Chapter 19

3302 Words
MESS "Gusto mo?" Yaya sakin ni Era sabay abot ng hawak niyang Tortillos. Umiling ako. "Okay na ko rito." Tukoy ko sa milk tea na pabiro niyang ikinairap. "Hindi halatang favorite mo ung milk tea ah." I pursed my lips to stifle my chuckles then after a while, I shifted my gaze to the group of girls who just enter in the cafeteria. They wear a royal blue football shirt with white shaded part and 'raging bull" print. Hindi maipagkakailang maganda ang mga ito at mas napagtanto ko iyon nang umupo sila sa table na katabi lang nung amin ni Era. "What was his name again?" "Who?" "Yung Mirabueno from basketball team." Natigilan ako. Ganon din si Era na abala kanina sa pagkain pero biglang pumintig ang tainga nang may mapagtanto sa usapan ng kabilang table. "Achilles Mirabueno." "Kanina ka pa tanong ng tanong about do'n ah." "Bakit? Masama ba?" Hindi ko alam ang mga ekspresyon nila dahil naaaninag ko lang sila mula sa aking balintataw. Ayoko rin lingonin. Mahahalata lang nila na nag-ieavesdrop ako sa kanilang usapan. "Duh? Hindi mo ba narinig ang sinabi ni Jessa na may girlfriend na raw 'yon." "Eh ano ngayon? Asawa nga naaagaw, girlfriend pa kaya?" "Mukhang kailangan mo nang talian ang boyfriend mo," bulong ni Era habang naiiling. "Iba na talaga ang mentality ng mga babae ngayon." Hindi ako nagsalita. Walang ekspresyon ko lang siyang tinignan pagkatapos ibinaling ko ang atensyon sa grupo. Iba't iba ang naging reaksyon ng mga ito pero mas pinagtuonan ko ng pansin ang babaeng interesado kay Aki. She has a fair complexion like mine. Her highlighted hair is in messy bun and she looks like a barbie doll who turns into human. Maganda siya pero hindi ko alam kung bakit hindi ako nakaramdam ng kahit konting selos. Siguro dahil alam kong hindi siya ang tipo ni Aki. "You crazy bitch." The woman in her high ponytail uttered and it sounds like a compliment than insult. Nginisian niya lang ito pagkuwa'y ibinaba ang tingin sa hawak na cellphone. Nagsimula siyang magtipa ng kung ano roon. My phone on the table vibrated as well. Ito ang dahilan kung bakit panandalian akong natigil sa panunuod sa babae. Aki: where are u? Sandali pa kong natigilan para pag-isipan ang sagot. Me: cafeteria Aki: alright. otw. "He got a lot of followers in IG and it seems that his girlfriend was the daughter of AGS Co.." "Really? Eh di ba rival ung MGC at AGS pagdating sa hotel and commercial buildings?" "Patingin nga." At pinagkaguluhan ng limang babae ang hawak na phone ng kanilang kaibigan. Natigilan ako para isipin at alalahanin kung may pictures ba ko sa IG account ni Aki. So far, wala kong naalala na meron. Ang natatandaan ko lang ay binio niya ang pangalan ko. "s**t! He's here." Bulalas ng isa, ang mata ay nasa door one ng cafeteria. Bumaling ang mga kasama niya roon, ganon din ako. Nadatnan ko si Aki na nakapasok na at matamang iniikot ang mata sa paligid. Bago ko binagsak ang tingin, bahagya kong nahagip ang paglingon niya sa gawi namin. "Bakit?" Tanong ko kay Era nang mahuli ko siyang mariin akong pinapanuod. "Dalawang linggo ko nang napapansin na madalas kang tahimik at walang energy. May problema ka ba? Masama ang pakiramdam?" Umiling ako at ngumiti. "Hindi ka na nasanay sakin." "Hindi naman. Actually sanay na kong ako lang umuusap sa ating dalawa pero iba kasi ung aura mo nitong nakaraang linggo. Parang ang dami mong iniisip." Sa kabila ng pag-aalala ko na tuluyan niyang malaman ang totoo, hindi ko pa rin maiwasang humanga sa kaibigan. Sobrang honest niya sakin. Sana ganon din ako sa kanya. Sana katulad ko rin siya na kayang ilabas ang lahat ng iniisip, hindi nag-aalala sa mararamdaman ng kausap o sa sasabihin ng ibang tao. "Okay naman kayo ni Aki. Personal problem ba?" Usisa pa niya na hindi ko magawang sagutin. Ni hindi man lang bumuka ang bibig ko para magsalita. Nagsalubong ang dalawang kilay niya. Siguro dahil nakatitig lang ako sa kanya at alam niyang wala akong balak sumagot. Ramdam kong marami pa siyang tanong, nagpigil lang dahil sa pagdating ni Aki. Agad na lumipat ang tingin niya roon pati sa grupo sa kabilang table. Mula sa gilid ng aking mata, nakita ko ang pagbali ng leeg ng grupo habang pinapanuod si Aki na nilapag ang inumin sa mesa namin at nasa bakanteng upuan naman ang sports bag na dala. "May gusto ka bang kainin? Ako na bibili." Pagkausap ko sa kanya, ginagawa ang lahat para balewalain ang panay na pagtitig ng grupo sakin. Ganon din ang pakikiusyoso ng mga tao sa paligid. Umiling siya pagkuwa'y umupo sa tabi ko. "I don't have the appetite." Matipid akong tumungo at pinagtuonan na lamang ang inumin. Hindi na dinugtongan pa ang usapan. "Birthday nga pala ng pinsan namin bukas. Hindi ko pa ata nabanggit sayo ang tungkol do'n." Si Aki pagkaraan ng ilang sandali. "Sumama ka na rin." Sipat niya kay Era after niyang mahanap ang tingin ko. Mabilis siya nitong tinanggihan. "May inventory ako bukas. Hindi ako pwede." Halos nagmukhang hindi interesado si Aki sa naging sagot ni Era dahil sa agad nitong pagbaling sakin. 'Yung pinakita niya pa talaga na sagot ko lang naman ang gusto niyang marinig. Buti na nga lang, wala lang ito kay Era. Mukhang sanay na sa attitude ni Aki. "Saan ba?" "Sa bahay nina Aris. Kapatid niya ung may birthday." "Sige." At doon na nga natapos ang usapan namin sa araw na iyon. Pumirmi lang kami sa cafeteria ng ilang minuto pagkatapos diretso uwi na kami. Hindi na ko nagpahatid pa kay Aki lalo na't malayo ang bahay ko sa condo niya. Pagod din siya dahil naglaro pa siya ng no'ng tanghali. Kaya naman hindi ko na siya inabala pa kinagabihan. Kinabukasan, sabado ng umaga, nagpaalam na ko kay Nanay Edith na aalis ako mamayang gabi. At katulad ng madalas na nangyayari, pumayag agad siya ng hindi man lang ako inuusisa. Alam ko naman ang ibig sabihin nito pero hindi ko maiwasang magtaka kung bakit maluwag siya sakin nitong mga nakalipas na buwan. I felt like something is going on. At hindi maganda ang kutob ko para rito. "Hi Rain." Bati sakin ng mga nadaanang kakilala. Matipid akong ngumiti bilang tugon saka ipinagpatuloy ang pagpunta sa puwesto ni Aki. Nakaupo siya sa isa sa mga couch na nakapuwesto sa ground floor na nasa ilalim ng balkonahe. Ang tingin ay nasa mesa na pinapaligiran ng grupo ng mga lalaki at babae na naglalaro ng beirut. Kasama roon si Darius na halatang nag-ienjoy sa laro. Hindi ako sigurado kung ako lang ba ang nakapansin but I found Aris' house simple yet elegant. Binubuo lang ng dalawang palapag pero malawak ang sakop ng L-shaped mansion. May pool sa sentro na unique ang hugis pero proportional naman katulad ng apat na artificial pine trees sa bawat anggulo nito. Kaunti lang ang nakabukas na steady light kaya hindi ko alam kung ano ba talaga ang kulay ng pader. More on neon lights kasi ang ginamit para sa illumination. "Hindi ka na dapat nag-abala pa n'yan." Puna ni Aki sa gift bag na hawak ko. Eight pa ng gabi ang party kaya nagkaroon ako ng oras kanina para pumunta ng mall at maghanap ng regalo. Sinabi niya sakin na for 17th birthday daw ang party at okay naman kahit walang regalo. Though I still insist to buy. Ayoko naman kasi na pumunta ng empty-handed. "Simple gift lang naman 'to. Hindi naman siya naging abala para sakin." Paliwanag ko habang pasimpleng pinapasadahan ng tingin ang mga kasama niya. Hindi kasi pamilyar sakin ang mukha ng mga ito. Muli niyang tinignan ang gift bag na akala mo'y makikita niya talaga kung ano ang nasa loob. "Mamaya mo na lang ibigay kapag bumaba rito si Nadia." Tumungo ako pagkatapos umupo sa puwestong inilaan niya para sakin. May mga bote ng alak sa center table at dalawa roon ay wala ng laman. "Shot?" Yaya sakin no'ng isang lalaki sabay muwestra ng baso. "She's not allowed to drink." Si Aki na inunahan na ko sa pagtanggi. The man chuckled. "Overprotective!" He just gave him the lazy look then shifted back his attention to Darius' group. Kahit ako napalingon doon dahil sa bahagya nilang pagsisigawan. "Talo na!" "Tang ina! Ang daya." si Marky na ngayon ko lang napansin na kasama pala roon. "Hennessy! Hennessy!" The majority of group cheered him. May isa naman na kumuha ng bote ng Hennessy mula sa center table namin pagkatapos inabot ito kay Darius. Agad naman niya itong binuksan at tinaas para ibuhos sa kaibigan. The crowd screamed when Marky almost vomit the alcohol. Nagsalubong ang dalawa kong kilay. Hindi naman ito ang unang beses na nakapanuod ako. Actually naranasan ko ng mapunta sa ganyang sitwasyon. Matrip kasi si Winter eh. At ako ang madalas niyang binibiktima. Sobrang harsh naman kasi ni Darius. Pabuhos na nga ung way ng pagpapainom, tuloy-tuloy pa. Hindi ko tuloy maiwasang maawa kay Marky. "Nice one, dude." "f**k you!" He raised his middle finger and wiped his mouth afterwards. Tinawanan lang siya ng mga kasama na ikinadilim lalo ng ekspresyon niya. Tinungo niya ang puwesto namin kasabay ng pagdating ni Aris at dalawa pang pamilyar na lalaki, at pagsalubong ng tingin namin ni Darius. "Sali ka?" He smirked. "After what you did, she won't dare to join." The woman beside him mocked me. "Si Aki ang hindi papayag d'yan." Ani no'ng lalaki na nagyaya sakin kanina. Tumikhim ang babae at mabilis na umirap. "KJ talaga 'yang magjowa." Darius teased. I just pursed my lips while Aki didn't care at all. Abala lang siya sa pagsimsim sa alak niya na para bang iyon ang pinakainteresanteng bagay. Bumalik na rin naman ang mga kasama ni Darius sa laro nila pagkatapos. Siya naman ay tinabihan ang isa sa dalawang kasama ni Aris. It was Keiros, the USSG President of MIU. Ang isa naman sa pagkakatanda ko, River ang pangalan at pinsan din nila. "Himala! Lumabas ka ng lungga mo." "And I felt like I'm going to regret it." Keiros peevishly replied. "Sabi na nga ba! Tama ang nakikita ko." Entrada ng babaeng kakarating lang sa kinaroroonan namin. Ilang segundo rin ang lumipas bago ko siya tuluyang nakilala. Hindi pa nga ako sigurado kung siya ba talaga ung kapatid ni Aris. Mahaba kasi ang buhok niya sa display picture ng mga social media platform niya. Hindi katulad ngayon na shoulder length ang kanyang haircut. "Good to see you here, Kuya. Kailangan pala ng matinding pilitan para lang pumayag ka." "Kaya pala mukhang napilitan lang kasi totoo naman palang pinilit lang." Nawala ang atensyon ko sa nag-uusap nang kinuha ni Aki ang regalo sa lap ko. Hindi na ko nakapagtanong no'ng tinawag niya agad ang pinsan. Wala siyang sinabi nang liningon siya nito pero iminuwestra niya ang hawak na gift bag. Sapat lang para ipaliwanag kay Nadia kung bakit siya tinawag. "Galing kay Rain." Silip sakin ni Aki na hindi ko na napagtuonan ng pansin. Mas pinanuod ko kasi ang pagtanggap ni Nadia sa regalo ko at pagsubok nito na silipin ang loob. "Ow? Siya pala ung girlfriend mo." She uttered then her close set eyes found mine. "Thanks!" Matipid lang akong ngumiti at tumungo. Medyo awkward sa biglaang paglipat ng spotlight sakin. Good thing, sandali lang naman. Bumalik din ang mga ito sa sari-sariling business. After a couple of minutes, tumayo ako sa kinauupuan at umalis para kumuha ng inumin at pagkain. Wala pa sana akong planong kumain kaso aamba nang tatayo si Aki para kuhanan ako kaya ako na lang itong nagkusang loob. I don't want to bother him either. Kinakausap din kasi siya ng mga pinsan niya. Maraming delicacies ang nakahain pero carbonara, chicken teriyaki at fried fish fillet lang ang kinuha ko. Marami na ito para sakin kaya hindi ko maintindihan kung bakit pinuna iyon ng lalaking kasabayan ko sa pagkuha ng pagkain. "Tipid mo naman kumain." I glanced at him with confused expression. Nadatnan ko siyang kumukuha pa ng cordon bleu. I waited him to glanced back at me and barely explained why he talked to me out of the sudden. Hindi ko naman kasi siya kilala or maybe he know me? "Babae talaga. Masyadong maalaga sa figure." Ngiti niya, ang tingin ay nasa hapag pa rin. "Hindi naman. Ganito lang talaga ako kumain." Sagot ko saka tinigil ang pagtitig sa kanya. Napagtanto kong wala naman siyang balak gantihan ang tingin ko. Mahina siyang tumawa. The sound of it gives me the ease despite his offensive words. "That must be the reason why you're thin." "Uh..does I know you?" Hindi ko alam na itong tanong lang pala ang magiging dahilan ng tuluyang pagbaling niya sakin. "Are you asking me or yourself?" Napakurap ako habang ang mata ay nakadirekta sa kanya. Ngumiti siya. Hindi ko alam kung bakit pero para siyang nag-ienjoy sa usapan namin. I found him weird yet I get swayed by his nice expression. So I still chose to stay and talk with him. "I don't think it was the right question for me." "I mean, you know me?" "Yeah." Then he walked past me. Lumipat lang naman siya sa kanan ko kung saan nakapuwesto ang mga drinks. Nagsalin siya ng juice sa kinuhang baso. "I remember though that you're just elementary when I went to your house with Sky." Bahagya akong natigilan dahil hindi ko inaasahang para pala sakin ang juice na kinuha niya. Bukod pa roon, nagulat din ako sa diretsahan niyang pagkukuwento. "Kaibigan ka ni Kuya? Bakit hindi kita matandaan?" "Isang beses ko lang nakasama ang kapatid mo at dahil lang iyon sa project sa isang subject namin no'ng high school. You know your brother," he shrugged. "His path really far different compare to us." I nodded as agreement to his story. Although I can't believe that they look up at my brother from the start. Noong hindi pa ito sikat at sa school pa lang nagpiperform. Bigla ko tuloy namiss ang nakakatandang kapatid. It's been a year since we saw each other. Nag-uusap naman kami sa phone pero madalang lang. Hindi rin nagtatagal dahil maya-maya, tinatawag siya ng manager for certain purposes. "How about you? I heard, you chose to stay and study here over abroad. Ba't di ka sumunod sa tatlo?" "I couldn't find enough reason to leave. Besides, everything I need was already serve in my plate. I don't think...asking for more is necessary." "Even a little bit, you didn't change. You're still the humble and sweet girl from the past." He complimented with his usual nice smile. Hindi nga lang ito nagtagal dahil sa pagtabi ng pamilyar na bulto. "Are you done?" Malamig na tanong ni Aki sakin pagkuwa'y sinulyapan si Shan na biglang nangunot ang noo. "Manliligaw?" "Boyfriend." Aki immediately corrected. Shan's mouth swung open then he gazed at me with intriguing eyes. Mabilis akong nag-iwas ng tingin dahil hindi ko alam kung paano ko siya haharapin. Bukod sa nahihiya ako sa asal na pinakita sa kanya ni Aki, ramdam kong may alam din siya tungkol sa amin ni Kuya Sky. "I didn't know that you already have a boyfriend." Paniningkit niya sakin. "Now you know so stop hitting on her." "Aki." Agad kong saway sa nobyo. Iritado niya lang akong inismiran saka kinuha ang hawak kong plato. Hinayaan ko na lang siya sa gusto niyang gawin dahil ayoko ng dagdagan pa ang nagbabadyang away namin. Tinalikuran niya kami pagkatapos. Sabay namin siyang pinanuod ni Shan na nagwalkout. Mariin na lamang ako napapikit sa ideyang para siyang bata. "Hindi ka na nakuntento kay Sky." Si Shan na ipinagpatuloy lang ang sasabihin no'ng sinalubong ko ang titig niya. "Kumuha ka pa ng isa pang seloso." He chuckled perhaps when he saw how crumpled my expression was. "You should follow him." "Uh...buti pa nga." I sighed. Muli siyang ngumiti saka nagsimula na rin humakbang paatras. "See you around." Habol pa niya bago ako tuluyang tinalikuran. I just nodded and began to walk as well. Gustuhin ko man tumakbo para abutan si Aki, hindi naman pwede lalo na't may hawak akong juice. Imbes pinanuod ko na lang ang suplado niyang paglagpas sa mga pinsan para tumungo sa mesa na mukhang nilabas lang para sa party. "Rain, may tumawag sa phone mo." Ani Darius na s'yang dahilan para tumigil ako sa paglagpas sa puwesto nila at bumalik para i-check ang phone ko sa bag na naiwan sa couch. Akala ko naman seryoso siya. Napagtanto kong hindi nang akma ko ng bubuksan ang bag. "Sabi kapag nasasakal ka na, itigil mo na bago mo pa ikamatay." "Mentality catch 22." Marky laughed. Ang iba namang mga kasama ay nangingisi lang habang naiiling. Maliban kay Keiros na halatang hindi sang-ayon sa suggestion ng pinsan. It wasn't new to me since he's known for being rightful and smart. Siya rin itong hindi mapaghahalataan na Mirabueno dahil masyado siyang mailap sa mga babae. "Kapag nagbreak kayo ni Kitten, lagi mong tatandaan na dito lang ako. Palaging available para sayo." "What the f**k!" "Tuhogero ng taon ampota!" Humagalpak ng tawa si Darius. Hindi ko alam kung dahil ba sa naging reaksyon ng mga kasama o bahagyang pag-awang ng bibig ko or maybe both? I shut my mouth afterwards and just looked at him with plain expression. Hindi na inabala pa ang sarili na ipakita sa kanya ang pagkadisgusto ko sa kanyang biro. Kinuha ko na rin ang aking bag at nagpasyang tumuloy na kay Aki. Siguradong nadagdagan na ang pagkabadtrip nito dahil sa katagalan ko sa pagsunod. Nauna kong nilapag ang hawak na juice sa mesa pati ang aking bag bago umupo sa bakanteng upuan na katabi niya. Alam kong nilaan niya rin iyon para sakin dahil nakalapag ang plato ko sa mismong linya ng upuan. "Shan is just my brother's HS classmate. I hope, we're not going to argue about it." Mataman kong wika saka kinuha ang tinidor para simulan ng kainin ang pagkain. Hindi siya nagsalita o ginantihan man lang ang panititig ko. Kaya pansamantala ko munang inabala ang sarili sa pagkain habang inaantay na imikan niya ko. For the past months that we're together, I already used to his mood swings. Minsan nga nakakaligtaan ko pa na ako pala ang babae sa aming dalawa. Siya kasi itong madalas na mairita kahit konting problema lang. "Aren't you hungry?" Tanong ko nang mahuli ang pagsulyap niya. Subalit sa pangalawang pagkakataon, hindi siya nagpatinag. Nagpatuloy pa rin siya sa pag-iignora sakin. Umusog ako ng konti sa kinauupuan para humarap sa kanya. Hinuli ko ang kaliwang panga niya para sana kunin ang tingin niya ngunit inilayo niya lang ito sakin. "Are we having a fight?" I asked as I tried my second attempt to soothe him through caressing the back of his head. "Are you hiding something from me?" He shot back which I found irrelevant to our current issues. It was the reason why my forehead creased in confusion. "What are you talking about?" Isang marahas na singhap ang pinakawalan niya bago siya nag-iwas ng tingin sakin. "Nagsasawa ka na ba sakin?" Aniya sa mahinang boses. My eyes widened in shock. "What?! No, of course not, Aki." Hindi makapaniwalang sambit ko. Hindi ko talaga kasi inaasahan na maririnig ko ang bagay na ito mula sa kanya. "How can you say that? It was...it was..something that I'm not going to feel towards you." "Nothing. It's just you seemed strange these past few weeks." He said that extremely wake me up. Saka ko lamang napagtanto na ganito na pala ko kahalata. Hindi ko alam kung bakit kasalungat ng sinasabi ko ang ginagawa ko. Sobrang hirap din pala magkunware. Sobrang hirap magpanggap na hindi ako nasasaktan. At higit sa lahat, naguguluhan na ko. Sobrang gulo na hindi ko na alam kung ano ang paniniwalaan ko. • • • • • •
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD