Chapter 17

3654 Words
BELIEVE "Midterm is done!" Masayang deklara ni Era sabay lingkis sa aking braso. "Where should we go?" "Hmm.." I took a glance at her then barely think. "Restaurant is fine with me." Ngumiwi siya. "Hindi ka na nagsawa sa pagkain. How about carnival? Balita ko, may bagong bukas sa Calzada.." Psh! May alam naman pala. Nagtanong pa. "Isama mo na rin si Aki kung gusto niya." "Sige. Sasabihin ko sa kanya mamaya." "Pero sana hindi siya sumama para girls time tayo." Habol niya na ikinasalubong na lamang ng kilay ko. Ang gulo eh. Ngumisi lang siya sa naging reaksyon ko pagkatapos binaling niya na ang tingin sa harapan. I protruded my lips as I noticed that there is something about the 'girls time' she is saying. Parang masama ang kutob ko ah. Lakas pa naman 'to minsan mantrip si Era. Kaya kahit alam kong imposible, hiniling ko pa rin na makasama si Aki mamayang gabi. Abala kasi siya sa nalalapit na competition kaya kumpara noon, madalang na lang kaming magkita ngayon. Nakapasok kasi siya sa basketball team na magiging representative ng MIU sa Collegiate Athletic Competition. Araw-araw silang nag-iensayo kaya naiintindihan ko kapag hindi kami nakakalabas o hindi nakakapag-usap personal or online man. Alam ko naman kasi na pagod siya at kailangan niyang magpahinga. Kaya hinahayaan ko na lang na siya mismo ang magyaya sakin na lumabas para iwas sagasa sa sched niya. "Hi Rain." Salubong samin ng grupo nina Nathalia na ikinahinto naming dalawa ni Era. Nagkatinginan kami at alam ko ang gusto niyang sabihin. "I'm sure, ikaw na naman ang pinakamataas among business departments." si Karina. "Hindi naman." Nahihiya kong wika. Hindi pinahalata na hindi ako komportable sa presensya at sinabi niya. Mahina siyang tumawa, ganon din ang tatlong kasama niya na kapwa kaklase rin namin. Iba sa naging reaksyon ng katabi ko. Malalim siyang bumuntong hininga at siguradong umirap na ito kung hindi lang nagpipigil. Hinawakan ko ang kamay nito para maagaw ang kanyang atensyon. Pasimple akong umiling at alam kong nakuha niya ang senyas ko. "Ang humble mo naman pero sigurado kaming ikaw pa rin ang mangunguna." "Sabihin mo na sa kanya, Karina." Ani Nathalia na s'yang dahilan para mapasulyap kami sa kanya. "Oh right! We heard that you're planning to go in a carnival. Why don't you join us tonight instead?" "Uhh.." Nagkatitigan kami ni Era, parehong kunot ang noo. Ramdam kong ayaw niya, ganon din naman ako. Subalit akma pa lang akong magsasalita para tumanggi nang inunahan ako ni Karina. "Sinabi samin ni Achilles na pupunta lang siya kapag pupunta ka." Ito ang dahilan para matigilan ako. Hindi ko pinahalata sa kanila ang pagtataka tungkol sa kung paano nila nakausap si Aki. Hindi naman siguro nila pinuntahan sa gymnasium para yayain di ba? "I'm sure he likes our idea dahil hindi naman siya tumanggi. Besides, nightclub isn't tiresome. Di ba mas pabor iyon sa kanya?" She has a point. Mas nakakapagod nga naman kapag carnival ang pupuntahan namin. Maybe nightclub for me is a bad idea but it favors Achilles. "Uhh...pag-iisipan ko." "Alright but we hope, we will see you there." Ngiti ni Nathalia na tinugonan ko ng matipid na tungo. I even stared at her with confused eyes. Sinusubukang basahin kung ano ba talaga ang iniisip niya. Simula kasi no'ng binalaan siya ni Achilles, hindi niya na ko pinapakialaman. Kaya naman itong biglaan niyang pagkausap sakin ay nakakapangamba. Hindi naman sa hinuhusgahan ko siya but...my instinct told me that something is wrong. "Let's party!" Hindi pa kami nakakababa, rinig na rinig na namin ang malakas na pagdagundong ng musika mula sa Arthena Bar. Hindi ko kasabay si Achilles pero buti na lang, sumama si Era kaya siya itong kasama ko sa pagpunta rito. Ang dami ko pa ngang ginawa para makumbinsi siya. Gusto niya sana na mag-iba na lang kami ng gagawin. But then, I told her that Nathalia's suggestion isn't a bad idea at all. Sa huli, pumayag na lang siya. Kung makaasta nga ay akala mo hindi nagpapilit. Siya pa itong excited na pumasok sa loob. Napailing na lamang ako sa magulo niyang pag-iisip habang nangingiting nakasunod sa kanya. "Hi Rain." Bungad nina Karina pagkarating namin sa kinaroroonan nila. Binati ko naman sila pabalik at pasimpleng pinasadahan ang bawat kasama nila sa couch. "You can seat here, Miss." A man in his grey sweatshirt barely offered. I shook my head in polite manner. "Salamat pero mamaya na lang siguro kapag nandito na si Achilles." "Achilles?" "Ah..she's his girlfriend." Sabat ni Reah na s'yang katabi nito sa kanan. Ramdam ko ang biglaang pagbaling sakin ng ilang kasamahan nila ngunit pinili kong iignora ito. Sa halip, nilingon ko iyong isa pang nagsalita. "I saw him with his team a while ago. Umakyat sila sa taas. Mukhang kukuha ng exclusive room." I nodded. "Ah sige. Puntahan ko na lang." He just tilted his head and smirked a bit. Wala na kong pinalagpas pa na segundo pagkatapos. Agad kong niyaya si Era na umalis kami para puntahan si Aki. Kung titignan, aakalain mong maliit lang ang second floor ng bar dahil sa masikip nitong first floor. Subalit no'ng makaakyat kami, hindi ko maiwasang humanga. Malawak at hindi kaingayan ang lugar. Kung wala nga lang sound sa baba, siguradong tahimik ang floor na 'to. Although marami rin ang taong naririto pero more on kuwentuhan at inuman lang ang ginagawa nila. Inisa-isa ko ang pagsilip sa bawat exclusive room mula sa salaming bintana ng mga pintuan nito. Hanggang ung dulo na lang ang natira. Doon ko nga nakita si Achilles. Ngayon alam ko na kung bakit hindi niya ko nirereplyan. "Oh hindi mo nakita?" Salubong sakin ni Era. Bahagya rin niyang sinilip ang likurang gawi ko na akala mo'y matatakpan ko talaga si Aki kung sakaling kasunod ko nga siya. Umiling ako. "He's with his team. Mamaya ko na lang siya kitain. Nagkakatuwaan pa sila eh." "Ikaw ang bahala pero...ano ng gagawin natin? Ayoko tumambay do'n kina Karina ha! Ang daming lalaki." Ngumiwi pa siya para ipakita ang pandidiri niya. Pinaningkitan ko siya ng mata, senyales na hinaan niya ang kanyang boses. Mamaya kasi may makarinig tapos makarating pa kay Karina. Naku! Siguradong gulo ang aabutin naming dalawa. Buti na lang, hindi siya nagmatigas ngayon. Tinikom niya ang labi kahit bakas sa kanyang mata ang hindi pagsang-ayon. "We should grab a drinks and just stay here." I suggested after a while. Luminga rin ako sa paligid para maghanap ng mauupuan. Hindi na pinagtuonan pa ang magiging sagot ng kaibigan. Mukhang gusto niya naman kasi ang ideya ko since hindi siya kumibo. Inuna namin ang paghahanap ng puwesto bago nag-order ng maiinom. May liquor stall din naman ng alak dito sa second floor kaya hindi na namin kailangan pang makipagsiksikan sa baba para lang makapag-order. Cocktails lang ang pinili naming orderin. Mukhang ayaw din ni Era malasing eh. We just went here to unwind after all. "Kahit kailan, hindi mo ko mapapasuot ng ganyang damit." I don't know how long we stayed here in sofa. Masyado ako naging abala sa pakikipagkuwentuhan kay Era na madalas ang topic ay random. Kapag may nakikita kasi siya na hindi niya gusto, bigla na lang siyang magkokomento katulad ng sinasabi niya ngayon. "Halos labas na ang kaluluwa. Hindi ba nila alam na ang sagwa tignan." Iling niya na ikinakunot lang ng noo ko. Sang-ayon naman ako sa mga sinasabi niya lalo na't sinundan ko ng tingin ang babaeng tinutukoy niya. Subalit ayokong magsalita. Masama naman kasi na husgahan ang tao base sa pisikal nitong anyo. Kasabay ng pagsimsim ko sa hawak na cocktail, ang pagsalubong ng mata namin ni Aris. Bumanda rin ang tingin ko sa babaeng nakalingkis sa braso niya. Sa pagkakatanda ko, hindi ito ang babaeng pinalit niya kay Diana. Mukhang wala naman siyang balak ngitian o batiin ako. Besides, hindi siya ang tipo ng tao na attentive sa paligid at lalo na sa mga kakilala. Kaya naman nauna na kong nag-iwas ng tingin at marahang binaba ang wala ng lamang baso. "Dito lang pala kayo." Si Karina na kasama na ngayon si Nathalia at Suzzy. Kita ko ang pagbaling ni Era sakin mula sa aking balintataw ngunit binalewala ko iyon. I smiled awkwardly to them instead. "Medyo maingay kasi do'n sa baba kaya dito na kami nagstay." Sa dagliang pag-angat lang ng kilay ni Nathalia, alam kong hindi siya naniniwala sa paliwanag ko. Kulang na nga lang ay umirap siya habang sinasabi sakin na napakasinungaling ko. Hindi ko nga lang alam kung bakit kailangan nila kong pakisamahan. Alam naman naming lahat na hindi kami okay at lalong hindi kami pwedeng magkasama ng ganito. Umalis sa pagkakaekis ng braso si Suzzy at bahagyang naupo sa kaharap kong upuan. Sinundan naman siya ni Nathalia at sa huli, si Karina na bakas ang pagtataka sa mukha. I don't know the reason though. Suzzy also called the waiter and ordered some drinks. Ang katabi ko naman ay kinuha ang cellphone at nagkunwareng abala roon. Hindi ko siya masisisi. Alam ko naman kasi na hindi siya komportable na kasama namin ang grupo nina Nathalia kaya hinayaan ko na siya sa gusto niyang gawin. Ganon din naman ako eh. Sadyang wala lang talaga kong pagpipilian kundi ang pakisamahan sila. "Hindi mo nakita si Aki?" Si Nathalia saka luminga-linga sa paligid. Tinignan ko siya at inantay ang pagtitig niya sakin pabalik. Ngunit ilang sandali lang ang lumipas, mabilis na lumipat ang mata ko sa direksyong tinitignan niya no'ng marinig ko ang sumunod niyang winika. "Ow! He's right there." Nadatnan ko si Achilles na nakikipag-usap sa tatlo niyang kasama. At ang mga ito ay kapwa pamilyar sakin. Kakalabas lang nila at mukhang first floor ang punta. Hindi ko na siya nagawa pang panuorin nang matagal dahil sa pagharang ni Darius sa paningin ko. "Hi ladies." Ngiti nito at mabilis kaming pinasadahan isa-isa. "Dito lang pala kayo. Hindi man lang kayo nagyaya." "Masyado kang busy kay Irene kaya hindi ka na namin inistorbo." Suzzy responded. She even glanced at Marky with cold eyes then took a sip in her glass of brewed beverage. "Nagselos ka naman agad, Breccia! Don't worry, sayo pa rin naman ako uuwi eh." Darius in his ironic voice. He also chuckled which didn't last long since someone called him. Sabay kaming lahat sa paglingon sa likurang gawi niya kung saan nakita ko ang mga kasama ni Aki na papalapit. Ito ung tatlong kausap niya kanina. "Ba't nandito ka na? Nahanapan mo na ba kami ng mga babae?" Ani ng lalaki na nakaitim na printed shirt kay Darius pagkarating nila sa kinaroroonan namin. Binati niya rin si Marky through fist bump. Ganon din ang dalawa niyang kasama. Si Aki naman ay diretso ang tingin sakin. He has a serious expression now unlike a while ago that he looks entertained. I greeted him with a slight smile somehow. "Oh come on, dude! We don't look for girls. They will come to us." "You didn't told me that you're already here." Sa kabila ng pagsasalita ng magpinsan ng sabay, hindi nakatakas sa aking pandinig ang tampong naninibugho sa boses ni Aki. Ngingiti na sana ako kung hindi ko lang napansin ang mga pares ng mata na nanunuod samin. "I did. I texted you." Pormal kong tugon na panandaliang ikinasalubong ng dalawa niyang kilay. "Naku! Bawal pala ang pinsan mo. Nandito pala ang boss niya." Halakhak ng isa, kulot ang buhok at mahahalata mong may halo siyang banyaga dahil sa kulay ng mata niya. "Girlfriend niya?" Tanong ng printed shirt guy habang nakatingin sakin. Hindi ko rin naman siya napagtuonan pa ng pansin lalo na't nagsimulang kumilos si Aki patungo sa kinaroroonan ko. "Sabi na nga ba. Hindi pa rin talaga nagbabago ang tipo ni Achilles." Muli nitong wika, tonong nagpaparinig. Umismid si Nathalia. She even glared at him warningly. Mukhang wala naman iyong epekto sa lalaki. Sa halip, ngumiti pa ito bakas ang panunukso. I shifted my weight as Aki sat beside me. Kumpara sa kanya, hindi ko mapigilang makinig sa mga usapan ng mga kasama. Unti-unti ko rin napagtanto na magkakilala ang mga ito dahil sa paraan ng pag-uusap nila. "I guess, we don't need to find girls. They are already here." Sabay pasada samin ng half breed. Nagsimula rin siyang humakbang para umupo sa bakanteng sofa. Sumunod naman sa kanya ang mga kasama. Tumabi kay Era si Darius na bahagya pang tinulak si Marky para mapaupo ito sa tabi ni Suzzy. Hindi ko na nakita pa ang reaksyon ni Suzzy o Marky dahil sa pagsinghap ni Era. Humalukipkip din siya habang matalim na tinatapunan ng tingin si Darius. And like the usual, nginisian lang siya nito. "Don't drink too much." Mahinang sambit ni Aki. Marahil narinig niya ang pagpapadagdag ni Darius ng inuming alak sa waiter. Mabilis na kumunot ang aking noo nang mapansin ang namumungay niyang mata at ang amoy ng kanyang hininga. "I won't but...are you drunk?" Hindi siya sumagot kaya hindi ko tuloy mawari kung naririnig niya pa ba ko o hindi? Imbes kumurap-kurap siya nang hindi tinatanggal ang paningin sakin. Halata namang pinipigilan niya ang sarili na bumagsak sa pagkakatulog. Hindi ko nga lang alam kung bakit? At ilan ba ang ininom niya? Kanina mukhang okay pa naman siya ah. Ngayon lang ba tumalab ang alak na ininom niya? "You can lean on my shoulder." Offer ko, hindi na pinalagpas pa ang isang minuto. Hindi ko kasi kayang panuorin ang paulit-ulit niyang pagpikit at pagmulat. Ganon din ang paulit-ulit na pagbagsak ng kanyang ulo at pag-angat nito. "Sorry...Just let me lie for a moment." He croaked then quickly buried his side face on my shoulder. Someone whistled teasingly but I ignored it. Alam ko naman kasi na isa lang ito sa mga pang-aasar nila. Hindi ko rin kailangang lingonin ang nagmamay-ari ng mapaklang tingin. I know from the start who's gonna react that way over our relationship. Iisipin ko pa lang na tanungin si Achilles kung ilan ang nainom niya. The man in his red hoodie gave me the answer first, right before I could spat out my question. "Pinainom niyo kasi ng sampung baso, ayan tuloy nalasing." "Okay lang 'yan. Nand'yan naman si Rain para iuwi siya." Ani Darius sabay malisyoso akong nginisian. Nagsisi pa tuloy ako na binalingan ko siya. Dali-dali akong nag-iwas ng tingin, dismalyado sa mga iniisip niya. Naririnig ko rin ang mahinang pagtawa ng mga kasama na ikinagat ko na lang sa aking ibabang labi. "Rain?" Achilles' voice pulled me from deep thoughts. I immediately shifted my attention to him with curious look. Pinakitang alerto pa rin ako sa kabila ng bahagyang pagkatulala. He stared at me for a moment. It's like he is trying to figure out what I'm thinking the whole time. Nagpakurap-kurap ako. "May problema ka ba? I called you many times but you seems spacing out." Ngumiti ako at mabilis na umiling. "Wala." "You're lying." My chest pounded with pain and sadness as realization knocked me. However, I didn't let this negative feelings affect me outside. "I did a drunken mistake right? What is it?" He asked. Muli akong umiling. Nagkunwareng natatawa sa sinabi niya. Ito lang kasi ang naiisip kong paraan para makumbinsi siya at tumigil na sa pag-intriga. Hindi ko na ata kakayanin pang magsinungaling kapag nagtanong pa siya ulit. Umismid si Achilles habang suplado akong tinitignan. "Like I said last Saturday, you did nothing." "But...why did I feel that you are hiding something from me?" It's you who hide a lot of things from me, Achilles. And it broke me into pieces. Ilang beses kong kinumbinsi ang sarili na wala lang ang lahat ng nabasa ko ng gabing iyon pero wala rin itong talab. I know that I'm just fooling my self. Again. "I don't know why you feel that way when I'm indeed telling the truth." Ngiti ko saka marahang tumayo. Sinundan niya ko ng tingin, bakas ang intriga at pagtataka. "Where are you going?" "In restroom." Prente kong sagot saka nagsimulang maglakad. Bakas sa kanya ang pagtataka ngunit hindi naman siya nagsalita o nagtanong pa. Although I feel his pair of earnest eyes watching me. Kaya naman kinuha ko lang ang cellphone sa aking bulsa nang makalayo na ko sa classroom at palabas na ng COB building. Dalawang magkasunod na mensahe ang tinipa ko para kay Ranz. Huminto rin ako sa paglalakad upang antayin ang reply niya. Me: •Ranz? •Are you free right now? Limang minuto ang lumipas bago nagvibrate ang hawak kong phone. Ranz: Yeah. Why? Me: I have something to ask. Can we meet in garden behind COA building? It took a lot of seconds before he replied. Sa Notification Center pa lang, nakita ko na ang matipid niyang reply. Hindi ko na iyon binuksan pa. Imbes nagsimula akong maglakad upang magtungo sa meeting place. Malayo pa lang, tanaw ko na si Ranz na nakaupo sa isa sa mga sementadong upuan na nakapalibot sa mga malalaking puno. Bahagya kong inilibot ang paningin sa paligid at nakita na iilan lang ang nakatambay dito. Inaasahan ko na naman ito kaya nga dito ko piniling makipagkita. "Long time, no see." Aniya nang makarating ako sa puwesto niya. Tumayo rin siya at ngumiti. "Oo nga." Sambit ko habang titig na titig sa kanya. Hindi ko man kilala gaano si Ranz but there's one thing I'm sure about him. His eyes tell the truth more. Kaya alam kong hindi genuine ang ngiti niya ngayon. It's been a month since I last saw him. At hindi pa iyon magandang pagkikita. We never contacted each other after that. Inaamin kong sinadya kong iwasan siya. Ginawa ko iyon para sa ikabubuti nilang dalawa ni Achilles. Alam ko rin kung ano ang dahilan kung bakit hindi sila magkasundo. Kung bakit lagi silang mainit sa isa't isa. Hindi ko nga lang alam kung bakit nainvolve ako sa away nila. Yeah! I have something in my mind and everyday I wish that it wasn't true. "I'm afraid that we won't see each other anymore. Kaya...masaya ako na nakipagkita ka even though you're just here to ask me something." I bit my lower lip as I noticed the bitterness in his voice. Sadness and frustration filled my eyes. I'm also scared inside. Unti-unti kong naiintindihan ang lahat pero hindi ko magawang tanggapin. Masyadong masakit! "Why are you afraid about losing me?" "What is it? What do you want to know?" Nagsabay kami sa pagtatanong na s'yang dahilan para magtikom kami ng bibig pareho o dahil pareho namin ayaw marinig ang sagot ng isa't isa. I swallowed the bile in my throat as silence meddled between us. Malalim kaming nagtitigan na akala mo'y sapat itong paraan para magkaintindihan kaming dalawa. I thought, we gonna stay like this for so long. Ayoko kasing magsalita at mukhang ganon din naman siya. But after a few minutes, he barely ruined the defeaning silence as well as my sanity. "Because I like you, Rain." My mouth swung open because of sudden mild shock. Inaasahan ko ng ito ang sasabihin niya pero iba pa rin talaga ang epekto kapag actual mong naririnig. This is not the first time I heard a confession yet he is Ranz. His words and feelings meant everything to me. "At..." Natigilan siya sandali. Halata sa mukha niya ang pag-aalinlangan. Mapanimbang niya rin akong tinititigan habang nagsasalita. "...ayokong isipin na mas naunang nalaman ni Aki ang nararamdaman ko para sayo." "Paano nga kung nalaman niya?" Agad kong balik tanong na ikinuyom ng kanyang panga. Kitang-kita ko rin kung paano lumatay sa kanyang mata ang pagkadisgusto at pagkadismalya. "Rain?" "I need an answer more, Ranz. Please..." Halos pabulong kong wika. I'm not slow-witted. May ideya na ko sa sasabihin niya. Kailangan ko lang itong marinig ng malinaw para makompirmang tama ang hinala ko. "Hindi ko alam.." Mahina niyang sambit saka matamang suminghap. "Rachel and I were bestfriend. He heard me telling something to Rachel and misunderstood it. Kaya simula noon, nagalit siya sakin. Ako ang sinisisi niya kung bakit pinili ni Rachel na umalis at iwan siya." Narinig ko na ang kailangan kong marinig subalit hindi ko ito magawang irehistro. It's a huge information that need a lot of time to completely absorb. And trying to absorb it all put my mental and emotional health into a messy state. "Akala ko nagmove on na siya since niligawan ka niya. I was convinced that everything is just a coincidence. He really liked you. I heard and even saw it with my own eyes. Not until that night. Nagulat talaga ako na apektado pa rin siya kay Rachel." Heat boiled within my face. Kasabay ng mariin kong pagpikit, ang paghakbang ko paatras. Sumisikip ang dibdib ko. Ayokong iproseso ang lahat ng narinig dahil hindi ko alam kung kaya ko pa bang tumayo. "Bakit ngayon mo lang sakin sinabi?" My voice broke. I even bit my lower lip as if it was an effective way to hold my tears from falling. "Dahil ngayon ka lang nagtanong. At..akala ko sinabi niya na sayo ang tungkol sa bagay na yan. Simula pa lang hindi ka na rin naman nagtanong sakin kung bakit magkakilala kami. Kaya buong akala ko, alam mo na ang namamagitan sa aming—" Tears pooled from my eyes. Mabilis kong iniwas ang tingin kay Ranz nang makita ang pag-awang ng kanyang bibig. Pinalis ko ang luha sa aking pisngi at bumuntong hininga. "Stay still." Mabilis kong utos nang maalarma sa akma niyang paglapit. Hindi ko siya nilingon ngunit kita ko mula sa aking balintataw ang kagustuhan niyang daluhan ako. "I never tried to ask him. You know why?...Because I'm scared, Ranz." I looked at him this time. Kahit na nanlalabo na ang aking paningin dahil sa mga luhang malayang pumapatak, nagawa ko pa rin makita ang ekspresyon niya. His lips was in grim line unlike his set of eyes glitched with sympathy and guilt. "I'm scared that he will lie and...I would end up in believing him. • • • • • •
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD