my approval. That I'm always get his back. That in every battle he has to fight, I'm here to support him...
"Rain!"
Huminto ako at nilingon ang pamilyar na boses na tumawag sakin. Nadatnan ko ang inaasahan kong makita. Pajog na pumunta sakin si Stephanie kahit medyo mataas ang kanyang heels.
"Buti na lang, nakita pa kita." Entrada niya pagkarating sa kinatatayuan ko. Nakangiti siya habang sapo ang dibdib.
"You shouldn't run." I commented worriedly that made her shook her head. Tuluyan na rin siyang tumayo ng tuwid at hinarap ako.
"Kapag hindi ko ginawa 'yon, baka hindi na naman kita maaabutan."
"Uh...bakit nga pala?"
"Gusto sana kitang tanungin kung gusto mong mag-audition para sa cheerdance competition."
Awkward akong ngumiti. "Hindi ako marunong sumayaw."
Bahagyang umawang ang kanyang bibig. Halatang nagulat sa naging sagot ko. Ngunit pagkalipas ng ilang sandali, humalakhak siya. "Ah...I thought, you're typically talented since Rachel was."
Humina ang boses niya ng binanggit ang pangalan ng ex ni Aki. Hindi ko pinakitang naapektuhan ako kahit deep inside, disappointed ako. Hindi ko alam na ganito pala ang tingin nila sakin. It appears that they expect me to be like her which I can't be. Why would I copy her when I have my own identity? I won't do it just to get everyone's approval.
"Anyway, inform mo na lang ang mga friends mong dancer na sumali sa cheerdance. Ah..ung grupo nina Nathalia, friends mo sila right?"
Tumungo ako. Hindi na masyado pang tinuonan ng pansin ang naging tugon. Masyado akong abala sa pagtitig sa ngiti niyang hindi kumukupas. I wonder if it is true?
Simula kasi no'ng nalaman na girlfriend ako ni Aki. Marami ng lumalapit sakin para makipagkaibigan. Madalas akong nakakatanggap ng papuri at bati sa mga taong hindi ko naman kilala. Kaya nga naiirita si Era dahil mga peke raw ang mga ito.
I don't want to judge their intention but later on, everything became clearer to me. Yet even I know that they approach me on purpose, I should befriended them still. Hindi ko sila pwedeng hindi pansinin dahil ano na lang ang sasabihin nila? 'Na ang kapal ng mukha ko? Porket boyfriend ko si Achilles, lumaki na ang ulo ko? And I don't like that kind of criticism. The only way I know to free myself from it was at least, extending the same courtesy they are showing to me.
I'm about to open the next page when I noticed Achilles from my peripheral view. I tilted my head to see him clearly. Nadatnan ko siyang nakahilig ang ulo sa pader at hindi man mariin ang kanyang pagkakapikit, alam kong tulog na siya.
Only his side profile can be seen from my view but it amuses me to witness how everything was defined. Mula sa pilikmata niya na mas nadepina ang haba at kapal dahil sa pagpikit niya. His upturned nose, protruded lips down to his chin and jaw. It urges me to run my fingers through his face. Ng tahimik at dahan-dahan.
I smiled in disbelief. Daig niya pa kasi ang babae sa sobrang kinis ng mukha. Ni wala man lang marka ng pores at pimples. Halatang hindi nastress no'ng puberty stage.
Nang mapagtanto na banda na ko sa philtrum niya at konti na lang bababa na sa labi. Tinanggal ko ang aking hintuturo at napalunok. Pakiramdam ko pinapanuod niya ko kahit ang totoo, mahimbing na ang tulog niya. Bigla tuloy akong naintimidate.
Even though we kissed a lot, I still felt like it was my first time kissing him for every kiss we did. I don't even remember what does it all taste like. I'm always preoccupied in thinking of how he reacts right after the kiss. I guess, hindi pa rin talaga ako nakakapag-adjust totally sa relationship namin. Kahit next week, second month na namin na magkasama.
Pagkaraan ng ilang segundo, nagpasya akong itagilid ang ulo ni Aki sa aking balikat. Nakita ko kasi na nahihirapan siya sa posisyon niya. Akala ko nga, magigising dahil gumalaw siya ng bahagya at umungol. Thankfully, he didn't.
Binalik ko ang sarili sa pagbabasa ng libro pagkatapos. Sa kalagitnaan pa lang ng binabasang paragraph, napahinto ako bigla at napangiti ng may maalala.
Kahit sinabi kong okay lang talaga na mag-isa lang ako gawa ng hindi sumama si Era. He insisted to be with me here in library. Magrereview din daw siya. He's also the one who suggested this spot which is perfectly good for studying.
Bukod sa tahimik, maliwanag at walang distractions ang spot na 'to. Wala kang maririnig na bulungan o makikitang dumadaan. Ngayon ko lang din nalaman na may ganito palang spot sa library. Salamat sa lalaking katabi ko na malayo na ang narating ng pagrereview.
Hay naku Achilles Mirabueno!
• • • • • •