Chapter 18

3074 Words
REAL "Uy may problema ba? Bakit kanina ka pa tahimik d'yan?" Kalabit sakin ni Era. Kanina pa ito nagkukwento pero hindi ko magawang pagtuonan ng pansin. Masyado pang magulo ang utak ko para sa panibagong impormasyon. "Lagi naman akong tahimik." Mahina kong sambit at pinilit ang sarili na ngumiti. But it must be come off horribly since her mouth hang open. Sa pag-iwas ko ng tingin sa kanya, nahagip ko pa ang pagsalubong ng kanyang kilay at pagguhit ng kuryosidad sa kanyang dalawang mata. "Meron ka ba ngayon o nag-away kayo ni Aki?" She whispered the second option. Nasa tabi ko lang kasi ang tinutukoy niya pero abala ito sa pakikipagkuwentuhan sa pinsan. Hindi ko alam kung hindi lang ba talaga halata na palabas lang ang lahat o sadyang nabulag ako sa sariling nararamdaman para sa kanya. Alam ko naman na may rason kung bakit bigla niya na lang akong kinausap at kalaunan ay niligawan. Hindi ko nga lang alam na ang sama pala ng rason niya. Gusto kong paniwalain ang sarili na baka totoo naman talaga ang lahat. Ramdam ko kasi eh. Ramdam kong mahal niya ko pero...I already witnessed his lies. Sa conversation pa lang nila ng ex niya na nakita ko sa phone niya, isa na iyong sampal sakin. Pinatunayan pa ito ng mga sinabi ni Ranz. He don't really care about me. Everything is a lie. Everything is just a show. He used me to get revenge on Ranz. At nakakatawa lang dahil nagawa ko pang bumalik dito sa kabila ng lahat ng nalaman. Hinarap ko siya na para bang okay lang lahat. Ni hindi ko nga alam kung paano ko nagawang magsinungaling sa kanya ng hindi man lang nauutal. "May iniisip lang ako, Era." Iling ko sa kaibigan. Halata naman na hindi siya naniniwala ngunit hindi na siya nagtanong pa na s'yang palihim kong ipinagsasalamat. I don't want to lie especially to my dearest friend. I don't want to tell her either about my problem. Ayoko ng idamay pa siya rito. "Uhh...I think, I need to go in restroom." Paalam ko pagkalipas ng ilang sandali. Kasabay ng pagkunot ng noo niya, ang marahan kong pagtayo. "Huh? E kakagaling mo lang doon kanina ah? Binabalisawsaw ka ba o meron ka?" Hindi ko na masyadong napagtuonan ng pansin ang mga tanong ni Era lalo na nang makita ko mula sa aking balintataw ang pagbaling ng magpinsan sakin. Sumipol din si Darius na s'yang dahilan para mapasulyap ako sa kanya. "My cousin is just here to rid your period." He simpered. Aki clenched his jaw in disbelief. Matalim niya rin pinukolan ng tingin ang pinsan na mas lalo lang nitong ikinatuwa. "Tss! Mga lalaki talaga." Si Era na nakaekis na ang braso habang dismalyadong naiiling. Sa halip na magsalita o kausapin ang isa man sa kanila, kinuha ko na lang ang panyo at cellphone sa aking bag pagkuwa'y nagsimulang humakbang. "Woah! That's new. You get pissed now to me huh?" Puna ni Darius na ikinatigil ko. "I'm not pissed, Darius. Masama lang talaga ang pakiramdam ko." Walang ekspresyon kong tugon pagkatapos itinuloy na ang paghakbang. Ni hindi na inalintala ang sarili na gantihan ang panititig ni Aki. I wonder if Darius know too? That his cousin is just using me. I don't want to judge him yet I can't help myself. Hindi lang naman kasi siya pinsan ni Aki kundi kaibigan din. I witnessed too how Mirabuenos play along with other's feelings. Kaya sino ba naman ako para maging exception? Tama nga si Aris. He know Aki more than I do. I was blinded by my own feelings that I only saw the good things about him. Pinaniwala ko ang sarili na iba siya sa mga pinsan niya. He indeed was. He was sincerely committed but to his ex and not on me. Para akong binuhusan ng asido dahil sa sakit na nararamdaman ko. The bitterness burned me inside. I want to hate him, her but my heart told me not to. My heart told me that I'm not a kind of person who gonna hate the woman I never met and the man I loved for year. Kasabay ng pagsarado ko sa gripo, ang marahang pagpasada ko sa sariling repleksyon sa kaharap na salamin. Matamang pumapatak ang tubig na nanggagaling sa tikwas ng buhok ko pababa sa aking pisngi at baba. Nakalapat ang magkabilaan kong palad sa basin. I'm panting hard too as if the restroom wherein I am is kilometer away from the classroom. Kinapa ko ang panyo sa aking bulsa. Dahan-dahan ko itong ipinunas sa aking mukha kasabay ng pagbukas ng pintuan ng restroom. Hindi ko naman sana iyon papansinin kung hindi ko lang nakilala ang pumasok. Sandali akong nagulat nang makita si Achilles na direkta ang tingin sakin. Mukhang wala siyang balak na magpatinag kaya ako na lang itong umiwas. "Palabas na naman ako. Sana hindi ka na lang pumasok. Mamaya may makaki—" Nabitin sa ere ang sasabihin ko nang sinarado niya ang pinto. I even heard the clink of metal which means that he locked the door. "Anong ginagawa mo?" Tanong ko habang ang tingin ay nasa pintuan. Pagkalipas ng ilang sandali, bumaling ako sa kanya ng wala akong narinig na sagot. Nadatnan ko siyang madilim na nakamasid sakin. My chest pounded when I noticed something about the way he stared at me. It's like he is digging the depth of my mind. Kumurap ako ng ilang beses. Mabilis na nag-isip kung paano siya mapipigilan sa ginagawa niya. He was so persistent that I let my body moved for me. Humakbang ako palapit sa kanya. Hindi na binigyan ng pagkakataon na mabasa ang iniisip ko. He took away his sight from me for a while. At bago pa man niya iyon muling maibalik, nayakap ko na siya ng mahigpit. Ramdam kong nanigas siya sa kinatatayuan niya subalit hindi naman ito nagtagal. Marahil nagulat lang siya sa ginawa ko. "You won't get me for doing this." He firmly uttered. Tatanggalin niya rin sana ang pagkakayakap sakin subalit hindi ako nagpatinag. I tightened my grip more. I also closed my eyes and twitched my lips. He took a deep breath and decided to let go of my hand after a while. Naramdaman ko rin ang kamay niya na marahang hinahaplos ang aking buhok. My heart melted but this time, with pain and sadness. Wala ka nga ba talagang nararamdaman, Aki? Lahat ba talaga ng ginawa mo ay naaayon sa plano? Wala ba talagang saysay ang dalawang buwan relasyon natin? Sa ginawa mo, wala ba ni isa roon ang totoo? "I know that you're hiding something from me. May nagawa ba ko? O may problema ka ba? I don't understand why you keep it to yourself." Nagmulat ako at inalis ang ulo sa pagkakabaon sa kanyang dibdib upang tingalain siya. Nakakatawang isipin na nakuha pang lumundag ng aking puso nang mapagtantong halos nalalanghap na namin ang hininga ng isa't isa. How stupid! "Ano bang sinasabi mo? Wala akong problema. Masakit lang talaga ang ulo ko." I lied for the second time. I wonder if kailan siya titigil sa pagpupumilit na may problema ako? Hindi ko na kasi kayang magsinungaling ng isa pang beses. He glared at me. Halatang hindi naniniwala. Kaya kung kailangan kong salubungin ang titig niya para makumbinsi siya, gagawin ko. "Then let's go to infirmary." Aniya pagkalipas ng ilang sandali. Umiling ako. "Hindi na. Bumalik na tayo sa classroom. Okay na ko dahil nandito na ang gamot ko." His facial expression didn't change yet his pair of eyes shadowed with amusement. A small smile touched my lips as I watched him tries hard not to get affected. Umismid siya at suplado akong tinaasan ng kilay. "Alright then. You want me to rid your monthly issue right now?" Mabilis na napawi ang aking ngiti kasabay ng paghiwalay at paglayo ko sa kanya. I stared at him warningly. It seems nothing to him because he crossed his arms instead and gazed at me from head to toe with fake desire. "It will still come back after nine months though." "Achilles!" Saway ko, halos nalukot na ang mukha dahil sa inis at frustration. "What? You're the one who tease me first." Prente niyang wika na akala mo'y wala siyang sinasabing kalokohan. I sighed violently and turned my head away from him. It was a success that I diverted our conversation. Subalit nailiko ko nga, sa hindi naman kaaya-ayang direksyon napunta. Ito rin ang isa sa mga rason kung bakit hindi ko napansin na kasinungalingan lang ang lahat. His words sound so real. Hindi ako nagpatinag sa aking kinatatayuan kahit nakita ko ang mataman niyang paglapit sakin. Naghuhurumentado ang puso ko. Alam ko naman na biro niya lang iyon pero hindi ko maiwasang kabahan. Simula pa lang nong una, I never imagined myself and Achilles in one intimate relationship. That's why I'm not comfortable with his jokes right now. Lalo na't kaming dalawa lang ang nandito sa loob ng restroom. He chuckled that made me shifted back my attention to him. Humalukipkip ako. Salubong ang kilay at seryosong nakalinyada ang labi. "Don't be silly again. You know, I won't let you slide even your my girlfriend." "Ngayon alam ko ng isa ka talagang Mirabueno." He is indeed a Mirabueno not just in attitude but also, in outlook. The left edge of his lips raised. It's like telling me that he really was. He didn't get that what I said was meant something though. I protruded my lips and began to took a step. It's funny that I'm started to become good in lying and pretending. Dalawang hakbang pa lang, hinagilap niya na ang kamay ko. He pulled me back and I just found myself in front of him again. The difference is we're too near at each other. My breathing was heavy because of mild shock caused by his sudden move. It hurts me to see my own eyes in his. This modest brown set of eyes hoaxed me from the fact that everything is just a show. Binagsak ko ang tingin at tahimik na bumuntong hininga. Napagtantong hindi ko pa rin siya kayang titigan ng matagal. He made me weak and gullible. Achilles' touch pulled me from deep thoughts. He lift my jaw so that our eyes would meet again. Nagtatanong kong sinalubong ang kanyang tingin. Akala ko ay magsasalita siya imbes dinampian niya ko ng halik sa noo. Namilog ang mga mata ko. Naguguluhan sa ginagawa niya. Binuka ko ang bibig para sana magsalita ngunit inunahan niya ko. Hinalikan niya ang espasyong naghihiwalay sa dalawa kong kilay pababa sa tungki ng aking ilong. Dahan-dahan at nanunuyo. Yung mapapasunod ang pagkurap ng aking mata sa bawat paghalik niya. Sa huli, dinampian niya ang nakaawang kong bibig. Nagmulat ako at nahanap ang mata niyang puno ng sensasyon. Hindi niya na ko hinayaang matignan iyon ng matagal dahil agad niya kong siniil ng halik. Tanga na ba ang tawag sakin kung papatawarin ko siya ng dahil lang dito? Martyr na ba ko kung patuloy ko pa rin siyang mamahalin sa kabila ng mga nalaman ko? Pero paano ko nga ba mapipigilan ang unti-unting pagwala ng sakit at galit sa aking puso? Ang unti-unting pagbuo ng pag-asa sa aking isipan? Marahan siyang lumayo ngunit nananatiling nakapirmi ang kanyang mata sa akin. It's like he memorizes every details of my face. "Tara na. Baka may pumasok pa rito at makita tayo." At dali-dali kong iniwas ang tingin nang mapagtanto ang panginginig sa aking boses. He bit his lower lip. Halatang pinipigilan ang sarili na ngumiti kahit obvious naman sa mata niya ang panunuya at panunukso. Sumimangot ako at tuluyang humiwalay sa kanya. "Baka ano pang isipin nila lalo na't nasa restroom ka ng babae." Muli kong wika at hinawakan ang kanyang kamay upang hilain siya palabas. Panandalian pa kong huminto sa hamba ng pintuan para silipin kung may tao ba sa labas. Good thing, kaunti lang. Nakalayo na kami sa kinaroroonan ng restroom nang hinagilap niya ang kamay ko. He simply intertwined his fingers into mine. Sinulyapan ko iyon kasabay ng pagbulong sa aking sarili na buo na ang aking pasya. I don't want to end our relationship. Instead, I will make it real for him. Hindi man ako confidence na magagawa ko nga ito pero gusto kong pagkatiwalaan ang sarili. Gusto kong pagkatiwalaan ang pagmamahal ko para sa kanya. Ito na lang kasi ang huli at tangi kong pag-asa... "Are you doing something, Szcharina? I called you many times." May tampong mababakasan sa boses ni Winter. Hindi ko siya masisisi dahil ilang tawag na ang ginawa niya bago ko ito nasagot. "I'm sorry, Winter. Nanunuod kasi ako ng laro ngayon. Hindi ko namalayan na kanina ka pa pala tumatawag." "Laro? Actual game?" "Uhh..oo." Mahina kong sagot saka luminga-linga sa paligid. Maingay sa harap ng gymnasium kaya napagpasyahan kong lumayo ng bahagya. Hindi kasi ako maririnig ng kapatid lalo na't puro tilian at hiyawan sa loob na umaabot sa hallway. Naririnig ko pa rin naman mula rito sa kinatatayuan ko pero masyado ng mahina. Marami rin ang tao na nakatambay sa labas, ang iba sa kanila ay galing sa ibang university. Ang MIU kasi ang host ngayon sa CAC kaya halos mapuno ng tao ang paligid. "Whoa! Kailan ka pa naging interesado sa laro? At sinong kasama mo?" "It is a Collegiate Athletic Competition. Required kami na manuod para suportahan ang school namin." Kahit na ang totoo ay pumunta talaga ko para kay Aki. Hindi naman kasi ako interesado manuod lalo na kung tungkol sa sports. All of my siblings know it. Kaya naman inaasahan ko ng magugulat si Winter sa naging sagot ko. "And...I'm with Era." She chuckled. "You sounds defensive." "Am I? I'm just answering your questions though." I frowned. Pagkatapos wala sa wisyo akong napalingon sa hallway kung saan nahanap ng aking mata si Ranz. He's with his friends. Nag-uusap sila habang naglalakad. He seems attentive to their conversation that I didn't expect he will look at my way. He slightly smiled and with the same courtesy, I smiled back. I'm thankful towards Ranz. Kahit kasi na alam niya na ang totoo, hindi pa rin niya kinokompronta si Achilles katulad ng pakiusap ko sa kanya. Alam kong nagmumukhang ginagamit ko ang nararamdaman niya para sa pansarili kong interes pero sinuway ko naman ang utos ni Achilles na layuan siya kapalit ng pabor ko. Iyon lang din naman ang naging kondisyon niya sa paglilihim. Kaya madalas kaming nag-uusap, personal man o chat. "Bakit ka nga pala napatawag?" Baling ko sa katawagan sa phone habang hindi tinatanggal ang tingin kay Ranz. Ganon din naman siya pagdating sakin. Kung may makakakita nga lang samin, siguradong mapagkakamalan talaga kaming magkakilala or worst, secret lover pa. But everything is all about friendship and secret. Malinaw ko rin sinabi sa kanya na kaibigan lang talaga ang tingin ko sa kanya. He didn't say anything so I assumed that he understands me. "I need your help, Sissy." "About what?" "I have a performance tomorrow. Pasahan din ng project proposal sa school. Mukhang hindi ko iyon magagawa lalo na't gagabihin ako sa pagrirehearsal. Can you do it for me? Please..." Katulad ng inaasahan ko kapag inuulan ako ng tawag ni Winter. Napailing na lamang ako sa kaisipang uunahin niya talaga ang competition kaysa academic performance. Ano pa nga ba ang magagawa ko? Hindi ko naman siya kayang tiisin. "Send me the draft." "I know it. Thank you!" She lively uttered. Ngumiti ako kahit alam ko naman na hindi niya makikita. "Send ko na lang sayo mamaya kapag natapos ko na. Baba ko na 'to. Baka hinahanap na ko ni Era sa loob." "Alright! Bye sissy." "Bye." And she ended the call right after. Bahagya ko pang inantay na mamatay ang ilaw ng cellphone ko bago ito nilagay sa aking bulsa. "Una na kayo. Susunod na lang ako." Paalam ni Ranz sa mga kaibigan. Halata sa mga ito ang pagtataka ngunit nang mapatingin sila sa aking gawi, tumungo sila kay Ranz at walang sabi-sabing umalis. Sinundan ko ang mga ito ng tingin subalit panandalian lamang lalo na't nakita ko ang paglapit ni Ranz sakin. "Manunuod ka?" Kuryoso kong tanong pagkuwa'y hinarap siya. Bahagya ko pang nahagip ang pagbawi niya ng titig sakin na isinawalang bahala ko na lang. "Yeah! I have a friends in both team. Hindi ko nga alam kung saan ako kakampi." "Pero isa lang naman ung school mo di ba? I think considering it will end your dilemma." His forehead creased upon hearing what I said. Mukhang hindi sang-ayon sa suhestyon ko. Umismid din siya at pinaningkitan ako. Saka ko lamang naintindihan kung bakit ganito ang reaksyon niya nang marinig ko ang kanyang tinugon. "So are you telling me to give my full support on my enemy's team?.. I don't think I can do that." Alam ko naman na hindi siya seryoso sa sinasabi niya yet I don't get why I'm being frustrated. I bit my lower lip and sighed. "That's not what I mean, Ranz." "Of course, I know what you mean. I'm just kidding." He uttered with a giggle. Humalukipkip ako. Pinakita sa kanya na hindi ko gusto ang kanyang biro. A ghost smile touched his lips as he barely licked it. My brows furrowed. Wondering why he look amused when I'm being serious here. "We should go inside." "I wonder how many confessions you had heard? You seemed fine with me." Aniya, hindi pinansin ang sinabi ko. Ganon din naman ang ginawa ko lalo na't alam ko na kung saan patungo ang usapan namin. "Hindi tayo pwede magsabay kaya mauna na ko sa loob." Paalam ko. Hindi pa muna kumilos dahil inaantay ko pa ang magiging tugon niya. Umismid siya at tinitigan ako. And the way he looked at me is like telling me that he know I'm dodging the topic. I protruded my lips innocently. Naramdaman ko rin na mukhang wala siyang balak magsalita kaya umamba na kong humakbang. "Mas mahahalata kapag hindi tayo nagsabay." He suddenly said that made me paused. I shifted my entire attention at him. "Iisipin nila na nag-usap talaga tayo at pinagplanuhan natin na hindi magsabay. We shouldn't do the obvious thing so let's both go there." I found out that Ranz has a point so I followed his lead without saying anything. Without knowing that it was the beginning of storm. A storm that will wreck everything I have. • • • • • •
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD